Beranda / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 68

Share

Bon Appetit CHAPTER 68

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-22 03:03:47

Hanggang dumating ang araw na nagpasya siyang ilabas ang lahat ng nararamdaman.

Huling klase ni John. Alam niyang maglalakad ito papunta sa gate.

Doon siya naghintay.

Kinakabahan. Nanginginig ang kamay. Tumutulo na ang malamig na pawis sa kanyang batok.

"Hindi na p’wedeng bukas pa… ngayon na," bulong niya sa sarili.

At sa wakas, nakita niyang papalapit na si John — nakangiti, kausap ang mga kaibigan, bitbit ang backpack.

Huminga siya ng malalim.

"John!" tawag niya, na ikinagulat pa ng kanyang sariling boses.

Nilingon siya ni John. "Oh, Fortuna! Anong ginagawa mo rito? Di ba uwian na?"

Lumapit siya, pinilit na hindi manginig.

"Pwede ba kitang makausap… saglit lang?"

Tumingin si John sa mga kasama niya at ngumiti. "Sige mauna na kayo."

Nang sila na lang ang natira, naramdaman ni Fortuna na parang babagsak ang kanyang mga tuhod.

"Kumusta?" casual na tanong ni John.

Pero imbes sumagot, pumikit siya saglit at naglakas loob.

"John… matagal ko na itong gustong sabihin."

Tinitigan siya ni Joh
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 69

    Galit. Nagagalit sa kanya."Anong ginawa mo, Fortuna?! Sinamantala mo ako!" sigaw nito.Umiiyak siya, nakaluhod. "John… mahal kita! Wala akong intensyon na saktan ka!"Pero hindi na siya pinakinggan.Bumalik siya sa kasalukuyan.“Mula noon... ikaw na,” mahinang bulong niya, hinahaplos ang mukha ni John sa litrato. “Ikaw lang minahal ko ng ganito... hanggang ngayon, ikaw pa rin.”Isang lagok ng alak. Isang bulwak ng luha.Unti-unti siyang naupo sa sahig, yakap-yakap ang kanilang larawan.Tiningnan niya ang cellphone… walang text, walang tawag."John… ang sakit-sakit na… kailan mo ako pipiliin?" bulong niya.Hinaplos niya ang wedding band sa kanyang daliri."Mahal na mahal pa rin kita, John… kahit harap-harapan mo na akong sinasaktan."paulit-ulit na sinasabi habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.Umaga na. Dumilat si Fortuna, nangingilo ang ulo sa sobrang pag-inom ng alak. Nanatili sa sahig ang wedding picture nila ni John, basang-basa sa kanyang luha. Mahigpit niya itong niyakap na p

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-22
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 70

    Tahimik ang buong bahay. Tanging ang hikbi ni Fortuna ang umaalingawngaw sa loob ng kusina. Nanginginig ang kanyang kamay habang pinupunasan ang luhang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata. Ang almusal na inihanda niya ay nanlamig na… parang puso ni John.Maya-maya, nag-ring ang kanyang telepono.Napatingin siya sa screen — si Mama.Dahan-dahan niyang sinagot.“M-Ma…” bulong niya, halos hindi na makalabas ang boses.“Anak…” Malumanay ang tinig ni Jinky, pero ramdam ang bigat. “Kamusta ka na, anak?”Napasinghot si Fortuna. Hindi siya makapagsalita.“Naiintindihan kita,” patuloy ni Jinky. “Lahat ng sakit… anak, ramdam ko.”Napahagulhol na siya sa kabilang linya.“Mama… hindi ko na alam kung kaya ko pa…”“Fortuna…” Nakisali sa usapan si Jack Han, ama ni Fortuna, na nasa speaker na rin pala. “Anak… alam naming mahal na mahal mo si John. Pero anak, nasasaktan ka na… sobra.”“Pa…” bulong niya, humahagulgol. “Ginawa ko lang naman po ang lahat… kasi mahal na mahal ko siya… Hindi ko po ginus

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 71

    Nagpaalam sila sa isa’t isa at ibinaba ang tawag.Naiwan si Fortuna na tahimik, pero ngayon ay may bahagyang gaan sa dibdib.Tumayo siya. Inayos ang mesa. Pinunasan ang luha.Pero bago siya makalayo, bumukas ang pintuan.Si John.Napalunok siya.“John…” mahina niyang tawag.Tiningnan siya ng lalaki. Parehong malamig at puno ng pagkayamot ang mga mata nito.“Anong ginagawa mo? Nagsusumbong ka na naman sa lola ko o kay mama?” malamig na malamig na tanong ni John pagkapasok niya ng bahay, habang nakakunot ang noo at punong-puno ng inis ang mukha.Napapitlag si Fortuna sa kinatatayuan niya. Hinigpitan niya ang hawak sa laylayan ng kanyang damit, nanginginig ang kanyang mga kamay.“John… h-hindi totoo ‘yan…” halos pabulong na sagot niya, namumugto pa ang mga mata mula sa iyak.Tumawa si John ng mapait, parang pinandidirihan siya.“Ang drama mo kasi, eh. Lagi mong dinadaan sa iyak,” sarkastikong tugon ng lalaki. “Akala mo ba madadaan mo ako sa luha mo? Sa awa?”Napayuko si Fortuna. “Hindi…

