Share

Chapter 2

Auteur: Ambisyosa22
last update Date de publication: 2026-05-08 18:52:52

Xonnia

KAHIT nga ang dapat na kaibiganin ay minamando pa ni Papa. Pero si Carmen lang ang hindi niya na palayo sa akin noon. Ilang beses ko bang ginutom ang aking sarili para lang hayaan nila kami ni Carmen na maging malapit sa isa't isa. May mga insidente pa nga na halos apat na araw na tubig lang talaga ang sumasayad sa aking sikmura para lang pangatawanan ko na si Carmen ay manatiling kaibigan at kasa-kasama ko.

Pinag-aral naman ako ng dalawang taon na kurso. Tama raw ‘yun dahil pambahay lang naman ang mga babae ‘yan ang laman ng utak ni papa at paulit-ulit na binibigkas at itinatatak hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Sa totoo lang naawa nga ako kay mama dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata nito mula pa noon.

Kaming mga babae daw ay walang saysay sa mundo ng pagnenegosyo. Ang mga babae daw ay display lang sa tabi ng mga matagumpay na lalaki. Si kuya Uno ay isang doctor. Si kuya Dos ay mahusay na abugado. Si Kuya Tres naman ay Engineer at sikat na sa field ang huli ay si kuya Quattro isang Architect tandem sila ni kuya Tres.

Samantalang ako Home economic para daw may silbe ako sa magiging asawa ko sa mga susunod na panahon. Mataas ang pride ni papa ayaw niya sa mga tulong ng kapatid ko kaya siguro umabot na sa puntong ipapakasal ako sa mayamang angkan huwag lang tanggapin ang bigay ni na kuya kahit pa igiit ng mga ito na pinaka-investment nila.

Lahat silang mga kuya ko ay nagtapos na proud na proud si Papa. Ako noon, si kuya Quattro lang ang pumunta dahil nga ‘di pinayagan ni Papa si Mama na puntahan ako. Para saan pa daw ba iyon? Hindi naman daw achievements iyong nagawa ko. Sa ibang pamilya ‘di ba ka pag solo na anak na babae ay ginto ang turing nila, pero sa amin o aming pamilya este kay papa lang pala ay parang hangin lang ako sa mahabang panahon na hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras.

kinukuha ko lagi ang atensyon ni Papa noon dahil sa uhaw na uhaw ako sa aruga ng ama, pero wala naman nangyari. Kapag may mga mali lang ako doon ako mapapansin at masisita, ang masakit lahat sa akin isinisisi hanggang mauungkat ang nakaraan na kabisado ko na kahit pa baliktad isalaysay.

Napagod na ako sa gano’n kaya ako na ang lumayo sa sarili kong ama. At ngayon naman ay ipapakasal ako ni papa sa lalaki na kahit konti hindi ko nakita bilang maging kabiyak ng puso ko. Ang gusto ko lang ay maabot ang mga pangarap ko, iyon ay ang maging isang sikat na designer pero malabo na ‘yun hangga’t narito ako sa puder nila. Mukhang dito na ako mawawalan ng hininga sa lugar na ito habang baon sa isip at puso ko ang sakit tangan ko na buhat pa ng isilang ako.

“Oh ba’t naman nang hahaba ang nguso mo d’yan?” Napalingon ako sa nagsabi noon. Walang iba kung hindi s Carmen na kaibigan ko. Malawak ang ngiti nito sa akin, bihira ko na lang din makasama ito dahil busy na sa buhay niya. Nakapagtapos ito ng kurso na gusto niya kaya ngayon ay ganap na itong nurse at alam ko rin ang lihim nito.

Ito lang naman ang lihim na kasintahan ng kapatid ko na si kuya Quattro. Lihim kasi si kuya Dos ko ay patay na patay sa babaeng ito na ubod bait at napakaganda naman talaga. Hahangarin talaga ng kahit sino na kalalakihan ang isang Carmen.

“Kailan ka pa dumating Carmen?” Masayang tanong ko sa kaibigan ko na maganda ang ngiti. Ngiti na mukhang laging may dilig.

“Kanina lang. Sinundo ako ng kuya mo. Kagabi kasi ay sinabi niya ang nangyari sa’yo sa akin. Kaya nga heto at nagmamadali akong umuwi. Alam ko naman na kailangan mo ang kaibigan mo na ubod ng ganda, na tanging nakakaunawa sa maktol mo sa buhay. Lalo na’t ang tatay mong si Hitler ang issue.” Maloko na sabi nito alam ko na gusto lang ng kaibigan ko na pasayahin ako.

