Share

Chapter 4

Penulis: Senyorita
last update Tanggal publikasi: 2026-09-21 07:09:35

"Welcome back, Miss," malumanay na bati ni Madame Sylvia. "I didn't expect to see you again so soon. Most of our guests take a few days to... recover."

Padarag na ipinatong ni Queenie ang kanyang black card sa counter. "I want him again," diretsong utos niya, ang boses ay puno ng determinasyon. "Yong lalaki kagabi. Ayoko ng iba. At kung may nag-book sa kanya ngayong gabi, I’ll double their price. Triple it, kung kailangan. I want him right now."

Bahagyang natawa si Madame Sylvia, isang pino at tila may itinatagong sikretong tawa. "You are very lucky, Miss. Wala siyang tinatanggap na ibang bisita ngayong gabi. He is entirely available for you. Ihahatid ko na kayo sa inyong VIP suite."

Habang naglalakad sa mahaba at nakakahilong pasilyo ng bar, pilit na pinapakalma ni Queenie ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Nang pumasok siya sa VIP suite, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng musky vanilla at dim red lights. Hinubad niya ang kanyang trench coat at inihagis iyon sa silya, inilalantad ang suot niyang manipis at pulang silk dress. Nagbuhos siya ng champagne sa isang kristal na baso at inisang lagok iyon upang pawiin ang tuyong lalamunan.

Hindi nagtagal, bumukas ang p***o.

Tila huminto ang paghinga ni Queenie nang pumasok ang lalaki. Suot pa rin nito ang pamilyar na silver half-face mask, ngunit ngayon ay nakasuot ito ng isang malinis na white button-down shirt. Nakatupi ang manggas nito hanggang sa siko, inilalantad ang matitigas na ugat at kalamnan sa mga braso nito. Tatlong butones sa itaas ang nakabukas, nagpapakita ng matipunong dibdib na nagsilbing sandalan niya kagabi.

Tahimik nitong isinara at ini-lock ang p***o. Nagtama ang kanilang mga paningin. Kahit nasa likod ng maskara ang mga mata nito, nararamdaman ni Queenie ang tindi at bigat ng titig ng estranghero, titig na tila tumatagos hanggang sa kanyang kaluluwa.

"Back so soon, sweetheart?" mababa, garalgal, at mapanuksong bungad ng lalaki. Isang nakakalusaw na ngisi ang sumilay sa mga labi nito habang unti-unting humahakbang palapit sa kanya. "Hindi mo ba ako napagod kagabi, at naghahanap ka na naman ngayon?"

Tinaasan siya ni Queenie ng kilay at humalukipkip, pilit na pinapanatili ang kanyang matapang na harapan. "Binayaran kita nang malaki kagabi, kaya natural lang na babalikan kita kung nasulit ko ang pera ko. Wag ka nang masyadong mayabang. I'm paying you to make me feel better, not to stroke your ego."

Isang malalim at mabigat na halakhak ang kumawala sa dibdib ng lalaki, na lalong nagpa-init sa paligid. Huminto ito sa mismong harapan ni Queenie. Napakalapit. Ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood ay muling sumakop sa pandama ng dalaga.

Hinawakan ng estranghero ang baso ng champagne na hawak ni Queenie at dahan-dahan itong inilapag sa gilid ng mesa. Pagkatapos, ginamit nito ang mga daliri upang haplusin ang panga ng dalaga, ang paghawak nito ay napakalambot ngunit puno ng awtoridad.

"You have a very sharp tongue for someone who was crying and asking for my name last night," pabulong na asar nito. Biglang nagbago ang timpla ng boses nito, naging seryoso at malalim nang mapansin ang pamumula ng mga mata ni Queenie. "Who upset you today? Sino ang sumira ng araw ng reyna ko?"

Natigilan si Queenie. Ang simpleng pagtawag nito sa kanya ng 'reyna ko', kahit alam niyang bahagi lang ito ng serbisyo ng isang bayarang lalaki, ay nagbigay ng matinding kurot sa kanyang puso. Bakit ganon? Ang asawang pinili ng kanyang ama para sa kanya ay walang ibang ginawa kundi iparamdam na isa siyang walang kwentang bagay na pwedeng ipagpalit sa negosyo. Ngunit ang lalaking ito, ang estrangherong binabayaran niya lang, ay nakikita ang kalungkutan sa likod ng kanyang galit.

"Wala kang pakialam," mahinang sagot ni Queenie, pilit na umiiwas ng tingin. "Just... just make me forget. Please. Ayokong mag-isip ngayon. Gusto ko lang maramdaman na hawak ko ang sarili kong buhay. Na walang ibang nagmamay-ari sa akin."

Bakas ang matinding pag-igting sa panga ng lalaki. Kung alam lang sana ni Queenie na sa likod ng maskarang pilak na iyon ay ang mismong taong nagpakulo ng dugo niya kaninang umaga, si Richard Mondragon.

