Share

Chapter 3

Author: Ambisyosa22
last update publish date: 2026-05-08 18:53:37

KRISSA

"Nasaan si Juno ko?"

Humahangos tanong ko sa kapatid ni Juno na si Migo. Gwapo ang lalaki na ito, simpatiko, maganda ang katawan, malakas ang karisma, playful at higit sa lahat laging nakangiti. Pero may isa pa silang katangian na nakita at kaya kong patunayan ay ang pagiging Daks nila ng kuya niya. Paano ko nalaman?

Well mala hokage ako noon pa. Patay na patay kasi ako kay Juno noon pa man sa murang edad ko alam ko na siya na ang ideal man ko. Oo, Juno lang ang tawag ko sa kanya kahit pa nga paulit-ulit niyang sinasabi na kuya daw. Kuya Juno daw, kuya niya may ass. E, sa ayoko ng kuya ang tawag sa kanya kasi nga gusto ko ng kuyakoy niya. Fine! Ang landi ko na. Amonado naman ako na pilya ako, pero sa totoo lang hindi ko magawang maging pilya sa harap ni Juno. Daig ko pa ang matimtimang birhen sa harap niya. Gusto ko kasing maging perpekto para sa kanyang mga mata.

Masaya naman ang buhay pagkabata ko, kasama ang pamilya ko. Malapit na kaibigan ng Allejo ang aking ama at ina. May sinabi din sa negosyo at koneksyon sila kaya talagang makakahalubilo ko ang mga ito.

Larawan ng masayang buhay ang meron ako pati pamilya ko bago nangyari ang sakuna na kumitil sa buhay ng mga mahal ko. Kasamang namatay ang mga kapatid ko. Maswerte ngang maituturing dahil nailigtas ako ng mag-ama na Allejo at dahil doon mas lumala ang pagkahumaling ko kay Juno.

Naibuhos ko lahat ng paghanga na meron ako sa lalaki noon pa man. Ngunit matagal kong nilisan ang lugar na iyon dahil nga wala na akong makakasama sa buhay dahil wala na rin ang aking ina at ama. Matagal na panahon akong nawala dahil kinuha ako ng isang kaibigan daw ng parents ko. Oo, kaibigan lang dahil walang gusto na umampon sa akin dahil ayaw madamay. Ninais ng matandang Allejo na ako'y ampunin ngunit tinutulan ito ng mariin ni Juno.

Doon sa lugar ng kaibigan ng parents ko ay nag-aral ako ng mabuti. Hindi naputol ang komunikasyon namin ni Juno kahit malayo na kami sa isa't isa. Kahit pa nga may mga sikreto akong ‘di sinasabi sa huli. Nang makilala ko sina Romary nagbago ang lahat. Late ko na sila na nakilala pero ang nakakagulat kilala niya din si Darius na naging kuya ko na rin dahil sa isang pagkakataon na nagtagpo kami. Nahahati tuloy ang damdamin ko.

Maliit nga lang talaga ang mundo dahil konektado pala kaming lahat sa isa't isa. Imagine kung saan - saan kami nagmula pero mga konektado sa isa't isa. Connect the dot ang peg. At ngayon na nakabalik na akong muli pwede ko ng tuparin at ituloy ang na bitin kong paglandi kay Juno. Nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin. Mukhang na patagal ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan hindi ko na naalala si Migo ng ilang sandali.

"Ingay mo naman Kring-Kring AKA hipag no. 2. Ang babaeng mahilig manilip noon habang naligo kami ni Juno malapit sa kwadra." Banat na asar ni Migo sa akin. He's always like this to me and I'm used to it.

"Hoy! Migo anong hipag no. 2 ka dyan? Only one ako ni Juno no! Nasan na ba si Juno ko Migo?" pilingera na kung pilingera! Bakit ba? e, kumpyansa akong makukuha ko si Juno. Base sa itsura ko at likas na alindog maraming naghahangad sa gandang taglay ko kaya alam kong may laban ako.

"Ha! 'yung si Juno mo ba? Ayon na sira na ang ulo. Itinuloy na ang planong pagganti. Hindi pa naman sure na yung babae na' 'yun ay lahi o bunga ng babaeng sumira diumano ng buhay namin. Masyadong dinala ni Juno sa puso niya ang galit. Akala ko makakalimot siya sa dami ba naman ng naging kulasisi ni papa. Hindi ko siya masisi nakita niya kasing masaktan at bawian ng buhay ang aming ina. " tila nanghina si Migo habang sinasabi ang mga naganap noon.

