Abala kami sa pagtingin ng mga nakasabit na kung ano-anong abubot sa booth ng DAS or Deparment of Arts and Sciences nang biglang may bumangga sa akin na muntik ko nang ikatumba.
Seryoso? Anong mayroon sa araw na ito at paborito yata akong banggain ng mga walang matang mga nilalang na ito?
"What the hell?" Sikmat ko sa nakabangga sa akin at tinapunan ito ng matatalim na tingin para lamang matigilan."Ikaw uli?".
"You,..hey." Napapakamot sa ulong turan nito na ikinasinghap ng mga kaibigan kong tila yata naasinan ang mga tumbong. Bukod sa ang lapad ng mga ngiti nila ay panay pa ang kalabit at siko ng mga ito sa isa't-isa.
"I'm sorry, I didn't mean to— I mean, alright, it's my fault this time so quits na tayo." Tuloy-tuloy na turan nito bago pa man ako muling makapagsalita.
"Okay, quits." Tugon ko sabay kibit-balikat at muling itinuon ang pansin sa hawak kong maliit na key chain. It was a pile of books at ang cute nitong tingnan. P'wede kong palagayan ng personalized name kung gugustuhin ko.
"Hindi mo yata kasama ang gwardiya-sibil mo ngayon?" Narinig kong tanong ni Karla dito. Sinulyapan ko ito at hinintay ang sagot nito.
"Gwardiya-sibil?" Clueless na tanong nito kay Karla.
"Si Chanda ang tinutukoy niya". Tugon ni Kaye.
"This is not her type of hang out." Natatawang sagot nitong ikinatanga ng tatlo.
"Marunong ka palang tumawa?" Tila naguguluhang untag ni Mae dito.
"But of course, bakit pareho kayo ng reaction ni Ez?" Tugon nito na ikinakunot na naman ng noo ng tatlong bruha.
"Ez? The who?" Tanong ni Kaye.
"Oo nga, sinong Ez?" Sabad ko sabay balik ng hawak ko sa sabitan nito.
"Ikaw." Tugon nito sabay turo sa akin.
"Ako? As in me?" Gulat na tanong ko." Bakit Ez?"
"Short for Ezekiel, sounds cute, right?" Tugon nito sabay baling sa mga kasama ko na tila ba nanghihingi ng saklolo ng pagsang-ayon sa mga ito.
Sabay-sabay namang tumango ang tatlo na tila kilig na kilig kaya hindi ko mapigilang mapairap sa gawi ng mga ito.
"Sumama ka na lang sa amin mag food trip." Yaya ko dito bago ko hinila sa braso.
"Whoa, may pag hila". Tukso ni Kaye.
Bigla naman akong natigilan dahil doon at namumulang binawi ang kamay kong nakahawak sa braso nito.
"I'm sorry." Hinging-paumanhin ko dito na tinugon lang nito ng amuzed na tingin at pagkibit ng balikat.
"Tara na." Patay malisyang sambit ni Kaye sabay hila sa dalawang panay ang ngisi sa akin.
"What?" Hindi ko napigilang sikmat.
"Wala, sabi ko nga let's go na." Pigil ang ngiting sagot ni Karla at nagpatiuna nang naglakad kasunod ng dalawa.
Ilang minuto pa ang lumipas ay masaya na kaming nag iikot ikot sa mga food stalls na nasa paligid at tila yata walang kabusugang lahat ng makitang pagkain ay tinitikman.
And did I mention na he loves eating pala? My god, sorry to say this pero ang takaw niya.
"Tommorow na ang championship game, goodluck T.A". Turan ni Mae habang hawak sa kamay ang siomai na kinakain nito.
We are sitting in front of a Siomai stand at nagpapahinga habang kumakain. Nakakapagod ang umikot ng umikot idagdag pa ang tingin ng mga kababaihan sa amin dahil well, kasama lang naman namin ang itinuturing nilang hottie crush ng campus na pinapangarap ng lahat na makasama kahit saglit man lamang.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na kasama namin ang isang Terence Angelo ngayon o hindi dahil siguradong makakarating ito sa gwardiya-sibil nito bukas. Hindi dahil natatakot akong makarating dito kaya ako nag aalala kundi dahil ayoko ng gulo lalo na kung si Chanda ang sangkot.
Nakakawala ng katinuan ang babaing iyon.
Napaismid ako dahil sa aking naisip at hindi sinasadyang tinusok na may kasamang gigil ng hawak kong maliit na stick ang siomai na nasa harap ko.
"Hey, are you alright?" Nagulat pa ako nang bigla nito hawakan ang kamay ko na tila pinipigilan ako.
Napatingin ako sa siomai na nasa harap ko at hindi ko napigilang mapangiwi nang makita ko ang kaawa-awang sinapit ng walang kalaban-labang siomai.
Nagkandahiwa-hiwalay ang landas ng mga ito.
"Hindi lalaban sa'yo yan, Ruzh." Nakangising turan ni Karla.
