Home / Romance / Blazing Desire / Chapter 01: Rafael, the protector

Share

Blazing Desire
Blazing Desire
Author: clarie

Chapter 01: Rafael, the protector

Author: clarie
last update publish date: 2026-11-12 13:51:02

Talia's POV

 

Mararamdaman mo sa ilalim ng mga paa mo ang dagundong ng sahig dahil sa tugtog at talunan ng mga nasa paligid; may nagsasayaw, tumatawa, at may nakikipag lampungan. May umaalingawngaw na musika at may mga taong nagsasayang ng pera sa alak. Tipikal ko nang nararanasaran sa lugar ng pinagtatrabahuhan ko.

 

Napangiwi nalang ako habang pinapanood ko sila sa isang sulok ng lugar, as usual ay hawak ko ang tray na ginagamit ko lang kapag may umoorder. Tignan mo ‘tong mga taong to, pwede naman silang magparty sa loob ang ng bahay nila o bumili ng alak sa tindahan para mas mapamura pero pupunta pa sa isang expensive na club para ano? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nilang gumastos para sa kung ano man hindi mahalaga eh pare-pareho lang namang suka ang bagsak nila kapag nasobrahan sa alak.

 

“Ano nanaman kayang laman ng isipan nito?” tila pasaring ng kasamahan kong waiter na si Nando.

 

Matangkad siyang lalaki at payat, yung parang si tungtung sahur.

 

“Kung paano ako makakapulot ng isang milyon ngayong gabi,” pagsinghap ko.

 

May nagtaas ng kamay na customer, nasa round sofa sila at puro lalaki ang kasama. Umalis ako sa pagkakasandal sa pader. Lumakad ako patungo sa table nila at binigyan sila ng malapad na ngiti.

 

"Yes po, sir?"

 

Bumaba ang tingin ng lalaki mula sa mukha ko patungo sa dibdib ko, saka siya ngumisi. Bahagyang nabura ang ngiti ko sa labi, malamang kitang kita niya ang tambok niyon dahil sa bukas ang butones ng uniform namin hanggang sa dibdib; utos ng manager. 

 

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko, mapungay na kaya alam kong may tama na ''yon. "We want a margarita, moscow mule, and 2 glasses of martini." 

 

"Coming right up, sir!" 

 

Umalis ako agad, at agad ding nabura ang ngiti ko nang talikuran ko sila. Nakakainis. Andami talagang lalaking bastos, mga walang magawa sa buhay. Malamang may mga pamilya pa na inuuwian yon, itsura palang kasi at mukhang mapapanot na. Ewan ko nalang kung hindi karmahin ang mga anak nilang babae.

 

Lumapit ako sa bar table at padabog na nilapag doon ang tray. “Isang margarita, isang Moscow mule at dalawang martini,” paglalahad ko.

 

“Woah, wala akong kasalanan sa'yo ah!" patawa-tawang sabi ni Kris habang inuumpisahan na ang inorder ko.

 

"T*ng*n* kasi nung lalaki don e, manyakis!"

 

"Bakit, anong ginawa sa'yo?" tanong pa ni Kris.

 

"Kung makatingin sa dibdib ko parang luluwa yung mga mata e."

 

"Well...men." Napabuntong hininga nalang si Kris at nagkibit-balikat.

 

Habang naghihintay ako sa tinitimpla ni Kris, napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang lalaking nakaupo sa high chair. Nakalingon ito sakin habang may hawak na scotch. Nilingon ko siya. Balbas sarado siya, kulot ang magulo niyang buhok, pero maayos naman yung suot niyang formal attire. Eto nanaman ang isa sa mga lalaking nakatitig sa s*s* ko.

 

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Anong tinitingin-tingin mo?"

 

Tumikhim ang lalaki. "I am just thinking, if you close your shirts up, no one would look at you that way."

