Nakatingin sa kawalan si Ivor na siyang nakaupo sa swivel chair ng kaniyang opisina.
Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya iyong babaeng nakasalubong niya sa charity event. Alam niyang hindi niya ito kilala, pero familiar ito sa kaniya. Ilang araw na nga niyang iniisip na maaring nakita niya na ito kung saan. Isang taon na rin ang nakalipas simula nang makabalik siya sa Pilipinas galing sa USA at sigurado siyang ngayon lang niya nakita ang babaeng 'yon, pero bakit pakiramdam niya ay hindi ito ang unang beses. "Sir Ivor?" Bumalik sa realidad si Ivor nang marinig ang boses nang kaniyang secretary na si Lian Andra. Nag-angat siya nang tingin dito. "Ano 'yon, Lian?" "Lunch break na po, Sir. Saan po ninyo gusto kumain para makapagpa-reserve na po ako? After po niyan may afternoon meeting po kayo kay Mr. Cruz," nakangiting sabi nito kay Ivor. "Magpa-food delivery ka na lang at dito na lang ako kakain. Sa conference room lang naman ang meeting namin, right?" "Yes po, Sir. Iyon lang po ba?" "Yeah. You may go." Tahimik na lumabas si Lian at naiwang muli mag-isa si Ivor sa loob ng opisina niya. Makalipas ang dalawang oras, natapos na ang lunch break at magsisimula na ang meeting ni Ivor sa CEO ng isang construction company para sa collaboration nito at ng kompanya niya. Tahimik silang naglalakad ni Lian sa hallway patungo sa elevator at marahil hindi na natiis ng secretary niya ang katahimikan sa pagitan nila kaya nagsalita ito. "Sir Ivor, may problema ka po?" Nakakunot ang noo ni Ivor na tiningnan si Lian. "None. Why?" "Mukhang malalim po kasi ang iniisip mo kanina. Sa totoo lang po hanggang ngayon. Ano po ba 'yon?" Hindi man halata, pero malapit sina Ivor at Lian sa isa't isa bilang magkaibigan. Kaya hindi na nagdalawang isip si Ivor na sabihin kung ano iyon. "Babae." Lian lips form an O. "Nice! Hindi ko po alam na may chicks ka na, Sir Ivor," nakangiting sabi nito sa huli. "It's not what you think," pag-iiba ni Ivor sa usapan. Nagpatuloy siya, "may nakita lang akong babae nitong nakaraan. Alam kong ngayon ko lang siya nakita, pero pakiramdam ko hindi iyon ang unang beses," seryosong sabi niya. "Ah! Gets ko na, Sir! Baka naman kaklase mo lang dati? Or something na kakilala mo, gano'n?" Nagkibit-balikat si Ivor. "Hindi ko na alam, Lian. Isa pa, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit iniisip ko pa iyon. Let's not just talk about it." "Noted, Sir!" ****** Sa loob ng grocery store, nasa fruit section si Lily at namimili nang mga prutas na bibilhin. Hinuli na niya ito sa listahan kaya pagkatapos niya rito ay didiretso na siya sa counter. Day-off niya ngayon kaya naman napag-isipan niyang mag-grocery na rin dahil kaunti na lang ang food stocks nila sa bahay. Kahit siya ang may-ari ng "ISAAC's" - pangalan nang kaniyang café & restaurant, nagdesisyon siyang mag-set din ng day-off para maging disiplina rin niya sa sarili. Ayaw niyang um-absent o hindi pumasok porke't siya ang boss. Habang pumipili si Lily ng mga prutas, may dumating na isang lalaki sa harap niya at mukha namimili rin ito. Kasabay nang pag-angat ni Lily nang kaniyang tingin, nag-angat din nang tingin ang lalaki sa harap niya kaya nagtama ang mga mata nila. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ni Lily nang makita niyang si Ivor ito. Ilang segundo silang nagkatinginan bago umiwas nang tingin si Ivor. Nanatiling nakatingin si Lily sa dating asawa, naghihintay kung may sasabihin ito. Bumalik ito sa pagpili ng mga prutas at kumuha nang ilan dito saka ito naglagay sa cart. Nang matapos ito sa pagkuha nang mga prutas na bibilhin, tinalikuran siya nito at maglalakad na sana palayo, ngunit tinawag ito ni Lily. Disappointed siya na kahit sa pangalawang pagkakataon na nagkita sila, wala pa rin itong sinasabi man lang. "Ivor, wait lang!" Nakita niyang huminto sa paghakbang si Ivor. Nilingon siya nito at bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Kilala mo 'ko?" tanong ni Ivor kay Lily. Natahimik siya at hindi niya alam ang sasabihin. Nasa huli talaga ang pagsisisi, sana ay hindi na lang niya ito tinawag. Nang hindi magsalita si Lily, nagsalita muli si Ivor. "Ikaw ba 'yung nakasalubong ko sa charity event?" Sa isip-isip ni Lily, alam naman pala nitong nagkita sila sa event. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n magsalita at kumilos si Ivor. Imbes na sagutin niya ang tanong nito, iba ang lumabas sa bibig ni Lily. "Hanggang kailan ka magpapanggap na hindi mo 'ko kilala? Gano'n na ba kalaki ang galit mo sa'kin, Ivor?" Lily saw in his eyes how shock and confuse he is. Hinarap siya nang maayos ni Ivor. "Miss, I'm sorry. Hindi kita naiintindihan. I wouldn't ask that kind of question if I really know you." Ngayon, mas naguluhan si Lily dahil sa sinabi ni Ivor sa kaniya. Bago pa siya makapagtanong, naunahan na naman siya nitong magsalita. "Kung magkakilala man tayo noon at may nagawa akong hindi maganda, humihingi ako nang pasensya. I got into a car accident seven years ago that causes me to lose some of my memories." Napatakip si Lily sa kaniyang bibig para maiwasan niya ang pagbuka nito dahil sa pagkabigla sa nalaman niya. She didn't know. After a few seconds, she finally manage to speak, "I'm sorry. