Share

Chapter 7

"So, anong nalaman mo?" Kaagad na tanong ni Chanda sa akin pagkaupong-pagkaupo ko sa harap nito.

Nasa isang coffe shop kami na malayo sa Academy.

"Mukhang may namamagitan nga sa kanila." Tipid na tugon ko dito.

"Mukha? Hindi mo pa sinigurado?" Kaagad na angil nitong matatalim ang mga matang nakatingin sa akin.

"Don't use that voice on me, bitch." Tugon ko dito sa yamot na tinig.

"Idiot, ang sabi ko alamin mo, confirm it para makagawa ako ng plano, now what?" Inis na turan nito sa akin.

"Tss, you're pathethic." Tugon ko.

"And so you are too." Nakaismid na sagot nito sabay tayo.

"Do your job and I'll do mine." Ani nito bago tuluyang umalis ng walang paalam.

Hindi na ako nag abalang sagutin ito bagkus ay napa buntong-hininga ako.

What the hell I am doing? Shit!!

Tumayo na rin ako at lumabas ng coffe shop at sumakay sa dala kong bigbike.

MATULING LUMIPAS ang mga araw at patuloy ang masasayang mga araw sa pagitan ko at ni Terence. Hindi ko alam kung anong mayroon kami pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin basta ang mahalaga ay masaya kami pareho.

"Ruzh, is there something going on between you and T. A?" Tanong ni Karla isang sabado ng umaga habang nakadapa ako sa kama at nagbabasa.

Natigilan ako sa tanong nito pero nagkunwari akong walang narinig at itinuloy ang pagbabasa. Kanina pa ito naroroon sa room ko dahil nabobore daw ito sa silid nito kaya ako ang napiling bulabugin at hindi na ako magtataka kung ilang sandali mula ngayon ay darating na din sina Mae at Kaye.

"Huwag kang mag kunwaring wala kang narinig." Muling turan nito sabay kuha ng hawak kong libro kaya naman umalis ako mula sa pagkakadapa sa kama ko at nakasimangot itong tiningnan.

"Huwag kang tsismosa, there is nothing going on between us kaya ibalik mo sa akin 'yang libro ko." Tugon kong tinangkang kunin ang libro sa kamay nito.

Iniwas naman nito ang kamay na may hawak ng libro ko bago ako matamang tinitigan.

"What?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Yeah, right! Just keep on denying, Ruzh and better try harder." Naka ismid na turan nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunwaring tanong ko dito sabay iwas ng tingin.

"Mahal mo siya." Turan nito.

It's not a question, but a statement.

"Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan?" Tanong kong muling bumalik sa pagkakahiga.

Umirap pa muna ito bago sumagot.

"I know you better that they do." Tugon nito.

Napabuntong hinga ako dahil sa sagot nito.

Yeah, Karla is my childhood friend. Kasama ko mula noon hanggang ngayon kaya tama ito, makapaglilihim ako sa iba, hindi sa kanya.

"Ang tanong, mahal ka ba niya?" Muling turan nitong nakapag patigil sa akin.

"Yeah,.. siguro, I'm not sure though. I don't know." Naguguluhang tugon kong napabangon mula sa pagkakahiga.

Napabuntong hininga ito bago naupo sa tabi ko.

"Then, learn to forget him. Iwasan mo na siya." Ani nito.

"No, I can't." Tugon ko.

"You can. Nagawa mo na dati kay Ken, magagawa mo uli iyon ngayon." Tila siguradong turan nito.

"No, it's different this time, Kar. I don't know pero hindi ko naramdaman kay Ken ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. I fell seriously hard with him." Tugon ko kasabay ng pagtulo ng luha.

"My god, ito na nga ba ang sinasabi ko, bakit hinayaan mo? Alam mong mahina ang depensa mo pag nag mahal ka, nagiging tanga ka." Tuloy tuloy na turan nitong napahampas sa hita nito.

"Tanga na kung tanga pero mahal ko siya,please understand me." Nakikiusap na sambit ko.

"Paano kung masaktan ka uli? Sabi mo nga it is deeper and harder this time, makakabangon ka pa ba?" Bakas ang pagkainis sa tinig na turan nito.

Napapikit ako dahil sa sinabi nito.

"Iba siya,I trust him." Sagot ko.

"Oh yeah, ang tigas ng ulo mo, Ezekiel Ruzh, maawa ka naman sa sarili mo, akala ko ba ayaw mo nang magmahal? You had enough heartaches with Ken before." garalgal ang tinig na sabi nito.

"Don't worry, I'm stronger this time at hindi mo naman ako pababayaan, 'di ba?" Tugon ko.

Napasimangot ito dahil sa sinabi ko.

"Ewan ko sa'yo pero mangako ka sa aking titigil ka pag nasaktan ka uli at sisikapin mong makatayo". Ani nitong hinawakan ang mga kamay ko.

"I will." Tugon kong may tipid na ngiti sa mga labi.

"Iyon lang ang gusto kong marinig." Sambit nito bago ako niyakap na may kasamang mahihinang tapik sa likod.

Hindi ko napagilang mapaiyak dahil doon. Maswerte ako dahil ibinigay siya ni Lord sa akin bilang kaibigan. She's been there for me in every trial of my life.

My crying shoulder, my sister at heart and my bestfriend at the same time my number one critic.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status