Share

Chapter 5

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-09-21 20:50:53

Mabigat man ang buong katawan at nananakit ang mga kalamnan, kakaibang gaan naman ang nararamdaman sa dibdib ni Queenie nang magising siya kinaumagahan. Ang sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng makapal na kurtina ng VIP suite ay nagsisilbing paalala na tapos na ang oras ng kanyang pantasya. Dahan-dahan siyang bumangon, maingat na inalis ang mabigat at nakapulupot na braso ng lalaki mula sa kanyang baywang.

Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang dibdib ng estranghero na tahimik na umaangat-baba sa malalim nitong pagtulog. Kahit tulog ito, hindi pa rin natatanggal ang silver na maskara sa mukha nito. Inabot ni Queenie ang kanyang mga damit sa sahig. Pagkatapos magbihis, kumuha siya ng isang makapal na bundle ng pera mula sa kanyang bag at tahimik na ipinatong iyon sa ibabaw ng bedside table. Isa itong malamig na transaksyon, ngunit sa tuwing ginagawa niya ito, may kakaibang kurot sa kanyang puso.

"Until next time," pabulong niyang paalam sa hangin bago tuluyang lumabas ng p***o, iniiwan ang nag-iisang lalaking nakapagpaparamdam sa kanya na siya ay malaya.

Ilang oras ang lumipas, ang mapanuksong init ng L'Éden ay napalitan ng nakakasakal na lamig ng reyalidad. Nakatayo ngayon si Queenie sa gitna ng Madame Florence, ang pinaka-exclusive at pinakamahal na bridal boutique sa buong siyudad. Napapaligiran siya ng mga nagkikangang kristal na chandelier, puting marmol na sahig, at mga hilera ng mga wedding gowns na nagkakahalaga ng milyun-milyon.

Ngunit para kay Queenie, ang lugar na ito ay hindi isang paraiso para sa mga ikakasal; isa itong magarang kulungan na naghihintay na isara. At ang tagapagbantay ng kulungan na iyon ay walang iba kundi ang lalaking nakaupo sa isang velvet na sofa ilang metro mula sa kanya, si Richard Mondragon.

Nakasuot si Richard ng isang navy blue na three-piece suit na lalong nagpapatingkad sa malamig at pormal nitong awra. Nakadekwatro ito, ang isang kamay ay nakapatong sa braso ng sofa habang ang isa ay walang-ganang nag-scroll sa kanyang tablet. Wala man lang itong interes na tingnan ang mga designer na halos magkandarapa sa pag-aasikaso sa kanila. Bawat segundo na lumilipas, halatang naiinip ang bilyonaryo.

Nasa loob ng fitting room si Queenie, nakaharap sa malaking salamin habang isinusuot ng tatlong assistant ang isang pasadyang French lace gown. Habang inaayos ang neckline ng damit, biglang nanlaki ang mga mata ni Queenie. Sa bandang itaas ng kanyang collarbone, malapit sa kanyang leeg, ay may isang malinaw at mapulang marka. Isang hickey. Isang mapusok na marka na iniwan ng nakamaskarang estranghero kagabi nang halos mabaliw ito sa pag-angkin sa kanya.

"Miss Rodriguez, is the fit around the bust okay?" tanong ng head designer, hindi napansin ang pamumutla ni Queenie.

"Y-yes," mabilis niyang sagot, dali-daling hinila ang manipis na lace ng gown upang takpan ang pulang marka. "Can we pull the lace up a bit higher? I want the collar to be more... conservative."

Matapos masiguradong tago ang marka ng kanyang kasalanan sa gabi, huminga nang malalim si Queenie. Pinatigas niya ang kanyang ekspresyon, itinaas ang kanyang noo, at lumabas ng fitting room.

Bumukas ang malaking kurtina. Natigil ang mga designer sa pagsasalita, naghihintay ng reaksyon. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Richard mula sa kanyang tablet. Nang magtama ang kanilang mga paningin, tila huminto ang pag-ikot ng mundo sa loob ng boutique.