 

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko; hindi dahil sa malalim niyang boses ha, kundi dahil sa sinabi niya. Anong karapatan niya para pakelaman ang pananamit namin? Isa pa, choice ba namin to? Choice ko ba to?

 

"Excuse me po, sir, kung bastos ang mata ng lalaki, bastos ang iisipin nila. Wag niyo pong sisihin an uniporme ko, pointless po kayo."

 

"Huy, customer yan," pabulong na puna sakin ni Kris.

 

Umirap nalang ako. Nilagay ko ang mga drinks sa tray bago ako naglakad pabalik doon sa mga lalaki. Lalo lang pala akong mapipikon doon, pakelemero kasi masiyado.

 

"Sir, your drinks po." Marahan kong nilapag lamesa nila ang mga basong order nila.

 

"Thank you." Sabi nung isang lalaking pinakamalapit sakin.

 

"Always po, sir, tawagin nyo nalang po ako pag may kailangan po kayo."

 

"Hmm, is that so?" Marahang tumango-tango ang lalaki. "Then why don't you just stay here, para madali sating lahat na kapag may kailangan kami?"

 

Lumunok ako nang mariin. Anglagkit ng tingin nila sakin, may mga nakakalokong ngiti sa labi. Nakakadiri. Wala na talagang pagbabago, lahat ng lalaki ay ganito. Mga bastos. Mga walang kwenta.

 

Pinilit ko parin ipakita ang ngiti. "Pasensya na po, hindi po kami pwede i-table."

 

"Hindi ka naman namin tinetable." Tumawa nalang malakas yung lalaking nasa dulo. "Let's just say you can be our personal waitress tonight."

 

"Hindi po talaga pwede, pasensya na po."

 

Tumalikod na ko. Lumalabas ang ugat ko sa kamay dahil sa diin ng pagkakahawak ko sa tray. Nag-iinit ang mga mata ko pero napigilan kong tumulo ang mga luha ko. Sanay na ko pero letse, anglakas parin ng kabog ng dibdib ko.

 

Hindi pa ako nakakaalis nang may humawak sa braso ko na siyang nagpatigil sakin. Iyon yung lalaking nakatingin sa dibdib ko kanina. Tumayo siya at hinarangan ang daan ko. Hindi ko inalis sakanya ang tingin ko, dahil baka kung anong kabastusan ang gawin niya sakin.

 

Naglabas siya ng wallet, makapal ang pera na kinuha niya mula roon. Tinupi niya 'yon sa apat saka inipit sa pagitan ng damit at dibdib ko. Maraming nakakakita samin pero para silang mga bulag na walang ginagawa habang yung mga kasama niya naman ay napapatawa lang.

 

Pinagdikit ko nang mariin ang mga ipin ko. Nakakuyom na ang mga kamay ko at handa nang manapak. Parang lumalabo na ang mga nasa paligid ko.

 

Bago pa man ako nakagawa ng masama ay napaatras na ako nang bumagsak nang bigla ang lalaki sa sahig dahil sa malaking kamay na tumulak sakanya. Maraming napahinto at tinignan ang kinaroroonan namin, humina rin ang tugtog bigla ng DJ dahil samin nakatingin.

 

Nilingon ko ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Kalmado ang mukha niya maliban sa matalim niyang tingin sa lalaking nakaupo sa sahig.

 

"What the..."

 

Gaganti na sana yung mga kasama ng lalaki. Buti nalang may mga tumakbong bouncer at inawat ang mga lalaki, kahit pumipiglas sila hindi sila makaalis sa hawak nung mga bouncer. Pero yung lalaking nasa gilid ko, ni hindi nila mahawakan.

 

"Ilabas niyo na yang mga yan, don't let those faces enter this club ever again."

 

"Opo sir."

 

Nagkunot ako ng noo, anggalang naman ng mga bouncer namin sakanya. Alam kong hindi siya ang may-ari ng club dahil nakita ko na ang owner ng club. San namang lumapalop ng mundo nanggaling 'tong matandang 'to?