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Umiwas nang tingin si Lily at mabilis na dumampot ng mga prutas saka niya ito nilagay sa cart. Nanatili siyang nakayuko hanggang sa nalagpasan niya si Ivor. Hindi pa man siya nakalalayo, tinawag siya nito. "Miss, wait!" Huminto si Lily at nang lumingon siya, ilang hakbang na lang ang layo ni Ivor na nasa harapan niya. She looked at him. Nagsimulang magsalita si Ivor, "Mali ang naitanong ko sa'yo kanina. Actually, hindi na dapat ako nagtanong. Dahil kung paano mo tawagin ang pangalan ko kanina, parang kilalang-kilala mo 'ko. No'ng nagkasalubong tayo sa lobby ng hotel, you looked familiar to me. Close ba tayo dati? Are we friends?" Iniisip ni Lily kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Hindi niya kayang sabihin na dati silang mag-asawa lalo na nalaman niyang may amnesia pala ito, ang awkward no'n at hahaba pa ang usapan nila. Kung sasabihin man niya, hindi sa ganitong sitwasyon. Matapos ang ilang segundong pananahimik ni Lily habang nag-iisip nang idadahilan, nagsalita na siya. "Magkaklase tayo noong college at casual friends lang. We lost our communication after graduation," pagsisinungaling pa niya. Tumango-tango si Ivor. "I see. Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tumikhim si Lily bago nagsalita, "I'm Lily Andra." "I still can't recall you, Lily, but I'm glad to see you, again," sabi ni Ivor kay Lily at bakas sa mga mata nito ang paghingi ng paumanhin. "It's okay, no big deal." "Salamat. In any case, if you're free, we can hang out together with our old friends. Hindi talaga ako ganito, pero gusto ko lang malaman ang iba pang details sa mga memories na nakalimutan ko para bumalik na lahat," mahabang sabi ni Ivor kay Lily na siyang kinabigla niya. Lihim na nagpakawala nang malalim na paghinga si Lily. Kanina pa dapat siya umalis, hindi 'yung nakipagkwentuhan pa. Gusto niyang tulungan itong makaalala, pero mas lamang ang ayaw niya. "(Kung alam mo lang, wala ka nang ibang kaibigan noon kung hindi ako lang. Ang hilig kasing mag-solo sa tabi,)" sabi ni Lily sa isip niya. "I'll try. Subukan ko rin sabihin sa iba," maiksing sabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "by the way, una na 'ko," pagputol ni Lily sa conversation nila. Gustong gusto na niyang makaalis sa harap ni Ivor. "Okay. Ingat sa pag-uwi," sabi ni Ivor at tipid siya nitong nginitian. Saglit na napatitig si Lily sa dati niyang asawa. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nginitian siya nito. Umiwas na siya nang tingin at tinalikuran niya ito saka siya naglakad palayo kay Ivor. 'Tapos naman na siyang mamili kaya dumiretso na siya sa counter.Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay
Nagising si Lily dahil sa init na tumatama sa kaniyang balat. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang liwanag nang araw na siyang nagmula sa bintana ng kwarto niya. Tumingin siya sa tabi niya at nakita niyang wala na siyang katabi.“Is it a dream?” tanong niya sa kaniyang sarili. Kinalaunan, sinagot niya rin ang sarili niyang tanong. “No. I remembered it so vividly.”Nakatingin si Lily sa kisame nang kaniyang kwarto. Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing siya o may tama nang alak, alam niyang pinapunta niya si Ivor. Dahil din sa alak, nagkaroon siya nang lakas nang loob para sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Lily sighed at the thought of what happened last night. Kahit naalala niya nang malinaw ang nangyari, pakiramdam niya panaginip lang ang lahat. Kung hindi lang sana siya natakot at hinarap niya kaagad ang katotohanan na bumalik si Ivor, maaga sana nilang napag-usapan ang lahat. Tumayo si Lily mula sa kaniyang pagkakahiga at bumaba siya s
Hinawakan din ni Ivor ang mukha ni Lily. Dahan-dahan niyang tinuyo ang basa nitong pisngi dahil sa luha nito. “I’m sorry for making you cry. Sorry din, nabasa ka dahil sa’kin.”Tila hindi narinig ni Lily ang paghingi ni Ivor nang tawad. Dahil patuloy pa rin siya sa paghaplos nang mukha ni Ivor habang nakatingin pa rin sa mga mata nito. Bago sumagot si Lily, inalis niya ang kaniyang tingin sa mga mata ni Ivor. Pinagtuunan niya nang pansin ang iba’t ibang parte nang mukha nito. Mula sa bukok, kilay, pilik-mata, ilong at labi ni Ivor, hanggang sa binalik niya ang tingin sa mga mata nito.“For making me cry, you’re forgiven. And for hugging me while you’re soaked from the rain, it’s okay. I don’t really mind,” she paused and she continued, “Seeing you this close, feels surreal to me.” Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily na nasa mukha niya pagkatapos ay kinuha niya rin ang nakababang kaliwang kamay nito. He held both of her hands. Pagkatapos ay tumingin siyang muli kay Lily. “Bakit?
