Home / Romance / Bound To My Boss / Chapter 2: The Script (Samantha)

Share

Chapter 2: The Script (Samantha)

last update Last Updated: 2025-07-27 08:35:38

Samantha's Point of View

Maaga akong pumasok ngayon dahil baka makarinig na naman ako ng hindi kaaya-ayang salita galing kay Walter. Wala naman talaga akong ibang gagawin ngayong umaga, unless may iutos sa akin ang lalaking iyon.

Mag-iisang oras na rin simula nang dumating ako sa office. Ngayon ay nakaupo lang ako sa sofa—mariing nakasandal ang likod habang nakaharap sa ceiling ang mukha. Nakapikit din ang aking mga mata, sinusubukang itulog ang mga pangamba dala ng hirap ng buhay. Ramdam ko ang bigat ng aking mga mata, pero hindi ako makatulog. Magka-college na rin kasi si Erwin, ang nakabatatang kapatid ko. Samantalang si tatay naman, may tatlong session ng dialysis sa isang linggo.

Dahil sa rami ng iniisip at nakapikit pa ako, hindi ko namalayan na pumasok na pala si Walter. Nalaman ko lang nang magsalita ito, dahilan para kumulo ang aking dugo.

“I hired you to work, not to get paid while you sleep,” saad nito. Bahagya kong iminulat ang aking mata at nakita itong naglalakad sa kaniyang puwesto habang nakasukbit ang kaniyang brown leather messenger bag. Hindi siya naka-coat ngayon. Tanging puting long sleeve na polo shirt lamang ang suot niya na pang-itaas. Sana lang din talaga mapunit itong black pants niya na mukhang wala na ring isisikip pa.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa lumapit ito sa akin dala ang isang brown folder na kinuha niya mula sa kaniyang bag. Hindi naman talaga siya lumapit dahil ilang metro pa ang layo niya. Ihinagis niya sa mesa ang folder.

Nagtaas pa siya ng kaniyang noo nang sumakto ang folder sa mesa. Kahit iabot man lang 'di talaga kayang gawin ng lalaking ito. Napasulyap ako sa folder. Walang nakasulat sa cover kung kaya'y dinampot ko iyon at ibinaling ko ang tingin sa kaniya.

Nakahalukipkip itong nakatingin sa akin. Ang mga mata niya'y nakatutok na para bang hindi siya makapaghintay na buksan ko iyon. Ang istrikto niya tingnan, pero natatakpan iyon ng kaniyang alindog. Nakakabuwisit lang na kahit inis na inis ako sa kaniya, hindi ko maipagkakailang naguwaguwapuhan ako sa kaniya.

“Ano 'to?” tanong ko sa kaniya habang pinapakita ang folder sa kaniya.

Iritado itong napasinghal. “You could’ve answered your own question if you had just opened the folder first.”

Huminga ako nang pagkalalim, pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Sa halip na makinig sa boses sa utak kong kumutin ang iyon, binuksan ko ang folder.

Nagtagpo ang aking mga kilay habang kunot-noong nakatingin sa unang pahina. Kahit na alam kong wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya, tiningnan ko siya at nagtanong.

“Ano ang gagawin ko sa personal details mo?” naguguluhan kong tanong. Ano ba ang pakialam ko kung blue ang paborito niyang kulay? Kung allergic siya sa hipon?

Humakbang ito palapit sa akin. Napalunok naman ako dahil nasa isang metro na lang ang layo namin at tanging ang maliit na mesa ang nagsisilbing pagitan sa aming dalawa. Hindi naman iyon big deal dahil ang tunay na big deal, iyong nakaupo ako at nakatayo siya tapos magkaharap kami. Gustuhin ko man ipokus ang aking mata sa mukha niya, umaagaw talaga ng pansin ang pants niya lalo na sa bandang crotch nito.

“Since ipapakilala kita as my girlfriend, dapat ipakita mo sa kanila na you know me personally,” paliwanag nito. “For example, you’ll tell them you only realized you loved me when you saw me fighting for my life, after you accidentally gave me food with tiny, unrecognizable bits of shrimp.”

Dire-diretso siya sa kaniyang pagsasalita. Seryoso at hindi man lang nagawang tumawa sa ilusyon ng pinagsasabi niya. Kung sakaling makita ko siyang nag-aagaw-buhay, baka maghanda pa ako na parang may fiesta.

“Wow,” iyon na lamang ang sambit ko at kunwari ay binabasa ang nasa folder. Mas safe kung dito ko itutuon ang aking mga mata. “Pero kung magtanong sila kung sino ang unang na-in love? Or how did our relationship start?”

Napabuntonghininga ito. “It's on the next page.”

Patago akong napanganga sa sinabi niya. Hindi halatang prepared siya sa magiging pagpapanggap namin. Habang binabasa ko iyon ay nagsasalita siya.

