Share

Chapter 5

last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-23 18:30:33

NAEVIA’S POV

Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha habang nasa aking bisig ang aking mga anak na sina Melody at Rowan. Hindi ko alam kung sinasadya ba nina Tita Emilie pero mula sa itaas ay dinig na dinig ko ang malakas na atungal nito na para bang kinikiliti. Sa palagay ko ay muli nilang ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa ng aking asawa na para bang walang nangyari at hindi ko sila nahuli sa akto ng panloloko. 

“Lumabas na tayo sa lugar na ito mga anak.” Kahit na nanlalabo ang aking mga mata ay pilit kong inilabas ang mga bata at lumayo sa bahay na iyon upang hindi marinig ang nakakarinding huni ng kademonyohan ng mga taong nasa loob noon. 

“Ma, I’m hungry,” daing ni Rowan na tila walang alam sa mga nangyayari. Halos ilang metro na rin ang aming nilakad at narating na rin namin ang gate ng subdivision. 

Napatingin ako sa aking mga anak. 

Maaga kaming umalis kanina para lamang sorpresahin ang kanilang ama. Bumili lang kami ng meryienda sa biyahe kanina at iyon lang ang naging laman ng aming tiyan dahil plano ko sana na sabay-sabay kaming kakain ng pananghalian bilang selebrasyon sana ng aming anibersaryo ng kanilang ama. Hindi ko naman inakala na sa ganito mauuwi ang lahat at ako pala ang masosorpresa. 

Dinaanan namin ang gwardiya na bumati sa amin kanina. Akmang babatiin niya sana ako nang kanyang makita ngunit tila  ba nailang nang mapansin na namumugto ang aking mga  mata. Nakayuko akong dumaan sa security kasama ang aking mga anak at saka pumara ng taxi. Nagpahatid lamang kami sa pinakamalapit na Jolibee at saka ko binilhan ng makakain ang aking mga anak. 

“Mel, ano ang gusto mo?”  tanong ko sa aking anak na panganay. 

“Kahit ano po, Ma,” magalang na sagot nito. Isinuot ko ang aking dalang sunglass at kahit ayaw ay pumila alang-alang sa mga bata. 

Wasak ang puso ko.

Durog ang pagkatao ko at tila nawalan ako ng lakas sa lahat ng bagay pero hindi ko naman pwedeng talikuran ang mga anak ko at isipin ang sarili ko. 

Sa katunayan, gusto kong magwala at magsisigaw hanggang sa tuluyang mawala ang sakit na aking nararamdaman pero hindi ko magawa dahil inaalala ko ang aking mga anak. Sa pinakasulok na parte ng kainan ay walang pagtigil sa pagpatak ang aking luha habang pinagmamasdan ang aking mga anak na maganang kumakain, lalong-lalo na ni Rowan na walang alam sa mga nangyari. 

Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magagawa iyon sa akin ni Rhaziel. 

Sa loob ng sampung taon naming pagsasama ay hindi ko ito nakitaan ng senyales. Ni minsan ay hindi ito nagloko, naging mabuting asawa ito sa akin. 

Tinutulungan niya ako sa mga  gawaing bahay sa tuwing umuuwi siya. 

Minamasahe pa ako at para akong reyna. 

Inaasikaso niya rin ang mga  bata at isa siyang mabuting ama. 

Akala ko ay maswerte ako sa lalaking napili ko pero nagkamali ako.

Dahil simula ng nagpunta ang asawa ko rito sa Manila ay doon na rin pala siya nag-umpisang magloko at ipinagpalit pa ako sa mismo niyang tiyahin. Damang-dama ko ang sakit na para bang kahit na anong gawin ko ay hindi ito mawawala, mas lalo pang kumikirot ang aking puso sa tuwing mamasdan ko ang aking mga anak.

Paano ko ipapaliwanag sa kanila na nagloko ang ama nila at hindi na buo ang aming pamilya?

Tahimik at walang tigil ako sa pagpunas ng luha sa aking mga mata, pinipilit  itago ang aking pagluha sa aking mga anak habang iniisip ang mangyayari sa aming mag-iina. Marahang itinulak ni Melody ang kanyang plato sa aking harapan. Napatingin ako sa kanya nang mapansin na hindi man lang nabawasan ang kanyang kanin maging ang chicken na binili ko para sa kanya. 

“Ma, hati tayo,” anito. Dahil may pagkatisay ito na nakuha sa akin ay agad kong napansin ang pamumula ng paligid ng kanyang mga mata maging ang tuktok ng kanyang ilong na para bang nagbabadyang umiyak. 

Bago pa man ako makapagsalita  ay tumayo ito at lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. 

“Huwag mo na kami isipin ni Rowan, Ma. Kung ayaw na sa atin ni Papa mas lalong ayaw  ko sa kanya. Kaya huwag ka na umiyak dahil pangako ko, mag-aaral akong mabuti at aalagaan ko kayong dalawa ni Rowan.”

Oo nga pala.

Hindi na bata ang anak ko.

Mas lalo akong napahagulgol dahil sa kanyang sinabi. 

