hola, greatest readers! thank you for reading this far. please subscribe to the novel, follow the author, share your thoughts or comments and feel free send gifts. these gestures mean so much to me. thank you and happy reading!
Walter's Point of ViewKaagad kong binitiwan ang whiskey at dali-daling naglakbay ang aking kamay patungo sa baywang nito. I slowly lifted my body, shifting into a position where my shoulder blades could vertically lean against the door—lower torso at forty-five degrees.My hands that were tracing the curves of her waist suddenly rummaged to her blouse. Ipinasok ko iyon sa loob ng blouse niya at pinisil ang dibdib nito.“Oh,” she whimpered in between our kisses.I let her breathe, my fingers tucking away the loose strands of her hair. Slowly, I lifted my right hand to her chin, holding it with a gentle firmness as I nudged her slightly away.“Dito ka,” saad ko rito sabay turo sa harap ko. Mahihirapan kami kung ipagpapatuloy namin ang posisyon namin ngayon. Puwede rin kaming lumipat sa likod, but it will take us more seconds which will definitely break our momentum.Umayos ako ng aking pagkakaupo at ngayon ay nakasandal na ako sa backrest ng upuan. Si Samantha naman ay paharap na nakak
Walter's Point of ViewSamantha crossed her arms and pressed her back against the seat. She didn't say a single word when she entered my car. Her tears were uncontrollably running down her cheeks.Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Nang mapatingin ako sa side mirror, wala namang nakasunod.I dug my right hand into my pocket and pulled out my handkerchief. Without pulling my eyes off the road, I extended my hand toward her.“Here,” saad ko. Nang ilang segundo na at hindi pa rin nito kinukuha ang panyo ko, napasulyap na ako rito. “What? Are going to take this or not?”She glanced at me then back to the handkerchief. Ako na nga itong nagmamagandang-loob, ayaw pang tanggapin. She could have just said no.“God, it's clean. Hindi ko 'yan pinampunas sa kung saan-saan,” dagdag ko pa dahilan para kunin na nito ang panyo. “You can smell it, and the only thing you’ll be inhaling is my scent—the one you’ve been missing.”Sinulyapan ako nito at saka umirap. It satisfies me every time I
BACK TO PRESENT Samantha's Point of View “Sam, please. Pakinggan mo ako. Hayaan mo akong magpaliwanag,” pagmamakaawa ulit sa akin ni Jefferson. Sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, akala ko'y okay na ako. Pero ngayong nandito siya at nagmamakaawang pakinggan ko, muling nanumbalik ang lahat ng sakit. Na parang kahapon lang iniwan niya akong humahagulhol sa may ilog—tinatawag at nagmamakaawa sa kaniya na huwag akong iwan. “A-alam mo bang halos mabaliw ako no'n?” tanong ko rito, umiiyak habang sunod-sunod ang malalim na paghinga. “Ilang araw pa lang iyon nang iwan kami ni nanay. Tapos ilang araw lang ang lumipas, iniwan mo rin ako.” Unti-unting nawalan ng higpit ang pagkakayakap nito hanggang sa tuluyan ako nitong pinakawalan. “Akala ko no'n okay tayo,” mariin kong sabi at dahan-dahang nilingon ito. “Kasi 'yon 'yong sinasabi ng kilos, pananalita, at mga mata mo. Iyon ang ipinaniwala mo.” Muli akong huminga nang malalim at pinunasan ang aking luha. “Siguro mahal na mahal lang
FLASHBACK - 7 Years Ago Samantha's Point of View Magdadalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Jefferson. Sa tuwing tinatawagan ko ito, sinasagot lang nito ang tawag, pero hindi nagsasalita. Kapag nagte-text naman ako ay sobrang dalang lang nito mag-reply. Sinusubukan ko siyang intindihin, pero noong nakaraang linggo pa iyong exam week nila. Hindi naman siya ganito. Kahit nga may kasunduan kaming tuwing Sabado lang kami dapat magkita, minsan hindi iyon nasusunod dahil hindi ito makapaghintay na magkita kami. Hindi ako sanay na ganito siya. “Hoy!” bigla akong nahimasmasan nang mahinang tapikin ni Valerie ang aking pisngi. “Fantasy mo ba maging estatuwa?” Pabiro akong umirap kay Valerie. “May iniisip lang.” Si Valerie ang aking maituturing na matalik na kaibigan. Lahat ng sekreto ko alam niya, maliban na lamang sa nangyayari sa aking pamilya. Kaklase ko ito simula pa noong first year college pa lang kami. Kahit may pagkakalog, nag-uumapaw din ng kabutihan ang puso nito. May k
FLASHBACK - 7 Years Ago Jefferson's Point of View “Sakay ka na.” Nagulat ako nang biglang huminto ang traysikel na pinapasada ng tatay ni Sam. Inalok pa ako nitong sumakay sa kaniya. Kanina pa kasi ako naghihintay ng masasakyan pauwi. Inutusan kasi ako ni mama na bumili ng isda. Si Papa naman ay umalis at dinala ang motor nito. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at sumakay na rin dito. “Salamat po, Tito,” wika ko nang makapasok sa traysikel. Sa tagal ng relasyon namin ni Sam, close na kami ng mga magulang nito lalo na sa tatay nito. Ito kasi ang madalas na nasa bahay nila kung kaya ay ito ang nakakausap at nakakasama ko. Mabait ang tatay ni Sam, mas mabait pa kay papa. Mapagmahal ito sa kaniyang mga anak, pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para buhayin ang pamilya niya. Kahit na may busilak na puso, naging bisyo na nito ang pag-iinom. Ayon sa kuwento ni Sam, ang madalas na kinikita ng tatay niya ay ipinambibili lang nito ng alak. Hindi naman daw ganito noon ang tatay niya
FLASHBACK - 7 Years Ago Jefferson's Point of View Umalis si papa at mama para um-attend sa birthday celebration ng pamangkin ko. Sinundo sila kanina ni kuya kung kaya'y naiwan sa bahay ang motor ni papa. Malayo-layo rin ang venue kung kaya ay kailangan nilang gumamit ng kotse. Pinapasama nila ako dahil saktong Sabado at wala akong pasok. Pero hindi ako sumama at nagdahilang may thesis akong tinatrabaho. Pero ang totoo talaga niyan ay magkikita na naman kami ni Sam. Hindi na kami araw-araw kung magkita dahil pareho kaming graduating—busy sa kaniya-kaniyang requirements. Ngunit napagkasunduan namin na ang araw ng Sabado ay araw namin. Araw-araw din naman kaming nag-uusap through text and call. Binuksan ko na ang gate ng bahay namin para ilabas ang motor. Sa halip na isuot ang helmet, iniwan ko lang iyong nakasabit at pinili na lang ang sumbrero. Bago buhayin ang motor, nag-text muna ako kay Sam. “Otw na ako.” Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply at saka bumiyahe na. Matapos ang