Share

Chapter 6

Tahimik akong nakaupo sa tabi ng isang puno sa hardin ng Academy habang hinihintay na dumating si Terence. Doon kami madalas tumambay dalawa habang nagpapalipas ng oras at nag kukwentohan lang ng kung ano ano.

"Kulit, kanina ka pa?" Tanong nito habang ibinababa sa tabi ko ang dala nitong backpack bago naupo.

"Hindi naman, sakto lang." Tugon ko dito na muling itinuon ang pansin sa binabasang libro.

"Hey, do we have a problem?" Takang tanong nito na tinugon ko ng mahinang iling.

"Wala." Tugon ko.

"Wala? Then why are you acting like that?" Nakakunot ang noong tanong nito.

"Wala nga,masama lang ang pakiramdam ko." Tugon ko na hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin.

Hindi ko masabi sa kanyang nagtatampo ako kasi wala naman akong karapatan, ni hindi ko alam kung ano ba ako sa kanya.

Hindi ko mapigilang hindi magpakawala ng buntong hininga na lalo nito ipinagtaka.

"Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin ang problema mo?" Seryosong tanong nito.

"Let it be, Terence." Tugon kong ikinatigil nito sa akmang pag bukas ng bag nito.

"So it's Terence now, huh?" Turan na nitong may bahid ng galit at inis sa boses.

"Bakit? Masama bang tawagin kita sa pangalan mo? Maganda naman ah." Tugon kong saglit itong sinulyapan.

Tumiim ang anyo nito sa sagot ko at walang kibong tumayo bago dinampot ang backpack nito.

"Ewan ko sa'yo. Saka mo na ako kausapin pag handa ka nang sabihin sa akin ang problema at huwag mo akong tawaging Terence dahil pakiramdam ko nagiging ibang tao ako pag ikaw ang nag banggit." Turan nito.

"Wala namang masama sa pangalan mo ah". Pilit ko dito.

"Bahala ka nga dyan. Mauna na ako,saka na tayo mag usap." Turan nito bago tuluyang tumalikod.

"Hoy, Terence." Tawag ko dito.

"Terence na nga, hoy pa, edi wow." Sagot nitong ni hindi nag-abalang lumingon at naiwan akong nakatanga.

Kita mo 'yong lalaking 'yon, siya pa talaga ang nag walk out at seryoso, hindi ba't ako ang nagtatampo dito so dapat ako ang sinusuyo pero bakit mukhang nabaliktad yata ang sitwasyon at ako na yata ang manunuyo ngayon?

Naku naman,pambihira...

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na rin akong tumayo at pumasok sa susunod kong subject nang makasalubong ko sa hagdan paakyat sa second floor si Brent na saglit na natigilan nang makita ako.

Pagkatapos kasi ng championship game noon ay iniwasan ko na ito na alam kong labis nitong ipinagtaka at dinamdam na hindi ko naman pinagtuonan ng pansin dahil naka focus ang attention ko kay Terence.

"Hi." Alanganing bati nito.

"Hello." Tugon ko dito na nakaramdam ng pagkailang.

"How have you been?" Tanong nito.

"I'm doing good, sige ha, mauna na ako." Kaagad na paalam ko dito at bago pa man ito makatugon ay mabilis na akong humakbang paakyat at hindi na ito nilingon pa.

Natigilan ako nang sa pag angat ko ng paningin at bumungad sa akin ang tila nanunuring mga mata ni Chanda. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa klase ng titig nito subalit pilit ko na lamang na ipinag sawalang bahala iyon.

KINAGABIHAN ay hindi ako mapakali habang hinihintay na mag message si Terence sa akin pero halos dalawang oras na akong naghihintay ay wala pa rin akong natanggap.

Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. Pabibe masyado.

Napasimangot ako dahil doon pero hindi ko naman matiis dahil heto ako ngayon at panay ang pindot sa cellphone para mag message dito.

Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. limang minuto wala pa rin itong sagot kaya muli kong kinuha ang cellphone para tingnan at kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang binasa lang nito iyon.

Napasimangot ako dahil doon.

Seen? Naku,ewan ko ba.

Muli na naman akong tumipa ng mensahe para dito na may kasama nang pagbabanta habang tumutulo ang mga luha sa mga mata.

Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang hinihintay ko itong sumagot. Pag hindi pa rin talaga siya sumagot hindi ko siya kakausapin kahit kaylan at pag sumagot siya ngayon,seen zone ka din sa akin,lalaki ka.

Isa..dalawa..tatlo...ap-

My phone beeps kaya kaagad ko itong dinampot.

Seryoso? Sa dami ng sinabi ko, bakit lang ang sagot nito?

Natagpuan ko ang sarili kong panay ang tipa para sagutin ang message nito kahit pa sinabi kong i-seen zone ko din siya.

Traydor talaga ang puso ko.

SA KABILANG BANDA naman ay nakakunot ang noo ni Terence habang binabasa ang messages na nanggaling kay Ezekiel.

"Napakaingay talaga ng babaing 'yon kahit sa chat or mapa text, ang daldal." Naiiling na turan nitong inilapag ang hawak na cellphone sa isang tabi pagkatapos iyong basahin.

Ilang saglit pa ang lumipas ay muling tumunog iyon at sunod-sunod pa.

Napakamot ito sa ulo dahil sa sunod-sunod na mensaheng dumating na tila alam na nito kung kanino galing iyon.

Hindi nito mapigilang mapangiti habang binabasa ang mga mensahe at ilang saglit pa ay panay na ang pagtipa nito at ngiti na tila ba tuwang-tuwa sa kausap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status