 

May sinisigaw pa ang mga lalaking pero hindi ko na marinig dahil nilakasan na ulit ng DJ yung tugtog. Yung matandang lalaki naman, tinalikuran na ako at bumalik sa bar table.

 

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Angbilis kasi ng mga nangyari. Ngayon lang din na may nagtanggol sakin.

 

"Uy ayos ka lang?"

 

Kumurap-kurap ako at tila nabalik sa katinuan nang lapitan ako ni Nando.

 

Hinawakan ng isa pa naming kasamang waiter na si Ikong ang balikan ko. "Gusto mong resbakan namin?"

 

Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko. Mas maliit ito sakin, malaki ang tiyan, at mukhang fried chicken ang mga braso niya. Sa katawan niya, baka buhatin lang siya nung mga lalaking nambastos sakin.

 

"Sana kanina pa kayo tumulong," marahas kong sabi. Hinila ko sa kwelyo si Nando para magsalita sa tainga. "Sino yung lalaking balbas sarado?"

 

"Hindi mo kilala yon?"

 

"Malamang, kaya nga ako nagtatanong!"

 

Bahagyang natawa si Nando. "Si Sir Rafael, pinsan ng may-ari nitong club."

 

Tumang-tango nalang ako. Nilayasan ko na silang dalawa. Bumaik nalang ako sa trabaho ko, pilit ko nang kinalimutan yung nangyari. Maya-maya rin akong napapatingin sa pwesto nung lalaki sa bar table, abala siya sa cellphone habang nag-iinom mag-isa.

 

Isang oras pa ang nakakalipas nang nakita ko yung lalaki na palabas ng club. Kusang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya, siguro dahil alam ko sa sistema ko na kailangan kong magpasalamat sakaniya.

 

Umabot ako sa labas kakasunod sakanya. Nakita ko siya sa gilid ng club na sumusuka sa mga halaman doon. Shit. Baka mamatay yung mga halaman.

 

"Sir!" Tumakbo ako palapit. Hinagod ko ang likod niya habang nagsusuka parin siya pero napapairap ako habang ginagawa 'yon. Who would have thought na lasing na pala siya kanina? Anlakas pa niya kanina.

 

Natutumba-tumba siya nang subuksan niyang tumayo, kumapit siya sa pader para hindi siya tuluyang matumba.

 

"I'm fine." Hinawi niya ang braso ko na nasa likod niya. Salubong ang kilay niya nang lingunin niya ako. "What are you doing here?"

 

"Gusto ko lang po magsalamat."

 

"Ahh..." Huminga siya nang malim. "You're welcome then."

 

Bumitaw siya sa pader, halos matumba siya ulit pero nasalo ko naman siya sa beywang. S***a, mabigat pala siya.

 

"Sir, kaya niyo pa po ba?"

 

"Yeah." Tumayo siya ulit, tinulak niya ulit ang mga kamay ko palayo. "Go back inside and do your job."

 

"Umupo po muna kayo..." Hinawakan ko ang braso niya habang ang isang braso ko ay nasa beywang niya para alalayan siyang umupo sa sahig. "Kukuha ko ho kayo ng tubig."

 

"Hey don't..."

 

Hindi ko na siya pinakinggan. Tumakbo ako agad papunta sa employee's room at doon ako kumuha ng isang basong tubig.

 

"Huy, san mo dadalhin yan?" pahabol na tanong samin ng isa pa naming kasamang waitress na si Lea, nag-aayos palang ata para mag shift.

 

"Dyan lang!" tugon ko habang naglalakad na ako palabas.

 

Buti naman at hindi nga umalis yung lalaki. Nakaupo lang siya doon, halos bagsak na ang ulo. Agad akong lumuhod sa harap niya.

 

"Sir, tubig po."

 

Hirap niyang inangat ang ulo niya. Kinuha niya ang tubig na inaabot ko para uminom doon.

