LOGINWalter's Point of View
Mbreath hitched in my throat as Sid stormed into the office without warning. One look at his face, and it was clear—he was completely stunned by what he saw Kaagad akong humakbang palayo kay Samantha. Nang hindi lumilingon ay nagsalita ako, “Leave us alone.” Dala ang folder na binigay ko ay kaagad naman itong lumabas. Bahagya pa itong napayuko bago lagpasan si Sid para magbigay ng galang. Ngumiti naman si Sid sa kaniya. Nang mapasulyap sa akin si Sid, nagtaas-baba ito ng kaniyang kilay. Napapikit ako ng aking mga mata at napailing bago maglakad papunta sa aking mesa. “I'm guessing she's the fake girlfriend,” saad nito habang nakasunod sa akin. May bakas ng pang-aasar sa kaniyang boses. “In all fairness, you've got good taste. She's a girlfriend material.” “She's not,” mariin kong saad nang mapaharap ako sa kaniya. He pouted his lips, while stopping himself from smiling—or maybe laughing. “She's not,” paggaya nito sa tono ng aking pananalita at pagkatapos ay tumawa. “She's not and yet you're kissing her.” I glared at Sid. “I didn't kiss her, idiot. Nilinaw ko lang ang gusto kong mangyari during the event.” Tumango lang Sid habang ikinukubli ang mapanuksong ngiti. Napaupo ito sa ibabaw ng aking mesa. “Why are you even here?” tanong ko rito at napaupo na ako sa aking swivel chair. Umiling ito. “You asked a favor from me the last time. You shouldn't treat me like this.” Nagkunot ako ng aking noo sabay patong ng aking panga sa aking kamay—ang siko ko ay nakariin sa arm rest. “I'm here para sunduin kayo,” saad nito. Oo nga pala. Nakalimutan ko na pagkatapos ng masinsinan namin ng pag-uusap ay nag-request ako sa kaniya na tulungan ako para sa susuutin sa event. His sister is a renowned fashion designer. She chose to make a name of her own as a fashion designer, not as a jeweler. She even designed gowns and suits for celebrities and international pageant candidates. At dahil sila ang may-ari ng Marquez Jewelries, marami silang alahas na puwede kong pagpilian. Actually it's not for me, but for Samantha. I don’t want her to come off like someone I just randomly picked up. She’s undeniably beautiful—but her style needs a bit more polish. ***** “Ruby wedding anniversary?” iyon ang tanong sa amin ng kapatid ni Sid habang naglalakad kami sa hallway. Makikita sa gilid ng dinaraanan namin ang helera ng mga mannequin na may nakasuot na magagarang gowns at suits. They are of different colors and designs. Sid's sister is stunningly beautiful. Her love for fashion design can also be seen in the way she presents herself. Her top is an off-white satin blouse with a deep V-neckline, revealing some of her skin and giving highlight to her pearl necklace. Its sleeves were long and puffy. Pinaresan naman niya ang kaniyang pang-itaas ng black wide-leg pants and black pointed heels. “Yes,” sagot ko naman sa tanong niya. Mabilis siyang maglakad na para bang may hinahabol. Si Samantha ay tahimik lang naman habang nakasunod sa amin. Mukhang marami na naman itong iniisip. “I wish you had told me a few months ago so I could have made a design for her,” saad nito nang mapahinto sa tapat ng pinto. Sa itaas ay may nakalagay na SVIP at umiilaw pa ang mga letra. “I love her body and her face, so designing for her would be easier,” dagdag pa nito at napasulyap kay Samantha. I glanced at Samantha, she smiled. She should smile more often. Mas bagay iyon sa kaniya. “Anyway, I have gowns here. It will take time before we find a perfect one for you,” saad nito bago buksan ang pinto. “But don't worry, we have limited gowns that you can choose from.” Pagkabukas ay tumambad sa amin ang tila isang koleksyon ng napakaraming dress. Nagpatong-patong