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 72

    “Pa… Ma…” muli niyang tawag sa telepono, basag na ang boses, halos hindi na maipinta ang sakit na bumabalot sa kanya.“Anak…” muling sambit ni Jack Han, ramdam ang bigat sa kanyang tinig.“Pa… Ma… patawarin niyo po ako…” humikbi si Fortuna, humigpit ang hawak sa cellphone, halos mabasag ito sa kanyang kamay. “Hindi ko pa po kayang iwanan si John…”May ilang segundo ng katahimikan sa kabilang linya. Tanging ang mahihinang hikbi niya at ang pigil na paghinga ng kanyang mga magulang ang maririnig.“Nagbabakasakali pa po ako, Pa… Ma… na… balang araw… magbago siya… at… matutunan niya rin akong mahalin.”Parang isang kutsilyo ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Sa loob-loob niya, alam niyang napakaliit ng posibilidad. Pero ayaw niyang sumuko. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa, kahit pa siya na lang ang kumakapit.“Anak…” halos pabulong na ang boses ni Jinky, nanginginig. “Hanggang kailan ka magbabakasakali? Hanggang kailan mo hahayaang masaktan?”“Ma… hindi ko po alam… pero… pakiramdam

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 73

    Sa isang mamahaling restoran, tahimik na nakaupo si Senyora sa isang sulok. Eleganteng nakasuot ng pulang cocktail dress, may suot na diamond necklace na parang gusto niyang ipanghambalos sa sinumang magtanong kung bakit siya naghihintay.Inip na inip na siya.Tinapik-tapik niya ang mesa gamit ang mga daliri, bawat segundo parang binibilang.Nang sa wakas, dumating ang pinakahihintay niya.Si John, nakasuot ng itim na long-sleeve shirt at dark denim jeans, malamig ang ekspresyon sa mukha."Kanina pa ako naghihintay," sabay taas ng kilay ni Senyora, may halong tampo."May inasikaso lang ako sa bahay," malamig na sagot ni John, umupo sa tapat niya."Kay Fortuna na naman?" Inis na tanong ni Senyora."Oo," maikli niyang tugon.Napailing si Senyora."Bakit hindi mo pa tapusin? Alam naman natin kung ano lang ang meron sa inyong dalawa.""Huwag kang makialam," matalim na sagot ni John."Makikialam ako, John. Dahil gusto kong malinaw sa'yo na hindi mo na kailangang magpaka-martir. Mas mahalag

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 74

    Tumulo ang luha ni John.“Sen… mahal kita… pero hindi ganoon kadali…”Napahagulgol si Senyora.“John… pinili kita kahit alam kong bawal… kahit alam kong masasaktan ako. Pero hindi ko kayang habang-buhay akong nakatago sa dilim. Mahal kita, John… pero kung hindi mo ako kayang piliin ngayon… ako na ang aalis.”Hinawakan ni John ang kamay ni Senyora.“P-please… wag mo akong iwan.”Ngunit mabilis na binawi ni Senyora ang kanyang kamay.“Wag mong sabihin na mahal mo ako kung hindi mo kayang panindigan.”Tumayo siya, huminga nang malalim.“John… mamili ka. Siya… o ako.”Tahimik si John. Wala siyang masabi.Tumulo ang luha ni Senyora, kasabay ng isang mapait na ngiti.“Wala ka nang kailangang sabihin… alam ko na ang sagot.”Lumakad siya papalayo, habang si John ay nanatiling nakaupo, basag na basag sa kanyang kawalan ng tapang.Samantala…Sa kabilang banda ng lungsod, si Fortuna ay nasa silid, nakatingin sa mga larawan nila ni John. Isa-isang nilalapag sa kama, ang bawat larawan ay mistulang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 75

