Mag-log inNakatayo sa harap ng pinto si Ivor sa labas ng condo unit ni Lian. Hinihintay niya na pagbuksan siya nito ng pinto. Magdo-doorbell sana ulit si Ivor dahil inabot na siya nang ilang minuto sa labas, nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang bata na sa tingin niya ay seven or eight years old.
“Sino po kayo?” tanong sa kaniya ng bata.Tiningnan pa ni Ivor ang number ng unit sa gilid ng pinto para siguruhin na kay Lian itong condo unit dahil baka nagkamali siya.“This is Lian’s condo unit, right?” tanong ni Ivor sa bata.Tumango ito. “Opo. Uncle ko po siya. Nasa banyo po siya kaya ako na po ang nagbukas ng pinto.”“I see. Balik na lang—”Hindi na natapos ni Ivor ang sasabihin dahil nagsalita ang bata, “Sige po, pasok na po kayo. Maya maya po ‘tapos na si Uncle Lian maligo.”Nag-aalangan man, pero pumasok na si Ivor sa loob ng condo unit at sinenyasan ang bata na pumasok na sa loob at siya na ang magsasara ng pinto.Naglakad si Ivor patungo sa living room at naabutan niyang nakaupo sa single couch ang bata. Umupo naman siya sa long couch na katapat nito at walang kumikibo sa kanila. Ilang segundo pa ay binasag ng bata ang katahimikan.“Ano po kayo ni Uncle Lian?” tanong ng bata kay Ivor.“Hindi mo alam kung ano ko siya, pero pinapasok mo ako rito? Paano kung masamang tao pala ako? E ‘di napahamak kayo?” sunod-sunod na tanong ni Ivor sa bata imbes na sagutin ang tanong nito.Nakasimangot itong ngumuso. “Ako po ang nagtatanong, bakit po magtatanong kayo sa’kin pabalik?”Hindi makapaniwala si Ivor sa narinig at kinalaunan ay mahinang natawa. “Okay. I’m sorry,” sagot niya sa bata. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “kaibigan at boss ako ng Uncle Lian mo. Now, tanong ko ang sagutin mo.”“Mukha lang po kayong masungit, pero hindi po kayo masama tingnan.”Ivor look amazingly to the kid. Naaaliw siya sa bata.“Thank you if that’s a compliment,” natatawang sabi ni Ivor. Tumikhim siya at nagtanong muli sa bata, “What’s your name?”“My name is Isaac and I’m seven years old. How about you po?”“I’m Ivor, but you can call me Uncle Ivor.”“Nice to meet you po, Uncle Ivor,” nakangiting sabi ni Isaac.“Nice to meet you too, Isaac.”Sabay na napatingin sina Ivor at Isaac sa pinanggalingan ni Lian. Naka-bathrobe ito at nagpupunas ng tuwalya sa ulo. Unang dumako ang tingin nito kay Ivor.“Oh, Kuya Ivor. May kailangan ka?”Hiniling ni Ivor sa kaibigan niyang si Lian na alisin na ang formality nito sa kaniya kapag nasa labas sila ng opisina at maging casual na lang sila sa pag-uusap.“Wala naman. Gusto ko lang makitambay, maaga ako nagising.”Pinaningkitan ni Lian ng mata si Ivor saka nginitian. “Ang sabihin mo ayaw mo lang mag-agahan mag-isa.”Tumingin si Isaac kay Ivor at tumingin naman siya pabalik.“Bakit, Isaac? May sasabihin ka?” tanong ni Ivor sa bata.Napatingin din naman si Lian sa pamangkin niya at naghintay din nang sasabihin nito.“Tuwing weekends po nandito ako. Puwede ka po sumabay sa’min ni Uncle Lian kumain.”Natutuwa naman na lumapit si Lian sa pamangkin niya at ginulo ang buhok nito. “Ang talino talaga ng pamangkin ko! Alam na mag-isa lang sa buhay si Uncle Ivor niya,” natatawa pang sabi nito.“Wala naman masama mag-isa, ah. Gusto ko lang may kasama,” pagdedepensa ni Ivor sa sarili.