“What?!” Gwyneth exclaimed.
Hinawakan ni Lily ang kaibigan sa pulso nito saka ito hinila paupo sa couch ng opisina niya. Nandito na naman ang kaibigan niya para tumambay at ito ang naging reaksyon ni Gwyneth nang i-kuwento ni Lily ang nangyari sa pagitan nila ni Ivor limang araw na ang nakaraan. “Huwag ka naman sumigaw, Gwy!” pagsuway pa niya sa kaibigan. Malalaki pa rin ang mga mata ni Gwyneth na nakatingin kay Lily. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman mula sa kaibigan. “Totoo ba talaga? May amnesia siya? Baka naman nagpapanggap lang siyang hindi ka talaga kilala para malagpasan niya ang ginawa niya sa’yo?” may pagdududa sa boses na sabi ni Gwyneth. “He seems to be telling the truth. Nakita ko kung paano siya maguluhan nang malaman niyang magkakilala kami. Ang mas nakakapagpa-bother sa’kin, ‘yong sinagot ko sa kaniya! Mukha akong tanga, para akong naghahabol na ewan. Ang lame pa ng excuses ko sa kung paano “kuno” kami nagkakilala,” Lily said. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Nag-cross arms si Gwyneth at sumandal sa couch. “Mali ka d’yan, Lily! Alam mo, tama lang naman ang ginawa mo. At least, you know what happened to him seven years ago. Nasagot na rin ang tanong mo kung bakit nilagpasan ka niya at kung bakit hindi niya tinatanong si Isaac, ‘yon ay dahil hindi niya kayo maalala. Ano na ang plano mo?” Tiningnan ni Lily ang kaibigan na nakakunot ang noo. “Plano? What do you mean by that?” Nagkibit-balikat si Gwyneth at sumagot, “Like you know, are you going to tell him? Sasabihin mo ba lahat lahat para makaalala na siya at maalala niya ang anak ninyo? O kung ano man naiisip mong paraan para maalala niya kayo.” Saglit na napaisip si Lily sa sinabi ng kaibigan niya. Base sa mga obserbasyon niya sa sitwasyon nila, parang alam na niya ang sagot. “Hmm, siguro hindi ko na lang sasabihin. Naging gano’n lang naman ang reaksyon ko noong una kaming magkita dahil akala ko ay pagpapanggap lang niya ‘yon na hindi niya ‘ko kilala o si Isaac.” Si Gwyneth naman ang nakakunot ang noo dahil sa sinabi ni Lily. “Sigurado ka d’yan? Ano ‘yon, mananahimik ka na lang, magpapanggap na hindi ka naging parte ng buhay niya at hahayaan mo na lang na hindi niya alam ang totoo?” “Oo, gano’n na nga. Naisip kong hindi naman siguro kami magkikita ulit, baka coincidence lang nangyari nitong nakaraan. Mukha namang okay ang buhay niya at maayos naman siyang humarap sa’kin. He looks healthy. Isa pa, ayoko nang gumulo ang lahat kapag nalaman niya ang totoo. Mas mabuti na itong ganito, kung ano man ang mga buhay namin ngayon. Gusto ko lang nang tahimik na buhay para sa’min ng anak ko, at mas mabuting gano’n na rin sa kaniya.” “Do you think that’s the best choice? Isipin mo naman si Isaac, wala siyang kinalakihan na tatay. Sigurado ako na hinahanap-hanap din iyon ng anak mo.” “Tatay at nanay naman ako sa kaniya, Gwyneth. Hindi ko pinaramdam sa anak ko na may kulang o mali sa kaniya. Nabuhay ko siyang mag-isa noon, mabubuhay ko siyang mag-isa ngayon. We’ve been together ever since Ivor left us. Wala nang bago doon. Saka kakayanin ba ni Isaac lahat nang magbabago kung malaman niya ang totoo tungkol sa tatay niya? I don’t think so. Ayokong maguluhan ang anak ko.” Huminga nang malalim si Gwyneth. “Kung ‘yan ang desisyon mo, wala na akong magagawa d’yan. Ikaw ang magulang, alam mo ang ginagawa mo.” Hindi na sumagot si Lily sa sinabi ni Gwyneth sa kaniya. She thought that this would be better. Let things flow as it was before. May sari-sarili na silang buhay ni Ivor at iyon ang gusto niyang panatilihin. ****** Nakasara na ang café & restaurant ni Lily, pero nanatili siyang nasa loob at kumakain nang hapunan sa isang mesa kasama sina Isaac at Lian. Hindi na sila kumain sa ibang restaurant para sa kanilang Friday night dinner. “Lian, every weekends ang day-off mo, right?” panimula ni Lily. “Oo, ate. Bakit?” “Puwede ba ikaw muna mag-babysit kay Isaac? Nag-resign kasi iyong babysitter niya at