بيت / Romance / Both my Brothers Want Me / Ang Aking Pagbabalik

مشاركة

Both my Brothers Want Me
Both my Brothers Want Me
مؤلف: Rosy Vixen

Ang Aking Pagbabalik

مؤلف: Rosy Vixen
last update تاريخ النشر: 2026-11-05 00:31:59

Ang unang napansin ko sa estate ng mga Montenegro ay hindi pa rin nagbabago ang langitngit ng tarangkahan.

Limang taon akong nawala, limang taon ng mga paliparan, boardroom, pansamantalang apartment, at mga tawag na may call logs, pero pareho pa rin ang tunog. Ibinaba ko nang kaunti ang bintana ng inupahang kotse para maamoy ang basang lupa at bougainvillea. Nahugasan ng ulan ng Nobyembre ang driveway, pero hindi nito nahuAng unang napansin ko sa estate ng mga Montenegro ay hindi pa rin nagbabago ang langitngit ng tarangkahan.

Limang taon akong nawala,limang taon ng mga paliparan, boardroom, pansamantalang apartment, at mga tawag na eksaktong itinatakda ang oras,pero pareho pa rin ang tunog. Manipis, matinis, parang reklamo ng bakal na ayaw magkunwaring malugod ang pagtanggap. Ibinaba ko nang kaunti ang bintana ng inuupahan kong kotse para maamoy ang basang lupa at bougainvillea. Nahugasan ng ulan ng Nobyembre ang driveway, pero hindi nito nahugasan ang mga alaala.

Kitang-kita ko pa rin kami noong mga teenager,si Matteo, tumatakbo sa daanan na may hockey stick sa balikat, si Rafael, nagpapanggap na hindi nakikipagkarera sa kanya kahit halatang siya ang nananalo; at ako sa gitna, may dalang mango shake at sumisigaw na papatayin kaming tatlo ni Eduardo.

Hindi kami magkadugo. Pinakasalan ng ama nila, si Eduardo, ang nanay kong si Celeste noong sapat na ang edad namin para maunawaan ang komplikasyon at sapat na bata para maniwalang kayang ayusin ng pagsisikap ang lahat. Magkakaiba ang apelyido. Magkakaiba ang pinagmulan. Isang bahay. Sa paglipas ng panahon, isang pamilya,o iyon ang pinaniwalaan ko hanggang sa maging napakasakit nang manatili.

Huminto ang driver sa may guard house. Bago ko pa mabuksan ang p***o, bumukas na ang pangunahing entrada.

Nandoon si Matteo, isang kamay sa tungkod at ang isa ay nakataas bilang pagbati.

"Tignan mo nga” sigaw niya.

“Ikaw kaya tumingin allergic ka pa rin humingi ng tulong.”

Ngumiti siya, pero nakita ko ang itinatago ng ngitingng iyon. Mas payat siya, mas mahaba ang maitim na buhok, at may brace ang kaliwang pulso sa ilalim ng kulay gray sweatshirt. Kahit may pinsala, may kakayahan pa rin si Matteo na pagaanin ang bigat ng aura ng isang lugar.

“Halika rito.”

We hugged each other carefully . Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya bago siya bumitaw.

“Masakit ba?.”

“Hindi siya amaga

“May tungkod ka.”

“Fashion choice.”

“May brace ang brasonmo.”

“Fashion din.”

“Matteo.”

Lumambot ang ngiti niya. “I'm fine Lia.”

Naniniwala akong gusto niyang paniwalaan ko iyon.

Sa loob, eksaktong ganoon pa rin ang bahay: blacknand white na tiles, brass na orasan, at ang naka-frame na litrato naming tatlo sa tabi ng unang racing car ni Eduardo. Nasa gilid si Rafael, naka uniform at seryoso sa edad na dalawampu’t dalawa. Gumagawa naman si Matteo ng rabbit ears sa likod niya. Ako, nakapikit ang mga mata sa kakatawa.