    Umaga. Tahimik ang bahay ni Fortuna. Isang katahimikan na parang sumisigaw ng sakit sa bawat sulok. Walang ingay… maliban sa paghinga niyang mahina, pilit na pinipigilan ang pag-iyak.Nakaupo siya sa gilid ng kama, tangan pa rin ang cellphone. Wala pa ring text. Wala pa ring tawag.Hanggang kailan niya kakayanin ito?Lumipas ang ilang minuto, nagpasya siyang lumabas ng bahay. Huminga siya nang malalim, pinilit na magmukhang matatag sa harap ng mundo kahit wasak na wasak na ang puso.Ngunit sa di kalayuan… isang sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay ni Senyora.Hindi siya makagalaw. Nakita niya si John. Bumaba ito mula sa sasakyan… kasunod ang pagbukas ng pinto ni Senyora, suot ang manipis na dressing gown na halos hubad na ang katawan.Nanginginig ang kanyang katawan.“Nandiyan na naman siya…,” bulong ni Fortuna sa sarili, ang boses ay punong-puno ng kirot.Mula sa malayo, kitang-kita niya kung paano hinawakan ni Senyora ang mukha ni John, kung paano hinalikan ito sa labi na parang w

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-26
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 76

    Samantala, sa kabilang dako ng lungsod — si John, nakahiga sa kama ni Senyora."Hindi mo siya kayang iwan, ano?" malamig na tanong ni Senyora habang nakayakap sa kanya.Tahimik si John."John… piliin mo naman ako. Huwag mo na akong gawing panakip-butas. Ilang taon na akong naghihintay."Hinawakan ni John ang kamay nito."Senyora… ikaw ang pinili ko. Pero hindi ko kayang sirain ang respeto ng mga magulang ko.""Respeto?" tumawa si Senyora, mapait at puno ng poot. "Paano mo nasasabing respeto kung nilulunod mo sa sakit ang asawa mo? Kung bawat gabi, ako ang kasama mo?""Ikaw ang gusto ko." Mahinang tugon ni John."Pero hindi buo.""Hindi ko pa kaya."Tumayo si Senyora, humarap sa kanya. "John… kung hindi mo siya kayang bitawan, ako ang bibitaw. Ayokong manatiling kabit sa puso mo!""Sandali lang, Senyora…""John! Ako ang babae na naghintay, nagtiis, at umasa! Pero hanggang kailan?" “Maghintay ka lang, Senyora,” malamig ngunit puno ng kumpiyansang bulong ni John habang mahigpit na hinaha

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-27

Bab terbaru

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 129

    Mabilis lumapit si Tony. Pagkakita niya kay Fortuna, natigilan siya. Napakapit siya sa dibdib, parang tinamaan ng kung anong emosyon na hindi niya agad masayod.“Diyos ko, Fortuna…” bulong ni Tony habang lumalapit.Pagkatapos ng ilang segundo, niyakap niya ang kapatid. Mahigpit. Mainit. May luhang pumatak sa balikat ni Fortuna.“Kuya…”“Dito ka na. Ligtas ka na. Hindi ka na niya mahahawakan. Nandito kami.”“Maraming salamat, anak,” bulong ni Jinky. “Maraming salamat sa pagtanggap sa amin.”“Dito kayo titira hangga’t gusto ninyo. Dito magsisimula si Fortuna. Sa lugar na ‘to. Sa buhay na hindi na niya kailangang itago ang luha niya.”Hindi nagsalita si Jack. Tahimik lang siyang nakatingin sa anak niya habang pinipigil ang pagpatak ng luha. Sa isip niya, inulit-ulit lang ang iisang pangako. Hindi na siya muling magkukulang.Sa loob ng bahay ni Tony, naroon ang amoy ng mainit na sabaw. Kumot. Katahimikan. At ang bagong simula.“Anak, uminom ka muna ng gatas,” alok ni Jinky habang isinusub

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 128

    "Walang nagbago?" Halata ang pagpipigil ng luha at hinanakit sa tinig ni Señora. "John, ilang gabi na kitang hinihintay. Pero hindi ka dumadating. Hindi ka na tumatawag. Hindi ka na naglalambing. Dati, ikaw pa ang hindi mapakali pag hindi tayo magkasama. Ngayon, parang ako na lang ang nagmamahal."“Señora…”“At ‘wag mo akong tawaging ‘Señora’ na parang estranghero ako sa’yo!” Napalakas ang boses niya. "Ako ang nobya mo, John! At kung mahal mo na si Fortuna… sabihin mo sa’kin ng direkta.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.“Ongoing na ang annulment niyo, hindi ba?” patuloy ni Señora, nanginginig na ang tinig. "Dapat nga mas nagkakaroon tayo ng time ngayon. Dapat tayong dalawa ang gumagawa ng plano sa future natin... pero ikaw, parang may hinahanap kang hindi ko kayang ibigay.Humugot siya ng mahabang buntong-hininga, bago tinanong ng diretso, "Don’t tell me… mahal mo pa rin siya?"Hindi agad nakasagot s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 127

