Naiinip na sa paghihintay si Georgina kay Tony pero wala pa rin ito. Ilang beses na niyang tinawagan ang numero para tanungin ito pero hindi nito sinasagot. “Damn, this guy! Saan na naman kaya sumuot ang lalaking iyon?” pala tak niya sa sarili saka umupo sa bench na naroon sa waiting area ng pick up point. Sumandal siya sa sandalan saka pumikit at inaalala ang guwapong mukha ni Rhett. Kahit haggard na ang mukha nitong nababalot ng bigote ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya nang mapait. At ng sandaling iyon ay biglang may aninong tumabon sa kinauupuan niya. Mabilis siyang nagmulat ng mata at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita ang mukha ni Rhett na gahibla na lang ang pagitan sa mukha niya. “Ano’ng iniisip mo at kahit nakapikit ay nakangiti ka?”Nagkasalubong ang kilay ni Georgina upang itagao ang pagkabigla sa mukha niya saka inilapat ang palad sa dibdib ni Rhett upang itulak ang lalaki. “Why are you so close to
“Bakit? Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?” nakaangat ang isang kilay na tanong ni Rhett nang hindi agad makasagot si Georgina. “Pero bakit naman gagawin ni Fredrick ‘to sa akin? I didn’t harm her sister’s child. Hindi pa ba siya naniniwala na nagsisinungaling lang ang kapatid niya?” hindi makapaniwalang tanong ni Georgina. Hanggang sa mga sandaling iyon ay shock pa rin siya dahil sa sinabi ni Rhett? How could Fredrick harm her? Balak siya nitong ipapatay? Galit na galit ito sa kanya pero paano kung malaman nito ang katotohanan na magkapatid sila?“Hindi mo alam pero dahil masiyadong over protective si Fredrick sa kapatid ay kaya nitong manakit ng tao. He did it once when we were in our teens. May nakaaway si Celeste at kinabukasan ang batang babae na nakaaway nito ay bigla na lang naglaho at hanggang ngayon ay hindi na nakita.”Lalong napamaang si Georgina sa mahabang paliwanag ni Rhett. Did Fredrick really do that? Oo at pumapatay si Georgina pero hindi niya kayang manakit ng inos
“Kuya…”Nahilot ni Fredrick ang sentido nang marinig ang mahinang sentimyento ni Celeste. Maaga pa lang ay nasa opisina na niya ito at pinepeste siya tungkol sa nangyari kahapon dahil buong gabi niya itong hindi kinibo. Kahit kaninang umaga ay hindi rin niya ito pinansin dahil maaga siyang umalis at tulog pa ito. Nagsimulang tumulo ang luha ni Celeste dahil hindi siya sumagot kaya naman hindi niya mapigilang lumambot ang puso. “Sige na, sige na. Huwag ka nang umiyak. Pero, Celeste, hindi ka na bata. Hindi ka na dapat nakikipagkompetensya sa babaeng hindi mo naman ka-level. Isa pa, hindi maireresolba ng pag-iyak ang ginawa mo kay Santino.”Nakagat ni Celeste ang labi. Dati-rati, konting iyak niya lang ay agad na siyang napapatawad ng kuya niya pero ngayon ay hindi na siya nito binibigyan ng pansin. Hindi lang iyon. Imbes na maawa ito sa kanya ay naging iritable pa ito. “Kuya… alam ko. Alam kong malaki ang pagkakamali na ginawa ko kahapon pero may dahilan ako kuya. Natatakot ako,” big
Kinabukasan, tulad nang napagkasunduan, pagkatapos ng trabaho ni Georgina ay sinundo siya ni Jerome papunta sa bahay ng lolo nito. Noong una ay nagtalo pa ang dalawa dahil ayaw ni Fredrick na makita siyang kasama si Jerome. “Basta, makinig ka na lang, Georgie. Pumunta ka sa likod ng building ng opisina ni Kuya dahil dito ako naghihintay.”“Bakit naman kailangan ko pa diyang maghintay? At bakit kailangan nating itago sa kuya mo na magkikita tayo?” Pababa na siya ng elevator at dahil may ibang taong sakay ay hininaan niya ang boses at baka isipin pa ng mga ito ay may sekreto siyang kinakatagpo. “Basta sumunod ka na lang kung talagang gusto mong sumama sa akin kina lolo, naiintindihan mo?”Georgina raised her brows with the way Jerome talked to her. Parang magkaedad lang sila nito kung kumausap sa kanya. “Okay, sige na. Get’s ko na. Hintayin mo ako diyan.”Nang makarating siya sa sasakyan ay naghihintay na sa kanya si Jerome at pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Ang assistant na nakat
