Nasa labas ng airport si Ivor para sunduin ang nakababata niyang kapatid na si Janelle Aquino. Hindi man niya ito kaparehas ng apelyido at hindi man sila magkadugo, tinuturing naman niya itong tunay na kapatid.
Nakasandal siya sa hood ng kaniyang kotse habang matiyagang naghihintay. Ilang segundo pa ang lumipas, nakita na niyang lumabas mula sa loob ng airport si Janelle. Nililibot nito ang paningin sa paligid na tila hinahanap siya kaya naman isinigaw na niya ang pangalan nito para tawagin.“Jane! Over here!”Nang marinig ni Janelle ang pinaiksing pangalan niya, mabilis niyang nakita ang kinaroroonan ni Ivor. Naging malawak ang kaniyang ngiti nang makita ang kuya niya, sa kabilang banda ay ganoon din naman si Ivor.Nagsimulang maglakad si Ivor palapit kay Janelle at ganoon din ang dalaga. Nagkasalubungan sila sa gitna.“I’m back, Kuya! You miss me?” nakangiti at mapang-asar na sabi ni Janelle kay Ivor.Nginisihan ni Ivor ang nakababatang kapatid. “No, I’m not, but Mom and Dad miss you.”Nawala ang ngiti sa labi ni Janelle at pabirong sinamaan nang tingin ang kuya niya. “You’re so mean, Kuya Ivor! Ang tagal natin hindi nagkita ‘tapos hindi mo ‘ko namiss?”Tipid na tinawanan ni Ivor ang kapatid at ginulo ang buhok nito. “I’m just kidding. Namiss din kita, lil’ sis.”Inayos ni Janelle ang kaniyang nagulong buhok. “Stop treating me like a little girl. I’m a grown-up woman now. Tawagin mo na lang ako sa name ko.”Napailing-iling na lang si Ivor sa inakto ng kapatid niya. Dalaga na nga talaga ito, pero para sa kaniya ay ito pa rin ang gusgusin niyang bunsong kapatid.“Anyways,” pag-iiba ni Ivor nang usapan at kinuha niya mula kay Janelle ang dalawa nitong malaking maleta. Automatic naman iyong nabitawan nang dalaga. Nagpatuloy si Ivor sa pagsasalita, “let’s go home. Kanina pa tayo hinihintay nina Mom at Dad.”“Okay! Excited na rin akong makita sila. Lalo na ang matikman muli ang mga luto ni Mom,” hindi maitago ang saya sa tono ng boses ni Janelle.Nagsimula na silang maglakad patungo sa kotse ni Ivor kung saan ito naka-park sa harap ng airport. Nang makarating sila sa tapat ng sasakyan, pinapasok na ni Ivor si Janelle sa loob ng passenger seat habang siya naman ay nilalagay ang mga gamit ng dalaga sa compartment ng sasakyan niya. Matapos iyon, mabilis na pumasok sa loob ng driver seat si Ivor at pinaandar niya ang makina ng kotse saka niya ito minaneho palabas ng airport.Habang nasa byahe, nagkukuwentuhan ang magkapatid dahil bihira lang sila mag-usap sa cellphone.“Grabe, parang wala namang nagbago sa Pilipinas,” komento ni Janelle habang nakatingin sa dinadaanan nila.“Marami-rami na rin once nakapaglibot ka na. I’ve been here for a year now, parang nanibago pa nga ako noong una,” pagkukuwento naman ni Ivor sa kaniyang kapatid habang busy magmaneho at nakatingin sa daan.Ivor heard Janelle’s chuckle. “Really, Kuya? Maybe I should go shopping or meet with my old friends. Para naman makita ko kung mayro’n nga. Traffic lang siguro ang hindi nagbabago.” They both agreed and laughed at that fact.“By the way, Kuya, how’s your company?” pagtatanong ni Janelle sa kuya niya.“Well, it’s only been months since I started the company from the money I earned in the U.S and the company doing great so far. Hindi pa man ito ganoon kalaki, pero stable naman kahit paano ang stand ng kompanya.”“It’s good to hear that. At syempre ikaw pa ba? Ang galing galing mo kaya!” proud na proud na sabi ni Janelle.Tipid na natawa si Ivor sa kaniyang kapatid. “Ikaw talaga kahit kailan bolera ka. I’m just doing the best that I can. Isa pa, ayoko naman umasa kina Mom and Dad. And how about you? Kumusta naman ang pag-aaral mo?”