Share

Chapter 2

"Bakit ang tagal mo?" Takang tanong sa akin ni Karla.

"Mahaba ang pila." Maikling tugon ko na ikinaismid nito.

"Crap." Turan nito.

Hindi ko na ito tinugon at itinuon na ang mga mata sa nag lalaro at sinulyapan ang scores. Lamang ng anim ang BSBA kaya napangiti ako.

Kasalukuyang hawak ni Brent ang bola at panay ang dribble nito.

"Go,Brent. Go for the goal. Shoot that ball." Sigaw ko na ikinalingon nito sa gawi ko at tila nakakita ng katangi-tanging nilikha na nagliwanag ang mukha.

"Konti nalang talaga, iisipin ko nang may gusto sayo iyang si Brent, Ruzh." Nakasimangot na turan ni Mae na ikinangisi ko.

"Selos ka naman?" Tugon kong sinagot nito ng ismid." Don't worry, iyong-iyo si Brent". Nakangisi pa ring tugon ko dito.

Lalo akong napangisi nang mas tumalim pa ang mga mata nito sa akin.

"Pagbuhulin ko kayong dalawa ni Brent pag tinanggap mo siya." Turan nitong muling itinuon ang pansin sa panonood.

"He's all yours, Mae. Wala akong planong pumasok sa isang relasyon, not now or even in the future." Seryosong tugon ko.

"At anong balak mo? Mag buro? Sayang ang lahi." Sabad ni Karla na tinugon ko lang ng tipid na ngiti.

"Well, yes." Maikling tugon ko.

Napabuntong-hininga na lamang ang mga ito at hindi na muling kumibo.

Habang abala kami sa pag cheer para sa BSBA team at kasisigaw ng pangalan ni Brent ay hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa kabilang bahagi ng bleacher at natigilan ako nang makita ko siyang kunot noong nakatingin sa gawi ko.

Teka, sa gawi ko ba talaga?Baka akala ko lang.

At para makasiguro ay pasimple akong tumingin sa paligid ko at muling ibinalik ang paningin dito.

God, sa akin nga siya nakatingin at bago ko pa man lubos na maisip ang ginawa ko ay naitaas ko na kanang kamay ko at kumaway dito na tinugon naman nito ng simpleng pagtaas ng kamay.

Nagulat pa ako nang bigla akong sikohin ni Karla.

"What?" Takang tanong ko dito.

"Kelan pa kayo naging close at may pakaway-kaway ka pa sa kanya?" Tanong nitong nakataas pa ang kilay.

And they're all looking at me, her, Mae and Kaye na para bang nakakita ng himala.

"And take note, he waved back." Napapantastikuhang turan naman ni Kaye.

"C'mon guys, we just bumped into each other a while ago and it's nothing." Simpleng tugon ko.

"Kaya ka ba natagalan?" Nanunukso ang tinig na sambit ni Mae.

Naitirik ko ang mga mga ko dahil sa mga reaksyon ng mga ito.

Why does it seemed like it's a real big deal na nakabanggaan ko siya at hello, masakit pa kaya ang balakang ko dahil sa pagkakabagsak ko.

Napasimangot ako dahil doon, kasalanan ng lala-

Hello, ikaw kaya ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo.

Kontra ng isang bahagi ng isip ko.

Of course not.

Muling kontra ko.

Yes.

Tugon uli ng isang bahagi ng utak ko.

Teka nga, bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko?

"You're spacing out, Ruzh." Nakasimangot na turan ni Karla.

"Bakit ba?Ang laki ng problema ninyo, manood na nga lang tayo." Pag-iwas ko sa mga ito dahil alam kong bubuligligin ako ng mga ito ng tanong.

Muli kong itinuon ang pansin sa naglalaro at muling sumigaw nang makita kong si Brent ang may hawak ng bola.

"Go Brent, go." Sigaw ko na may kasama pang pag suntok sa hangin.

Lumingon ito sa gawi ko at kumindat bago binitawan ang bolang tila nag slow motion dahil nag paikot-ikot pa ito sa gilid ng ring bago tuluyang pumasok at sabay kaming napa sigaw ng YES.

Second half na at nananatili ang lamang ng BSBA sa Educ. Department ng sampong puntos.

MEANWHILE...

"Huwag na tayong manood, Terence. Let's go out nalang". Yaya ni Chanda sa akin habang nakahawak sa braso ko.

"I'm not in the mood to go out, Chanda and we still have a practice after the game of BSBA and Educ." Tugon ko na humakbang na patungo sa gawi ng covered court.

Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod sa akin at nagmamaktol na muling humawak sa braso ko. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng court at nag hanap ng bakanteng upuan.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang marinig ko isang matinis na boses na nangibabaw sa lahat. 

I don't understand why pero kaagad itong hinanap ng mga mata ko at hindi ko napigilang mapangiti nang makita ko itong buhay na buhay at buong siglang sumisigaw para sa team ng BSBA.

Kaagad na nangunot ang mga noo ko nang marinig ko ang pangalang binanggit nito at hindi ko alam kung saan nang galing ang inis na umahon mula sa sulok ng dibdib ko dahil doon.

And when she looked at me and our gaze locked into each others eyes ay kaagad na nabura ang pagkakakunot ng noo ko. And as she cheerfully raised her hand and waved at me ay napangiti ako bago ko ginantihan ang kaway nito.

"Sino ba ang babaing 'yon?" Himig naiiritang untag ng katabi kong si Chanda na hindi halos maipinta ang mukha sa sobrang inis.

"Bagong kakilala." Maikling tugon ko.

"Bagong kakilala tapos pakaway-kaway na?Stay away from that girl, Terence. She's no good, a bitch." Turan nitong ikinatawa ko.

"I doubt that, she's nice." Sagot ko na ikinalaki ng mata nito.

Why? Cause it was the first time na may ipinagtanggol akong babae sa kanya. Chanda is my childhood friend. My family and hers are business partners kaya lumaki kaming laging magkasama. 

We were in third year high school when I realized that I'm inlove with her but she's inlove with somebody else that time. It broke my heart a million times habang nakikita ko kung paano nito titigan si Lexter noon. 

We were in freshmen nang makipaghiwalay si Lexter dito dahil sa ibang babae. It broke Chanda and changed her a lot. I became her crying shoulder at simula noon ay naging dependent na ito sa akin. Walang makalapit na babae sa akin dahil inaangilan nito. 

I let out a deep sigh bago muling itinuon ang pansin sa laro ngunit hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa gawi nito. She's really amazing. Wala itong pakialam sa paligid at tila may sariling mundo. Hindi inaalala kung may masisirang poised na kagaya ng kay Chanda.

Her smiles are so real na para bang nag sasabing ayos lang 'yan.

Maganda ito, simpleng ganda na hindi mo pagsasawaang tingnan na habang tumatagal ay tila lalo kang mahahalina.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng panaghalili sa nakikita kong all-out support nito kay Brent. 

Halimbawa kayang kami ang magkaharap sa championship game bukas, ibibigay niya kaya sa akin ang suportang ibinibigay niya sa team captain ng BSBA department ngayon?

Asa ka pa, syempre doon siya susuporta sa team nila at bakit ba masyadong big deal sayo ang babaing 'yan?

Kontra ng isang bahagi ng utak ko kaya hindi ko maiwasang ipilig ang ulo ko.

And as expected, BSBA won at kami ang mag haharap bukas.

And what surprised me more was, when I saw her giving a big hug to Brent ay may umahong damdamin na hindi ko maipaliwanag kung saan nagmula.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status