Alas diyes na nang gabi. Nakatayo si Lily sa tapat ng bintana sa kaniyang living area habang tahimik na pinapanuod ang pagbuhos nang malakas na ulan. Hindi man ganoon kalakas ang tunog nito katulad sa labas, ngunit dahil sa katahimikan, tanging ito lamang ang maririnig sa buong kabahayan. May hawak siyang rock glass na naglalaman ng brandy. Dalawang oras na siyang umiinom at halos nakakalahati na niya ang bote ng alak. Nararamdaman na rin niya ang tama nang alak sa kaniyang sistema.Napagpasyahan niyang uminom dahil sa bigat na nararamdaman niya at pinag-iisipan kung ano ang dapat niyang gawin. Susundin niya ba ang gusto ni Isaac? O ang kaniyang gusto? Nang hindi siya makakuha nang sagot sa kaniyang sarili, tinungga niya ang brandy mula sa kaniyang rock glass. Wala sa sariling kinuha ni Lily ang cellphone sa bulsa ng pajama na suot niya. Tinawagan niya ang number ni Ivor. Nakatatlong ring ang tawag bago ito sumagot.“Hello?” Pagbati sa kaniya ng ex-husband niya mula sa kabilang linya.
Pinindot ni Ivor ang doorbell ng condo ni Lian. Naghihintay siyang bumukas ang pinto. Suddenly, it reminded him of the first time he met his son.“My son...” He thought to himself. Nang marinig niya ang pag-click ng pinto, bumukas ito at sumalubong sa kaniya si Lian. Napansin niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya.“Kuya Ivor...”“Puwede ba akong pumasok? Gusto ko lang makita at makausap si Isaac.”Sa ilang araw na nandito ang kaniyang anak sa condo ni Lian, wala siyang lakas nang loob magpakita rito. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin o ipaliliwanag ang nangyari. Kung hindi pa sila nagkita ni Lily at nagka-usap, three days ago, hindi pa siya magkakaro’n nang lakas nang loob para harapin si Isaac bilang ama nito. Kaya ngayon ay nandito siya.“Tuloy ka, Kuya Ivor.”Nang sabihin iyon ni Lian ay nilawakan nito ang pagkakabukas sa pinto kaya naman pumasok si Ivor sa loob. Tinanggal niya ang kaniya sapatos at naglakad papunta sa living area. Nakita niyang nakaupo sa sah
Kinabukasan, bumalik si Lily sa condo ni Lian at nagdala siya ng favorite dish at desserts ni Isaac. Inihain niya ito sa mesa at tinawag niya sina Lian at Isaac na naglalaro ng video games. Lumapit naman ang dalawa at umupo sa dining table at sabay sabay silang kumain.Nagsimula nang conversation si Lily kay Isaac katulad nang madalas nilang gawin noon sa tuwing kumakain ng hapunan. “Kumusta ang school, Isaac?”“It’s fine, Mommy.”“May gusto ka ba i-kuwento sa’kin tungkol sa mga natutunan mo?”“Wala po, Mommy.“Lily smiled bitterly at herself. Hindi siya sanay na isang tanong at isang sagot lang ang ginagawa ni Isaac. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Lian, pero hindi niya na lamang ito pinansin. Nang matapos silang kumain, mabilis na bumalik sa living area si Isaac habang naiwan silang magkapatid na nagliligpit nang kanilang pinagkainan. “Ate, gusto mo ba pagsabihan ko si Isaac?” Narinig niyang tanong ni Lian.Tumingin siya sa kapatid na bitbit ang mga plato, kinuha niya iyon a