ang mga iyon sa magkakaibang glass compartment. Nakakalula ang dami ng dress. May mga assistant din na naka-stand by. They looked like butlers in their uniform. “This is the ladies side,” saad ng kapatid ni Sid. “That side would be the gentlemen's,” dagdag pa nito sabay turo sa kanan. Lumapit sa amin ang apat na assistant. “Please assist him,” saad nito at napahawak sa aking balikat. “Ikaw naman,” napahawak siya sa kamay ni Samantha, “you'll stay with me here kasi mamimili tayo.” Tahimik lang si Samantha, pero sa tingin ko ay nae-excite din ito. Baka ito ang unang beses na makakapagsuot siya ng eleganteng damit. “This way, sir,” saad ng isa sa mga assistant. Kaagad naman kaming sumunod ni Walter. Muli akong napalingon sa gawi nina Samantha. Her eyes are sparkling as she smiles. Sid's sister, on the other hand, is comfortably talking to her. “Sa suits ang mata,” saad ni Sid sa akin at hinawakan ang aking mukha para ibaling iyon sa harap. Kaagad ko namang hinawakan ang kamay nito at saka itinulak siya palayo. Ang mga assistant ay napalingon sa amin. “I was staring at your sister,” pagsisinungaling ko naman. Tumawa naman si Sid. “Sinabi ko ba kung kanino ka nakatingin? You sounded so defensive?” I clenched my jaw. “Just zip your mouth and help me choose the best suit for me.”Samantha's Point of View Napapikit na lamang ako habang napapasandal sa upuan ng sasakyan. Kahit na nakaupo ay ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Ganito talaga basta buntis. Idagdag pa na kabuwanan ko na ngayon. Hinimas-himas ko ang aking tiyan at unti-unting napapahinga nang malalim. Pagkakuwan ay naramdaman ko ang malapad na kamay ni Walter sa aking tiyan. “Misis, ayos ka lang?” tanong niya sa akin. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. “We can just move our visit to my parents' house the next day.” Gusto pa niyang i-move ngayong papunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. Isa pa, sigurado naman akong nakahanda na ang dinner namin doon. Ito ang unang beses na babalik ako sa bahay nila. Ang mga kambal naman at maging si Walter ay nauna nang makabisita noong nakaraang araw. “Ayos lang ako,” sagot ko nang hindi iminumulat ang aking mga mata. “Pokus ka lang sa daan.” Naririnig ko sa back seat ang kulitan ng kambal namin. Gusto ko silang sawayin, pero ayaw kong sumigaw. Si ta
Jefferson's Point of View Wala akong suot na pang-itaas kahit na simpleng paghigpit lang naman ng bolt ang ginagawa ko sa isang parte ng sasakyan. Habang abala, narinig ko ang papalapit na tunog na sasakyan dito sa shop. Sa tunog pa lang ay kilala ko na kaagad ang may-ari nito kung kaya ay hindi ko maiwasang magpigil ng tawa. Hindi pa ako nakakapag-almusal dahil pinili kong trabahuin ang mga naiwan ko kahapon at mukhang mabubusog ako ngayon ng reklamo. “Jeffeson!” malakas nitong tawag sa akin sabay pahampas na isinara ang pinto ng sasakyan niya. “The repair that you did last week? It's brutally useless. Ang engine light ng sasakyan ko ay may problema na naman.” Hindi ko lang siya nilingon at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Limang taon pagkatapos ng kasal nina Samantha at Walter, lumipad ako papuntang ibang bansa para magtrabaho ulit doon. Ngunit hindi rin ako nagtagal, mga isang taon lang ay umuwi rin agad ako rito sa Pilipinas nang mapagdesisyunan kong may iba pala akong gus