    Napayuko siya. Napakuyom sa kanyang palad. Ang bawat salita ng kanyang lola ay parang latigong dumudurog sa natitira niyang dangal.“Minsan, ang sobrang pagmamahal… napapagod din.”“Pero mahal ko siya, La…” Mahina. Umiiyak. “Mahal ko siya…”“Late na ba ako?” tanong ni John. “La, late na ba ako kung ngayon ko lang ‘to naramdaman?”“Hindi ako ang makakasagot niyan, apo. Si Fortuna lang ang may karapatang sumagot niyan.”Tumayo si John. Humakbang siya palapit sa kanyang drawer, binuksan ito at hinugot ang isang maliit na kahon. Sa loob ay naroon ang panyo ni Fortuna, ang huling bagay na naiwan nito. Mahinang halimuyak ng pabango ang tumama sa kanya. Nabalot siya ng alaala. Ng mga gabing magkatabi silang hindi nag-uusap, ng umagang naghain si Fortuna ng almusal pero hindi niya kinain, ng huling beses na lumingon si Fortuna sa kanya bago lumabas ng pinto sa law firm kung saan sila pumirma ng annulment.Doon siya tuluyang bumigay.“Gusto ko siyang hanapin, La. Gusto kong itama ang lahat. Ka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 126

    Pero walang sagot.Pilit niyang pinindot muli ang pangalan sa contact list. "Fortuna." Wala pa rin. Palaging out of reach. Palaging tahimik ang kabilang linya.Dahan-dahang pinikit ni John ang mga mata. Umihip ang hangin sa loob ng kwarto, tila ba sinasadya siyang balutin ng lamig ng pagkakabigo. Binuksan niyang muli ang cellphone. Pinindot ang isa pang pangalan. "Lola Irene."Isang ring. Dalawa. Tatlo."Hello?" mahina pero malinaw ang tinig ng matandang babae."Lola..." basag ang boses ni John."Bakit, anak? May nangyari ba?""Si Fortuna..." Napalunok siya. Napakuyom ang palad. "May balita ka ba sa kanya?"Sandaling katahimikan sa linya."Ha? Wala, anak. Matagal ko na ring gustong itanong kung kumusta na siya. Pero simula nang magpirmahan kayo, hindi na rin siya nagparamdam sa akin.""Hindi ko na siya makontak, Lo. Lahat. Wala. Parang... parang nawawala na lang siya.""Ano'ng ibig mong sabihin, John?""Hindi na siya sumipot sa huling pirma. Akala ko darating siya. Akala ko kailangan

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 125

    Napasinghap si Fortuna. Hindi niya kailangan itanong kung paano nalaman ng kanyang ina—isang ina'y laging nakakaramdam, kahit walang salitang binibitawan.“Ma…” basag ang boses niya, “paano kung hindi ko kayanin?”Hinawakan ni Jinky ang kanyang pisngi, pinunasan ang luha. “Kakayanin mo. Hindi dahil wala kang takot, kundi dahil may dahilan ka na. Hindi na para kay John. Hindi na para sa nakaraan. Kundi para sa anak mo. At para sa sarili mo.”Pagpasok nila sa immigration, isa-isang tinapik ni Jack ang balikat ng anak. “Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo kung hindi ka niya pinili. Minsan, hindi tayo pinipili kasi... kailangan muna nating piliin ang sarili natin.”Napangiti si Fortuna kahit nangingilid pa ang luha. “Pa… salamat. Kayo ni Mama lang ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nawasak.”Sa loob ng gate, habang naghihintay ng boarding, sumulyap si Fortuna sa likod—sa mga glass wall ng airport. Walang kaalam-alam ang pamilya Tan. Walang pamamaalam. Walang paghawak ng kamay ni

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 124

    Umaga pa lang ay mabigat na ang hangin.Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nina Fortuna, Jinky, at Jack ang daan patungong airport. Sa labas ng bintana, dumaraan ang mga pamilyar na gusali—ang ilang alaala ng kabataan ni Fortuna, ang mga daanang ilang ulit niyang tinakbuhan habang umiiyak, at ang mga kantong minsang saksi sa mga gabing hindi niya alam kung paano pa babangon.“Anak, gusto mo bang huminto muna tayo? May isang oras pa naman bago ang check-in,” tanong ni Jack, nakatingin sa rearview mirror.“Hindi na po, Pa. Diretso na lang tayo,” mahinang sagot ni Fortuna habang yakap ang kanyang sling bag, sinisiksik sa dibdib ang kaba.Tahimik na tumango si Jack. Sa tabi niya, tahimik lang si Jinky, pero panaka-naka’y sinusulyapan si Fortuna. Ang mga mata ng ina—tila gustong magsalita, pero nagpipigil.“Ma,” simula ni Fortuna, “’wag n’yo na pong ipag-alala ‘ko. Alam ko pong mahirap ‘tong desisyon. Pero ito lang po ang paraan para makaalis ako sa lahat ng sakit dito.”“Hindi

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 123

    Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 122

    Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 121

    Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status