Share

Kabanata 4: Uno

Shiro 

"Shiro!"

Dinig ko ang bawat pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Mga baliw! Anong akala nila sa akin? Uto-uto? Mukha lang akong inosente at walang alam, pero hindi ako mangmang! 

I gritted my teeth while running away from them. They were all insane!

Those abilities they have were talking about was pure lies—at hindi makatotohanan. Walang tao na nakababasa ng isip! Walang tao na nakakikita ng nakaraan! Walang ganoon sa mundong ito. Balak ba nilang higitan ang Diyos?

Nagkamali ako na isipin na maayos ang mga nakatira rito, ang mga tao pala dito ay mga baliw! Akala ko ako lang ang hindi normal dito, pero iba sila. 

"Shiro, sandali! Let us explain.” Naramdaman ko ang paghatak sa braso ko dahilan upang mapatigil ako. "Shiro, maniwala ka—"

Iwinaksi ko ang kamay niya dahil sa inis. Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Liam dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.

"How? How can I believe you if in the first place, ay wala naman talagang gan'yan? Nag-iilusyon lang kayo at 'wag n'yo ako isama sa kalokohan n'yo! " sigaw ko sa kanila.

Biglang sumulpot si Tres sa likuran ni Liam at hapong-hapo.

“Bakit... bakit kaya hindi mo hayaang ipaunawa namin sa'yo para maniwala ka?"

Umiling ako. Buo na ang desisyon ko. "Tigilan n'yo na ako, hindi ako naniniwala. Those abilities you were mentioning do not exist." I declared.

It was painful and heart-wrecking scene for me. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na gaya ni Liam, at ngayon lang ako nakatagpo ng lalaking kasing linis at bait ni Tres, pero gano’n pa ang nangyari. 

Bakit naman kasi kailangan nilang magsabi ng mga gano’n? Hindi na ako bata para maniwala pa doon. At saka, fantasies are all in the books. They don't exist in real life.

I closed my eyes as hard as I could. My heart is in pain. Our conversation a while ago keeps stabbing my heart and occupying my mind. Kung gaano ako kasaya kahapon ay grabe naman ang lungkot na dumating ngayon.

Imbis na umuwi ng bahay ay lumihis ako sa ibang daan. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta, at hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Basta nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may natagpuan akong duyan.

Isang maliit na abandonadong palaruan. May isang hindi gaanong kahabahaan na padulasan, may dalawang siso, at tatlong swing na kinakalawang na ang bakal. 

Walang tao kaya naisipan kong pumunta doon. Ni-check ko pa kung may sira ang bakal bago ako umupo. 

Sa hindi malamang dahilan ay napaluha ako sa kawalan. Malamang ay galit sa akin si Liam ngayon. Sino na lang ang makasasama ko? Sino na lang ang magtatanggol sa akin kung sakali? Bigla akong nagsisi sa inasal ko kanina. Hindi ko alam kung bakit nagpadalos-dalos ako kanina.

Dapat ba na nagpauto na lang ako? Dapat ba umoo na lang ako at sakyan ang trip nila? Ang ayaw ko kasi sa lahat ay ginagawa akong uto-uto. 

Should I go back and ask for forgiveness? Should I apologize? Paano kung hindi niya ako patatawarin? Paano kung ayaw na niya ako maging kaigiban?

I let myself drown in my thoughts, creating a lot of negative scenes in my mind. Ni hindi ko na nga napupunasan ang mga luha ko at hinahayaan na lang ang mga ito na pumatak. Parang mawawasak ang ulo sa sobrang sakit dahil sa kaiisip, sobrang kirot din ng pakiramdam ko dahil sa mga pangyayari.

"Ang pangit mo..." 

Patuloy pa rin ako sa pagluha ngunit tumigil na ang aking paghikbi dahil sa narinig ko. Agad akong bumaling sa nagsalita. Nakatayo siya sa aking gilid— dalawang hakbang ang layo at malayo ang tingin.

Bukod sa sinumpa at halimaw na tiwanag sa akin dati ng mga tao, siya lang ang kaisa–isang tumawag sa akin na pangit. Pangit ako?

