MALALIM na ang gabi ngunit gising na gising pa ang diwa ni Lara at ganoon din si EL. Kapwa nilang naiisip ang bawat isa. Si Lara na iniling ang ulo sa pilit na pagwaksi sa kanyang isipan si EL. Habang si EL naman na napapangiti na lang sa isiping may pakialam sa kanya si Lara buhat ng pagbisita nito sa hospital kahit pa dahil lang iyon kay Krizzy. Isang katok naman ang pumutol sa mga isipin niya. Marahan siyang tumayo at iniluwa nito si Deena pagka bukas niya ng pinto. "Hindi ka makatulog?!" Nag aalangang tanong ni Deena. Umiling naman siya. "Gusto mo ng tea?!" Alok nito sa kanya at hindi na din niya tinanggihan. Sabay silang lumakad pababa ng hagdan. "Do you still love me?" Maya pa ay naitanong ni EL. "Why do you ask?!" Ganti naman nito habang abala sa paghahanda ng tea. Pinagmamasdan lang naman siya ni EL. "Wala lang. Sorry.." "Sorry for what?!" Si Deena ang nagsalita. "Alam ko na may mga naging pagkukulang ako kaya we didn't end up..." Agad siyang pinutol ni Deena. "Wala
"Elton Anderson, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama sa habang buhay si Lara Austin?" "Yes, po father.." Agad na sagot ni Elton. Ang dibdib ngayon ni Lara ay tila sasabog na sa sobrang kaba at halo halong emosyon na laman nito. "Ikaw naman, Lara Austin, tinatanggap mo ba bilang kabiyak at makakasama hanggang pagtanda, habang buhay si Elton Anderson?" Nanunuyo ang lalamunan niyang hindi makapag salita. Pakiramdam niya anumang oras ay hihimatayin siya dahil sa pag ikot ng paligid niya. Nagsimulang mabahala ang mga tao lalo na si Elton. Hindi mabilang ang pagkurap ng mga pilik mata niya. Ang pasensya niya ay tila mapuputol sa mga tagpong iyon. "There's nothing to worry, Elton.. Baka kinakabahan lang ang bride..", Pagbibiro pa ng pari saka muling inulit ang tanong. "Ms. Lara tinatanggap mo ba maging asawa si Elton?" Naging maikli na nga ang salita nito pero tila ugong lang sa tenga ni Lara ang mga iyon at wala pa ding naging ganti. "Ah... I-" Bakas ang panginginig sa tini
"Bakit ka nga pala umurong ng kasal? Don't you love kuya anymore?" Biglang naitanong ni Dalhia. Napayuko naman siya kasabay ng pagbabalik ni EL sa kanyang isipan. "Is there someone, Lara?" Muling usisa ni Dalhia. "Hindi ko alam.. What I am sure of right now.. Mali na makasal ako sa kuya mo sa ganitong lagay ng nararamdaman ko.. I still love Elton, pero palagay ko hindi na yun enough para mag stay ako sa kanya, Dalhia. I'm sorry for hurting your brother.." "Mas masasaktan mo siya kung hindi ka nag step up.. Hindi maling gusto mo lang makasiguro sa feelings mo, Lara.. We all titled on that.. Soon kuya will understand your state.." "Thanks for being here, Dalhia.." Hayag niya kasabay ang pag kunot ng noo niya.. "Alam mo hindi ko alam kung anong nangyari satin.." Bigla na lang niyang nasabi. "Huh? What do you mean?" Nagtataka naman na ganti ni Dalhia. "I don't know.. But I really miss you, Dalhia.. I miss the old days... Our old days.." Napangiti naman si Dalhia sa naibahagi niya.
NAUNANG makatulog si Lara ng makabalik sila ng villa. Samantala si Dalhia naman ay saka lang nasagot ang tawag ni EL. "Who's this?" May pagtatakang tanong niya rito. "Sorry to bother you.. Binigay sakin ng caretaker ng bahay ni Lara yung number mo.. Is Lara with you?" Hindi agad nakasagot si Dalhia at naisip agad ang kaninang napag usapan nila ni Lara. Pero ang pinagtataka niya babae ang kausap niya. "She's not with me anymore. May I know who's on the line?" "Sorry. Hindi ako nakapag pakilala. I'm EL.. Friend ni Lara. Nag woworry lang kasi ako sa kanya.." "EL?!" Sambit ni Dalhia sa isip niya. "Kanina pa kami naghiwalay ei.. Sabihan ko na lang siya na tumawag ka kapag nagkita kami ulit.." Pagsisinungaling niya saka agad ibinaba ang phone. Naging malalim ulit ang pag iisip ni Dalhia kung sino ang EL na yun. Familiar ang pangalan sa kanya pero hindi niya maalala kung saan ito unang narinig. KINABUKASAN inabutan ni Lara si Dalhia sa kusina ng magising siya. "Hmm.. Nakakagutom na
Akmang lalapit si EL.. "Wag ka ng makisali, EL.." Maagap siyang napigilan sa balikat ni Alyah. Punit ang mukhang napatingin lang si EL kay Alyah. Parang may bagyong biglang namuo sa loob niya at handa itong manalasa. "Uuwi na ako, Elton.." Pigil pa din si Lara sa kanyang sarili. Ito ang unang beses na masigawan siya ni Elton at makitang ganun kagalit ito. "No! You are not going home.. At san ka pupunta ha?? Tataguan ako? How could you do this to me, Lara?? I gave everything to you.." Sa mga salita ni Elton bakas ang lubos na pagkawasak ng puso niya. "Please, Elton.. Not here.. " Pakiusap ni Lara kasabay ang pagtulo ng luha niya na agad din niyang pinahid. Ramdam niya ang pagkahiya sa presensya ni EL at Alyah at ng iba pang trabahador na anduon. Pasimpleng pinaalis naman ni Alyah ang mga ito. "Bakit? Ngayon ka pa ba magkakaroon ng hiya? After you ran away from our wedding? Tell me.. What's wrong? Anong hindi ko nagawa para ganituhin mo ako?!!" May diin sa bawat bitawan ni Elton.