~

Hindi alam ni Richard kung bakit siya narito. Kanina, nang marinig niya kay Madame Sylvia na bumalik ang babaeng umangkin sa gabi niya, tila may sariling utak ang mga paa niya na nagdala sa kanya pababa sa VIP suite na ito. Sa umaga, isa siyang malamig at kalkuladong bilyonaryo na walang pakialam sa mundong ginagalawan niya. Ngunit pagsapit ng gabi, nagiging alipin siya ng misteryosang babaeng nakamaskara ng itim.

Marahas ngunit maingat na hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi ni Queenie. Iniharap niya ito upang magtama ang kanilang mga paningin. "Listen to me," madiin na bulong nito, ang boses ay nagtataglay ng nakakabinging kasiguraduhan at pag-aalaga. "Nobody owns you. But in this room, in my arms... you are safe. Naiintindihan mo ba?"

Hindi na nakasagot si Queenie dahil dahan-dahan na nitong inangkin ang kanyang mga labi.

Ang halik ay hindi mapusok na nauuwi sa pagnanasa, kundi puno ng matinding pangungulila at malalim na emosyon. Ibinuka ni Queenie ang kanyang bibig, malugod na tinatanggap ang malambing na pananakop ng lalaki. Napaatras siya hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa kanyang likuran, ngunit ang lamig na iyon ay agad napawi nang ikulong siya ng lalaki sa isang mahigpit at mainit na yakap.

Gusto niyang maiyak sa sobrang sarap at ginhawa ng pakiramdam ng pagiging ligtas. Bakit? sigaw ng isip niya. Bakit ang lalaking ito na nabibili ng pera ay kayang ipadama na mahalaga ako, samantalang ang lalaking mapapangasawa ko ay kasing lamig ng bangkay?

Huminto ang estranghero sa paghalik at ipinatong ang noo nito sa noo niya. Ang isang kamay nito ay marahang humahaplos sa kanyang buhok, habang ang isa ay nakapulupot nang mahigpit sa kanyang baywang.

"Muntik na akong mabaliw kakaisip sayo buong araw," garalgal na bulong ng lalaki, mabigat ang paghinga. "Sana alam mo kung gaano ko gustong burahin ang lahat ng nagpapabigat diyan sa isip mo."

Namula si Queenie sa narinig, ngunit sa halip na mahiya, binalot siya ng matinding tapang at pangangailangan para sa presensya nito. Hinawakan niya ang kwelyo ng polo ng lalaki at pilit itong hinila papalapit sa kanya.

"Prove it," lumuluhang bulong ni Queenie, tuluyan nang bumigay ang pader ng kanyang emosyon. "Prove to me that you care. Iparamdam mo sakin ngayong gabi na hindi ako nag-iisa... hanggang sa makalimutan ko ang lahat ng sakit."

Isang malambot at punong-puno ng pagmamahal na ngisi ang rumehistro sa mukha ng lalaki bago nito walang-hirap na binuhat si Queenie. Ipinulupot ng dalaga ang kanyang mga braso sa leeg ng estranghero habang inilalakad siya nito papunta sa malambot na kama. Sa gabing iyon, sa loob ng madilim na kwarto at sa likod ng mga maskara, sa halip na panandaliang pisikal na aliw ay naghati sila sa mahahabang yakap, malalalim na buntong-hininga, at maiinit na halik sa noo. Muling nahanap ni Queenie ang kanyang pekeng kalayaan, walang kamalay-malay na unti-unti siyang nahuhulog sa mismong patibong ng lalakeng isinumpa niyang kamuhian habambuhay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 40

    Tahimik na binabagtas ng itim na sasakyan nila ang mga kalsada ng siyudad sa ilalim ng madilim na gabi. Mahigpit ang hawak ni Richard Mondragon sa manibela, ngunit ang buong atensyon niya ay wala sa kalsada, kundi sa babaeng nakaupo sa passenger seat.Nakatitig si Richard kay Queenie. Suot ng kanyang asawa ang isang simpleng puting silk dress na umaabot hanggang tuhod, ang buhok nito ay malayang nakalugay at hinahawi ng malamig na hangin mula sa bintana ng sasakyan. Isang kalmado at matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga.Pinagmasdan ni Richard ang bawat detalye ng mukha ni Queenie. Limang taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang babaeng ito. Noong panahong iyon, isa lamang siyang malamig, walang-awa, at aroganteng bilyonaryo na sanay bilhin at kontrolin ang lahat ng bagay. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para ikulong si Queenie sa isang kasunduan. Akala niya, siya ang naglalaro. Akala niya, siya ang nagmamanipula.Ngunit ang totoo, mula sa unang gabi n