Habang pinagmamasdan ang magkapatid na Celeste at Jerome na nakikipag-usap sa ama ng mga ito, pakiramdam ni Georgina ay isa siyang outsider. Ito ang unang beses na nakita niya ang kanyang ama matapos ang dalawang dekada. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat na maramdaman. Mataman niya itong pinagmasdan pero hindi mawari ng kanyang puso ang pamilyar na damdamin na naramdaman niya noon para dito. Her father… if it was really her father, he bore the resemblance of her brother, Fredrick. Matangkad din ito at kahit may edad na ay matipuno pa rin ang katawan. Habang mataman itong pinagmamasdan ni Georgina ay napagawi din ang tingin nito sa kanya. Pero bago pa magtama ang mata nila ay mabilis na umiwas ng tingin si Georgina. Kumalma na ang isip at damdamin niya. Ang hinala niya kung bakit galit ang kanyang lolo rito ay dahil pinabayaan nito ang kanyang ina at hindi ipinagtanggol na siyang dahilan kung bakit nagkandasira-sira ang pamilya nito. Ang kapabayaan nito ang dahilan kung baki
Hindi mapigilan ni Georgina ang ngiti habang pabalik sila sa bulwagan matapos ang pag-uusap nila ng kanyang lolo Renato. Naghihintay na sa kanila ang mga bisita nang makarating sila, isa na roon si Celeste na hindi maintindihan ang mukha dahil sa galit. Pero binalewala iyon ni Georgina dahil sa pinagkuwentuhan nila ng lolo Renato. Yes, lolo Renato ang gusto nitong itawag niya dahil…“Maraming salamat sa inyong lahat sa pagdalo sa aking kaarawan. Ngayong gabi, bago kayo umuwi ay may gusto akong sabihin sa inyo.” Malawak itong ngumiti saka iminuwestro na tumayo siya sa tabi nito. “Kung nakikita niyo ang babaeng ito na nasa aking tabi ay siya si Georgina. Mula ngayong gabi ay pinapakilala ko sa inyo na isa na siya sa aming amo. Pareho naming napagkasunduang mag-asawa na kupkupin siya bilang isang apo.”Matapos magsalita ni Lolo Renato ay biglang tumahimik ang paligid. Pagkatapos niyon ay sumunod ang masigabong palakpakan mula sa mga bisita. Alam ng lahat ng nakakilala sa mag-asawang Malv
Hindi pumayag si Rhett na umuwi si Georgina sa bahay niya at dinala siya nito sa mansyon kahit anong protesta niya. Ang ikinamangha pa niya ay mayroon siyang mga damit doon na nakahanda para sa kanya na tila ba inaasahan nitong babalik siya? Sa kuwarto siya ni Rhett natulog at kahit komportable siya dahil naiwan ang bango nito sa higaan ay nahirapan pa rin siyang makatulog. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito na aalamin nito kung tunay nga siyang buntis. Dahil nga nahirapang matulog, kinabukasan ay ayaw bumangon ni Georgina pero pinilit niya ang sarili dahil gusto niya nang makauwi. Hindi sila magkatabi ni Rhett matulog dahil nirespeto nito ang desisyon niya. Habang nasa sasakyan ay pareho silang tahimik kaya’t sinamantala iyon ni Georgina para umidlip. Ginising na lamang siya ni Rhett nang makarating na sila sa lugar na gustong puntahan ng lalaki at iyon ay ang… OB-gyne clinic. Parang may gule na idinikit ang puwet ni Georgina sa kinauupuan nang makita ang labas ng klinika.