Hindi ko alam na ang kanyang mga binitiwang salita ang siyang mas magpapaiyak sa akin. 

“Sorry, Ma. Kanina nang umakyat ka ay sumunod ako nang marinig kitang umiiyak at sumisigaw si Lola Emilie. Hindi ko po sinasadyang marinig at makita ang lahat. Hindi ko alam na mas pipiliin ni Papa si Lola kaysa sa amin ni Rowan. Akala ko pa naman mahal niya kami dahil palagi siyang may dalang pasalubong sa amin,” pag-amin nito sa akin at saka ito tuluyang napaiyak.  Nanlaki ang aking mga  mata dahil sa aking narinig. 

“Mel, umakyat ka? Nakita mo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi niya pwedeng makita ang malaswang pangyayaring iyon dahil hindi ito akma sa kanya. Hangga’t maaari nga ay pinagbabawalan ko ang mga ito magbasa at manood ng hindi akma sa kanilang edad. 

“Hindi ko naman po sinasadya Ma at saka sandali lang po dahil nagtago po ako kaagad kasi baka makita mo po ako at pagalitan. Basta narinig ko po ang sinabi ni Papa na pinili niya si Lola kaysa sa amin ni Rowan. Kung ayaw niya sa amin, mas ayaw ko sa kanya!” sagot nito sa akin na sa bandang huli ay pasigaw na ang tinutukoy ang kanyang ama. 

“Anak, please. Kung ano ang mga nakita mo ay kalimutan mo. Huwag mong itatatak sa utak mo ang mga nakita mo dahil hindi maganda iyon,” agad ko itong niyakap ng mahigit. 

“Sorry po, Ma,” sabi nito sa mas mahinahon na ngunit umiiyak pa rin. Kung ako ay nasaktan sa aking nakita, sa tingin ko ay nasaktan din ito dahil sa kanyang narinig nang marinig nito ang sinabi ng kanyang Papa.  

Idol niya ang kanyang Papa at sinabi niya pa nga sa kanyang sarili na kapag may manligaw sa kanya ay gusto niya katulad ng Papa niya kaya ganun na lamang ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero, mas nabababahala ako sa posibilidad na mangyari sa kanya lalo pa at nakita ni Mel ang kah@yupan ng dalawa maging ang sinabi ng kanyang ama. 

Naramdaman ko na lamang na may yumakap sa aking tagiliran habang yakap ko si Mel. Doon ko napagtanto na nakayakap na rin sa akin si Rowan at umiiyak na rin dahil raw nakita niya kaming umiiyak ng ate niya. 

Sa ganoong tagpo ay may isang pamilyar na bulto ang lumapit sa amin. 

Nakasuot ng pormal na damit, pawis na pawis at hingal na hingal na para bang sumali sa isang fun run. 

“Via, okay lang kayo?”

“Drave?” sambit ko sa pangalan ng aking kababata, kaklase at dating kapitbahay na anak ni Tita  Clara. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 22

    NAEVIA’S POVGaya ng ipinangako ni Dravian, kasama sina Mama, Tita Clara at ang mga bata ay nagpunta kami sa isang resort sa bandang Quezon. Napakaganda ng tanawin, sariwang hangin at higit sa lahat ay napakasarap sa pandinig ang mga alon na na humahampas sa dalampasigan. Agad na tumakbo patungong dalampasigan ang mga bata dahil sa labis na pagkasabik nang makita ng mga ito ang dagat lalong lalo na si Rowan na ngayon lang nakakita ng dagat. Sa tuwing magkakaroon ng outing ang pamilya noon ni Rhaziel, madalas na private resort ang pinupuntahan namin pero kapag sa dagat na ay hindi kami pinapasama ni Rhaziel. Ang dahilan nito ay delikado umano ang dagat para sa mga maliliit na bata. Baka raw matangay ng alon at malunod. Agad kong ipiniksi sa aking isip ang alaalang may kaugnayan sa dati kong kinakasama pero sa bawat sandali na kasama ko si Dravian, kahit pa hindi ganoon katagal. Marami na itong bagay na ginawa sa akin. Mga bagay na tila nagbigay sa akin ng linaw at nagpagising sa akin

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 21

    NAEVIA’S POVPagkatapos ng aming kasal ay sunod na inasikaso ni Dravian ang pagpapalipat ng mga apelyido ng mga bata mula sa apelyido ni Rhaziel at pinalitan ng apelyido niya. Hindi ko alam kung gaano kalaki o kalawak ang koneksyon ni Dravian dahil sa loob lamang ng isang araw ay agad na napabago ang apelyido ng mga bata kasabay ng pagpapalit ng apelyido ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay aabutin pa iyon ng ilang buwan at minsan ay taon bago mapalitan ang apelyido ng mga bata. Tuluyan na ring lumipat si Dravian sa bahay namin at naging kasama. “Coffee?”Hindi ko napansin ang biglaang paglapit nito sa aking tabi. Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng mainit na kape. “Salamat,” nahihiyang sagot ko habang inaabot ang tasa. Nasa maliit na bakuran ako ngayon kung saan natataniman ng ilang mga halaman gaya ng magkahalong kulay dilaw at pulang santan. May mga nakapaso ring rosas na halos kakabili lang ni Mama mula sa merkado. Simula ng magbakasyon si Mama ay muli niyang binuhay ang aming malii