 

"Salamat."

 

Pinagpag niya ang ulo niya bago siya tumayo. Sinundan ko lang siya ng tingin nang pagewang gewang siyang naglakad hanggang sa makaabot siya sa isang pulang sasakyan. Tf. Magdadrive siya?

 

Sumunod ako sakanya at pinigilan siya sa pagbukas ng p***o. "Kaya niyo ho ba mag drive?"

 

"Of course."

 

Nagtaas ako ng kilay. Makatayo nga nang deretso hindi niya magawa, magdrive pa?

 

"Ako na po maghatid para po sa inyo."

 

"No need."

 

Inagaw ko ang susi sa kamay niya saka ko maingat na sinara ang p***o ng driver's seat. "Konsensya ko po kapag may nangyari sainyong masama."

 

"Give me back my keys, young woman."

 

"Wag po kayo mag-alala, hindi ko kayo kikidnappin, gusto ko lang po kayo makauwi nang maayos."

 

Nagtitigan kaming dalawa. Parang walang gustong pumutol ng tinginan namin, nagmamatigasan. May ngiti lang ako sa labi para naman mapansin niyang wala akong balak magpatalo. Ayokong magkautang na loob kahit kanino noh.

 

"Fine," singhap niya.

 

Napataas nalang ang mga kilay ko. Binuksan ko ang back seat para sakanya at hinayaan na siyang pumasok doon.

 

"Dyan lang po kayo ah, kukunin ko lang po mga gamit ko," paalam ko habang nilalagyan siya ng seat belt.

 

"You're taking my keys?" reklamo niya.

 

"Opo, baka kasi iwan nyo ko."

 

Umasik siya habang sinasandal ang ulo niya. "Ako nga ang iniwan."

 

Natawa ako bigla habang nilalagyan ko siya ng seat belt. At humugot pa nga siya.

 

Iniwan ko na muna siya at bumalik sa loob ng employee room. Nagbihis ako ng damit. Hindi ko na tinapos ang shift ko, mag oovertime nalang ako next time. Bahala na kung mapagalitan

 

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Kris, kumakain siya ng sisig, breakitme niya.

 

"May emergency lang, ikaw na bahala kay sir Lindon ha."

 

"Sige," sagot niya.

 

Umalis na ako agad bago pa ako maabutan ng supervisor naming si Sir Lindon. Bumalik ako sa sasakyan. Pagdating ko doon tulog na yung lalaki.

 

"Sir," marahan kong tawag sakanya.

 

Hindi siya sumagot, tulog na nga ata. Paano ko naman malalaman kung saan siya dadalhin? Hindi niya naman siguro ako kakasuhan for invasior of privacy kung titignan ko gamit niya noh?

 

Napakagat ako sa kuko ko habang tinitignan yung maliit na compartment. Baka kasi may ID siya doon pero hindi naman ata tamang mangeelam ako doon. Kaso nag offer na ako mag drive e. Hay nako.

 

Tinignan ko siya mula sa rear mirror. Mula sa loob ng tux niya ay bahagyang nakalabas yung wallet niya. May ID naman siguro siya doon noh? It's not as if pagnanakawan ko siya.

 

Ah! Vivideohan ko nalang ang sarili ko tapos isesend ko sakanya para malaman niyang hindi ko siya pinagnakawan.

 

Nilabas ko ang cellphone ko, sinet up ko yon samay manibela, at hinit ko ang record. "Ito po sir ha, titignan ko lang po address mo sa ID mo. Hindi po ako masamang tao."

 

Kinuha ko ang wallet sa loob ng tux niya. Binuklat ko iyon, pagbuklat ko palang, tumambad na ang litrato na nakalagay doon. Toga picture ng isang babae. Hinding hindi ko makakalimutan ang makinis at marenang na balat ng babaeng ito; ang makakapal niyang kilay at pilik-mata; ang matangos niyang ilong; at ang mala-brat doll niyang mga labi.