“To make it realistic, we’ll make it seem like our love began here, at work. That I fell first. That I only came to know love again, something I hadn’t felt in years, when you walked into my life,” saad nito. Paano niya nagagawang magsalita nang seryoso? Natatawa nga ako habang iniisip pa lamang iyon. “And since I have a background in dancesport, we’ll make them believe it wasn’t your hard work or beauty that made me fall for you. . .”

Parang nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya ang salitang “beauty” dahil parang sinasabi niya na maganda talaga ako.

“It was your talent for dancing,” dagdag pa nito.

Sa pagkabigla ay napatayo ako. “Ano? Talent for dancing?”

Humakbang ulit ito palapit sa akin. “Yes. Kunwari ay nahuli kitang sumasayaw dito sa office.”

Ibinaba ko ang folder at saka ay muling napatayo. “Wait!”

Itinapat ko ang aking dalawang kamay malapit sa kaniyang dibdib. May bumubulong sa akin na idikit iyon doon, pero hindi ko ginawa.

“Hindi ako sumasayaw,” giit ko. “Hindi ako marunong. Puwedeng ibang kasinungalingan na lang? Or mag-stick na lang tayo sa na-in love ka kasi maganda ako.”

Humakbang ulito ito, ngayong ay sobrang lapit na namin sa isa't isa. Lumakas ngunit bumagal ang tibok ng aking puso na para bang bawat tibok ay kalkulado. Napalunok ako nang hawakan niya ang aking baba at saka inangat ang aking mukha.

“I don't fall for beauty,” saad nito. Our faces were so close that I smelled and felt his breath. It smelt like mint and freezing as ice. Naglakbay ang kaniyang mata sa aking mukha na para bang sinusuri niya ang bawat detalye na mayroon iyon. Na-conscious ako bigla. “You have a talent for dancing because that's what we're going to make them believe. Get it?”

Parang lumulutang lang ang mga salitang sinabi niya dahil nakatuon ang atensyon ko sa kaniya mga mata. They were so dark and I could feel them slowly pulling me like a black hole.

Nanatiling ganoon ang posisyon namin nang ilang segundo hanggang sa sabay kaming kaming mapasulyap sa may pinto nang marinig ang pagbukas no'n.

“I should have knocked,” saad ni Sid, ang best friend ni Walter, habang kagat-kagat ang ibabang labi at nanlalaki ang matang nakatingin sa amin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
8514anysia
hehehe gumawa ng kwento ang gling gling hehehe my love story n cla agad agad hehehehe
goodnovel comment avatar
Eleanor Malaybalay
nakakainis si walter
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bound To My Boss   Special Chapter: This Is The Life

    Samantha's Point of View Napapikit na lamang ako habang napapasandal sa upuan ng sasakyan. Kahit na nakaupo ay ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Ganito talaga basta buntis. Idagdag pa na kabuwanan ko na ngayon. Hinimas-himas ko ang aking tiyan at unti-unting napapahinga nang malalim. Pagkakuwan ay naramdaman ko ang malapad na kamay ni Walter sa aking tiyan. “Misis, ayos ka lang?” tanong niya sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. “We can just move our visit to my parents' house the next day.” Gusto pa niyang i-move ngayong papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Isa pa, sigurado naman akong nakahanda na ang dinner namin doon. Ito ang unang beses na babalik ako sa bahay nila. Ang mga kambal naman at maging si Walter ay nauna nang makabisita noong nakaraang araw. “Ayos lang ako,” sagot ko nang hindi iminumulat ang aking mga mata. “Pokus ka lang sa daan.” Naririnig ko sa back seat ang kulitan ng kambal namin. Gusto ko silang sawayin, pero ayaw kong sumigaw. Si ta

  • Bound To My Boss   Special Chapter: You Are Definitely The Problem

    Jefferson's Point of View Wala akong suot na pang-itaas kahit na simpleng paghigpit lang naman ng bolt ang ginagawa ko sa isang parte ng sasakyan. Habang abala, narinig ko ang papalapit na tunog na sasakyan dito sa shop. Sa tunog pa lang ay kilala ko na kaagad ang may-ari nito kung kaya ay hindi ko maiwasang magpigil ng tawa. Hindi pa ako nakakapag-almusal dahil pinili kong trabahuin ang mga naiwan ko kahapon at mukhang mabubusog ako ngayon ng reklamo. “Jeffeson!” malakas nitong tawag sa akin sabay pahampas na isinara ang pinto ng sasakyan niya. “The repair that you did last week? It's brutally useless. Ang engine light ng sasakyan ko ay may problema na naman.” Hindi ko lang siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Limang taon pagkatapos ng kasal nina Samantha at Walter, lumipad ako papuntang ibang bansa para magtrabaho ulit doon. Ngunit hindi rin ako nagtagal, mga isang taon lang ay umuwi rin agad ako rito sa Pilipinas nang mapagdesisyunan kong may iba pala akong gus

