Share

Blazing Snow
Blazing Snow
Author: Ms_Jane

Chapter 1

Ezekiel Ruzh 

"Woy, Ruzh, let's go na," nagmamadaling yaya sa akin ng kaibigan kong si Mae. 

Napagkasunduan naming manood ng basketball sa covered court ng St. Benedict Academy. Sime-finals ngayon at magkalaban ang department ng Business Administration at ang Education Department. Ang mananalo ang siyang makakaharap ng Engineering Department para sa championship round bukas.

30th-year foundation ng Academy kaya may mga palaro, booths at kung anu-ano pang mga pakulo ng bawat department ng St. Benedict Academy.

"Oo na, ito na nga." Tugon kong ibinalik sa maliit na pouch ang hawak kong lip balm bago muling humarap sa salamin at inayos ang salaming suot.

"Halika na. Nagmessage na si Karla. Nasa court na raw sila at may upuan nang para sa atin." Nagmamadaling muling turan nito kaya naiiling na sumunod na lamang ako dito palabas ng dorm namin.

If I know, gusto lang nitong makita si Brent, ang team captain ng BSBA team.

"Gusto mo lang masilayan si Brent, eh, " tukso ko rito na ikinasama ng mukha ni Mae.

"Ewan ko ba sa manhid na iyon. Iba yata ang gusto kaya humanda sa akin ang babaing liligawan no'n, " tugon nitong nakasimangot pa na lubos kong ikinatawa.

Ilang minuto rin kaming naglakad bago nakarating sa covered court kung saan halos puno na ang mga bleacher. Hindi na rin halos magkamayaw ang bawat supporter ng magkabilang panig sa kasisigaw dahil nagsisimula na ang first quarter ng laro.

"Mauna ka na at hanapin sina Karla. Punta lang ako sa comfort room. Message mo na lang ako kung saan kayo banda." Turan ko bago tumalikod at hindi na hinintay ang tugon nito. 

Nagmamadaling tinungo ko ang comfort room. Kung bakit naman kasi ngayon pa ako biglang nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaagad akong pumasok sa girls comfort room at kaagad ding lumabas pagkatapos kong magawa ang dapat. Eksaktong nakalabas na ako ng CR nang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng dala kong maliit na shoulder bag. Kinuha ko iyo at binasa ang message na galing kay Mae. Dahil nakayuko ako at abala sa pagtipa ng reply para sa kaibigan ko ay hindi ko napansin ang lalaking aking makakasalubong.

"Ouch!" Daing ko nang bumagsak ang pangupo ko sa malamig na semento. Inis akong tumingala para tingnan kung sino ang walang-hiyang nakabunggo sa akin para lamang matigilan at napatitig dito. 

"I'm so sorry, Miss," turan nito na nagpabalik sa akin ng naglakbay kong katinuan.

Napakurap ako ng tatlong beses bago napalunok.

"Bakit kasi hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo?" inis kong singhal dito para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman. Ghad, nahuli niya kaya akong nakatunganga sa kanya? Nakakaloka. Paano kung nakanganga pa pala ako habang nakatulala sa kanya? 

Jusko po, nakakahiya ka, Zeki...

"Excuse me, Miss as far as I know, ikaw ang hindi nakatingin sa dinadaanan mo dahil busy ka sa cellphone mo. Look, I tried to avoid you pero mukhang nananadya ka na kung saan ako gagawi ay doon ka rin." mahabang turan nito na ikinatanga ko.

Wow, is this the end of the world?

"Ay, ganoon ba? Ako pala ang may kasalanan. Sorry," nakangiwing tugon ko dito. "Pero ano'ng mayroon sa araw na ito? You talked, my god. You really talked—you just did!" Namimilog ang mga matang dugtong ko. And, what shocked me even more was when he smiled at me...err, it was just a little but still it's a miracle. His lips curved a little and it is still a smile, my ghad!

"Of course, I talked...I can talk, I mean. I ain't a mute, Miss," tugon nitong may dumaang saglit na amusement sa mga mata nitong deep set at may malalagong mga kilay, pilik matang mahahaba at malalantik.

Hindi ko napigilang hindi mapasimangot dahil doon. Bakit ba mukhang sinalo nito lahat ng biyaya? Drum yata ang dala ng nanay nito noong magpasabog ng biyaya si Papa God, kaya nasalo nito ang lahat.

Matangkad ito, moreno at makinis ang balat. Matangos ang ilong at malago ang buhok na bahagyang alon-alon. Natural namang mapupula ang mga labi nitong bahagyang pouty. 

Ang sarap lantakan.

Napangisi ako sa aking naisip.

Hindi kalakihan ang katawan nito pero hindi rin payat. In short, he's perfect!

"Done checking? Did I even meet your standards, Miss?" tanong nitong ikinangisi ko.

"Yhup. Perfect 100 ang score ko sayo." tugon ko na gumuhit pa ng check sa hangin na ikinatawa nito.

Muli na naman akong napatunganga dahil doon.

"You laughed?" hindi makapaniwalang turan ko na ikinatigil nito at amused na tumingin sa akin bago naiiling na nag-abot ng kamay.

"You're crazy. I'm Terence—

"Terence Angelo Montojo and I'm Ezekiel Ruzh Falcon". agaw ko sa sasabihin nito sabay abot sa kamay nitong naka-angat para makipagkamay sa akin. 

"You know me?" tila hindi pa makapaniwalang turan nito.

"Yah. Of course. Who wouldn't —

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mula sa kung saan ay may tumawag dito. 

Well, it was the bitchy-witchy girlfriend wannabe named Chanda Brava. 

"Hey, I was waiting for you all along and you're just here lang pala." maarteng turan nito kay TA sabay tingin sa akin mula hanggang paa. Hindi pa nakontento at kumapit pa ito sa braso ni TA na blanko naman ang mukhang nakatingin lang dito.

Dukutin ko kaya mga mata nito at pagulongan sa pison?Hmp, nakakaloka...

Napaismid ako rito bago muling bumaling kay TA at buong tamis na ngumiti rito.

"Bye, TA." Nakangiting turan ko dito sabay irap sa bruha na tila lazer ang mga mata kung makatingin sa akin. Akala mo naman kung sinong maganda. Tsk! 

Pakembot akong naglakad palayo sa mga ito and I even heard Chanda said something like "Bitch".

Napangisi ako dahil doon...

Well, I'm Ezekiel Ruzh, the prettiest yet craziest bitch in town. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status