Kahit balik tanaw lang ay talaga masakit. Ako man hinahanap ko pa rin ang totoong rason ng pagkaulila ko. Alam kong hindi basta sakuna iyon kaya hindi rin ako titigil. Nauunawaan ko si Juno pero naaawa at natatakot ako sa pwedeng mangyari. Takot na para bang may mawawala sa akin o masasaktan akong muli. Tinignan ko si Migo bago ako nagsalita.

"Ano pa bang magagawa natin ‘diba? Mukhang uunawain lang natin siya. Pero kailangan nating makialam once na sobra na at nagkakasala na siya ng malala. Sana lang alam talaga ni Juno ang ginagawa niya Migo. Ako ang unang masasaktan kapag-napahamak siya dahil sa mga ginagawa niya. " puno ng sinceridad na sabi ko kaya Migo na ipinukol naman ako ng tila nakakalokang ngiti. Waring may mga naglalarong kakaiba sa utak nito.

"Mukha ngang tama ka—mauuna ka ngang masaktan pero kung talagang mahal mo, tiisin mo, ilaban mo pero huwag na huwag kang papadehado lalo na sa utol ko. Kahit kapatid ko iyon ay sa’yo ako pabor Kring-kring, alam mo naman na princess ka namin noon pa ‘diba? Huwag na nating pag-usapan ang pangit na iyon kumain muna tayo. Matutuwa ang hukluban pagnakita ka, kaya tara sabayan natin ang matanda." Sa mga sinabi ni Migo ay nahiwagaan ako talaga. Alam kong may kakaiba at mali,ramdam na ramdam ko ‘yun. Malakas ang pakiramdam ko kapag may parating na sakit o problema.

But I'm completely different from a cry baby. Hinding hindi ako padedehado kahit ‘di pa sabihin iyon ni Migo. Ilalaban ko ang tama at akin, kahit kapwa ko tatablahin ko. Hindi ako mabait hindi rin ako pala kibo o imik basta hindi ko kaibigan. Pero ang nakakatakot at ina-ayaw ko naman ay ang kumawala ang demonyo na nabuo sa loob dahil hindi ito napipigilan lalot naiipit sa gipitang sitwasyon. Hindi rin siguro gugustuhin ng kahit sino na kalabanin ang gaya ko na may maamong mukha pero nagiging ibang tao once na binabangga.

"Kring- Kring tara na nag-daydreaming ka na naman ba?" Muling untag ni Migo.

Migo didn't change. He is still the same cool and playful type of a man pa rin siya. Sana lang talaga author maihanap mo ng makalagas b*lbol itong si Migo na babae.. Please lang ng mabawasan ang kahanginan at ka asbawan nito sa katawan.

"Oo na tara na ng makaharap ko na ulit si Papa. " Balik kong sabi. Tila naman nagulat ito dahil sanay itong makipag asaran sa akin. Pero kapag narito si Juno sa sawayin niya agad si Migo ng kakaasar sa akin kaya siguro mahal na mahal ko ang loko na iyon. Iniisip ko nga baka selos lang 'yun.

Sa kumidor ang tungo namin, tila nakakita ng dyosa ang Don ng makita ako. Maliit na bagay naman kasi talaga pero sadyang ang ganda ko ay nakakasilaw.

"Hija, anak nandito ka pala halika bigyan mo ng yakap ang matandang uugod ugod na." Bati sa akin ni Don. Uugod-ugod na daw e,napakakisig pa nito at parang di tumatanda. Yumakap at humalik ako sa pisngi nito bago naghiwalay at na upo na sa upuan na hinila ni Migo.

"Papa yari ka kay Juno kung nandito iyon may pahalik-halik at yakap ka pa. E, alam n’yong seloso ang unggoy na iyon." Aliw na aliw nasabi ni Migo.

Hindi ako tanga para ‘di makuha ang sinasabi niya. Pero tingin ko iniiwas lang ako ni Juno kasi baka patusin pa ako ng papa nila. Haler! e papa din ang ipinapatawag sa akin nito.

"Tumigil ka Migo. Pwede ba? Pang manugang ko itong si Kring. Kaya nga yumakap na ako wala ang delubyo dito." Sabi ng Don sabay tawa na sinabayan pa ni Migo kaya natawa na rin ako. Sabay sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan. Napuno ng tawanan ang buong kumidor ng mga oras na iyon. Punong puno rin ang puso ko na talagang ako ang mananalo sa huli dahil na rin sa mga sinasabi ng mag ama. Sa ‘di kalayuan may namataan akong isang babae. Tingin ko ay halos ‘di nagkakalayo ang edad namin.