Sa isang saglit, nakita ni Queenie ang bahagyang panlalaki ng mga mata ni Richard. Ang malamig at walang pusong bilyonaryo ay tila natigilan habang nakatitig sa kanya. Ang puting gown ay perpektong humuhulma sa bewang at balakang ng dalaga, na may mahabang palda na umaagos na parang tubig sa sahig. Ngunit ang sandaling iyon ng paghanga ay mabilis ding naglaho, napalitan muli ng yelo at sarkasmo.

Tumayo si Richard, ibinulsa ang isang kamay, at naglakad palapit sa kanya. Ang tunog ng kanyang leather shoes laban sa marmol na sahig ay parang tik-tak ng orasan na nagpapakaba kay Queenie.

"It covers enough," malamig at walang-emosyong komento ni Richard nang makalapit ito. Tiningnan niya ang head designer. "We'll take this one. Box it up. I have a board meeting in thirty minutes and I don't want to waste any more time staring at laces and beads."

Uminit ang dugo ni Queenie. Kahit kailan talaga, wala itong breeding. "Wala ka man lang bang ibang sasabihin?" mataray na tanong niya, nakapamewang at matapang na sinalubong ang malamig na titig ng binata. "Hindi mo ba alam ang salitang compliment, Mister Mondragon? O baka sadyang wala lang sa bokabularyo mo ang maging tao?"

Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa labi ni Richard. Humakbang ito ng isa pa, dahilan upang tuluyang mawala ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Napakalapit nito, sapat na para maamoy ni Queenie ang pamilyar na pabango ng binata, isang amoy na nagbigay ng kakaibang déjà vu sa kanyang sistema. Wait. Mint at musky wood? Parang kapareho ito ng amoy ng estranghero kagabi. Ngunit mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo. Imposible. Maraming mayayaman ang gumagamit ng ganoong klaseng designer cologne.

Yumuko si Richard, inilapit ang bibig nito sa mismong tainga ni Queenie. "Why should I compliment you, Miss Rodriguez? We both know this dress is just a costume. Isang magandang balatkayo para takpan ang katotohanan na binili ko lang ang pamilya niyo."

Gusto siyang sampalin ni Queenie, ngunit bago pa man niya maiangat ang kanyang kamay, bahagyang gumalaw ang lace ng kanyang collarbone dahil sa kanyang paghinga. Mabilis na dumapo ang mga mata ni Richard sa bahaging iyon ng kanyang balat.

Kumunot ang noo ng bilyonaryo. Isang mapulang marka. Halatang-halata na gawa iyon ng isang mapusok na halik.

Biglang nagdilim ang paningin ni Richard. Isang hindi maipaliwanag na inis at galit ang biglang kumulo sa kanyang dibdib. Bakit siya nagagalit? Wala siyang pakialam sa babaeng ito. Ngunit ang isipin na may ibang lalaking humawak, umangkin, at nag-iwan ng marka sa babaeng opisyal na mapapangasawa niya ay tila nakakasugat sa kanyang ego bilang isang lalaki.

"A love bite, Miss Rodriguez?" puno ng pandidiri at sarkasmong bulong ni Richard, ang boses ay sadyang pinababa para silang dalawa lang ang makarinig. Tinitigan niya si Queenie sa mga mata, ang panga ay mahigpit na nakakuyom. "How pathetic. Sinusulit mo ba ang huling mga araw ng kalayaan mo sa pamamagitan ng pagpapagalaw sa kung kani-kaninong lalaki bago kita ikulong sa apelyido ko?"

Namutla si Queenie sa gulat, ngunit mabilis ding nagliyab ang kanyang galit. Marahas siyang umatras, hindi alintana ang bigat ng kanyang gown.

"Mind your own business, Richard," mabagsik na sagot ni Queenie, ang mga mata niya ay nanlilisik sa poot. "Binili mo ang kumpanya namin para iligtas ang mga utang ng tatay ko. Binili mo ang pirma ko sa marriage contract. Pero kailanman, hindi mo binili at hindi mo mabibili ang katawan ko. Kung gusto kong magpasaya ng ibang lalaki gabi-gabi hanggang makasal tayo, wala kang pakialam!"