“Oo nga, wala naman kaming sinabing masama. ‘Di ba, Isaac?”“Opo.”Nagpaalam na si Lian sa dalawa na magbibihis muna siya at magluluto ng agahan nila. Samantalang naiwan naman ulit sina Ivor at Isaac sa living area. Maya maya, tumayo si Ivor at nagpaalam kay Isaac na may kukunin lamang siya sa unit niya na katapat lamang ng condo unit ni Lian. Sa pagbalik ni Ivor sa condo unit ni Lian, may dala siyang puzzle board at inaya niya si Isaac na maglaro nito. Magiliw naman na pumayag si Isaac na siya namang kinabigla niya.“Okay lang sa’yo?”Tumango-tango si Isaac. “Opo. Mga ganitong games po ang gusto ko.”“Hindi ka mahilig sa mga toys?”“Mahilig din po, pero ito po ang favorite ko laruin sa lahat,” nakangiting sagot ni Isaac.Tipid naman na napangiti si Ivor sa narinig. Madalas ay siya lang naglalaro nito kapag nakikitambay siya sa condo unit ni Lian dahil ayaw makipaglaro ng kaibigan niya sa kaniya, boring daw ang mga hilig niyang laro. Sabay na umupo sa lapag sina Ivor at Isaac at nagsimula na silang maglaro.Naging mabilis ang pagtakbo ng oras. Natapos na magluto ng agahan si Lian at sabay sabay silang tatlo kumain. Pagkatapos niyon, hinayaan nilang bumalik sa living area si Isaac para maglaro at naiwan sa kusina sina Ivor at Lian.“Bakit ngayon lang yata napunta rito ang pamangkin mo?” panimulang tanong ni Ivor habang nililigpit ang pinagkainan nila. Kanina pa siya curious at gusto niyang malaman kung bakit nando’n ang pamangkin ni Lian.“Wala siyang babysitter, eh. Naki-usap sa’kin ang ate ko na ako muna magbantay tuwing day-off ko. Usually ako ang pumupunta sa kanila,” sagot ni Lian habang nagliligpit ng kaniyang mga pinaglutuan.“Gano’n? How about his parents? Wala silang day-off?”“Ang ate ko na mommy ni Isaac, mayro’n, pero weekdays. May school naman ang bata no’n, kaya hands-on lang si ate sa bahay. Hatid-sundo lang niya no’n si Isaac. Ang tatay naman ng pamangkin ko, nowhere to be found.”Nilapag ni Ivor sa lababo ang mga utensils at plato na huhugasan saka hinarap si Lian na nagpupunas naman ng mesa. “Paanong nowhere to be found?”Huminga nang malalim si Lian bago nagsalita, “Hindi ko alam buong story, Kuya. Ang alam ko lang noong magkita at magkasama ulit kami ng ate ko four years ago, hiwalay na sila ng tatay ni Isaac at silang dalawa na lang magkasama. Ever since, hindi ko pa ‘yon nakikita at hindi pa raw ‘yon nagpapakita sabi ng ate ko simula nang maghiwalay sila.”Humarap si Ivor sa lababo, kinuha niya ang sponge at nilagyan niya ito ng sabon saka nagsimulang maghugas. “That’s cruel. Anong klaseng tatay siya? Kawawa naman si Isaac. Kahit bisitahin man lang ang anak niya, wala rin?”Kahit hindi nakikita ni Ivor, umiling-iling pa rin si Lian. “Nope. Kahit isang beses, wala.”Hindi na sumagot si Ivor at tinapos na lamang ang paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Nang matapos siya, bumalik siya sa living area at sumalubong sa kaniya ang seryosong mukha ni Isaac na binubuo ang mga puzzle pieces.Napailing-iling na lamang siya nang maalala niya ang napag-usapan nila ni Lian. Somehow, he saw himself at Isaac. Lumaki rin siya na walang ama at mahirap iyon para sa kaniya.Nag-angat nang tingin si Isaac kay Ivor kaya nanlaki ang mga singkit niyang mata. Nginitian siya ni Isaac. “‘Tapos ka na po pala maghugas, Uncle Ivor. Tara po tapusin na natin itong puzzle.”Magaan ang loob ni Ivor sa mga bata, pero para sa kaniya, iba ang dala ni Isaac. Bukod sa magaan ang loob niya rito, parang komportable kaagad siya sa presensya ng bata.Nginitian niya ito pabalik. “Sure! May iba pa akong board games. Gusto mo laruin natin?”Nakita niya ang pagningning ng mga mata ni Isaac na labis niyang ikinatuwa.