balak mag-abroad. Ngayon naghahanap pa lang ako nang ipapalit.” Nagkatinginan ang magkatabi na si Lian at Isaac. “Okay lang sa’yo, Isaac?” nakangiting tanong ni Lian sa pamangkin. Malawak na ngumiti si Isaac pabalik sa uncle niya. “Of course, Uncle! Mas sasaya ang weekends ko!” masayang sabi nito. Napangiti naman si Lily sa kaniyang nakikita. Hindi niya akalain na magiging katuwang niya ang kapatid sa pag-aalaga sa anak. Lalo na at sa tagal nang panahon nilang magkahiwalay. “That’s settle then. Ihahatid ko siya sa condo mo every Saturday morning at susunduin ko siya every Sunday evening.” “Noted, ate! Ang swerte mo talaga na nakita mo ‘ko four years ago! Ano na lang gagawin mo kung wala kang gwapo na kapatid?” magiliw na sabi ni Lian. Inalis ni Lily ang ngiti sa labi at nagkunwaring nagseryoso. “Isasama ko si Isaac sa work habang naghahanap ng babysitter niya.” “Parang sinasabi mo naman, ate na hindi mo ‘ko kailangan!” nag-iinarteng sabi ni Lian. Nagkatinginan ang mag-ina na si Lily at Isaac saka sabay na natawa. Napailing na lang na nangingiti si Lian dahil napagkaisahan na naman siya. Aminado naman si Lily na maswerte siya at nagtagpo muli sila ni Lian four years ago nang pumanaw ang tatay nila. Nang maghiwalay ang mga magulang niya noong bata pa sila, si Lian ang kinuha ng tatay niya at mula noon ay hindi na niya ito nakita. Nagsimulang maghanap ang nanay niya at hindi ito tumigil sa paghahanap kay Lian para bawiin ito sa ama nila. Nagdalaga na siya at tumungtong sa highschool, pero hindi pa rin nahahanap ng nanay niya si Lian hanggang sa nagkaroon ito ng terminal-illness at pumanaw ito bago siya tumungtong ng college. Hindi na rin sinubukan ni Lily na ituloy ang paghahanap sa kapatid niya dahil naging busy siyang buhayin ang sarili nang mag-isa. Ipinaubaya na lang niya ito sa tadhana at hindi naman siya nabigo. Nagkita silang muli at nagkasama.Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay
Nagising si Lily dahil sa init na tumatama sa kaniyang balat. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang liwanag nang araw na siyang nagmula sa bintana ng kwarto niya. Tumingin siya sa tabi niya at nakita niyang wala na siyang katabi.“Is it a dream?” tanong niya sa kaniyang sarili. Kinalaunan, sinagot niya rin ang sarili niyang tanong. “No. I remembered it so vividly.”Nakatingin si Lily sa kisame nang kaniyang kwarto. Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing siya o may tama nang alak, alam niyang pinapunta niya si Ivor. Dahil din sa alak, nagkaroon siya nang lakas nang loob para sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Lily sighed at the thought of what happened last night. Kahit naalala niya nang malinaw ang nangyari, pakiramdam niya panaginip lang ang lahat. Kung hindi lang sana siya natakot at hinarap niya kaagad ang katotohanan na bumalik si Ivor, maaga sana nilang napag-usapan ang lahat. Tumayo si Lily mula sa kaniyang pagkakahiga at bumaba siya s
Hinawakan din ni Ivor ang mukha ni Lily. Dahan-dahan niyang tinuyo ang basa nitong pisngi dahil sa luha nito. “I’m sorry for making you cry. Sorry din, nabasa ka dahil sa’kin.”Tila hindi narinig ni Lily ang paghingi ni Ivor nang tawad. Dahil patuloy pa rin siya sa paghaplos nang mukha ni Ivor habang nakatingin pa rin sa mga mata nito. Bago sumagot si Lily, inalis niya ang kaniyang tingin sa mga mata ni Ivor. Pinagtuunan niya nang pansin ang iba’t ibang parte nang mukha nito. Mula sa bukok, kilay, pilik-mata, ilong at labi ni Ivor, hanggang sa binalik niya ang tingin sa mga mata nito.“For making me cry, you’re forgiven. And for hugging me while you’re soaked from the rain, it’s okay. I don’t really mind,” she paused and she continued, “Seeing you this close, feels surreal to me.” Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily na nasa mukha niya pagkatapos ay kinuha niya rin ang nakababang kaliwang kamay nito. He held both of her hands. Pagkatapos ay tumingin siyang muli kay Lily. “Bakit?