“Alam mo Xhy. Hindi naman sa inudyukan kita ha!— pero mali na ang ginagawa ng papa mo sa iyo sa lahat ng aspeto. Aba! Daiiiii, ipapakasal ka sa lalaking hindi mo naman mahal, asan ang hustisya doon aber? Atsaka lagi ka na lang niyang sinisisi sa mga nangyari na sa nakaraan. Baka kasi hindi lang siya talaga magaling mag-handle ng negosyo kaya naubos o nalugi kayo. Weird ng papa mo sa part na ’yan friendship talaga. Napakabuti mong anak sa totoo lang. Pero you know friendship it’s about time to make your own life. Baka sa labas ng hawla na ito doon ay nag-aabang na isang magandang buhay para sa iyo. Sa totoo lang sinabi ko na ito sa kuya mo. Sinabi ko na hawla ang lugar na ito sa gaya mo na maraming pangarap. Kaibigan mo ko kaya, I’m willing to help you kahit si Tres, Quattro at Uno gano’n din. Pero ‘wag ng isali si Dos kasi bitter pa rin kasi iyon sa amin ng kuya mo. E, anong magagawa ko sa kamandag ni Quattro ako nahuhumaling? Atsaka thankful ako ibang iba ang kuya mo sa tatay mong dragon. ” mahabang sabi ni Carmen habang nang hahaba ang nguso kaya natawa ako ng sobra. Talagang bata palang kami si Kuya Quattro talaga ang gusto niya kahit si kuya Dos ang bakod ng bakod sa kanya.

“‘Wag kang tumawa d’yan! Gaga totoo to lahat ng mga sinasabi ko sayo. Magsabi ka lang ha! Xon, handa ako/kaming tumulong sa’yo, at sa ikakasaya ng buhay at puso mo. ” Seryoso na sabi nito na binigyan ko lang ng isang tango.

Nagpaalam na rin muna ito at pagod pa sa trabaho maging sa naging byahe nila pauwe kaya sinangayunaan ko ‘din naman agad. Kahit papano sinuwerte naman ako sa kaibigan sa katauhan ni Carmen.

Mabilis lumipas ang mga araw. Nagkakausap at nagkakasama kami ni Edgar pero wala talaga akong espesyal na madama sa lalaki para bang hanggang magkakilala lang ang kaya kong ibigay dito wala ng iba pa.

Unti-unti ng nalalapit na ang araw ng aming kasal. Isang ingrande kasal daw ito ng taon ayon sa mga naririnig ko sa ibang tao at maging sa mga tauhan namin. Isang linggo na lang bago ang kasal ng nakausap ko ang aking mga kapatid, maliban kay kuya Dos. Binuo namin ang gagawing plano para sa pagtakas ko sa araw ng kasal.

Kung sa ngayon daw kasi namin gagawin ay malabo ito na mag tagumpay dahil nga bantay sarado ako ng tauhan ni Papa na sinabayan pa ng mga tauhan ng mga Solera. Mukhang alam ata ng mga ito na mabigyan lang ako ng pagkakataon ay pupuga talaga ako sa lugar na ito.

Sa araw ng kasal ko ay si Mama lang ang kasama ko sa bridal car. At oo alam ng aking ina ang gagawin kong pagtakas at nakahanda rin daw ang kaibigan ni kuya na siyang maglalayo sa akin sa lugar na ito. Ang lugar na puno ng mga lungkot, sakit at hinanakit. Ang lugar na sumugat sa buong pagkatao ko kasama ang mga taong walang ibang tngin sa akin kundi isang salot.

Ang driver ng bridal car ay papalitan ng tauhan ni kuya Tres. Kung paano nila gagawin ‘yun ay ‘di ko alam. Sana lang hindi magkaabirya ang plano hindi ko kayang matali kay Edgar. Dadalhin ako ng kaibigan ni kuya sa manila at doon muna ako mag tatago pansamantala. Iyan ang malinaw na na pag-usapan namin ng mga kapatid ko at ni Carmen noong araw na nag-usap kami. Kampanti naman ako sa lahat ng plano pero ngayon medyo ginagapangan na ako ng kaba at takot.

Sana lang ay umayon ang plano namin sa araw na ito. Ayokong matali at manatiling sunod sunuran sa aking ama. Ayoko ng makulong pa sa lugar na ito. Ito na ang araw ng pagbabago.

“Malaya ka na sa mga susunod na mga araw Xonnia” bulong nasabi ko sa aking sarili….. At sana nga doon ko na mabuo ang bagong ako. Pilit kong inukilkil sa isip ko na ito na ang araw ng aking pag-laya. Habang umuusad na ang bridal car papunta sa simbahan.

Lumipas ang ilang minuto ng parang ibang lugar ata ang binabaybay namin. Nang balingan ko si Mama ay lungange na ito ako naman ay bahagyang nakakadama ng antok. Nang silipin ko ang driver ng bridal car. Halos malaglag ang panga ko dahil hindi ito ang kaibigan ni kuya Tres. Ngunit sa itsura palang nito ay para itong isa sa mga Diyos ng Griyego.