Nagtagis ang mga bagang ni Richard. Ang amoy ni Queenie, ang pamilyar na halimuyak ng vanilla at floral na bumabalot dito, ay muling sumipa sa kanyang ilong, nagpapagulo sa kanyang utak. Pakiramdam niya ay may isang malaking puzzle na pilit nagkokonekta sa isipan niya ngunit pilit niya ring tinataboy. Ang pagiging palaban nito, ang matatalim nitong salita, at ang amoy na ito... pilit nitong ibinabalik ang alaala ng misteryosang babae sa L'Éden na nagpapabaliw sa kanya gabi-gabi.

"Suit yourself," malamig na bawi ni Richard, pilit na pinapatay ang emosyong pumasok sa kaniyang sistema. Tinalikuran niya si Queenie at naglakad papunta sa p***o. "Just make sure na sa araw ng kasal natin, natatakpan nang maayos ng make-up ang mga marka ng kalandian mo. I don't want the press thinking I'm marrying trash."

Bumagsak ang p***o nang lumabas ang bilyonaryo. Naiwan si Queenie na nanginginig sa matinding galit habang nakakuyom ang mga palad, habang ang mga designer sa paligid ay nakayuko at hindi makapagsalita sa sobrang tensyon.

Pinigilan ni Queenie ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Hayop ang lalaking iyon. Isang walang pusong demonyo. Huminga siya nang malalim at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Habang nakatitig sa pulang marka sa kanyang leeg, isang bagay lang ang naging malinaw sa kanya, hinding-hindi siya magpapasupil kay Richard Mondragon. At kung kinakailangan niyang ubusin ang pera niya sa L'Éden para lang maranasan ang pagmamahal at init ng isang lalaki bago ang kasal nila, gagawin niya nang paulit-ulit hanggang sa maging manhid siya sa lamig ng kanyang mapapangasawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 40

    Tahimik na binabagtas ng itim na sasakyan nila ang mga kalsada ng siyudad sa ilalim ng madilim na gabi. Mahigpit ang hawak ni Richard Mondragon sa manibela, ngunit ang buong atensyon niya ay wala sa kalsada, kundi sa babaeng nakaupo sa passenger seat.Nakatitig si Richard kay Queenie. Suot ng kanyang asawa ang isang simpleng puting silk dress na umaabot hanggang tuhod, ang buhok nito ay malayang nakalugay at hinahawi ng malamig na hangin mula sa bintana ng sasakyan. Isang kalmado at matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ng dalaga.Pinagmasdan ni Richard ang bawat detalye ng mukha ni Queenie. Limang taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang babaeng ito. Noong panahong iyon, isa lamang siyang malamig, walang-awa, at aroganteng bilyonaryo na sanay bilhin at kontrolin ang lahat ng bagay. Ginamit niya ang kapangyarihan niya para ikulong si Queenie sa isang kasunduan. Akala niya, siya ang naglalaro. Akala niya, siya ang nagmamanipula.Ngunit ang totoo, mula sa unang gabi n

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 39

    Para kay Richard Mondragon, ang pinakamagandang oras ng bawat araw ay ang mga sandaling hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Sa mga oras na ito, bago magsimulang umikot ang magulo at maingay na mundo ng negosyo, hawak niya ang tanging reyalidad na may halaga sa kanya.Nakatukod ang isang siko ni Richard sa malambot na unan, ang matipuno at hubad nitong dibdib ay bahagyang umaangat at bumababa sa isang kalmadong ritmo. Hindi na siya madalas dalawin ng insomnia tulad noong mga panahong nagtatago pa siya sa likod ng silver mask sa L'Éden. Hindi na niya kailangan ng alak o ng mga artipisyal na pampatulog, dahil ang mismong kapayapaan niya ay natutulog ngayon sa kanyang tabi.Tahimik na pinagmasdan ni Richard ang mukha ng kanyang asawa. Ang mahaba at itim na buhok ni Queenie ay nakakalat sa puting unan. Ang mahahaba nitong pilikmata ay nakapikit nang mariin, at ang manipis na puting kumot ay nakabalot lamang sa ibabang bahagi ng katawan nito, inilalantad ang makinis nitong likuran.Itinaa

