Home / Romance / Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé / Chapter 2: His Punishing Kiss

Share

Chapter 2: His Punishing Kiss

Author: inksera
last update publish date: 2025-10-20 15:45:59

“Tulong! Tulong! Sino ka?!”

Naghahabol ng hininga ang dalaga habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim na nakadagan pa rin sa kanya.

“Tumahimik ka…”

Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Sumasakit ang ulo niya sa ingay ng babae kaya agad siyang napasimangot. Halatang inis na inis si Kaizan.

Napahinto naman ang dalaga.

‘Lalaki?! Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto ko?!’

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung sino ang lalaki at kung ano ang pakay nito sa kanya.

Kinuyom niya ang mga kamao, pilit pinapakalma ang sarili. “Sinasabi ko sa’yo,” matapang niyang sambit kahit nanginginig ang tinig, “ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Adalvino Khalif El Davion. If you dare hurt me, you’re dead…”

Ang pamilyang El Davion ay isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Dumaguete City. Walang matinong tao ang basta na lang mangangahas lumaban sa kanila.

Alam niyang ginagamit niya ang pangalan ng mga El Davion para matakot ang lalaki, pero wala na siyang ibang maisip na paraan.

“Ipinagmamalaki mo pa talaga na maikakasal ka sa isa sa mga miyembro ng pamilya El Davion?” mariing sabi ng lalaki, mas lalong nagngingitngit ang galit sa kanyang tinig.

“Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Anong plano mong gawin, ha?!” Nanginginig man, sunod-sunod pa rin ang tanong niya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki.

Hindi naman siya ganoon kapalad sa kasal na iyon. Ikakasal siya sa isang estranghero, ngunit iyon lang ang tanging paraan para maipagamot ang kanyang lola. Gagawin niya ang lahat para sa matanda.

‘Kung mayroon lang akong ibang pagpipilian. Kahit ang pumasok sa isip ko na tanggapin ang alok ni Don Khalif ay hindi mangyayari.’

“Bakit?” malamig na sabi ng lalaki. “Ginawa mo ang lahat para lang mapili kang ikasal sa ’kin, ’di ba? Ayan, ibibigay ko sa ’yo ang gusto mo.”

Napasinghap ang dalaga. Mas mabilis pa sa alas kuwatro niyang napagtanto kung sino ang lalaking nasa ibabaw niya. “Y-You’re Young Master El Davion. The son of Don Khalif...”

Namutla siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ang lalaking nasa ibabaw niya ngayon ay ang mismong pakakasalan niya.

‘Diyos ko po. Akala ko ba ay hindi uuwi ang lalaking ito ngayong gabi? Paanong ngayon ay nasa loob na siya ng kuwarto ko… at nasa ibabaw ko pa?!’

“Young Master, nakikiusap ako. Bitawan mo na ako…” Halos magmakaawa siyang bumangon, pero madiin siyang itinulak pabalik. Mas malakas ito kaysa sa kanya.

“Bitawan ka? Sigurado ka ba na iyan ang gusto mo? Imposible. Nasisigurado kong gustong-gusto mo ang kung anumang nangyayari ngayon.”

Bago pa siya makasagot, biglang iniyuko ng lalaki ang ulo. Huli na nang mapagtanto niya na hahalikan siya nito.

Nanigas siya. Hindi makagalaw. Hindi iyon basta halik. Isa iyong parusa. Ramdam na ramdam niya ang bigat at diin ng labi ng lalaki sa kanya.

“B-Bitawan mo ako! Ano ba?!” sigaw niya habang nagpupumiglas. “’Wag mo akong hawakan! Pakawalan mo ’ko! Bitaw, sabi!”

Ngumisi nang may panlalait ang lalaki. “’Yan naman talaga ang gusto mo, ’di ba? Gusto mong mapangasawa ako. Then you’ll take everything that comes with it. But if you don't want to…” Tumalim ang tingin nito sa kanya. “Just leave.”

Napakagat siya sa ibabang labi. Alam niyang sinasadya siyang saktan nito para mapalayas. Pero hindi siya aalis. Hindi pa puwede. Kailangan pa niyang ipagamot ang kanyang lola.

“Hindi ako aalis…” pabulong niyang sabi, nakapikit at handang tanggapin ang galit na ibabato sa kanya.

Para sa lola niya, titiisin niya ang lahat. Saka na lang siya iiyak.

“Ha!” mariing tawa ng lalaki. “So you really don’t have any pride left. Fine then. Remember, you asked for this.”

Sa isang iglap, tinulak siya nito pababa ng kama. Napahiyaw siya nang tumama ang binti sa paanan nito. Matalim ang sakit na dumaloy sa kanyang katawan.

“Pinandidirihan kita,” mariing sabi nito habang nakatayo sa harap niya. “Do you really think I’d ever touch you? You make me sick. You think you’re fit to be my wife?” bakas ang pangmamaliit sa tono nito. “Not even in the next life.”

Nanaig sa silid ang nakakainsultong tawa nito hanggang sa tuluyan itong lumabas.