Isang mareno na lalaki, matangos at perpekto na nakahulma ang ilong. Maging ang panga nito ay napaka-prominente. Parang isang biyaya ang lalaking nagmamaneho ng aming sasakyan na lulan. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nakita ko pa ang tila mapanganib na ngisi nito kasabay nang pagsabi nito ng katagang—

"Oras na ng paniningil, Ipapalasap ko sa’yo ang init ng impyerno na papaso sa buong pagkatao mo gaya ng ginawa ng ina mo sa aking ina! "

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 3

    KRISSA"Nasaan si Juno ko?" Humahangos tanong ko sa kapatid ni Juno na si Migo. Gwapo ang lalaki na ito, simpatiko, maganda ang katawan, malakas ang karisma, playful at higit sa lahat laging nakangiti. Pero may isa pa silang katangian na nakita at kaya kong patunayan ay ang pagiging Daks nila ng kuya niya. Paano ko nalaman? Well mala hokage ako noon pa. Patay na patay kasi ako kay Juno noon pa man sa murang edad ko alam ko na siya na ang ideal man ko. Oo, Juno lang ang tawag ko sa kanya kahit pa nga paulit-ulit niyang sinasabi na kuya daw. Kuya Juno daw, kuya niya may ass. E, sa ayoko ng kuya ang tawag sa kanya kasi nga gusto ko ng kuyakoy niya. Fine! Ang landi ko na. Amonado naman ako na pilya ako, pero sa totoo lang hindi ko magawang maging pilya sa harap ni Juno. Daig ko pa ang matimtimang birhen sa harap niya. Gusto ko kasing maging perpekto para sa kanyang mga mata. Masaya naman ang buhay pagkabata ko, kasama ang pamilya ko. Malapit na kaibigan ng Allejo ang aking ama at ina.

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 2

    XonniaKAHIT nga ang dapat na kaibiganin ay minamando pa ni Papa. Pero si Carmen lang ang hindi niya na palayo sa akin noon. Ilang beses ko bang ginutom ang aking sarili para lang hayaan nila kami ni Carmen na maging malapit sa isa't isa. May mga insidente pa nga na halos apat na araw na tubig lang talaga ang sumasayad sa aking sikmura para lang pangatawanan ko na si Carmen ay manatiling kaibigan at kasa-kasama ko. Pinag-aral naman ako ng dalawang taon na kurso. Tama raw ‘yun dahil pambahay lang naman ang mga babae ‘yan ang laman ng utak ni papa at paulit-ulit na binibigkas at itinatatak hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Sa totoo lang naawa nga ako kay mama dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata nito mula pa noon. Kaming mga babae daw ay walang saysay sa mundo ng pagnenegosyo. Ang mga babae daw ay display lang sa tabi ng mga matagumpay na lalaki. Si kuya Uno ay isang doctor. Si kuya Dos ay mahusay na abugado. Si Kuya Tres naman ay Engineer at sikat na sa field ang huli ay si

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 1

    Xonnia"ANONG asal ba ang pinakita mo Xonnia?!Bakit gano’n ang ginawa mo?” Tila kulog na dagundong na tanong ng aking ama. Hindi ako nagpatinag pero sa totoo lang may malaking takot na akong nararamdaman sa kalooban ko.“Alam mo ba ang ginawa mo? Pinahiya mo kaming lahat sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo?” bulyawa muli ng aking ama na nagpapikit sa akin ng medyo may diin. Wala namang sumasabat pa sa aking ama. Kung sabagay lagi namang gano’n. Ako ang nag-iisang anak na babae pero parang ako ang blacksheep ng aming pamilya.“ Alam ko ang mga tininginan na ‘yan! “Wag n’yo ng subukan.” Pagbabanta ng aking ama sa iba pa naming kasama, bago muli akong balingan.“Ikaw! Ikaw Xonnia gamit-gamitin mo naman sana iyang kapirasong utak na meron ka. Pilit mong isaksak sa Kapuranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nilang tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilya Sole

  • Bound To Be Allejo's Wife   Prologue

    Allejo is a well-known family as one of the most powerful clans in Cagayan Province.Juancho Juno Allejo, is the eldest son of Don Allejo and Doñia Ceress. Marami man ang nagtataka sa kanilang ugnayan bilang mga magulang. Dahil na rin sa hindi kalayuan ang edad ng mag asawa sa kanilang panganay na anak. Gano'n pa man hindi maitatatwa o ni maikakaila na tunay na kahanga-hanga ang genes na taglay ng kanilang angkan.At an early age of 14 years old, na buntis ni Don Allejo ang naging kabiyak din niya na si Donya Ceress out of love, dala lang ng puro kapusukan, pero pinaniniwalaan na ang Doñia matagal ng may pagmamahal sa Don. At dahil galing sa silang pareho samga prominenteng pamilya they agreed, na maging pamilya sila at that age and get married when they hit the legal age. With the guidance of their both families, they seem perfect, happy and untouchable. Pero ang pag-ibig nga naman talaga ay hindi idinidikta. Hindi rin minsan tumutugma sa kung ano ang tama at nararapat.Dumaan ang

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status