Napakurap ako nang maglahad siya sa akin ng puting panyo. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Gano’n ba talaga ako kapangit kaya ayaw niyang tumingin? Sinubukan kong silipin ang kaniyang mukha pero napapansin niya at ang ginagawa ko kaya mas lalo siyang umiiwas.

 

"Tanggapin mo, ayaw kong makakita ng babaing pangit." 

Tinanggap ko ang panyo niya. Alam ko na isang insulto ang salitang pangit ngunit, bakit hindi ako naaapektuhan? Bakit... mas gusto ko ang tawag na iyon kaysa sa “isinumpa” at “halimaw”? Siguro, mas masakit naman kasi masabihan ng halimaw kaysa pangit.

I automatically dried my tears using the handkerchief he gave me. Suminghot pa ako para mapigilan ang nagbabadyang sipon.

"Salamat..." Matapos kong mapunasan ang mga luha ko ay hindi ko na alam ang gagawin. Ibabalik ko ba sa kaniya o lalabhan ko na lang muna? 

I looked at him again.

Hindi pa rin siya lumilingon sa akin at nakatitig pa rin sa malayo. Hindi ko naman makita ang buong mukha niya dahil nakatagilid ito at mistulang nakatalikod na nga. 

Sinubukan ko pang tanawin ang tinitignan niya ngunit wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa tahimik na kabahayan at sa dulo ay mataas at patusok na gusali. Iyon siguro ang paaralan dito.

I cleared my throat. "Salamat, isasauli ko.”

Inilahad niya ang kamay niya ngunit nanatiling hindi siya humaharap sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng gloves. Dahil siguro sa lamig.

Imbis na iabot ko ang panyo ay hinayaan ko ang kamay niya na kumumpas sa hangin.

Bahagya akong napangiti, mukhang nainis siya dahilan upang mapaharap siya sa akin at tignan ang panyo ngunit wala siyang nakita na panyong nakalahad. Bumakas ang pagkairita sa kaniyang mukha at bumaling sa akin.

Ako naman ay nanlaki ang mata sa nakita.

"Tres?"

Pinasadahan ko ang kabuuan niya. Ang nakilala kong tres kanina ay malinis ang pananamit—ang lalaki sa harap ko ngayon na kamukha ni Tres ay dugyot manamit. Nakagwantes pa. Nakabusangot siya at tila hindi marunong ngumiti— hindi gaya ni Tres na mababakas sa mga mata na masiyahin siya. Kaya malakas ang kutob ko na hindi si Tres ang nakatayo sa harapan ko ngayon. Ibang-iba ang ayos niya ngunit kamukhang-kamukha niya si Tres. He must be his twin.

Ibang-iba na ang itsura nito ngayon, at sinabihan niya pa akong pangit! Akala ko ba attractive ako sa paningin niya? Isa rin naman siyang pangit!

Hindi ito ang Tres na nakita at nakilala ko kanina.

"Hindi ikaw si Tres,” usal ko. Inirapan niya ako. "Kakambal ka ba niya?" 

Napansin ko ang maliit na hikaw niya sa kaniyang tainga. Hindi kaya masakit 'yan?

"A-akin na nga ang panyo, kung hindi mo ibabalik edi 'wag!" Nagmartsa ito paalis na ikinagulat ko.

Halos malaglag pa ang panga ko sa pag-irap niya. Seryoso? Bakit ang taray niya para sa isang lalaki? Para siyang babae kung magtampo—gaya ng mga nababasa ko sa libro.

Dali-dali ko siyang sinundan para mag-sorry sa kung ano man ang ginawa ko dahil mukhang na-offend siya. Ang lalaki ng kaniyang hakbang na kinailangan ko pang tumakbo para mahabol siya.

"Sandali…” Sinubukan kong abutin ang kamay niya ngunit tila isang batang takot na iwinaksi niya ang kamay ko. 

Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pinaghalong takot, pangamba, at gulat. Dahil din sa pagtaboy niya sa kamay ko ay nabitawan koang panyo. 

"H-huwag mo nga akong hahawakan!" singhal niya sa akin pero medyo nautal siya sa kaniyang unang salita.

Akmang pupulutin ko ang panyo ngunit sabay kami sa pag-abot nito. 'Di gaya ng mga nababasa ko sa libro na nagkakatinginan ang dalawang karakter ang tagpong ito. Naunahan ako ng lalaking ito na kunin ang panyo at naglakad papaalis. Hindi niya nga ako tinapunan ng tingin. 