 

Yung babaeng nasa picture...

 

Ang babaeng umagaw sa kaisa-isang lalaking minahal ko sa talambuhay ko.

 

[To be continued...]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blazing Desire   Chapter 03: The Angel and The Devil

    Talia's POV"I'm Raf by the way," pagsasalita niya.Nasa daan lang ang mga mata ko habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko. "Alam ko po.""Do you have a driver's license? The car was parked good last night.""Opo.""You have a car?"Napangisi nalang ako sa utak ko. Panggrocery nga kulang kulang, pambili pa ng sasakyan."Wala po.""How'd you get your license?""Kinailangan lang po dati. Nagtaxi driver po kasi ako."Ah yeah, naalala ko nanaman. Isa 'yon sa mga unang trabaho ko. Nakakatawa nga ang history ko doon. Nakipag-away kasi ako sa customer kaya tinanggal ako."Wow, how long have you been working?"Interview ba ito? Letse, parang nakipag blind date lang ako ah.Bumuntong hininga parin ako para masagot ko ang tanong niya. "Hmm, mga 6 years po.""And how old are you?""24 po.""Ow..."Bahagya siyang natigilan base sa replesyon niya sa bintana. Nakatutok siya sa daan. Yung isang kamay niya lang ang nagnanavigate sa manibela habang nakasandal sa bintana yung isang braso niya.Ilang

  • Blazing Desire   Chapter 02: Talia's Past

    Talia's POV (2 years ago)"Asan, asan yung g*g*ng yon?"Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng motel. Yung kaibigan ko kasing si Kim, sigaw nang sigaw. Hindi naman kaya ng dalawang kamay ko na hilain ang naglalakihang braso niya at kahit ipagpilitan ko mang hilain siya ay ako parin ang nahahatak niya.Si Kim kasi ay nakitang pumasok dito ang boyfriend kong si Luis kasama ang isang babae kaya naman pinapunta niya ako para raw harapin ang dalawa. Hindi na sana ako nagpunta. Mas lalo lang ako natatakot.Nakakahiya at natatakot din akong alamin ang totoo. Pinagdadasal ko sa lahat ng santo na namalik mata lang ang kaibigan ko, kasi hindi ko kakayanin kung sakali. Mula high school ay magkarelasyon na kami ni Luis, that's 8 years. Hindi niya naman siguro itatapon yon nang gan'on gan'on lang diba?"Sis, tama na, umuwi nalang tayo," pagpupumilit ko sakanya."Ay hindi!" Hinawakan ni Kim ang palapulsuhan ko at doon ako hinatak na para bang batang pinipilit puma

  • Blazing Desire   Chapter 01: Rafael, the protector

    Talia's POVMararamdaman mo sa ilalim ng mga paa mo ang dagundong ng sahig dahil sa tugtog at talunan ng mga nasa paligid; may nagsasayaw, tumatawa, at may nakikipag lampungan. May umaalingawngaw na musika at may mga taong nagsasayang ng pera sa alak. Tipikal ko nang nararanasaran sa lugar ng pinagtatrabahuhan ko.Napangiwi nalang ako habang pinapanood ko sila sa isang sulok ng lugar, as usual ay hawak ko ang tray na ginagamit ko lang kapag may umoorder. Tignan mo ‘tong mga taong to, pwede naman silang magparty sa loob ang ng bahay nila o bumili ng alak sa tindahan para mas mapamura pero pupunta pa sa isang expensive na club para ano? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nilang gumastos para sa kung ano man hindi mahalaga eh pare-pareho lang namang suka ang bagsak nila kapag nasobrahan sa alak.“Ano nanaman kayang laman ng isipan nito?” tila pasaring ng kasamahan kong waiter na si Nando.Matangkad siyang lalaki at payat, yung parang si tungtung sahur.“Kung paano ako maka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status