"Tssee". Inis na sikmat ko dito sabay tingin sa katabi kong takang nakatingin sa akin. "Nothing, just don't mind me, may naalala lang akong nakakagigil sa pinanood kong movie". Turan ko dito.
"Are you sure?" Tanong pa nito.
"Yeah, I'm fine." Tugon na muling tiningnan ang tatlo na naghahagikhikan." Kalbuhin ko kaya kayong tatlo, how would that be?" Nandidilat ang mga matang turan ko sa mga itong tila wala naman yatang pakialam sa inis ko.
"Suportahan ka namin bukas". Walang prenong turan ni Kaye na sinang ayunan pa ng dalawa at nang sabay na tumingin ang mga ito sa gawi ko pati si Terence ay napataas ang kilay ko.
"What?" I asked sabay inom ng juice sa baso ko.
"We'll support him tommorow, right Ez?" Tugon ni Karla na ipinagdiinan pa ang salitang "EZ" na ikingiwi ko.
"No, I'm on Brent's side." Straight na tugon ko sabay tingin sa gawi ni Terence." I'm sorry, you can have their support tommorow but I'll support Brent." Turan ko dito.
Saglit itong natigilan at may dumaang emosyon na hindi ko mawari sa gwapong mukha nito.
Wow, gwapo daw so aminado kang attractive nga siya?
Pang iinis ng isang bahagi ng utak ko.
Wala naman akong sinabing pangit siya ah.
So, gwapo nga?
Oo na, gwa-
Teka nga, napapadalas yata ang pakikipag-away ko sa sarili ko ngayong araw na ito, dyos ko nababaliw na ba ako?
"Okay, let's have a deal then". Tugon nito na deretsong nakatingin sa mga mata ko kaya wala sa loob na napainom ako ng juice dahil nanuyo yata ang lalamunan ko sa tingin nito.
"Ano namang deal 'yan?" Tanong ko.
"You'll support him but if we won, you'll stay away from him." Seryosong turan nito.
Wala sa loob na napahawak ako sa batok ko dahil tila yata may sumabog na dinamita sa utak ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi nito.
Ano daw? Bakit may stay away from him tsutsu?
"Wait, what? Paki paliwanag nga 'yung stay away from him sa deal?" Tanong ni Kaye na kagaya ko ay naguluhan din.
"Pag nanalo sila, I'll be the one to stay away from you but if we won, you'll do the other way around." Simpleng tugon nito na tila lalo yatang nagpakulot ng braincells ko.
"Bakit may stay away? Ano ba kita?" Deritsong tanong ko dito.
"I'm your new found friend and your new gwardia civil." Tugon nitong tila balewala lang dito ang sinasabi at ipinagdiinan ang salitang guardia civil.
Wala sa loob na napatitig ako dito at napatango na tila hindi mapakag isip ng maayos.
New found friend at may pa stay away na kondisyon? Sa totoo lang hindi ko makuha kung ano ang konek pero sige, alam ko namang mananalo ang BSBA.
Napaismid ako dahil doon.
"Fine." Tugon ko.
"Ok, so the deal is done at kailangan ng seal." Naka ngising turan ni Kaye sabay taas ng gawak na baso ng juice at itinaas sa ere.
"Let's have a toast". Sang ayon ni Mae na itinaas din ang baso kasunod ni Karla.
"Deal." Sabay pa naming sambit ni Terence na ngiting ngiti nang mga sandaling iyon.