Ako ang unang umiwas ng tingin.

“Nasa study si Dad,” sabi ni Matteo. “Kanina pa siya naghihintay mula tanghalian.”

“Sinabi ba niya kung bakit niya ako pinauwi?”

“Sabi niya, kailangan ng negosyo ng taong mag oobserved sa buong board.”

“Parang siya.”

“Parang krisis din.”

“Kay Eduardo, kadalasang magkasabay ang dalawang iyon.”

Sa dulo ng pasilyo, bukas ang p***o ng study. Nasa likod ng mesa si Eduardo, mas maliit at mas marupok kaysa sa alaala ko. Naglaho ang mga balikat niya sa ilalim ng navy cardigan. May oxygen machine na humuhuni sa tabi ng mga bookshelf.

“Lia,” sabi niya.

Hindi “anak.” Hindi “sweetheart.” Pangalan ko lang, bitbit ang limang taon sa pagitan namin.

“Eduardo.”

Nanatili si Matteo sa p***o. Napansin kong humigpit ang kapit niya sa tungkod.

Itinuro ni Eduardo ang upuan. “Umupo ka.”

“Mas gusto kong nakatayo.”

“Mahirap ka pa rin.”

“Diretso pa rin.”

Saglit na bumalik ang dating Eduardo ang lalaking nagturo sa amin magpalit ng gulong at naniniwalang walang saysay ang paghingi ng tawad kung walang kasunod na gawa. Pagkatapos, umubo siya nang malalim at magaspang, at muling umikot ang buong silid sa karamdaman niya.

“Hindi ako bumalik para iligtas ka,” sabi ko nang makahinga na siya.

“Alam ko. Bumalik ka dahil hiniling ko.”

“Dahil sinabi mong may sakit ka.”

“May sakit ako.”

“Hindi ibig sabihin noon na may utang akong pagliligtas sa iyo.”

“Hindi.” Pinagdikit niya ang mga kamay. “May utang ang Montenegro Motors mula sa racing division. Dalawang sponsor ang nagrerepaso ng kontrata nila. Nawalan ang manufacturing ng tatlong malalaking kliyente. Hati ang board sa pagitan ng pagbebenta ng team at pagsisihan ng isa’t isa.”

Tiningnan ko ang mga folder sa tabi niya. Nakaimprenta ang pangalan ko sa unang pahina.

“Gusto mong ayusin ko ang lahat ng iyon?”

“Gusto kong tukuyin mo kung maaari pa itong ayusin.”

“Bakit ako?”

“Dahil gumawa ka ng reputasyon sa pag-aayos ng mga kumpanyang nagliliyab na.”

“Malaki ang bayad sa akin ng mga kumpanyang iyon.”

“Babayaran kita.”

“Hindi iyon ang punto.”

Hindi inalis ni Eduardo ang tingin sa akin. “Ang punto, umalis kang galit, at may karapatan kang manatiling galit. Pero ang taong galit sa isang bahay ay alam pa rin kung saan mahina ang pundasyon nito.”

Kinamuhian kong kaya pa rin niya akong gawing labing-anim sa isang pangungusap. Mas kinamuhian kong may bahagi sa akin na nangulila sa kanya.

“Ano ang mga kondisyon?”

Itinulak niya sa akin ang kasunduan. “Anim na linggo. Iaudit mo ang negosyo, patatagin ang kaya, at magbigay ng rekomendasyon sa board. Kung kailangan nating magbenta, magbebenta tayo. Kung kailangan nating isara ang racing, isasara natin. Maaari kang umalis anumang oras.”

Maingat kong binasa ang mga unang pahina. Buong access sa financials, operasyon, at personnel. Direkta akong magre-report kay Eduardo at sa board. Walang maaaring humarang sa imbestigasyon ko.

“Kahit si Rafael?”

“Lalo na si Rafael.”