Walter's Point of View Kids' seemingly unlimited amount of energy needs to be studied. Who would have thought that after hours of playing in the children's playground, Primarae and Seguel still have the energy to run? Sila itong naglaro, pero tila mas pagod pa ako sa mga kambal ko. “Babies, careful!” pasigaw kong sabi habang hinahabol ang mabilis na pagtakbo ng dalawa. Kahit na pagod ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang hinahabol sila. Nagawa pang sumulyap ng dalawa sa akin at humagikhik, as if they were teasing me. Kung nasa bahay lang kami, okay lang sana maghabulan kami. But we're in a mall. May mga tao at stalls or kiosks. Iba't ibang ingay din ang maririnig. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan at may mga store na may pinapatugtog. Hindi rin pala talaga biro ang mag-isang magbantay ng dalawang anak. Kaya saludo ako sa mga single parents na kinakaya ang hirap ng pagiging magulang. I have no one to blame, so I'll blame it on my brother who refused to come with me. M
FIVE YEARS LATER Samantha's Point of View Pinilit ko ang aking sarili na mapabangon kahit na inaantok pa ako. Napapadalas na rin talaga ang pagtulog ko at pansin ko ring nagkalaman na naman ako. Suot ang maluwang na daster na lagpas tuhod ang haba, maingat akong lumabas ng kuwarto. Wala akong ingay na naririnig, purong katahimikan lamang. Ngunit nang makaapak ako sa hagdanan at dahan-dahang bumaba, may ingay akong naririnig sa may living room. “Please listen to me, okay? Bawal sumama dahil gabi na,” malambing na pakiusap ni Wesley. Nakaluhod ito habang nakatalikod sa aking gawi. “Aside from that, may lakad ako. Sige na, Primarae, Seguel. I have to go.” Tatayo na sana si Wesley ngunit sabay siyang niyakap ng dalawang maliit na bata—isang lalaki, isang babae. Ang tatlong taong gulang na kambal namin ni Walter. “No!” sigaw pa ng kambal, mas hinihigpitan ang pagkakayakap kay Wesley. “Oh, God. I don't know how to get away from the two of you,” mahinang sambit ni Wesley at tumawa. Sali
Samantha's Point of View Nagbigkis ang mga kamay namin ni Walter at nang unti-unti akong mag-angat ng tingin sa kaniya, alam kong ang buhay na pinapangarap ng bawat kababaihan ang magiging buhay ko kasama siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang mga mata—ang mga mata niyang walang itinatago; mas marami pa ang ipinapahiwatig kaysa sa kaniyang bibig. Tuluyan nang nabura ang larawan ng kaniyang nanlilisik na mga titig at ang mapanghusga niyang mga tingin. All I see now are his eyes that are full of hope and love. I know I'll never feel lost. When everything feels wrong, kailangan ko lang tumingin sa kaniyang mga mata. Nandoon ang kapayapaan. Nandoon ang pag-ibig niya. Nang bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi, parang nanlambot ang aking mga tuhod. Maraming nagagawa ang kaniyang labi, pero ang pinakapaborito ko ay sa tuwing lumalabas doon ang mga salitang tanging siya lang ang may kakayahang pakalmahin ako. This took me back during my earlier days sa Sirak Wines. Ilang beses a
Walter's Point of View “I have only loved twice. The first one was full of regrets and it made me promise not to fall in love again. For how many years, I clung to that promise, until you came into my life,” pagsisimula ko, nanginginig ang boses at kamay dahil nilalabanan ang sarili na mapahagulgol. Pero ang luha ko ay nagsisipag-unahan na sa pagbagsak. “We were the complete opposite of each other. Mabait ka, ako hindi. Mainitin ang ulo ko, ikaw naman ay pasensyoso. At first, I never thought we'd clicked, let alone imagine to marry someone like you. My wife, you're the complete opposite of my life and yet you managed to change the qualities that I possess with out even trying.” Napahinga ako nang malalim. Mabilis na natambak ang mga gusto kong sabihin sa aking lalamunin na pati paghinga ay naging mahirap. Si Samantha naman ay umiiyak din, panay punas sa kaniyang luha. “Kakadikit natin, nagbago ako. Those changes, despite a good thing to some, was a start of something unexpected for