Mukhang hindi niya na maiiwasan pa ang mga katanungan sa isip ni Lara. Tama si Lara at dumistansya nga siya pero hindi lang naman yun dahil kay Elton pero dahil din sa lihim niyang pag tingin kay Lara ng mga panahon na iyon. "There is something you don't know, Lara..." Pagsisimula niya. Matyaga namang nakikinig sa kanya si Lara. "Tama lang na hindi ka nakasal kay kuya.. Ayokong matulad ka sakin.. Ayokong makulong ka din sa pamilya namin.." Napaluha bigla si Dalhia na syang ipinag alala ni Lara. "Hey!" Lumapit ito saka siya niyakap. "Hindi normal ang pamilya namin, Lara.. At ayokong pati ikaw magdusa.." Mas naging malalim pa ang pagtataka ni Lara dahil sa hindi malinaw na sinasabi sa kanya ni Dalhia. Bumalik ang ilang gabing naging bangungot para kay Dalhia. FLASHBACK>>>> "Kuya? Anong ginagawa mo rito?" Kalagitnaan na ng gabi at umaga ng magising si Dalhia at mabigla ng makita ang masamang tingin sa kanya ni Elton habang nakahiga siya sa kanyang kama sa loob ng kwarto sa Mansio
"EL?!" Sigaw ni Lara ng makapasok kasabay ang paglibot ng mata niya. "Ano ba?? Wag ka ngang manggulo dito.." Gigil na awat sa kanya ni Deena. "Bitiwan mo nga ako.. Ano ba?!" Pagpupumiglas niya pero mahigpit din ang naging kapit ni Deena. "Wala kang magandang maidudulot sa kanya kaya alis!" Mariing hayag ni Deena. Walang humpay ang paghila kay Lara. "At ikaw? Ikaw ang dapat para sa kanya? Ganun? Ang cheap mo... Pinag pipilitan mo yung sarili mo sa taong ayaw na sayo.." Nangingitig ang buong kalamnan ni Deena lumapat ang palad niya sa mukha ni Lara. "Tama na yan!" Lumitaw si EL na halatang masama ang pakiramdam. Sabay naman na napatingin pataas si Lara at Deena. "EL?!" Tawag ni Lara. Kumuyom ang palad ni Deena sa inis. "Please, Deena. Hayaan mo na muna kaming mag usap.." Saad niya. Agad namang lumabas si Deena ng bahay kahit hindi naman yun ang ibig sabihin ni EL. Dahang bumaba ng tuluyan si EL. Sinundan naman siya ng tingin ni Lara. "Have a seat.." Mahinang saad ni EL. "What h
Katahimikan ang naging tugon ni Lara, tikom ang bibig niyang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Ngiwi ang labi na napaiyak si Deena, sapo ng palad ang kanyang mukha. Hindi niya pa kayang mawala sa buhay niya si EL. Pero hindi nga ba't si EL na ang sumuko sa kanya? Matapos paniwalaan ni EL na nagtaksil siya kahit ang totoo ay hindi naman. TINATAWAGAN ni Lara si Dalhia pero hindi ito sumasagot ilang araw na. Gustuhin man niyang puntahan ito sa Mansion ay hindi niya magawa dahil sa mga sariwa pa na pangyayari. Si Mira naman ay naging alerto sa pagmanman kay Elton. Nagsimula na nga itong patakbuhin ang sarili nilang company. "But sir, we can't do that... They had been working for so long in this company.. Try to reconsider, please.." Pakiusap nito kay Elton. "I'm the CEO and owner, so everything is in my hand, Gregori.." Bagsak itong tinungo ang pinto palabas ng office ni Elton. Pinatanggal ni Elton ang mga employee sa company na lagpas 20 years na ang service."Oo nga! Balita ko