Nanatili siyang nakatulala, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nang masigurong wala na ito, mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa katawan. Nanginginig pa rin siya habang yumuyukod sa sahig.

Gusto na niyang umiyak. Hindi niya ginusto ang kasunduang iyon, lalo na sa isang estranghero. Pero wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin iyon para sa operasyon ng kanyang lola. Kahit ang dignidad niya, kaya niyang lunukin para lang sa kaligtasan nito.

Masyadong madilim kanina kaya hindi niya gaanong nakita ang mukha nito, pero ramdam niya ang galit at pandidiri sa mga mata ng lalaki. Parang isa siyang bagay na marumi.

‘Fine. Bahala siya. This is pure business between me and his father. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mula sa iba, lalo na kung manggagaling sa kanya. Ang lola ko lang ang mahalaga.’

Hindi niya kailangan ang pagmamahal nito. Hindi iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag. Ang kailangan lang niya ay pera para mabuhay ang kanyang lola. At kung ayaw nito sa kanya, mas mabuti. Sa ganitong sitwasyon, mas ligtas siyang hindi mahal.

At ngayong wala na ito, baka sakaling maging sapat pa ang mga oras na natitira sa gabing iyon upang makatulog siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sarah Ramos
ang harsh ng ml huhuhu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 132: Secret Jealousy

    Sandaling huminto si Inara at lumingon kay Kaizan. Bahagya siyang ngumiti at banayad na umiling. "Kaya ko naman na mag-isa. Sumama ka na lang muna kay Dad sa labas. Sabihan mo rin siya na huwag masyadong uminom. Hindi maganda sa puso niya kaya bawal ang sobra." Medyo nagtampo naman si Kaizan pero ayaw na niyang makipagtalo. Tumango lang siya nang mahina at lumabas nang pasan ang tampo. Paglabas niya ay wala na ang mga dating kaibigan ng kaniyang ama. Siya na lang ang nandoon. Tinitigan siya ng matanda habang umiiling. "Kaizan, ang cute-cute mo naman noong bata ka pa. Bakit paglaki mo naging ganyan ka na?" Napakunot ang kaniyang noo sa sinabi ng ama. 'What is this old man talking about? Nakakalimutan niya yatang genes niya ang dinadala at nananalaytay sa'kin?' Tiningnan lang niya ang ama at piniling huwag na lamang umimik. Naintindihan naman iyon ng matanda at napatawa na lang sa sarili. "Ang bilis ng panahon, animnapung taon na ang lumipas at matanda na ako. Halos sampung taon

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 131: Only You

    Nakinig siya nang may interes at pinigil ang ngiti sa labi hanggang sa hindi na niya napigilan at napatawa na lang nang mahina. "Hindi ko inakalang ganyan ka pala noong bata ka pa."Kumindat ito nang pabiro at may ibang ibig sabihin ang sinabi. "Marami ka pang hindi alam. Kung gusto mong marinig ang mga kwento ng pagkabata niya, sabihan mo lang ako kahit kailan. Pangako matutuwa ka talaga."Sinadya niyang ikwento kung paano takot na takot si Kaizan sa mga uod noong bata pa ito para lang mapangiti ang dalaga.Hindi siya makapaniwala na ang lalaking matapang at mapagmataas ay umiiyak pala noon dahil sa maliliit na uod. Tuwing naiisip niya iyon ay napapangiti siya.Samantala ang pinag-uusapan nila ay nagpapakita ng matinding galit na parang nagyeyelo ang paligid.Si Zandrae ang unang nakaramdam nito. Napakunot siya ng noo at nagtanong kahit alam na niya ang dahilan. "Kaizan, anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?"Maikli lang ang sagot nito. "Ayos lang ako. Aakyat na ako sa kwarto

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 130: Envy and Pretense

    Noong bata pa si Kaizan laging sinasabi ng mga tao na kamukha niya ang tatay niya kapag sumasama ito sa mga business meetings. Pero ngayon parang baliktad na ang tingin ng iba at akala nila ay magkapatid o mag-ama na magka-edad ang dalawa.Nakita niyang magaan pa ang usapan kaya inilabas niya ang kahon na hawak. "Dad, ito po ang regalo ni Zandrae para sa inyo."Malaki ang nawala sa ngiti ng matanda pero mas naging malumanay ang tingin nito sa anak.Napansin ni Don Alejandro ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan nila at alam niyang hindi lang ito simpleng usapan. Nagpaalam na lang siya na bibisita sa dating kakilala para iwan silang dalawa nang magkasama.Nang makaalis ang bisita ay tuluyan nang nawala sa pasensya ni Don Adalvino. Tinitigan niya nang may pagkasuklam ang kahon sa kamay ng anak. "Alisain mo yan sa harap ko. Hindi ko tatanggapin ang galing sa kanya. Hindi ba niya alam kung nasaan ang lugar niya? Anong karapatan niyang magbigay sa akin? Kaizan, nakalimutan mo na ba an