“Hectic because I’m also doing a lot of things but I managed to finish my masters degree. Kaya nag-decide na rin ako bumalik dito sa Pilipinas. After all, I spent my bachelor and masters degree in the U.S for seven years. Isa pa sabi ni Mom, kailangan ko na rin daw i-managed ang company ni Dad dahil nga walang aasahan sa’yo,” pabirong sabi ni Janelle sa huli na kinagulat naman ni Ivor.“Did Mom really say that? She’s so mean!” sabi ni Ivor na hindi makapaniwala kaya tinawanan siya ng kapatid.“I’m just joking, Kuya! Masyado kang seryoso. Alam mo minsan, mag-chill ka rin.”“I guess, it’s my nature. Hindi man halata, pero mas nag-e-enjoy na ‘ko sa mga bagay bagay ngayon kumpara noong nag-aaral ako at umuwi sa U.S para magtrabaho.”Nilingon ni Janelle si Ivor na nasa driver seat at hindi niya maiwasan na hindi mapangiti sa narinig niya mula rito. “Mabuti naman kung gano’n, Kuya. Alam mo naman na iyon lang ang gusto namin nina Mom and Dad for you. You’ve gone through many hardships. Masaya ako na nakikita kang okay.”Tiningnan ni Ivor ang kapatid at nagtama ang mga tingin nila. Saglit lang iyon dahil ibinalik na rin niya ang tingin sa daan. There’s a hint of a little smile on his face. “Thank you for your support, Jane. Kung hindi dahil sa’yo, mas mag-aalala si Mom sa lagay ko.”“Sus! Wala ‘yon, Kuya!”Sakto naman at huminto sila dahil nag-red ang traffic lights. Nakatingin sa daan si Ivor at may nakita siyang babae na may bitbit na paperbags na naglalaman ng mga pinamili nito sa grocery store at naalala niya bigla si Lily. Tumingin siya kay Janelle na nag-check ng cellphone nito.“Jane, busy ka?” he asked.Pinasok ni Janelle ang cellphone sa loob ng shoulder bag niya at tumingin pabalik kay Ivor. “No, Kuya. Nag-reply lang ako sa chat ni Mom, nagtatanong kasi siya kung saan na tayo. Bakit?”“Good, may itatanong lang kasi ako sa’yo.”Kumunot ang noo ni Janelle dahil sa kuryosidad. “About saan, Kuya?”“About sa college life ko or college friends ko. Do you know anything about them? I mean, before noong nag-aaral pa ‘ko, may nakukuwento ba ako sa’yo?”Umangat ang mga mata ni Janelle sa taas kasabay nang pag-iisip niya kung mayro’n ba o walang nakuwento si Ivor sa kaniya. Nang makuha niya ang sagot ay tumingin siya rito. “As far as I remember, parang wala ka naman nakukuwento sa’kin. You rarely made friends before, Kuya. Dahil nga tahimik ka at naka-reserve lang ang energy mo sa isang bagay or kung saan ka naka-focus. Bakit mo natanong?”Sakto naman at nag-green light na kaya umiwas na nang tingin si Ivor sa kapatid at nagsimula muli siyang magmaneho ng kotse. Habang nagmamaneho siya, nagsalita siya para sagutin si Janelle, “Well, I met one of my college friends recently. Naisip ko lang baka kilala mo siya.”“Sinong kaibigan?” bakas sa boses ni Janelle ang curiosity nito.“Her name is Lily Andra.”Dahil busy si Ivor sa pagmamaneho, hindi niya nakita ang panlalaki ng mga mata ni Janelle dahil sa gulat nang mabanggit ang pangalan ni Lily. Nang tumingin si Ivor sa kapatid, nakabawi na ito kaagad at walang emosyon sa mukha nito.“Well, na-recall mo na ba?” Ivor asked. Sakto at huminto naman sila dahil sa traffic.Janelle hides her true emotions after she hears that information. Tipid siyang ngumiti, isang klase nang ngiti na parang may pag-aalinlangan. Nagkukunwaring walang alam sa kaniyang nalaman. Tumikhim siya bago sumagot, “Hindi ko maalala, Kuya Ivor. Parang hindi mo naman siya nababanggit dati. This is the first time I heard her name. Ano ba sabi niya sa’yo nang magkita kayo?”