Share

CHAPTER 39

Nakadukdok si Lily sa office table niya dahil pakiramdam niya naging problemado siya sa kinakaharap niya ngayon. Nag-angat siya nang tingin kay Gwyneth na nakaupo sa couch at naghihintay sa ikukuwento niya dahil naabutan siyang ganito nang kaibigan niya.

“Wala ka na namang trabaho?” pagpuna ni Lily kay Gwyneth.

Tinawanan siya nito. “Grabe! Imbes na batiin mo ‘ko, ‘yan talaga bungad mo sa’kin?”

“Argh!” iyon ang lumabas sa bibig ni Lily at dumukdok ulit sa mesa niya.

“Bakit ba ang problemado mo? May nangyari ba?”

Nag-angat ulit nang tingin si Lily kay Gwyneth at nagpalumbaba siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo na lumipas.

Simula nang gabing iyon sa event, parang mas naging malapit sa kaniya si Ivor lalo na sa anak nila. Ito na ang sumusundo kay Isaac tuwing hapon sa school. Dinadala na lang ni Ivor sa kaniya si Isaac dito sa café & restaurant niya pagkatapos sabay silang uuwi kahit na kaniya kaniyang kotse ang gamit nila.

Nagpapaalam naman si Ivor sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status