Share

Kabanata 34

Binuksan ni Caroline ang pinto at ang naabutan niya'y isang walang laman na pasilyo. "Kakaiba. Bakit walang tao?" bulong niya sa sarili habang nagtataka.

Kasunod niya si Kirk papuntang pinto. Luminga siya sa magkabilang dako pero ni anino ng tao'y wala rin siyang natagpuan. Sa bahagyang paos na boses, aniya, "Baka may isang batang naglalaro ng pranks sayo. Balik na tayo at kumain na lang."

"Sige." Sagot ni Caroline kasabay ng tango bago niya muling sinara ang pinto.

At nang bumalik na ang katahimikan sa pasilyo, biglang sumulpot si Eddy mula sa likod ng emergency exit at mataman niyang tinignan ang nakapinid na pinto ng apartment ni Caroline. Dumaloy ang isang alon ng pagkadismaya sa kanyang mga mata. Kasal na si Caroline at kasama na niya ang ibang lalaki sa buhay.

Sa mahabang panahon, pinangarap niyang tumigil na sana si Caroline sa kanyang pagsunod at pag-asa sa kanya. Pero ngayon, kahit natupad na ang nais niya, hindi ito nagdulot ng inaasahang ligaya sa kanyang damdamin.

Paki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status