“Sige po, Uncle Ivor! Gusto ko po ‘yan!” masayang sabi ni Isaac. Mabilis naman na tumabi si Ivor sa bata at sumali siyang muli sa pagbuo ng mga puzzle.Nagising si Lily at sumalubong sa kaniya ang puting kisame. Tumingin siya sa kaniyang tabi at nakita niyang nakayuko si Ivor, nakapatong ang ulo nito sa higaan niya habang hawak hawak nito ang kaniyang kamay.That’s right. Kahapon ay hindi ito umalis sa tabi niya, simula ng dalhin siya sa ospital hanggang ngayon na naipanganak na niya ang pangalawa nilang anak. Lily gently caresses Ivor’s hair. Pinagmamasdan niya itong matulog habang may ngiti sa kaniyang labi. Ilang sandali pa, gumalaw ito at nag-angat ito ng ulo. Nakapikit pa ito at nagkusot ng mata.Nang bumukas ang mga mata nito, diretso siya nitong tiningnan sa kaniyang mga mata. “How are you feeling?” Tanong ni Ivor sa kaniya habang marahan na hinahaplos ang likod ng kaniyang kamay at saka nito hinalikan iyon.Lily felt weak, but she’s fine. “Ayos lang naman ako.”Tumayo si Ivor at saka ito yumuko para halikan siya sa noo ‘tapos hinaplos nito ang buhok niya. “You did great, honey. Thank you for everything,” nakangiting sabi nito
Mataas ang tirik ng araw at tumatama ang liwanag nito sa bintana ng living area sa bahay ng mga Sales. Nasa loob ng kusina sina Ivor at Isaac, nakatayo ang mag-ama sa kitchen counter at gumagawa ng watermelon shake. Naisipan nilang gumawa dahil sa init ng panahon. Habang nakaupo naman si Lily sa couch ng living area at nagbabasa ng libro. Gusto niyang tumulong kina Ivor at Isaac sa paghahanda ng merienda, ngunit hindi siya hinayaan ng mga ito. Kumuha si Lily ng cookies mula sa platito na nakapatong sa side table na nasa tabi ng couch. Kumakain siya habang nagbabasa at hinihintay ang watermelon shake.It’s weekdays, but a holiday. Kaya naman kasama nila si Isaac dahil wala itong pasok sa eskwelahan. It’s just a normal day, but it’s the most precious for Lily because she’s with her family. Kapag naalala niya ang buhay nila ni Isaac noon na kailangan niya itong iwan kay Lian o sa isang babysitter tuwing weekends dahil kailangan niyang magtrabaho, nalulungkot siya. Looking back, sinubuka
Nasa loob si Ivor ng meeting room at matiim siyang nakikinig sa kanilang sales manager na nagsasalita sa harap. They are presenting detailed data reports from their company revenue, new accounts and sales quotas. Kasama rin ni Ivor sa loob ng meeting room ang board members. Lumalaki na ang kaniyang kumpanya kaya naman mas kailangan niyang tumutok nang mabuti. He needs to know their every progress from their overall financial health, profits, and sales, even to smallest details.An hour and a half later, their meeting ended. Nang tumayo si Ivor, tumayo na rin ang mga board members at ilang company staffs sa loob ng meeting room. Nagpasalamat sila sa isa’t isa bago lumabas ng kwarto.Nang unti unti nang nawalan ng tao sa loob ng meeting room, naiwan sina Ivor at Lian sa loob. Tumingin si Ivor sa kaniyang relo at pasado alas otso na ng gabi. He’s going to be late for dinner.“Kailangan mo ng umuwi, Kuya Ivor?”Tumingin si Ivor kay Lian. He looked at him apologetically. “Yes. May kailanga