Sa pagkarinig sa pangalan niya, may lumang bagay na gumalaw sa ilalim ng mga tadyang ko.

Palagi niyang ginagawang disiplina ang damdamin. Noong labimpito siya, nagsasalita lamang kapag kailangan. Noong dalawampu’t dalawa, naging professional driver siya at natutong gawing kontrol ang katahimikan. Siya rin ang huling taong nakita ko bago ako umalis.

Umalis ako bago magbukang-liwayway. Nakatayo si Rafael sa tabi ng garahe, nakasuksok ang helmet sa ilalim ng isang braso. Pinanood niyang mamutla ang langit at hindi niya ako hinilingang manatili.

Hindi ko rin siya hinilingang humabol.

“Kailangan ko ng matutuluyan,” sabi ko.

“Ang dati mong kuwarto.”

“Napakaraming alaala.”

“Guest wing, kung ganoon.”

“Maghahanap ako ng hotel.”

Sumandal si Matteo sa frame ng p***o. “Kamumuhian mo ang hotel. Pangit ang pressure ng shower, at amoy artipisyal na vanilla ang lobby.”

“Nakaligtas ako sa mas malala.”

“Ayaw mong dalawang beses mag unpack.”

Tiningnan ko siya. “Sobra kang maraming naaalala.”

“Occupational hazard.”

Itinulak ni Eduardo ang bolpen sa akin. “Anim na linggo.”

Malinis ang kasunduan. Walang sentimental na obligasyon. Walang inaasahang pagpapatawad. Trabaho lang. Iyon, kahit paano, ay naiintindihan ko.

Pumirma ako.

Dumating si Rafael bago maghapunan.

Sinusuri ko ang organizational chart sa foyer nang may lumapit na kotse. Hindi iyon ang agresibong ungol ng dati niyang training vehicle mas kontrolado at mamahalin. Bumukas ang p***o at pumasok siya, suot ang itim na racing trousers at team jacket, basang-basa ang buhok sa ulan. May manipis na peklat sa kanang kilay niya. Hindi ko iyon naaalala.

Nakita niya ako. Saglit, wala sa aming gumalaw.

“Lia.”

“Rafael.”

Dumausdos ang tingin niya sa mukha ko, coat, at folder nang hindi nagtagal sa alinman. Halos mas masakit iyon kaysa kung tinitigan niya ako.

“Bumalik ka.”

“Ganoon na nga.”

“Bakit?”

“Tinanggap ako ng ama mo.”

“Hindi iyon ang tanong ko.”

“Hindi,” sabi ko. “Hindi nga.”

Sumipol si Matteo sa likod namin. “Masaya ang hapunan.”

“Anim na linggo,” sabi ko kay Rafael. “Pagkatapos, aalis na ako.”

Isang beses humigpit ang panga niya. “Iyan din ang sinabi mo noon.”

Muling bumuka sa pagitan namin ang dating pamamaalam, talim na eksakto ang hiwa.

“Sa pagkakataong ito,” sabi ko, “isusulat ko.”

Naglakad ako patungo sa dining room, ramdam ang katahimikan niya sa likuran ko.

Nang gabing iyon, matapos kong i-unpack ang isang maleta lamang, muli kong binasa ang kontrata. May gumugulo sa akin—hindi ang awtoridad na ibinigay sa akin, kundi ang paraan ng paghihiwalay ng abogado ni Eduardo sa mga pahina ng pirma at sa mga annex.

Hiningi ko sa Legal ang kumpletong executed copy. Makalipas ang dalawampung minuto, dumating sa inbox ko ang scanned file. Binuksan ko ang huling appendix, umaasang tax schedules ang makikita ko.

Sa halip, may isang talata sa ilalim ng heading na Temporay Continiuty Authority..

