Araw ng sabado at wala kaming pasok pero halos hindi kami magkandaugaga ni Ezekiel sa ginagawa. May ipinapagawa kasi samin ang Dean at kailangan namin itong matapos bago mag lunes. Nagulat nga ako nang bigla nalang kami pinatawag sa office nito noong last day ng exam. Kinabahan ako ng mga bente, ganun.
Joke.*Flashback*Nag-aayos lang kami ng aming gamit bilang paghahanda sa pag-uwi dahil tapos na ang aming exam ng walang ano-ano ay may student council na pumunta sa aming classroom. "Ms. Garcia and Ms. Falcon, the Dean wants to see you in her office ASAP." anunsyo nito at saka umalis.Tumingin ako kay Ezekiel na noon ay nakatingin pa din sa pwestong kinatatayuan nung student council kanina. "Bakit naman kaya tayo pinapatawag? ASAP pa? Hindi naman tayo umabsent hindi ba?Wala naman tayong nilabag na rules bilang scholar ng school, ano kayang meron at pinatatawag tayo?" nag-aalalang tanong ko.
Yes
Ezekiel Ruzh"Woy, Ruzh, let's go na," nagmamadaling yaya sa akin ng kaibigan kong si Mae.Napagkasunduan naming manood ng basketball sa covered court ng St. Benedict Academy. Sime-finals ngayon at magkalaban ang department ng Business Administration at ang Education Department. Ang mananalo ang siyang makakaharap ng Engineering Department para sa championship round bukas.30th-year foundation ng Academy kaya may mga palaro, booths at kung anu-ano pang mga pakulo ng bawat department ng St. Benedict Academy."Oo na, ito na nga." Tugon kong ibinalik sa maliit na pouch ang hawak kong lip balm bago muling humarap sa salamin at inayos ang salaming suot."Halika na. Nagmessage na si Karla. Nasa court na raw sila at may upuan nang para sa atin." Nagmamadaling muling turan nito kaya naiiling na sumunod na lamang ako dito palabas ng dorm namin.If I know,
"Bakit ang tagal mo?" Takang tanong sa akin ni Karla."Mahaba ang pila." Maikling tugon ko na ikinaismid nito."Crap." Turan nito.Hindi ko na ito tinugon at itinuon na ang mga mata sa nag lalaro at sinulyapan ang scores. Lamang ng anim ang BSBA kaya napangiti ako.Kasalukuyang hawak ni Brent ang bola at panay ang dribble nito."Go,Brent. Go for the goal. Shoot that ball." Sigaw ko na ikinalingon nito sa gawi ko at tila nakakita ng katangi-tanging nilikha na nagliwanag ang mukha."Konti nalang talaga, iisipin ko nang may gusto sayo iyang si Brent, Ruzh." Nakasimangot na turan ni Mae na ikinangisi ko."Selos ka naman?" Tugon kong sinagot nito ng ismid." Don't worry, iyong-iyo si Brent". Nakangisi pa ring tugon ko dito.Lalo akong napangisi nang mas tumalim pa ang mga mata nito sa akin."Pagbuhulin
Abala kami sa pagtingin ng mga nakasabit na kung ano-anong abubot sa booth ng DAS or Deparment of Arts and Sciences nang biglang may bumangga sa akin na muntik ko nang ikatumba.Seryoso? Anong mayroon sa araw na ito at paborito yata akong banggain ng mga walang matang mga nilalang na ito?"What the hell?" Sikmat ko sa nakabangga sa akin at tinapunan ito ng matatalim na tingin para lamang matigilan."Ikaw uli?"."You,..hey." Napapakamot sa ulong turan nito na ikinasinghap ng mga kaibigan kong tila yata naasinan ang mga tumbong. Bukod sa ang lapad ng mga ngiti nila ay panay pa ang kalabit at siko ng mga ito sa isa't-isa."I'm sorry, I didn't mean to— I mean, alright, it's my fault this time so quits na tayo." Tuloy-tuloy na turan nito bago pa man ako muling makapagsalita."Okay, quits." Tugon ko sabay kibit-balikat at muling itinuon ang pansin sa hawak kong maliit na key
Halos hindi magkamayaw ang mga estudyanteng nagsisigawan sa loob ng covered court dahil sa halos magkadikit na laban ng Engineering team at Business Ad. Naroroong lumalamang ng tatlo ang BSBA na babawiin naman ng Engineering at ang mga ito naman ang pupuntos.Kasalukuyang lamang ng apat na puntos ang BSBA at may tatlong minuto nalang bago matapos ang laro kaya naman panay na ang ngisi ko. Panalo na ang team ko, sigurado 'yon. Pero mukhang hindi yata nag conspire ang universe para tuparin ang hiling ko dahil last one minute nang biglang makapuntos ang engineering at sa huling sampong segundo ay nakuha ni T.A ang bola at naibuslo sa tatlong puntos.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang maliwanag pa sa sikat ng araw na scores. Lamang ng isang puntos ang Engineering at sila ang idineklarang kampiyon."Stay away from Brent but don't worry, I'll take good care of him." Nakangising untag ni Mae sa akin na nakatigalga