“Napansin mo pala. Si Lilac ‘yan. Remember, dalawa kayong inaalalayan namin ni kuya noon—”

“Siya na ‘yan?” putol ko kay Migo.

“Yeah!Why?Trigger? Well, harmless si Lilac pero masasabi ko na hanep din kung bakuran ni Juno ang isang iyan. To think Lilac never showed any interest in him.”

“Lilac is a great woman. Well, no matter who he choose–wala akong tutol. Tila ‘di naman lingid sa inyo na parang may sumpa ang pamilyang ito. Hindi lang ito laban sa pagitan ng ganda at pag-ibig. Ito’y laban sa pagitan ng mga matatag at handang sumugal. Oh siya, ang hiling ko lang maging patas kayo sa isa’t isa.” singit naman ng tila biglang naging seryoso na ama.

“Don’t worry Papa, kaya kong bumitaw kung kinakailangan.” tugon ko naman. Batid kong tumututol ang puso ko sa aking sinabi, ngunit dapat ko na rin nga sigurong maunawaan at paghandaan ang lahat.

Nagputoly ang aming pagkain. Panaka-naka may napapansin akong kakaiba sa paligid, tila medyo maganda na ang turingan ng mag amang Migo at Don Teo. Dalangin ko na sana maging si Juno ay maging gano’n na rin. Patapos na kaming kumain ng may biglang tawag akong matanggap. Agad na nagpaalam ako sa mag ama dahil mukhang urgent. It’s a connecting call. Sa labas ng mansyon ako nagtungo, pagka-sagot ko sa tawag na pansin ko muli si Lilac na malayo ang tanaw. Kung ako siya malamang si Juno ang inaabot ko ng tanaw.

“Nandyan ka na pala! Gusto mo bang makilala pa ang isa mong bayaw na hilaw. The Allejo family has a lot of side hustle. Are you sure you really want to be part of it?” untag na ano ng nasa kabilang linya na agad ko namang nakilala.

“Noong dumating ako rito ilang araw ng nakakalipas buong buo ang desisyon ko. But now, I reconsider the thoughts—na baka nga matalo pala ako—”

“Walang talo sa pag-ibig. Tayong mga tao lang ang nag-iisip na laging may pagkabigo at pagkatalo. Anong balita sa pag-mamanman mo?”

“Gano’n pa rin dead end pa rin—”

“Fine, akong gagawa ng paraan. But for now settle your feelings and lovelife. Mukhang ‘yan ang mas mauuna. By the way, pauwi na sila. Mukhang fourseome ang peg n’yo, bye for now. Soon may uuwi d’yan, alagaan at bantayan mo muna for us.”

Namatay ang tawag at natigilan ako. Ang dami ng taon ang dumaan wala pa rin akong mahanap na hustisya para sa pamilya ko. Para bang basta na lang lahat ng laho. Napansin ko na ‘di gumagalaw si Lilac sa pwesto kaya naman nagdesisyon akong lapitan ito.

“Lilac.” tawag ko sa babae.

“Kring bumalik ka na.” tugon niya without looking at me. Hindi ako nagsalita pero ito ang nagbukas ng usapin.

“Sana nga sa gagawin ni Juno maging maayos na siya.” ani ni Lilac.

Masyadong malawak ang binuksan niyang topic pero hindi ko alam ang isasagot. Nanatili kaming tahimik hanggang sa pareho at sabay kaming magpaalam sa isa’t isa na siyang dahilan para matawa kami ng husto. Tawa na noon ay malimit naming pagsaluhan ka pa anak siya ng isang serbidora sa hacienda.

“Salamat Kring hindi ka nagbago–”

“Nope! Salamat sa pananatili rito sa piling ni Juno.”

“Hindi ako aalis hanggat ‘di siya masaya.”

Dahil sa sinabi ni Lilac mas naunawaan ko ang ibig sabihin ni Papa Teo. Mukhang mas kinuwestyon ko lang lalo ang aking sarili. Tila mas genuine ang pagkatao ni Lilac kaysa sa akin.

Sabay kaming naglakad papunta sa gawi ng pinto sa likod ng mansyon ng makarinig kami ng hugong ng kotseng halos palapit ng palit sa malawak na garahe. Pareho kaming natigilan ni Lilac, sabay din may gumuhit ng alangan at ripif na ngiti sa aming mga labi.