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 39

    Para kay Richard Mondragon, ang pinakamagandang oras ng bawat araw ay ang mga sandaling hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sa mga oras na ito, bago magsimulang umikot ang magulo at maingay na mundo ng negosyo, hawak niya ang tanging reyalidad na may halaga sa kanya.Nakatukod ang isang siko ni Richard sa malambot na unan, ang matipuno at hubad nitong dibdib ay bahagyang umaangat at bumababa sa isang kalmadong ritmo. Hindi na siya madalas dalawin ng insomnia tulad noong mga panahong nagtatago pa siya sa likod ng silver mask sa L'Éden. Hindi na niya kailangan ng alak o ng mga artipisyal na pampatulog, dahil ang mismong kapayapaan niya ay natutulog ngayon sa kanyang tabi.Tahimik na pinagmasdan ni Richard ang mukha ng kanyang asawa. Ang mahaba at itim na buhok ni Queenie ay nakakalat sa puting unan. Ang mahahaba nitong pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang manipis na puting kumot ay nakabalot lamang sa ibabang bahagi ng katawan nito, inilalantad ang makinis nitong likuran.Itinaa

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 38

    Isang tahimik at maaliwalas na Sabado ng hapon ang bumalot sa buong mansyon. Sa unang pagkakataon ay naiwan silang dalawa ni Richard. Kinuha kasi ng mga parents ni Richard sina Lucas at Aria upang ipasyal ang mga ito sa Europe ng isang buong linggo. Isang bihirang pagkakataon para sa mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang oras, isang munting "honeymoon" sa loob ng sarili nilang tahanan.Nakatayo si Queenie sa gitna ng malawak na ibrary ng kanilang mansyon. Ang amoy ng lumang papel at kape ay nagbibigay ng nakakapanatag na pakiramdam. May hinahanap sana siyang libro na matagal na niyang gustong basahin, ngunit nang buksan niya ang isa sa mga antique na drawer sa gilid ng mahogany desk ni Richard, isang pamilyar na itim na folder ang nakakuha ng kanyang atensyon.Dahan-dahan itong kinuha ni Queenie. Pamilyar ang bigat nito. Pamilyar ang texture. Nang buksan niya ang folder, bumungad sa kanya ang isang dokumentong limang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makita.Ang kani

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 37

    Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng malawak na bintana ng kanilang mansyon ay lumilikha ng isang nakakarelax at malamig na musika sa buong kwarto. Paborito ni Queenie ang ganitong mga gabi. Habang ang buong mundo sa labas ay binabagyo at madilim, ang loob ng kanilang tahanan ay nananatiling mainit, tahimik, at punong-puno ng kapayapaan.Nakatayo si Queenie sa harap ng floor-to-ceiling glass window, hawak ang isang mainit na mug ng chamomile tea. Suot niya ang isa sa mga malalaking puting button-down shirts ni Richard na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita. Mahaba at maluwag ang manggas nito, at ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood na nakakapit sa tela ay sapat na para yakapin ang kanyang buong sistema ng matinding siguridad.Tapos na ang isang mahabang linggo. Tahimik na ang mga kumpanya, at mahimbing nang natutulog sina Lucas at Aria sa kabilang kwarto matapos silang pagkwentuhan ng asawa niya hanggang sa makatulog ang mga ito.Isang pamilyar na init ang

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 36

    Ang amoy ng bagong lutong pancakes, tinunaw na butter, at sariwang kape ang unang sumalubong sa pang-amoyni Queenie nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata.Kumunot ang kanyang noo at kinapa ang kabilang gilid ng kanilang king-sized bed.Gaya ng inaasahan, malamig na iyon at maayos nang nakatupi ang kumot. Napangiti siya. Kahit na Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho, mukhang mas maaga pa ring nagising ang kanyang asawa upang maghanda ng surpresa.Bumangon si Queenie, isinuot ang kanyang paboritong puting silk robe, at itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang magulong bun. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng master bedroom at bumaba sa grand staircase ng kanilang mansyon. Habang papalapit siya sa malawak na kusina, mas lalong luminaw ang mga pamilyar at masisiglang boses na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.Huminto si Queenie sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmasdan ang nakakatuwang eksena sa kanyang harapan.Nakatayo si Richard sa harap ng marble kitchen i

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 35

    Tulog na ang buong mansyon nang dahan-dahang isara ni Queenie ang pinto ng kwarto nina Lucas at Aria. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong mahimbing na ang tulog ng dalawang bata matapos ang isang mahabang araw ng paglalaro.Habang naglalakad siya pabalik sa master bedroom, napansin niyang kakaiba ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa ganitong oras, naririnig niya ang mahinang pag-type ni Richard sa laptop nito sa loob ng study room o kaya nama'y naghihintay na ito sa kama nila. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang kwarto, madilim at walang tao roon.Kumunot ang noo ni Queenie. Binuksan niya ang dim light sa gilid ng kama at doon niya napansin ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng unan ng asawa. Isa itong perpektong puting rosas, at sa ilalim nito ay may isang maliit na itim na sobre.Nakangiting lumapit si Queenie. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon. Nakasulat sa pamilyar at matapang na handwriting ni Richard ang isang maikling mensahe:Meet me in the cou

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status