Kung mawalan ng kakayahang medikal si Eduardo sa loob ng anim na linggo, may awtoridad akong suspindihin, ilipat, o protektahan ang mga asset na hawak ng pamilya kabilang ang shares, ari-arian, at controlling interests—nang walang paunang pag-apruba ng board.

Dalawang beses ko iyong binasa. Pagkatapos, pangatlo.

Hindi lang pala ako kinuha ni Eduardo para suriin ang kumpanyang bumabagsak.

Palihim niya akong binigyan ng kontrol sa mga asset ng pamilyang Montenegro.

At itinago niya ang probisyong iyon sa lahat pati sa akin.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • Both my Brothers Want Me   Ang Video na Hindi Dapat Bumalik

    Tatlong araw matapos ang crash, bumalik si Matteo sa hockey rink.Pinayagan na siya ng mga doktor para sa balikat niya. Pinayagan na rin siya ng team na bumalik sa iskedyul. Pero hindi siya pinayagan ng media na makapagpahinga. Sa press conference, mas interesado silang pag-usapan ang racing division kaysa sa comeback niya. Nasa gilid ako ng silid, hawak ang folder ng sabotage report, nang bumaling sa akin ang isang reporter. “Matteo, totoo bang ginagamit ni Lia Santiago ang posisyon niya para kunin ang kontrol sa Montenegro Racing? May mga source na nagsasabing itinutulak niyang palabas ang mga executive ng pamilya.” Sabay-sabay bumaling sa akin ang mga camera.Sumandal si Matteo sa mikropono. “Sino ang mga source ninyo?”“Mga taong malapit sa pamilya.” “Hindi iyan sagot.” “Totoo ba?” “Hindi ako kasali sa pang araw araw na desisyon ng kumpanya.” “Pero kasali ang stepsister mo.” “COO siya.” “Isang outsider na dinala rito matapos ang maraming taong pagkawala.” Nag iba

  • Both my Brothers Want Me   The Second Lap

    Mabilis na dumating ang race weekend, biglaan,napa kaingay at walang paki alam kung prepared ka. Pagdating sabado ng umaga ay buhay na ang Clark circuit dahil aa ingay ng makina, tawag sa mga radyo, carts na may gulong at ang amoy ngmainit na espalto. Suot ko ang official Montenegro racing uniform habang nakatayo sa pit wall, pilit na nagpapanggap na hindi ko naiisip ang gumamit sa identity ni Rafael. Hindi ko pa iyon sinabi sa kanya. Hindi dahil wala akong tiwala. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa isang taong muntik mawasaknang buhay dahil sa isang crash na may gumamit ng pangalan niya para sa isang suspicious transaction at maaring maging kriminal. "Ang telemetry sa turn 9 ay hindi stable", sabi ni Nico, ang race engineer. Nawawalan tayo bg two-tenths sa paglabas" "Tell him na ingayan niya ang rear tires". Tinignan ako ni Rafael. "Gusto mong ikaw na ang magcoach kay Rafael sa pagmamaho?" "Gusto ko lang na sabihin mo sa kanya kung anong nangyayaribsa kotse. Siya

  • Both my Brothers Want Me   Ang Pangalan sa Likod ng Bayad

    Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Pagsapit ng alas 2 ng madaling araw, pakiramdam ko parabg naging isang maliit na isla ang finance office ng Montenegro group, cold coffee at mga spreadsheet na naglalaman ng mga kasinungalingan ang kasama ko. Tahimik anv buong building. Pulut ulit kong binalikan ang anim na transfer na nakita ko sa forenseic review. 6 transfers sa loob ng 11 months. Magkakaiba ang amount, pero parehas ang trails, sapat na para hindi ito maflag, spat na halaga kapag pinag sama sama. Northstar logistics, Meridian Performance, Vela Stratevic Holdings, mga pangalang mukhang respectable, ang mga address ay sa makakit at naayos ang mga corporate filings, ngunit walang makitang tunay nanoperasyon. At lahat ng ito ay pare parehong dumaan approval chain Montenegro group. Binuksan ko ang file slast transfer. Nakalagay doon na ito ay para sa emergency procurement ng racing parts at walang motorsport license nag supplier. Walang wrehiuse athindi matawagan ang mga numero ng