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng doktor, tulad ni Rhett, ay hindi siya makapaniwala. Gusto niyang agawin kay Rhett ang papel na hawak nito pero hindi niya magawa dahil nanginginig ang mga kamay niya. Paanong nangyaring tatlong linggo lang ang tiyan niya gayong regular siyang nagpapacheck-up sa doktor ng CSS at alam niyang dalawang buwan na ang tiyan niya? Mayroon na naman kayang nagmanipula sa resulta? O baka naman nagkamali lang ang gumawa ng test? Rinig na rinig ni Georgina ang pagtunog ng daliri ni Rhett nang mahigpit nitong kinuyom ang kamao. “Georgina! Ano’ng ibig sabihin nito? Hindi ka na talaga makapaghintay at nakipagsiping ka na agad sa ibang lalaki kahit kahihiwalay lang natin?” Mahinang napatawa si Georgina dahil sa galit sa akusasyon na binitawan nito. Siya dapat ang unang magpakita ng galit. Gusto niyang komprontahin ang doktor kung tama ba ang binigay nitong resulta. Wala rin siyang ideya kung ano ang nangyayari. Bukod kay Rhett ay wala na siyang ibang lal
“You are so wet, Vaia ,” ulit pa ni Jerome sabay pasok ng isa pang daliri at dinamdam ang mainit at mamasa-masa niyang looban.Vaia wanted to retort. Gusto niya itong itulak dahil hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nito na wala itong girlfriend pero darang na darang na siya sa mga labi nito na walang tigil sa kakahalik sa kanya. Lalo pa at siasabayan nito ng ulos ng daliri ang bawat hagod nito ng labi. Vaia was wearing a fitted above-the-knee maroon dress and Jerome had easy access to her insides. Naibaba na rin nito ang strap ng suot niyang damit at dahil nipple pads lang ang suot niya ay nakalantad na rin sa harapan nito ang malusog niyang dibdib. “Vaia, wala akong ibang babae sa ibang bansa at lalong wala akong ibang babae dito. I lied and said mean things to you. I know I am an idiot for saying that, but I really miss you.” Walang masabi si Vaia kundi hawakan ng dalawang palad ang ulo ni Jerome at siya na mismo ang humalik dito. Ang klase ng halik na puno ng pananabik. Je
“Incredible. The little puppy has grown up into a big, bad wolf.”Nang marinig ang sinabi ni Tony ay napaismid si Vaia at iniwas ang tingin kay Jerome. “Tsk!” kaagad na kontra niya. Ipinatong niya ang cognac glass sa mataas na round table saka muling nagsalita. “It’s not cute at all. Kinuha niya ang clutch saka nagpaalam rito. “I’m going to the bathroom.”May banyo sa loob ng banquet room sa pinakalikod kung saan malayo sa mesa at ilang metro pa ang lalakbayin ni Vaia para makarating. Sa dami ng taong nakakilala sa kanya bilang presidente ng Geo’s Group ay ilang tao rin ang humarang sa kanya para makipag-usap kaya lalo siyang nahilo. Pinagbigyan lang niya sandali ang mga ito saka lang nakahinga nang maluwag nang makapasok nang tuluyan sa banyo. Naghuhugas na siya ng kamay nang biglang may pumasok sa loob pero hindi niya ito pinansin. But when she heard the click that the door was being locked, she finally raised her head and looked at the person in the reflection of the mirror. It wa
