Share

Chapter 57

“Anong oras na?” nagtatakang kong tanong pagmulat ng mga mata ko. Nabungaran ko ang medyo namumungay na mata ng boyfriend ko na nakatunghay sa akin. Nagising ako dahil sa mahinang tapik na ginawa niya sa akin.

“Two AM na.” sagot niya naman sa akin at humikab pagkatapos. “Nakakapagod na araw pero as long as ikaw ang makikita ko pagpasok ng sasakyan ay tanggal ang pagod ko agad.”

Inismiran ko lang ang pambobola niya, ang lalaking ito talaga. Kahit saan ay ipipilit ang mambola. “Pack up na ba?” tanong ko na lang. “Dalawang oras din pala akong nakatulog.” Dagdag ko pa pero hindi muna ako bumangon mula dito sa likurang upuan ng van, marahan muna akong nagstretch.

Nandidilat na mata ang isinagot niya sa mukha ko, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Bakit? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ano ang sinasabi mong dalawang oras? Paanong

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status