Araw ng sabado at wala kaming pasok pero halos hindi kami magkandaugaga ni Ezekiel sa ginagawa. May ipinapagawa kasi samin ang Dean at kailangan namin itong matapos bago mag lunes. Nagulat nga ako nang bigla nalang kami pinatawag sa office nito noong last day ng exam. Kinabahan ako ng mga bente, ganun.Joke.*Flashback*Nag-aayos lang kami ng aming gamit bilang paghahanda sa pag-uwi dahil tapos na ang aming exam ng walang ano-ano ay may student council na pumunta sa aming classroom."Ms. Garcia and Ms. Falcon, the Dean wants to see you in her office ASAP." anunsyo nito at saka umalis.Tumingin ako kay Ezekiel na noon ay nakatingin pa din sa pwestong kinatatayuan nung student council kanina. "Bakit naman kaya tayo pinapatawag? ASAP pa? Hindi naman tayo umabsent hindi ba?Wala naman tayong nilabag na rules bilang scholar ng school, ano kayang meron at pinatatawag tayo?" nag-aalalang tanong ko.Yes
Last day nang exam namin ngayon at hindi pa din nagbabago ang sitwasyon ni Ezekiel. Hanggang ngayon kasi tahimik pa din ito at hindi masyado nakikipagbiruan sa barkada. Malayong-malayo sa Ezekiel na kilala namin. At kagaya noong nakaraan, hindi pa din ito nagsasabi kung anong problema.Kasalukuyan na kaming nakaupo sa kaniya-kaniya naming upuan at naghihintay na ibigay sa amin ng prof ang aming test paper. Sinulyapan ko si Ezekiel na nakatitig lamang sa may bintana at tila walang kamalay-malay sa mundo.'Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin ang rason ng pagkakaganyan mo, Ezekiel.' usal ko saka bumuntong-hininga.Tinanong ko na din si T.A kung may problema ba sila ni Ezekiel pero ayon dito okay naman daw silang dalawa.*Flashback*Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng lunch. Maaga natapos ang exam namin sa ilang subjects kaya naman maaga din kaming pinayag
"Saan mo nakuha ang video na yan, Chanda?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti naman ito. "Wala ka ng pakialam kung kanino nanggaling ito. Dahil hindi naman mababago ang katotohanan na isa kang slut kahit malaman mo pa kung sino ang nagbigay nito sa akin." wika nito. Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito. "Ganyan ka na ba talaga kadesperada, Chanda? Hindi naman scandal yan. Dahil ang lalaking yan ay ex ko. Pumunta sya sa bahay ko para guluhin ako at muntik nang pagsamantalahan." paglilinaw ko dito. Nagkunwari naman itong nagulat. "Wow!? May ex ka pala? Akalain mo yun may pumapatol din naman pala sa isang kagaya mo, " pang-iinsulto nito. "Saka wala akong pakialam kung ano ang katotohanan sa likod ng video na 'to. As long as, iba ang dating ng ginagawa nyo sa video sapat na 'yon para magmukha kang madumi sa paningin ng ibang tao." dagdag pa nito. Kumunot ang noo ko. Naiinis ako dahil hin
Someone's POVAbala ako sa ginagawang paglangoy sa swimming pool ng bahay namin nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Umahon ako mula sa tubig saka dinampot ang tuwalya na inihanda ko kanina at pinunasan ang aking kamay.'And who dared to call me at my free time?' singhal ko.Binuksan ko ang cellphone ko upang tingnan kung sino ito. It was him. Ano naman kaya ang kailangan nito sa'kin? Nang muling tumawag ang numero ay walang atubili ko itong sinagot."What do you want?" tanong ko dito.Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. "Wala man lang hello muna?" nakuha pa nitong magbiro.I rolled my eyes. "I don't have time for foolishness of yours. Kung wala ka nang sasabihin, ibababa ko na ang tawag." usal ko.Muli na naman itong tumawa at this time parang tuwang-tuwa talaga ito. The nerve with this guy? Kung wala lang talaga itong kwenta sa plano ko, hinding-hindi ako mag-aasakya ng oras para dito."Easy
Mahimbing na natutulog ngayon sa kaniyang kama si Ezekiel. Tumatanggi pa ito nung una pero wala na ding nagawa. Nahihirapan na kasi ito huminga dala siguro ng labis na pag-iyak dahil sa nangyari kanina. Kahit sinong babae naman ay sadyang iiyak kapag may nangyaring ganun sa kanila. At knowing Ezekiel, masyado nya itong dadamdamin at hindi kakayanin.Hinaplos ko pa ang pisngi nito saka dinampian ng halik sa noo bago napagdesisyunang lumabas ng kwarto. Iniwan ko din muna na nakabukas ang pintuan para madali kong makita kung biglang magising ito. I really feel sorry for her. She doesn't deserve any of this.Dumiretso ako sa kusina upang ituloy ang naudlot nitong pagluluto. For sure, menudo ang lulutuin nito kasi nabanggit nito sa akin na lulutuan daw nya ako ng famous menudo nya.Pero mukhang sya ang makakatikim ng luto ko.Bago natulog ay pinakain ko muna ito.Nag-order na lang ako para mabilis dahil pinainom ko din ito ng gamot. Nag-aa
Abala akong naglilinis ngayon ng aming dorm. Sabado kasi ngayon kaya wala kaming pasok, tamang-tama para makapaglinis at makapag-alis ng alikabok. Maagang umalis si Karla at mayroon daw itong pupuntahan at aasikasuhin. Hindi ko na natanong kung ano iyon sapagkat nagmamadali na din ito. Pero bago umalis, binilin sakin nito na huwag akong maglilinis mag-isa. Hintayin ko na lamang daw ang kaniyang pagdating. Masyado itong nag-aalala na baka masobrahan ako sa pagod. Hindi kasi ako talaga maari magpagod kasi mahina ang katawan ko. Pero dahil may pagkamatigas ang aking ulo, sinuway ko ang bilin nito. Hindi naman ako magpapagod ng sobra. Kailangan ko din tapusin nang maaga ang paglilinis ko dahil darating si TA mamaya. Nagtext daw kasi sa kaniya si Karla na gabi pa ito makakauwi at pinasasamahan muna ako. "Hindi naman na ako bata para bantayan o samahan pa 'no!" singhal ko pero wala akong magagawa dahil