Sa harap ng isang bagong café and restaurant, nakaabang lahat ng mga mahal sa buhay, bisita, bago at ilang luma na empleyado sa paligid ni Lily. Ngayon ang ribbon cutting at grand opening ng Sweet Honey— second branch ng ISAAC’s.Hawak ni Lily ang gunting at nakaharap siya sa pulang ribbon sa harap niya. Tumingin siya kay Ivor na nasa kaniyang tabi. Nginitian siya nito kaya naman nginitian niya ito pabalik. Huminga nang malalim si Lily bago niya gupitin ang pulang ribbon. Sa sandaling maputol ni Lily ang ribbon, isang malakas na palakpakan ang bumalot sa kaniya.Naunang pumasok sina Lily at Ivor sa loob ng café and restaurant at unti-unti namang sumunod ang mga tao sa kanila. Nang makaapak sila sa loob, tumingin si Lily sa pari na kaniyang kasunod para masimulan na rin nito ang business blessings ng Sweet Honey.Nang magsimulang magsalita ang pari, tumahimik silang lahat at sinabayan ito sa pagdadasal. Nakasunod din sila sa bawat hakbang nito para magbigay nang basbas sa bawat sulok n
**** NINE MONTHS LATER Time flies so fast. After their proposal and engagement, nothing but happiness and joy filled Lily and Ivor’s life. Nakatayo si Lily sa harap nang malaking picture frame ng wedding photo nila ni Ivor na nakasabit sa pader ng living area. They looked more content and happy now than they were before. While looking at their picture, Lily can’t help herself, but to look back for the past months. Nine months ago, great news greeted them. It was when Lily knew she was four weeks pregnant, a month after their engagement happened. Lily and Ivor can’t express how happy they are at the OBGYN’s clinic when they hear the news. From that moment on, the smiles on their faces never fade away. They ordered carbonara pasta, pizza and a bucket of fried chicken, all are family size. They want a quick celebration for this wonderful news. Nang makarating sila sa bahay nila nang araw na iyon, naabutan ni Lily sina Isaac at ang kaniyang soon to be mother-in-law sa living
Nakaupo si Lily sa kanilang kama at nakasandal ang kaniyang likod sa headrest nito habang nagbabasa ng romance book. Ilang minuto ang lumipas, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Binaba niya ang libro na kaniyang hawak at nag-angat si Lily nang tingin kay Ivor na kakapasok lamang dito sa loob ng kwarto nila. Bitbit nito ang nakasarang laptop at nagkukuskos nang mata. Naglalakad ito papunta sa kanilang kama, nang makalapit si Ivor sa kama nila, binaba nito ang laptop sa bedside table at umupo ito sa tabi niya. Sinandal nito ang ulo sa kaniyang balikat. “You want a massage? You look tired.” Pag-o-offer ni Lily kay Ivor. Sumiksik si Ivor sa tabi niya at niyakap siya nito habang nakasandal pa rin ito sa balikat niya. “Nah. I’m fine being with you like this. Maaalis na nito ang pagod ko.” Lily is still looking at him. She thought that this was the time to speak her mind. Tumikhim muna siya bago magsalita. “Ivor, be honest with me. You’re hiding something from me, aren’t you?” s