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 129: The Better Gift

    Nakatawag talaga ng pansin ng ilang bisita ang eksena sa pwesto ni Don Adalvino. Napunta ang matatalim nilang tingin kay Zandrae kaya sobrang hiya ang naramdaman niya.Tumayo siya nang tuwid at nagkunwaring kalmado lang habang hinaharap sila, pero mahigpit na napahawak siya sa kahon hanggang sa namutla ang mga daliri niya dahil sa lakas ng kapit.Huminga siya nang malalim para pigilan ang hiya at galit sa puso niya, tapos pilit siyang ngumiti nang maputla. "Tito, ako po kasi—"Hindi pa natatapos magsalita si Zandrae ay itinaas na ni Don Adalvino ang kamay para patigilin siya. Sabi niya nang malamig, "Miss Zandrae hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Wala naman tayong malalim na ugnayan kaya huwag mo na akong abalahin pa."Wala nang nagawa si Zandrae kundi tumahimik. Namutla nang husto ang mukha niya at parang gusto na lang niyang maglaho sa kinatatayuan niya.Nakatingin ang mga nakapaligid sa kanila nang naguguluhan habang ang iba naman ay nagsimula nang magbulungan."Sino ba yan

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 128: Hidden Hearts

    Tumingin si Inara sa suot niyang sapatos bago bahagyang kumaway na para bang wala lang ang bagay na iyon."Okay lang naman."Napakunot ang noo ni Kaizan. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. May sasabihin pa sana siya nang biglang may narinig silang isang malambing na boses."Kaizan..."Pareho silang napalingon sa kanan.Nakita nila si Zandrae na nakasuot ng mahabang puting bestida. Marahang sumasabay sa hangin ang laylayan ng suot nito, na lalo pang nagpatingkad sa malambot nitong mukha. Para itong isang dalagang bumaba mula sa panaginip.Magkaibang-magkaiba ang dating nilang dalawa.Kahit na halos lima o anim na bahagi ng mukha nila ang magkahawig, magkaiba pa rin ang kagandahang taglay nila. Si Inara ay parang isang diwata na madaling makahatak ng tingin, habang si Zandrae naman ay may banayad at inosenteng anyo na parang isang bagong sibol na bulaklak. Pareho silang may sariling ningning na mahirap pantayan.Lumapit si Zandrae at iniabot ang kamay para hawakan ang braso n

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 127: Hidden Envy

    Ngayon lang niya napagtanto nang magkaroon siya ng kaunting libreng oras na matagal na pala niyang hindi napapansin si Zandrae. Dahil doon, espesyal pa siyang nagpunta upang kumustahin ito.Nang marinig ang pag-aalala niya, kumislap ang mga mata ni Zandrae sa tuwa. Nahihiya itong ngumiti bago marahang sumagot."Ayos lang naman ako."Huminto ito sandali habang dahan-dahang hinahaplos ang tiyan bago muling nagsalita sa malambing na tinig."Ayos din ang baby. Kaizan, gusto mo bang hawakan?"Bahagyang napakunot ang noo ni Kaizan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero hindi talaga siya makaramdam ng pagiging malapit sa batang nasa sinapupunan nito. Sa huli, pinili na lamang niyang umiwas."Zandrae, magpahinga ka na muna. Babalik na ako sa trabaho."Pagkasabi noon, tumalikod na siya at agad na umalis.Binuksan ni Zandrae ang bibig upang tawagin siya, ngunit nakalayo na ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang mapait niyang ibinaba ang tingin sa sariling tiyan.'Kahit

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 78: A Desperate Bargain

    Mahigpit na kinagat ni Zandri ang labi, kinuha ang telepono, at diniyal ang number ni Wyatt.Mabilis naman itong sinagot ng lalaki. “Zandri…” naroon agad ang awtomatikong lambing sa boses nito sa tuwing kausap siya.“Wyatt…” tawag ni Zandri.Narinig ng lalaki ang paos na boses niya, bahagya pa ring

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 76: A Heart Held Hostage

    Akala ni Inara ay hindi na siya makakaramdam ng kirot, pero pagkarinig sa prangkang pagkakasabi na iyon ni Kaizan, pumitik pa rin ang puso niya sa sakit.Hindi inasahan ni Don Adalvino na sa araw na ma-discharge siya, makakatanggap siya ng ganoong malaking regalo mula kay Kaizan at Inara. Iyon nga

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 70: Shards of Truth

    Pagkakita ni Don Adalvino sa reaksyon ni Inara, hindi na siya nagsalita pa. Sa halip, marahan niyang sinabi, “Sige, mag-ingat ka pauwi. Kung may kailangan ka, tawagan mo si Butler Renan, okay?”“Yes,” mahinang sagot ni Inara. She straightened her back, dahan-dahang iniangat ang paa niyang sugatan,

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 69: The Other Woman

    Mahigpit na hinawakan ni Inara ang kanyang wedding dress, puti ang mga kuko sa sobrang lakas ng pagkakahawak, at nakapako ang tingin niya kay Wyatt. Buksan man niya ang bibig para magsalita, biglang bumukas ang pinto.“Inara…” mahinang tinig ni Liora ang pumutok sa katahimikan.Ngunit nang makita n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status