"He's here! "

"Nandito na sila."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 3

    KRISSA"Nasaan si Juno ko?" Humahangos tanong ko sa kapatid ni Juno na si Migo. Gwapo ang lalaki na ito, simpatiko, maganda ang katawan, malakas ang karisma, playful at higit sa lahat laging nakangiti. Pero may isa pa silang katangian na nakita at kaya kong patunayan ay ang pagiging Daks nila ng kuya niya. Paano ko nalaman? Well mala hokage ako noon pa. Patay na patay kasi ako kay Juno noon pa man sa murang edad ko alam ko na siya na ang ideal man ko. Oo, Juno lang ang tawag ko sa kanya kahit pa nga paulit-ulit niyang sinasabi na kuya daw. Kuya Juno daw, kuya niya may ass. E, sa ayoko ng kuya ang tawag sa kanya kasi nga gusto ko ng kuyakoy niya. Fine! Ang landi ko na. Amonado naman ako na pilya ako, pero sa totoo lang hindi ko magawang maging pilya sa harap ni Juno. Daig ko pa ang matimtimang birhen sa harap niya. Gusto ko kasing maging perpekto para sa kanyang mga mata. Masaya naman ang buhay pagkabata ko, kasama ang pamilya ko. Malapit na kaibigan ng Allejo ang aking ama at ina.

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 2

    XonniaKAHIT nga ang dapat na kaibiganin ay minamando pa ni Papa. Pero si Carmen lang ang hindi niya na palayo sa akin noon. Ilang beses ko bang ginutom ang aking sarili para lang hayaan nila kami ni Carmen na maging malapit sa isa't isa. May mga insidente pa nga na halos apat na araw na tubig lang talaga ang sumasayad sa aking sikmura para lang pangatawanan ko na si Carmen ay manatiling kaibigan at kasa-kasama ko. Pinag-aral naman ako ng dalawang taon na kurso. Tama raw ‘yun dahil pambahay lang naman ang mga babae ‘yan ang laman ng utak ni papa at paulit-ulit na binibigkas at itinatatak hindi lang sa akin kundi sa aming lahat. Sa totoo lang naawa nga ako kay mama dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata nito mula pa noon. Kaming mga babae daw ay walang saysay sa mundo ng pagnenegosyo. Ang mga babae daw ay display lang sa tabi ng mga matagumpay na lalaki. Si kuya Uno ay isang doctor. Si kuya Dos ay mahusay na abugado. Si Kuya Tres naman ay Engineer at sikat na sa field ang huli ay si

  • Bound To Be Allejo's Wife   Chapter 1

    Xonnia"ANONG asal ba ang pinakita mo Xonnia?!Bakit gano’n ang ginawa mo?” Tila kulog na dagundong na tanong ng aking ama. Hindi ako nagpatinag pero sa totoo lang may malaking takot na akong nararamdaman sa kalooban ko.“Alam mo ba ang ginawa mo? Pinahiya mo kaming lahat sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo?” bulyawa muli ng aking ama na nagpapikit sa akin ng medyo may diin. Wala namang sumasabat pa sa aking ama. Kung sabagay lagi namang gano’n. Ako ang nag-iisang anak na babae pero parang ako ang blacksheep ng aming pamilya.“ Alam ko ang mga tininginan na ‘yan! “Wag n’yo ng subukan.” Pagbabanta ng aking ama sa iba pa naming kasama, bago muli akong balingan.“Ikaw! Ikaw Xonnia gamit-gamitin mo naman sana iyang kapirasong utak na meron ka. Pilit mong isaksak sa Kapuranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nilang tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilya Sole

  • Bound To Be Allejo's Wife   Prologue

    Allejo is a well-known family as one of the most powerful clans in Cagayan Province.Juancho Juno Allejo, is the eldest son of Don Allejo and Doñia Ceress. Marami man ang nagtataka sa kanilang ugnayan bilang mga magulang. Dahil na rin sa hindi kalayuan ang edad ng mag asawa sa kanilang panganay na anak. Gano'n pa man hindi maitatatwa o ni maikakaila na tunay na kahanga-hanga ang genes na taglay ng kanilang angkan.At an early age of 14 years old, na buntis ni Don Allejo ang naging kabiyak din niya na si Donya Ceress out of love, dala lang ng puro kapusukan, pero pinaniniwalaan na ang Doñia matagal ng may pagmamahal sa Don. At dahil galing sa silang pareho samga prominenteng pamilya they agreed, na maging pamilya sila at that age and get married when they hit the legal age. With the guidance of their both families, they seem perfect, happy and untouchable. Pero ang pag-ibig nga naman talaga ay hindi idinidikta. Hindi rin minsan tumutugma sa kung ano ang tama at nararapat.Dumaan ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status