Share

CHAPTER 40

Hininto ni Ivor ang kotse sa tapat nang isang bahay. Bungalow house ito na may garden sa harap bago makarating sa front door. Pinaghalong itim at puti ang kulay ng bahay sa labas.

“Nandito na po tayo, Uncle Ivor.”

Narinig niyang sabi ni Isaac. Tinulungan niya itong magtanggal ng seatbelt. Binuksan ni Ivor ang pinto sa passenger seat para makalabas si Isaac. Inalis na rin niya ang kaniyang seatbelt at lumabas mula sa driver seat.

Sinamahan ni Ivor umuwi si Isaac para kunin ang assignment nito. Hindi kasi iyon nadala ng bata nang ihatid ito ni Lily sa condo ni Lian kaninang umaga. Pagkatapos nilang kunin ang assignment ni Isaac, babalik na rin sila sa condo at dadaanan nila si Lian sa grocery store na pinag-iwanan nila rito.

Sinundan ni Ivor si Isaac na maglakad patungo sa gate. Nakasunod lang siya rito hanggang sa makarating sila sa front door. Dahil naka-passcode system ang lock ng pinto nina Lily, nakita ni Ivor na nag-type doon si Isaac. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa loob.

N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status