  • Bound To My Boss   Special Chapter: Unexpected Encounter

    Walter's Point of View Kids' seemingly unlimited amount of energy needs to be studied. Who would have thought that after hours of playing in the children's playground, Primarae and Seguel still have the energy to run? Sila itong naglaro, pero tila mas pagod pa ako sa mga kambal ko. “Babies, careful!” pasigaw kong sabi habang hinahabol ang mabilis na pagtakbo ng dalawa. Kahit na pagod ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang hinahabol sila. Nagawa pang sumulyap ng dalawa sa akin at humagikhik, as if they were teasing me. Kung nasa bahay lang kami, okay lang sana maghabulan kami. But we're in a mall. May mga tao at stalls or kiosks. Iba't ibang ingay din ang maririnig. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan at may mga store na may pinapatugtog. Hindi rin pala talaga biro ang mag-isang magbantay ng dalawang anak. Kaya saludo ako sa mga single parents na kinakaya ang hirap ng pagiging magulang. I have no one to blame, so I'll blame it on my brother who refused to come with me. M

  • Bound To My Boss   Special Chapter: Life Lately

    FIVE YEARS LATER Samantha's Point of View Pinilit ko ang aking sarili na mapabangon kahit na inaantok pa ako. Napapadalas na rin talaga ang pagtulog ko at pansin ko ring nagkalaman na naman ako. Suot ang maluwang na daster na lagpas tuhod ang haba, maingat akong lumabas ng kuwarto. Wala akong ingay na naririnig, purong katahimikan lamang. Ngunit nang makaapak ako sa hagdanan at dahan-dahang bumaba, may ingay akong naririnig sa may living room. “Please listen to me, okay? Bawal sumama dahil gabi na,” malambing na pakiusap ni Wesley. Nakaluhod ito habang nakatalikod sa aking gawi. “Aside from that, may lakad ako. Sige na, Primarae, Seguel. I have to go.” Tatayo na sana si Wesley ngunit sabay siyang niyakap ng dalawang maliit na bata—isang lalaki, isang babae. Ang tatlong taong gulang na kambal namin ni Walter. “No!” sigaw pa ng kambal, mas hinihigpitan ang pagkakayakap kay Wesley. “Oh, God. I don't know how to get away from the two of you,” mahinang sambit ni Wesley at tumawa. Sali

  • Bound To My Boss   Epilogue (Samantha)

    Samantha's Point of View Nagbigkis ang mga kamay namin ni Walter at nang unti-unti akong mag-angat ng tingin sa kaniya, alam kong ang buhay na pinapangarap ng bawat kababaihan ang magiging buhay ko kasama siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang mga mata—ang mga mata niyang walang itinatago; mas marami pa ang ipinapahiwatig kaysa sa kaniyang bibig. Tuluyan nang nabura ang larawan ng kaniyang nanlilisik na mga titig at ang mapanghusga niyang mga tingin. All I see now are his eyes that are full of hope and love. I know I'll never feel lost. When everything feels wrong, kailangan ko lang tumingin sa kaniyang mga mata. Nandoon ang kapayapaan. Nandoon ang pag-ibig niya. Nang bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi, parang nanlambot ang aking mga tuhod. Maraming nagagawa ang kaniyang labi, pero ang pinakapaborito ko ay sa tuwing lumalabas doon ang mga salitang tanging siya lang ang may kakayahang pakalmahin ako. This took me back during my earlier days sa Sirak Wines. Ilang beses a

  • Bound To My Boss   Chapter 191: Bound To My Boss

    Walter's Point of View “I have only loved twice. The first one was full of regrets and it made me promise not to fall in love again. For how many years, I clung to that promise, until you came into my life,” pagsisimula ko, nanginginig ang boses at kamay dahil nilalabanan ang sarili na mapahagulgol. Pero ang luha ko ay nagsisipag-unahan na sa pagbagsak. “We were the complete opposite of each other. Mabait ka, ako hindi. Mainitin ang ulo ko, ikaw naman ay pasensyoso. At first, I never thought we'd clicked, let alone imagine to marry someone like you. My wife, you're the complete opposite of my life and yet you managed to change the qualities that I possess with out even trying.” Napahinga ako nang malalim. Mabilis na natambak ang mga gusto kong sabihin sa aking lalamunin na pati paghinga ay naging mahirap. Si Samantha naman ay umiiyak din, panay punas sa kaniyang luha. “Kakadikit natin, nagbago ako. Those changes, despite a good thing to some, was a start of something unexpected for

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status