“Hmm, ang sabi niya casual friends lang daw kami at magkaklase. Sinabi niya rin na nawalan na rin kami ng communication after graduation. ‘Yon lang.”Hindi man halata sa panlabas, ngunit sa loob loob ni Janelle ay nakahinga siya nang maluwag sa kaniyang narinig. “Ah, kaya pala siguro hindi ko kilala,” she casually said. Nagsalita siyang muli, “Saan kayo nagkita? Biglaan lang ba?” sunod-sunod niyang tanong.Nagsimula muling gumalaw ang mga sasakyan kaya naman umiwas muli nang tingin si Ivor sa kapatid at nagmanehong muli. “Oo, coincidence lang. Nagkita kami sa isang charity event at sa grocery store sa loob ng mall,” sagot niya sa kapatid na hindi man lang namamalayan ang naging epekto nito sa pag-uusap nila.“Ah. I see,” maiksing sagot ni Janelle.Pagkatapos niyon ay naging tahimik na ang buong byahe hanggang sa makarating sila sa bahay ng kanilang mga magulang. Hindi naman sumagi sa isip ni Ivor kung bakit naging tahimik ang kapatid niya dahil alam niyang pagod ito sa byahe. Kahit para kay Janelle ay parang nawalan siya nang gana sa nalaman niya.Sa pagpasok naman nila sa loob ng bahay, may ngiti sa labi naman na sinalubong nilang magkapatid ang kanilang mga magulang at ganoon din ang mga ito. Masayang nagsalo-salo nang tanghalian ang buong pamilya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Janelle na aakyat na siya sa sariling kwarto para magpahinga. Nagpaalam na rin no’n si Ivor sa kaniyang ina at ama na kailangan na niyang umuwi para tapusin ang ilang trabaho na naiwan niya ngayong araw.Sa kabilang banda, nanatiling ginugulo si Janelle ng kaniyang isipan sa mga nalaman niya mula kay Ivor. It makes her worried and nervous at the same time.Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay
Nagising si Lily dahil sa init na tumatama sa kaniyang balat. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang liwanag nang araw na siyang nagmula sa bintana ng kwarto niya. Tumingin siya sa tabi niya at nakita niyang wala na siyang katabi.“Is it a dream?” tanong niya sa kaniyang sarili. Kinalaunan, sinagot niya rin ang sarili niyang tanong. “No. I remembered it so vividly.”Nakatingin si Lily sa kisame nang kaniyang kwarto. Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing siya o may tama nang alak, alam niyang pinapunta niya si Ivor. Dahil din sa alak, nagkaroon siya nang lakas nang loob para sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Lily sighed at the thought of what happened last night. Kahit naalala niya nang malinaw ang nangyari, pakiramdam niya panaginip lang ang lahat. Kung hindi lang sana siya natakot at hinarap niya kaagad ang katotohanan na bumalik si Ivor, maaga sana nilang napag-usapan ang lahat. Tumayo si Lily mula sa kaniyang pagkakahiga at bumaba siya s
Hinawakan din ni Ivor ang mukha ni Lily. Dahan-dahan niyang tinuyo ang basa nitong pisngi dahil sa luha nito. “I’m sorry for making you cry. Sorry din, nabasa ka dahil sa’kin.”Tila hindi narinig ni Lily ang paghingi ni Ivor nang tawad. Dahil patuloy pa rin siya sa paghaplos nang mukha ni Ivor habang nakatingin pa rin sa mga mata nito. Bago sumagot si Lily, inalis niya ang kaniyang tingin sa mga mata ni Ivor. Pinagtuunan niya nang pansin ang iba’t ibang parte nang mukha nito. Mula sa bukok, kilay, pilik-mata, ilong at labi ni Ivor, hanggang sa binalik niya ang tingin sa mga mata nito.“For making me cry, you’re forgiven. And for hugging me while you’re soaked from the rain, it’s okay. I don’t really mind,” she paused and she continued, “Seeing you this close, feels surreal to me.” Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily na nasa mukha niya pagkatapos ay kinuha niya rin ang nakababang kaliwang kamay nito. He held both of her hands. Pagkatapos ay tumingin siyang muli kay Lily. “Bakit?