Para bang isa akong sakit na nakahahawa at kailangang distansyahan. 

"S-sandali lang," tawag ko ulit sa kaniya. Napahinto siya sa paglakad ngunit hindi siya tumingin sa akin. "Ano muna ang pangalan mo at..."

’Pag ito nagsabi tungkol sa mga abilidad ay doon na ako maniniwala. "…ano ang abilidad mo?" 

Akala ko ay mananatili siyang nakatalikod ngunit nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin at naglakad palapit sa aking gawi. Napaatras ako nang bahagya at tumigil siya dalawang hakbang ang layo mula sa akin.

Lumunok ako at sinubukan siyang titigan sa mata. Hindi ko mawari ang kulay ng mata niya. Hindi itim, hindi kulay ng kape, hindi rin kulay ng tuyong dahon.

"Uno..." he suddenly uttered. "… Uno ang pangalan ko. Ikaw, Puti, anong pangalan mo.”

Puti? Puti ang tawag niya sa akin? Ngumuso ako para maiwasan ang nagbabadyang pagngiti. Bakit gusto ko ang pagtawag niya sa akin ng puti?

"Shiro.”

Tumango siya nang tuwid at umirap na naman sa akin.

“Shiro...hmmm…meaning white," he almost whisper as he kick his lower lip. Napataas ako ng kilay. Same sila ng reaksyon ni Tres. "White in Japanese. Shiro, as white as snow." Then, he looked into my eyes.

But, of course, despite their similarities, they also had different responses. Tres said I was white as milk, while he said I was white as snow. And I like snow better than milk. 

The side of his lips went up as he took another step closer and moved his face inch away from me. I didn’t flinch nor move. I didn’t feel any danger. What I felt was... freedom.  

"I like your eyes... though I can't figure out what the exact color are,” biglang sambit ko. I remain calm. 

He chuckled. "Malalaman mo sa oras na masinagan ang mga ito ng araw."

Napalunok ako. Tumayo siya ng tuwid at tumalikod. Akma na siyang aalis ngunit agad kong hinawakan ang laylayan ng kaniyang damit. Hindi niya pa nasasagot ang tanong ko.

"Bakit?" Inis na sagot niya. 

Hindi siya humarap sa akin, kaya ako ang nag-adjust at sinilip siya. Bahagya pa itong napatalon dahil sa gulat. Natawa ako. 

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Ano ang abilidad mo?” 

I saw how his Adam's apple went up and down as he rolled his eyes at me. 

Tila nandidiring hinawakan niya ang dulo ng sweater ko at tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Diring-diri siya, naka-gloves naman siya, bakit ba ayaw niya akong hawakan sa balat? Bahagya siyang lumayo sa akin at seryoso na tumingin sa akin.

“I can predict someone's future by touching them. So do not touch me. I don't want to see what will happen to you in the future.”

Taka akong tumingin sa kaniya. Napalunok ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Nagsasabi nga talaga ng totoo sina Liam at Tres. Pero paano nangyari iyon? Bakit may gano'n silang kakayahan?

I tilted my head. "Bakit naman? Kasama ba sa makikita mo ang pagkamatay ng... tao? "

Tumango siya. "Oo... Kung hanggang kailan lang sila mabubuhay," sagot niya.

"Paano kung mamamatay pala ako sa future? G-gusto kong malaman—"

"Lahat naman tayo ay darating sa kamatayan,” putol niya sa sinasabi ko.

Napapadyak ako ng paa dahil sa inis. "I mean, kailan at sa anong paraan, paano, at saan?"

Inirapan na naman niya ako. "Wala naman akong pakialam sa kung ano ang mangyayari sa future mo o ninuman. Wala akong pakialam kahit na malaman kong bukas ka na mamamatay,” aniya at nilayasan ako. Sinundan ko siya ng tingin at sandaling napatulala kay Uno. 

Hindi ko alam kung ilang minuto ako natulala, basta namalayan ko na lang na hindi ko na nakita pa ang kaniyang imahe. Umalis na siya nang tuluyan. Kakaibang lalaki, ang pangit na ng itsura ang pangit pa ng ugali! 