Nahaplos ko ng wala sa loob ang buhok ko pagkatapos kong makausap si Ezekiel sa cellphone bago napabuntong hininga.Matuling lumipas ang mga araw at hindi na namin pinagtangkaang pag usapan ang nangyari nang gabing iyon maliban sa tinanong ko ito kinaumagahan kung totoo ang sinasabi nito nang gabing lasing na lasing ito. Ayaw pa nitong umamin noong una subalit nang hindi ko ito kinausap ng dalawang araw ay umamin din itong panay pa ang iyak na ikinatawa ko.Habang kasi nag coconfess ito ay panay ang iyak nito at dabog na may kasama pang maktol kaya hindi ko mapigilang matawa na labis nitong ikinainis dahil pinagtatawanan ko lamang daw ito. At nang akmang mag wa-walk out na ito ay nagulat ito nang hilahin ko ito para yakapin na lalo nitong ikinaiyak.After that incident ay mas naging malapit pa kami sa isa't -sa at halos hindi na mapag hiwalay.Natitigilang ibinaba ko ang hawak kong cellphone sa tabi
Tahimik akong nakaupo sa tabi ng isang puno sa hardin ng Academy habang hinihintay na dumating si Terence. Doon kami madalas tumambay dalawa habang nagpapalipas ng oras at nag kukwentohan lang ng kung ano ano. "Kulit, kanina ka pa?" Tanong nito habang ibinababa sa tabi ko ang dala nitong backpack bago naupo. "Hindi naman, sakto lang." Tugon ko dito na muling itinuon ang pansin sa binabasang libro. "Hey, do we have a problem?" Takang tanong nito na tinugon ko ng mahinang iling. "Wala." Tugon ko. "Wala? Then why are you acting like that?" Nakakunot ang noong tanong nito. "Wala nga,masama lang ang pakiramdam ko." Tugon ko na hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin. Hindi ko masabi sa kanyang nagtatampo ako kasi wala naman akong karapatan, ni hindi ko alam kung ano ba ako sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi magpakawala ng buntong hininga na lalo nito ipinagtaka. "Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin ang problema mo?"
"So, anong nalaman mo?" Kaagad na tanong ni Chanda sa akin pagkaupong-pagkaupo ko sa harap nito. Nasa isang coffe shop kami na malayo sa Academy. "Mukhang may namamagitan nga sa kanila." Tipid na tugon ko dito. "Mukha? Hindi mo pa sinigurado?" Kaagad na angil nitong matatalim ang mga matang nakatingin sa akin. "Don't use that voice on me, bitch." Tugon ko dito sa yamot na tinig. "Idiot, ang sabi ko alamin mo, confirm it para makagawa ako ng plano, now what?" Inis na turan nito sa akin. "Tss, you're pathethic." Tugon ko. "And so you are too." Nakaismid na sagot nito sabay tayo. "Do your job and I'll do mine." Ani nito bago tuluyang umalis ng walang paalam. Hindi na ako nag abalang sagutin ito bagkus ay napa buntong-hininga ako. What the hell I am doing? Shit!! Tumayo na rin ako at lumabas ng coffe shop at sumakay sa dala kong bigbike. MATULING LUMIPAS ang mga araw at patuloy ang masasayang
Abala ako sa paggawa ng powerpoint para sa presentation ko bukas nang bumakas ang pinto ng silid ko at mula doon ay bumungad si Terence na ang lapad ng ngiti at may bitbit na plastic bag na for sure ay pag kain na naman ang laman."Good afternoon, Kulit." Bati nitong inilapag sa maliit na mesang naroroon sa isang tabi ang dala bago lumapit sa akin.Nakakapasok ito sa dorm namin dahil kilala na ito ng may ari at nagkataong sina Kaye ang may ari ng dorm na tinutuluyan ko kaya naman labas masok na ito doon. Mabait naman ito kaya naman may tiwala dito ang mga magulang ni Kaye."Hello, Sungit." Tugon kong nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop."Ganoon lang 'yon?" Tanong nito."What?" Takang tanong ko din na hindi man lang ito sinulyapan."Mukhang busy ka masyado, aalis nalang ako." Tugon nito sa himig nagtatampong tinig kaya napangiti ako."Tatapusin ko lang ito, Sungit ko, konting kembot nalang naman and you'll have my entire time. Mahi