  • Both my Brothers Want Me   Ang Nawawalang Pera

    End of the 2nd week, i learned na may kahina hinalang perang biglang nawawala.Nawawala ito paonti onti, ikinubli bilang consuling fee, expedited shipment, reimbursement at night, invoice ng supplier na hinati hati sa tatlong payment para hindi mapansin ng alinmang departamento ng kabuuang halaga.Matapos kumalat ang picture, naging parang presure cooker ang estate. Inutusan ni Eduardo ang legal team na magrelease ng statement na itinatanghi ang anumang klase ng conflict of interest. I refuse to do a romantic denial tungkol sa isanh bagay na hindi naman naganap. Hindi nagsalita si Rafael, na siya namang nagpalakas ng ingay ng mga headline.Meanwhile nasa bahay si Matteo, hindi maigalaw ang braso at nanganganib ang career dahil sa tinago niyang medical report.Hindi ko pa sinabi sa kanya na alam ko na. Ayon sa doktor siya mismo ang kailangang magsabi sa team. Galit ako sa kanya, natatakit din, at masakit para sa akin na makita siyang nagkukunwaring masaya at dinadaan lang sa biro ang p

  • Both my Brothers Want Me   The Line that' s been Crossed

    Nagsimula sa kape ang board meeting at nagtapos sa dugo sa tubig. Tatlong araw kong binuo ang paunang stabilization plan: i-freeze ang mga hindi kailangang gastos, muling makipag negotiate sa mga supplier, paghiwalayin ang sponsorship costs sa racing operations, at ilagay ang racing division sa budget na nakabase sa performance. Alam kong hindi matutuwa ang board kapag nakita akong dala ito. Siyam na direktor ang nakapalibot sa mahogany table. Nasa unahan si Eduardo, maputla pero tuwid ang upo. Nasa kanan si Rafael bilang representativenng racing division. Inutusan si Matteo na manatili sa bahay, kahit nagpadala siya sa akin ng tatlong mensaheng humihingi ng update at isang litrato ng isang pinaghihinalaang mukha sa board. Kay Victor Salcedo ang nasa picture, matagal nang business partner ni Eduardo. “Bago tayo magsimula,” sabi ni Victor, “I want to question Ms. Santiago being appointed." “You can question it anytime youbwant,” sabi ko. “Isinama ka ni Eduardo sa ilalim ng emerg

  • Both my Brothers Want Me   Ang Bangaan

    Dumating ang tawag nang alas-nuwebe y disiotso ng Huwebes ng umaga, habang nakikipagnegosasyon ako sa isang supplier na tumigil na sa pagpapanggap na pasensiyoso.“Ms. Santiago,” hingal na sabi ng operations manager, “kailangan n’yo pong pumunta sa arena.”“Bakit?”“Si Matteo po.”Nakatayo na ako. “Ano ang nangyari?”“May banggaan sa practice. Masama ang bagsak niya.”20 minutes ang byahe. Sa travel, paulit-ulit kong sinabi sa sarili kong nadadapa ang mga atleta. Nabalian na ng daliri si Matteo noong college, nabiyak ang labi sa playoff, at minsan ay naglaro kahit may pasa sa tadyang dahil sabi niya, kailangan daw ng team ang guwapong mukha niya sa telebisyon.Iba ito.Natagpuan ko siya sa medical room, may ice pack na nakabalot sa braso.Maputla ang mukha niya at namamaga ang cheekbone.“Andito na siya,” sabi niya. “Ang favorite kong management consultant.”“May concussion ka?”“Emosyonal lang.”Tumingin sa akin ang trainer. “Posibleng bali ang braso at may mild concussion. Pinapakuha

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status