“Hindi ganun si mommy. Kahit mag-isa lang siya sa pagpapalaki sa amin ay mabait siyang tao.”Lihim na napangiti si Felix. Napakabibo ng batang kaharap niya. “Mukhang mabait nga ang mommy mo ayon sa pagkaka-describe mo. She also looks like a strong woman. What is your mommy’s work?” Sa pangalawang beses na nakita ni Felix ang babae ay lalo siyang humahanga rito lalo na sa personalidad nito na kahit isang batang limang taong gulang lang ang mag-de-describe ay magugustuhan mo na. “My mom? She is the CEO of my dad's company. She helps my dad run it while he is not there.”Napamata si Felix sa bata. Sino ang mag-aakala na ang babaeng iyon, sa bata nitong edad ay isa nang CEO ng kumpanya? Pero… “Hindi ba ang sabi mo ay wala kang daddy?”Napanguso ang bata sa sinabi niya. “Uncle, the way you said that you are saying that my dad is gone? No. He has been missing since the day I was born. But I don’t resent him though. Ang sabi ni mommy ay may dahilan kung bakit siya wala.”Napailing si Felix
“Griffin?” Tawag ni Georgina sa anak nang makapasok sa loob ng banyo pero napahinto siya sa paglalakad nang makita ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair sa loob. Mukhang may hinihintay ito dahil panay ang tingin nito sa cubicle pero bakit hindi siya nito naririnig noong nagsalita siya sa labas?“Opps! Sorry! Tumawag ako sa labas pero walang sumasagot,” paghingi niya ng paumanhin saka agad itong tinalikuran nang hindi man lang tinitingnan ang mukha nito. Mabuti na lang sa unang cubicle na pinuntahan niya ay nasilip niya ang sapatos ni Griffin sa ilalim kaya agad niya iyong kinatok. “Griffin, lumabas ka na riyan!”Hindi naman nagmatigas si Griffin dahil agad nitong binuksan ang pinto at sumama sa kanya. Ito pa ang humila para mapabilis ang paglabas nila ng pinto. “Miss, sandali!” Saka lang nagkaroon ng reaksyon si Felix nang makita ang bagong pasok na babae na kinuha ang anak niya. Dahil nakaupo siya sa wheelchair ay nahirapan siyang habulin ito. “Daddy! Who are you talking to?”
“Mommy, Griffin wants to fly a kite. Bilhan mo ako please…”Nagising si Felix nang marinig ang mahihinang bulong ni Ollie habang katabi niya itong matulog. Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng bata pero nang inulit nito ang salita ay saka lang niya naintindihan. Pero si Griffin? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Itinukod niya ang ulo sa palad at pinagmasdan ang anak. Silang dalawa lang ang nasa kuwarto dahil nasa kabilang kuwarto natutulog si Olivia. “Mommy… I want you and Galya. And kuya Santino too…”Nangunot ang noo ni Felix at lalo pa iyong hindi maipinta nang marinig ang pangalang binanggit ni Ollie. Santino? Bakit pamilyar sa kanya ang pangalang iyon? Sa labis na pag-iisip ay sumakit ang ulo niya at ilang imahe ng bata na halos tatlong taong gulang ang sumagi sa kanyang isip. The images were so vivid that he could imagine the child’s face and feel his lovely smile. Hindi na siya nagtaka kung may kinalaman iyon sa nakaraan niya. He really wanted to k
***“Ollie! Why did you take so long to pick up your kite?”Isang estrangherong babae ang lumapit sa harapan ni Griffin at huminto sa harapan niya. Batay sa mukha nito ay mukhang galit ito. Agad na nabalot ng takot ang bata at akmang tatakbo pasunod sa kanyang mommy Georgina pero mabilis siyang pinigilan ng babae sa braso.“Saan ka pa pupunta, Ollie? Naghihintay na sa atin ang daddy mo,” muling saad ng estrangherong bababe na lalong nagpataka kay Griffin. Sinong daddy ang tinutukoy nito. He doesn’t have a daddy…“Bitiwan mo ako! Kailangan kong puntahan si mommy!” Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng babae pero malakas ito at hindi siya nabitawan. “Mommy is here! Saan ka pa ba pupuna? Huwag ka nang makulit at naghihintay na sa atin ang daddy mo.”Ngunit mariing umiling si Griffin. “No, you are not my mommy. No!” Patuloy siya sa pagpupumiglas at kahit nagsisigaw ay walang tumulong sa kanya hanggang kargahin siya ng estrangherong babae hanggang sa may dumating na lalaki na nakaupo sa wh
“Fuck! Damn it!” Olivia mumbled angrily as her fist became tighter and tighter. Bigo na naman siya na amuin si Rhett. Kahit wala na itong alaala sa nakaraan ay malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni isang beses ay hindi pa siya nito hinalikan at ang mas malala ay wala pang nangyayari sa kanila. Ang buong akala niya ay matitikman na niya ang lalaking mahal na mahal niya kapag gumaling na ito pero matigas pa ito sa bato. Ang gusto niya ay magkaroon sila ng sariling anak ni Rhett para tuluyan na itong mapasakanya at ang anak nito kay Georgina ay itatapon niya. Kaso, inabot na ng limang taon ang pagsasama nila ay wala pa ring nangyayari!Isang oras ang lumipas bago lumabas ng banyo si Rhett. Nakadamit na ito dahil nag-insist siya na iwan iyon sa loob para hindi na ito mahirapan. Agad itong nilapitan ni Olivia at pinangaralan. “Felix, mag-asawa na tayo. Kung ano man ang imperfection mo sa katawan ay kaya ko iyang tanggapin. But why didn’t
Next:“Felix, we’re here!” Malakas na tawag ni Olivia sa asawang si Felix pagkapasok nila sa presidential suite ng hotel na tinutuluyan nila habang nasa Pilipinas. Nang hindi sumagot ang asawa ay binalewala niya iyon at inisip na baka natutulog sa kuwarto. Magkahiwalay ang kuwarto saka ang living room kaya nang makita na wala roon si Felix ay hinayaan niyang mag-isang maglaro si Ollie saka dumiretso sa loob ng kuwarto. Tama nga ang hinala niyang naroon ang asawa pero mali siya dahil hindi ito natutulog. Nakatanaw lang ito sa labas ng bintana at tila tulala habang may malalim na iniisip. “Felix, what are you doing?”Hindi lumingon ang lalaki at nanatili sa pagkakatingin sa labas ng bintanang salamin. Madilim na kahit kakatapos pa lang ng takip-silim at ang nagkikislapang ilaw galing sa karatig na gusali at mula sa trapiko sa kalsada ay nagre-reflect sa kanyang mata. Pero ang tanging nararamdaman niya ay kahungkagan ng damdamin. Tila may kulang. At habang nakatitig sa labas ng bintana
Tuluyang napahinto sa paglalakad si Georgina at napatingin na lamang kay olivia habang pilit nitong pinapatahan ang batang karga na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Hindi siya nito napansin. Ang ipinagtataka niya ay bakit kahit iyak na iyak ang bata ay nakasuot pa rin ito ng mask. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakita ng babae at nagtagpo ang mga mata nila. Nagulat pa ang babae nang makita siya nito pero agad iyong nawala at napalitan ng ngiti bagama’t pansin ni Georgina ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ng bata na ngayon ay nakatayo na sa tabi nito. Bumaba ang tingin niya sa batang lalaki at bumilis ang tahip ng puso. Kasing tangkad ito ni Griffin, ang pangalawang anak niya. “Georgina!” biglang tawag ni Olivia sa pangalan niya kaya iniwas niya ang tingin sa bata at inilipat kay Olivia na may pekeng ngiti sa labi. “Hindi ko akalaing sa pagbabalik namin sa Pilipinas ay ikaw agad ang una kong makikita. Mukhang tinadhana talaga tayo, do you agre