Alas diyes na nang gabi. Nakatayo si Lily sa tapat ng bintana sa kaniyang living area habang tahimik na pinapanuod ang pagbuhos nang malakas na ulan. Hindi man ganoon kalakas ang tunog nito katulad sa labas, ngunit dahil sa katahimikan, tanging ito lamang ang maririnig sa buong kabahayan. May hawak siyang rock glass na naglalaman ng brandy. Dalawang oras na siyang umiinom at halos nakakalahati na niya ang bote ng alak. Nararamdaman na rin niya ang tama nang alak sa kaniyang sistema.Napagpasyahan niyang uminom dahil sa bigat na nararamdaman niya at pinag-iisipan kung ano ang dapat niyang gawin. Susundin niya ba ang gusto ni Isaac? O ang kaniyang gusto? Nang hindi siya makakuha nang sagot sa kaniyang sarili, tinungga niya ang brandy mula sa kaniyang rock glass. Wala sa sariling kinuha ni Lily ang cellphone sa bulsa ng pajama na suot niya. Tinawagan niya ang number ni Ivor. Nakatatlong ring ang tawag bago ito sumagot.“Hello?” Pagbati sa kaniya ng ex-husband niya mula sa kabilang linya.
Pinindot ni Ivor ang doorbell ng condo ni Lian. Naghihintay siyang bumukas ang pinto. Suddenly, it reminded him of the first time he met his son.“My son...” He thought to himself. Nang marinig niya ang pag-click ng pinto, bumukas ito at sumalubong sa kaniya si Lian. Napansin niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya.“Kuya Ivor...”“Puwede ba akong pumasok? Gusto ko lang makita at makausap si Isaac.”Sa ilang araw na nandito ang kaniyang anak sa condo ni Lian, wala siyang lakas nang loob magpakita rito. Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin o ipaliliwanag ang nangyari. Kung hindi pa sila nagkita ni Lily at nagka-usap, three days ago, hindi pa siya magkakaro’n nang lakas nang loob para harapin si Isaac bilang ama nito. Kaya ngayon ay nandito siya.“Tuloy ka, Kuya Ivor.”Nang sabihin iyon ni Lian ay nilawakan nito ang pagkakabukas sa pinto kaya naman pumasok si Ivor sa loob. Tinanggal niya ang kaniya sapatos at naglakad papunta sa living area. Nakita niyang nakaupo sa sah
Kinabukasan, bumalik si Lily sa condo ni Lian at nagdala siya ng favorite dish at desserts ni Isaac. Inihain niya ito sa mesa at tinawag niya sina Lian at Isaac na naglalaro ng video games. Lumapit naman ang dalawa at umupo sa dining table at sabay sabay silang kumain.Nagsimula nang conversation si Lily kay Isaac katulad nang madalas nilang gawin noon sa tuwing kumakain ng hapunan. “Kumusta ang school, Isaac?”“It’s fine, Mommy.”“May gusto ka ba i-kuwento sa’kin tungkol sa mga natutunan mo?”“Wala po, Mommy.“Lily smiled bitterly at herself. Hindi siya sanay na isang tanong at isang sagot lang ang ginagawa ni Isaac. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Lian, pero hindi niya na lamang ito pinansin. Nang matapos silang kumain, mabilis na bumalik sa living area si Isaac habang naiwan silang magkapatid na nagliligpit nang kanilang pinagkainan. “Ate, gusto mo ba pagsabihan ko si Isaac?” Narinig niyang tanong ni Lian.Tumingin siya sa kapatid na bitbit ang mga plato, kinuha niya iyon a