Alas diyes na nang gabi. Nakatayo si Lily sa tapat ng bintana sa kaniyang living area habang tahimik na pinapanuod ang pagbuhos nang malakas na ulan. Hindi man ganoon kalakas ang tunog nito katulad sa labas, ngunit dahil sa katahimikan, tanging ito lamang ang maririnig sa buong kabahayan. May hawak siyang rock glass na naglalaman ng brandy. Dalawang oras na siyang umiinom at halos nakakalahati na niya ang bote ng alak. Nararamdaman na rin niya ang tama nang alak sa kaniyang sistema.Napagpasyahan niyang uminom dahil sa bigat na nararamdaman niya at pinag-iisipan kung ano ang dapat niyang gawin. Susundin niya ba ang gusto ni Isaac? O ang kaniyang gusto? Nang hindi siya makakuha nang sagot sa kaniyang sarili, tinungga niya ang brandy mula sa kaniyang rock glass. Wala sa sariling kinuha ni Lily ang cellphone sa bulsa ng pajama na suot niya. Tinawagan niya ang number ni Ivor. Nakatatlong ring ang tawag bago ito sumagot.“Hello?” Pagbati sa kaniya ng ex-husband niya mula sa kabilang linya.
Pinindot ni Ivor ang doorbell ng condo ni Lian. Naghihintay siyang bumukas ang pinto. Suddenly, it reminded him of the first time he met his son.“My son...” He thought to himself. Nang marinig niya ang pag-click ng pinto, bumukas ito at sumalubong sa kaniya si Lian. Napansin niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya.“Kuya Ivor...”“Puwede ba akong pumasok? Gusto ko lang makita at makausap si Isaac.”Sa ilang araw na nandito ang kaniyang anak sa condo ni Lian, wala siyang lakas nang loob magpakita rito. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin o ipaliliwanag ang nangyari. Kung hindi pa sila nagkita ni Lily at nagka-usap, three days ago, hindi pa siya magkakaro’n nang lakas nang loob para harapin si Isaac bilang ama nito. Kaya ngayon ay nandito siya.“Tuloy ka, Kuya Ivor.”Nang sabihin iyon ni Lian ay nilawakan nito ang pagkakabukas sa pinto kaya naman pumasok si Ivor sa loob. Tinanggal niya ang kaniya sapatos at naglakad papunta sa living area. Nakita niyang nakaupo sa sah
Kinabukasan, bumalik si Lily sa condo ni Lian at nagdala siya ng favorite dish at desserts ni Isaac. Inihain niya ito sa mesa at tinawag niya sina Lian at Isaac na naglalaro ng video games. Lumapit naman ang dalawa at umupo sa dining table at sabay sabay silang kumain.Nagsimula nang conversation si Lily kay Isaac katulad nang madalas nilang gawin noon sa tuwing kumakain ng hapunan. “Kumusta ang school, Isaac?”“It’s fine, Mommy.”“May gusto ka ba i-kuwento sa’kin tungkol sa mga natutunan mo?”“Wala po, Mommy.“Lily smiled bitterly at herself. Hindi siya sanay na isang tanong at isang sagot lang ang ginagawa ni Isaac. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Lian, pero hindi niya na lamang ito pinansin. Nang matapos silang kumain, mabilis na bumalik sa living area si Isaac habang naiwan silang magkapatid na nagliligpit nang kanilang pinagkainan. “Ate, gusto mo ba pagsabihan ko si Isaac?” Narinig niyang tanong ni Lian.Tumingin siya sa kapatid na bitbit ang mga plato, kinuha niya iyon a