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 20

    NAEVIA’S POV“Drave, paanong? “ hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil sa labis na pagkagulat nang makita ko sina Mama, Tito at Tita Clara, ang kapatid niya, si Selene maging ang aking mga anak na sina Melody at Rowan na pawang nakaayos na parang pinaghandaan at alam nila ang tungkol sa kasalang ito. “Surprise? While you’re busy, tinawagan ko na sina Mama para maghanda sila at masaksihan ang kasal natin. Ayaw ko naman na hindi nila masaksihan ang pinaka-importanteng araw sa buhay mo kaya tinawagan ko sila,” Paliwanag nito sa akin. “Pero, paano mo napapayag ang mga bata?” tanong ko pa ulit. “I’ll explain everything to you later. But for now, can we proceed to the important part? They are all here to witness the exchange of our vows,” bulong nito sa akin saka tumingin sa harapan namin. Doon ko lamang napansin na hindi lamang mga kamag-anak namin ang naroon dahil may isang pares pa ang nasa kanan kasama ang ilang mga lalaki para maging mga witness sa aming kasal. Sunod ay tin

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 19

    NAEVIA’S POVAng plano ko lang sana ay bumili ng hindi kamahalan na puting damit at mag-ahit ng aking kilay saka maglagay ng make-up at lipstick para naman kahit papaano ay maging presentable ako sa araw mismo ng aming kasal ni Dravian pero hindi ko inaasahan na sa ganito kamahal na botika niya ako dadalhin. Sa sampung damit na aking sinukat, wala yata doon ang nasa 4 digits lang ang halaga. Lahat ng mga damit ay magaganda pero sobrang ganda rin ng presyo na tipong mapapaiyak ka na lang sa ganda. Plano ko sana ay pumili ng pinaka-simple at pinakamura pero hindi pumayag ang lalaking parang bakla na kasama ko na sa tingin ko’y siyang may-ari ng shop. Siya ang halos pumili ng lahat ng damit na aking sinukat. “Perfect! Simple but elegant! Paniguradong magugustuhan ka lalo ni Sir Dravian sa damit na iyan,” malapad ang ngiting sabi ng lalaki. Nagkaroon pa ng kaunting diskusyon kung saan ako magpapaayos pero kinalaunan ay ang may-ari na rin mismo ng shop ang siyang nag-ayos sa akin dahil an

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 18

    DRAVIAN’S POVHindi ko napigilang sipatin ang kanyang kabuuang kasuotan. Nakasuot ito ng hapit na maong na pinaresan ng isang plain tshirt na kulay puti. Kahit na dalawa na ang anak nito ay kapansin-pansin na wala itong malaking puson hindi kagaya ng ibang mga babae na dumaan sa panganganak. Medyo mayapis ang kanyang katawan pero hindi pa rin nito naitago ang laki ng kanyang dibdib maging ang kurba ng kanyang katawan. Bigla kong ipinilig ang aking ulo nang humantong sa paghahangad at pagpapantasya sa kanyang katawan ang naging laman ng aking utak. “That jerk! Anong pinagsasabi niya na hindi kaakit-akit ang asawa niya. Mas pinili niya pa ang isang babaeng hukluban na gawa sa teknolohiya ang katawan kaysa sa asawa niyang natural ang ganda. He lost her, now she’s mine.”“I’m sorry, I don't have any intention to neglect your outfit. Wala namang problema sa suot mo dahil maganda ka naman kahit ano ang suot mo pero kung gusto mong mag-ayos, we can do that. Tatawagan ko na lang si Judge C

  • Bound To My Neighbor's Son   Chapter 17

    NAEVIA’S POV“P-Pakiulit nga ang sinabi mo? Tama ba ang narinig ko? K-Kasal natin?” gulat na gulat na tanong ko kay Dravian. “Yeah. Kasal natin,” seryosong sagot nito habang nakatingin sa akin. “Papaanong ikakasal? Eh, ngayon lang tayo nag-usap at ngayon lang din ako nakapagdesisyon,” naguguluhang tanong ko sa kanya. Paanong ikakasal samantalang hindi man lang kami naka-attend ng seminar at wala rin akong CENOMAR na ibinigay sa kanya.“Actually, Tita Sara prepared all the things we needed for this wedding. It’s their idea actually, isama mo na si Mama. Sila na ang nag-asikaso mula sa mga papel pati na rin ang judge na magkakasal sa atin.” Hindi ito makatingin sa akin habang nagsasalita at kinakamot ang kanyang batok. “Si Mama ang nagplano ng lahat ng ito?”“Huwag mong masamain, Via. Mali ang iniisip mo. Sa totoo lang, namomroblema rin si Tita Sara kung paano niya maililigtas mula sa diskriminasyon ang mga bata dahil sa ginawa ng ama nila. She said, she can’t bear hearing rude things

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status