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 38

    Isang tahimik at maaliwalas na Sabado ng hapon ang bumalot sa buong mansyon. Sa unang pagkakataon ay naiwan silang dalawa ni Richard. Kinuha kasi ng mga parents ni Richard sina Lucas at Aria upang ipasyal ang mga ito sa Europe ng isang buong linggo. Isang bihirang pagkakataon para sa mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang oras, isang munting "honeymoon" sa loob ng sarili nilang tahanan.Nakatayo si Queenie sa gitna ng malawak na ibrary ng kanilang mansyon. Ang amoy ng lumang papel at kape ay nagbibigay ng nakakapanatag na pakiramdam. May hinahanap sana siyang libro na matagal na niyang gustong basahin, ngunit nang buksan niya ang isa sa mga antique na drawer sa gilid ng mahogany desk ni Richard, isang pamilyar na itim na folder ang nakakuha ng kanyang atensyon.Dahan-dahan itong kinuha ni Queenie. Pamilyar ang bigat nito. Pamilyar ang texture. Nang buksan niya ang folder, bumungad sa kanya ang isang dokumentong limang taon na ang nakakalipas mula nang huli niya itong makita.Ang kani

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 37

    Ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng malawak na bintana ng kanilang mansyon ay lumilikha ng isang nakakarelax at malamig na musika sa buong kwarto. Paborito ni Queenie ang ganitong mga gabi. Habang ang buong mundo sa labas ay binabagyo at madilim, ang loob ng kanilang tahanan ay nananatiling mainit, tahimik, at punong-puno ng kapayapaan.Nakatayo si Queenie sa harap ng floor-to-ceiling glass window, hawak ang isang mainit na mug ng chamomile tea. Suot niya ang isa sa mga malalaking puting button-down shirts ni Richard na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita. Mahaba at maluwag ang manggas nito, at ang pamilyar na amoy ng mint at musky wood na nakakapit sa tela ay sapat na para yakapin ang kanyang buong sistema ng matinding siguridad.Tapos na ang isang mahabang linggo. Tahimik na ang mga kumpanya, at mahimbing nang natutulog sina Lucas at Aria sa kabilang kwarto matapos silang pagkwentuhan ng asawa niya hanggang sa makatulog ang mga ito.Isang pamilyar na init ang

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 36

    Ang amoy ng bagong lutong pancakes, tinunaw na butter, at sariwang kape ang unang sumalubong sa pang-amoyni Queenie nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata.Kumunot ang kanyang noo at kinapa ang kabilang gilid ng kanilang king-sized bed.Gaya ng inaasahan, malamig na iyon at maayos nang nakatupi ang kumot. Napangiti siya. Kahit na Sabado ngayon at pareho silang walang trabaho, mukhang mas maaga pa ring nagising ang kanyang asawa upang maghanda ng surpresa.Bumangon si Queenie, isinuot ang kanyang paboritong puting silk robe, at itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang magulong bun. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng master bedroom at bumaba sa grand staircase ng kanilang mansyon. Habang papalapit siya sa malawak na kusina, mas lalong luminaw ang mga pamilyar at masisiglang boses na nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.Huminto si Queenie sa hamba ng pinto at tahimik na pinagmasdan ang nakakatuwang eksena sa kanyang harapan.Nakatayo si Richard sa harap ng marble kitchen i

  • Bought for a Night: I Accidentally Purchased My Fiance   Chapter 35

    Tulog na ang buong mansyon nang dahan-dahang isara ni Queenie ang pinto ng kwarto nina Lucas at Aria. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong mahimbing na ang tulog ng dalawang bata matapos ang isang mahabang araw ng paglalaro.Habang naglalakad siya pabalik sa master bedroom, napansin niyang kakaiba ang katahimikan ng paligid. Kadalasan, sa ganitong oras, naririnig niya ang mahinang pag-type ni Richard sa laptop nito sa loob ng study room o kaya nama'y naghihintay na ito sa kama nila. Ngunit nang buksan niya ang pinto ng kanilang kwarto, madilim at walang tao roon.Kumunot ang noo ni Queenie. Binuksan niya ang dim light sa gilid ng kama at doon niya napansin ang isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng unan ng asawa. Isa itong perpektong puting rosas, at sa ilalim nito ay may isang maliit na itim na sobre.Nakangiting lumapit si Queenie. Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon. Nakasulat sa pamilyar at matapang na handwriting ni Richard ang isang maikling mensahe:Meet me in the cou

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status