I clenched my fist and screamed because of frustration towards Uno.

But the realization hits me. Malinaw na sa akin ang totoo—na ang sinasabi nina Liam at Tres ay hindi ilusyon lamang. Pero ang tanong ko ay paano? Papaano nangyari na may gano’n dito? Bakit parang hanggang dito sa lugar na ito ay ako pa rin ang kakaiba?

Wala akong abilidad na gaya nila. I sighed and after a while I finally decided to go home.

Isang mainit na akap ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa bahay. Umiiyak siyaat mahigpit ang yakap sa akin ni Liam na tila ayaw na akong bitawan.

"I'm sorry, hindi na kita pipilitin na maniwala sa akin. ’Wag ka na lang ulit umalis, pinag-alala mo kami!" aniya habang umiiyak pa rin. 

Napabaling ako sa magulang ko na tila nakahinga na nang maluwag at gano'n din si Tres.

"Ayos lang ako," sabi ko. Napairap siya sa akin. Ngayon ko lang nakita ang namamaga niyang mga mata. Marahil ay kanina pa siya umiiyak.

"'Di namin intensyon na guluhin at takutin ka,” ani ni Tres. 

Napatingin ako sa kaniyang mga mata—kulay kayumanggi. Ano naman kaya ang kulay ng kay Uno? Hindi ko talaga malaman, medyo pareho lang naman sila. 

"Maiwan muna namin kayo. Shiro. Let’s talk later." Napapalunok na napatango ako sa aking mga magulang.

"Saan ka galing? Kung saan-saan kami naghahanap sa'yo." Hinatak niya ako papunta sa upuan. "Akala namin napahamak ka na." 

Sinalinan ako ng tubig ni Tres. 

"Salamat," saad ko. "D'yan lang ako sa may tabi-tabi... nag-isip. At saka, may nakilala rin ako." Tumitig ako kay Tres at nagulat siya dahil sa pagtingin ko.

Mahinang pinalo ako ni Liam sa braso. "Gaga, hindi ka dapat nakikipag-usap sa kung sino-sino dito! Paano kung may gawin silang masama?" Pinanlakihan niya ako ng mata.

I chuckled. "I doubt it. He seems so nice and a little bit... cute? " 

"Eh?! Lalaki?! Wala akong kilalang cute dito!” Napatingin ulit ako kay Tres na ngayon ay takang-taka sa kinikilos ko. “Bakit kanina kapa tingin nang tingin kay President? Crush mo?”

Malakas akong napatawa dahil sa sinabi niya at sa naging reaksyon ni Tres. Bahagyang nanlaki ang mata niya at namula.

I shook my head. "No, I met someone like Tres but a bit mysterious. I think I met your twin, Tres. Am I right?" tanong ko na ikinalaki lalo ng mata niya. 

"Then, I asked him, what is his ability. He said that he can predict someone's future. Doon pa lang alam ko na totoo ang sinasabi niyo. Sorry, hindi ko kayo pinaniwalaan." 

He slowly nodded his head and his eyes slowly widened. "Y-you met uno?" Tumango ako. "Holy sh*t! Really? Aba, himala at lumabas ng bahay 'yon? Wait, did he do something to you?" 

Umiling ako at nagtaka. “Wala naman. Sinabihan niya akong pangit? I think masama 'yon—"

"Of course!" Biglang sigaw ni Liam. G*go talaga 'yon, g*go talaga ang kapatid mo. Hindi naman pangit si Shiro! F*ta, siya, yari talaga sa akin 'yan sa pasukan. "

"Chill,” ani ni Tres at tinawanan si Liam. "Sa'yo lang yata napangitan ang kapatid ko. Pero 'wag kang maniwala dahil ikaw naman ang pinakamaganda sa paningin ko.” He winked at me.

Liam and I both chuckled. 

"Uy, uy, pumapag-ibig si president. Pero alam mo,President.” Sumeryoso si Liam at tila kinabahan naman si Tres.

"A-ano?"

Nagulat ako nang bigla niyang tinaas ang gitnang daliri niya kay Tres. “Ilang beses ko na 'yan narinig sa'yo sa ibat-ibang babae! ‘Wag nga si shiro!" sigaw niya na naging dahilan para tumawa ako. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status