Share

CHAPTER 06

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2025-06-02 21:58:54

“PAMANGKIN MO SI Drake?” naguguluhang tanong ng dalaga nang hilahin siya ng binata sa pribadong kwarto ng pagdiriwang na iyon. 

Makikita ang labis na pagkalito kay Maeve dahil sa mga nangyayari sa loob ng isang gabi pa lamang. Ano pa bang plot twist ang kailangan niyang paghandaan?

“Bakit parang gulat ka?” kunot ang noong tanong ni Xavier. “Dahil ba halos magkasing-edad lang—”

“Dahil hindi ko akalaing ililigtas ako ng isang Revera—”

Ganoon na lamang ang paghinto ni Maeve sa sasabihin matapos na makita ang matabang na ekspresyon ng binata. Tila may hindi ito nagustuhan sa sinabi niya.

“I’m not a Revera.”

“Hindi ka Revera? Kung ganoon—”

“Does it really matters?”

Naging malalim ang paglunok ng dalaga nang mapansing lalong mas nagalit ang binata. May nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan? Patunay na roon ang pagtalikod nito na para bang tapos na kaagad ang koneksyon sa kanya.

“S-sandali!” pigil niya rito. “Gusto ko lang magpasalamat. Nalaman ko sa mga nurse na ikaw ang nagdala sa akin sa hospital—”

Napahinto na naman sa sabihin niya ang dalaga nang makitang galit na naman ang binata. Kung gaano ito katamis sa harap ng maraming tao ay ganoon naman ito kapait ngayon sa kanya.

“B-bakit parang lagi kang galit?!” hindi niya na rin mapigilang taasan ito ng boses. “Parang lahat ng sinasabi ko ay masama. Nagpapasalamat na nga ako!” 

Gustong guluhin ng dalaga ang kanyang buhok sa pagkairita. Hindi makakailang may dugo ngang nananalaytay dito ng dating fiance. Parehong sala sa lamig sala sa init ang dalawa!

“Miss Beautiful—”

“Anak ka ng tokwa!” 

Ganoon na lamang ang paglundag ni Maeve dahil sa gulat matapos na sumulpot ng isang lalaki mula sa taas ng kisame. Literal na roon bumaba ang lalaki.

“Daga ka ba?!” hindi niya mapigilang tanong habang bumababa ito. Sapo pa ni Maeve ang dibdib dahil sa pagkagulat.

“Sa gwapo kong ‘to?” natawa ang lalaki na para bang normal na rito ang ganoong gawain. 

“A-anong ginagawa mo riyan a-at sino ka?!” makikita ang labis na pagkautal sa boses niya dahil pa rin sa nerbyos.

“Kaibigan nito! Chase nga pala, Maeve!” nakangising sabi ng lalaki sabay akbay kay Xavier. “Ang magaling lang namang si Xavier Kellan Knight ay inutusan akong um-attend sa sarili niyang party kase hindi raw siya dadalo! Pwede ba iyon? Pero dahil nalamang nandito ka, mabilis pa sa palos! Dali-dali ang—”

Ganoon na lamang ang pagngiwi ng dalaga nang makita kung paano sikuhin ng kaibigan na tumama sa sikmura nito kaya nakayuko na ang lalaki.

Sapilitan din ang pagpapatayo ng binata rito habang may nangungusap na mga mata.

“Dali-dali ang pagsigaw ko ng Chase ang gwapo ko! Oo! Oo… iyon ang gusto kong sabihin, Maeve!” 

Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang mga sandaling pinipilit ni Chase na makawala sa matinding pagkakapisil ng balikat mula sa binata. Sa huli, hindi niya mapigilang matawa nang makawala ito at dali-daling umalis sa kwartong iyon.

Nang mapagtantong maiiwan na naman silang dalawa ng binata, ganoon na lamang ang malalim na paglunok ni Maeve. Kahit kailan hindi pa siya na-intimidate ng ganito sa isang tao. Iyon ang unang beses na makaramdam siya ng ganoon habang papalapit nang papalapit sa kanya si Xavier.

Heto ang tila kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan kahit baba lamang niya ang muling hinawakan ng binata. Pinanghihinaan siya ng tuhod na tila ba isa itong lion at siya ang tupa na magiging parte ng hapunan nito. 

“Do you still love him?”

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Papaano’y, ginugulo nito ang sistema niya! Hindi siya makapag-isip nang tama dahil sa pagkakalapit nila ng binata.

Tama ba na maapektuhan siya ng ganito sa isang estranghero? Ngayon niya lamang nakilala ang binata ngunit bakit parang pamilyar na ito sa kanya?

“I—” heto na naman ang malalim na paglunok ni Maeve habang nakatingin pa rin sa misteryosong mga mata nito. “Wala na akong nararamdaman sa kanya—”

“Good,” nakangising sambit ng binata at iniwan siyang nabibigla pa rin sa nangyayari.

“T-tinawanan niya ba ako?” hindi niya makapaniwalang tanong sa sarili. “Baliw ba ang lalaking iyon?! Hindi na tinatanong. Parehas silang baliw ng kaibigan niya!”

Sa pagkakataong iyon, hindi na napigilang guluhin ng dalaga ang kanyang buhok dahil sa labis na pagkainis. 

Matagal pang nanatili ang dalaga sa kwartong iyon. Hindi siya lumabas nang hindi maayos ang takbo ng kanyang isipan at nararamdaman kaya naman sa paglabas niya ng kwarto, ganoon na lamang ang gulat niya nang makarinig ng malakas na sampal.

Kahit ang malakas na tugtog ng musika kanina ay tuluyan ding napahinto dahil sa mainit na eksena.

“You’re really the black sheep of this family!” galit na sambit ng Mayora, ang nanay ni Drake. 

“Coming from somebody who has so many skeletons in her closet.”

Akmang sasampalin itong muli ni Divina Revera si Xavier nang pigilan ito ng anak na si Drake.

“Hindi sa ‘yo nararapat na ipamana ang kumpanya!” galit na dinuro ni Divina si Drake. 

“Was it my fault?” napangisi si Xavier. “You shouldn’t have entered politics in the first place!” 

“Mom, stop. Nakakakuha na tayo ng maraming atensyon. Ang imahe mo,” matigas na sambit ni Drake sa ina. 

Labis na pagtitimpi ang makikita kay Divina dahil sa matinding pagkakakuyom nito ng kamao. Inis itong umalis nang pakiusapang muli ng anak.

“Bakit nagalit si Mayora?”

“Dahil doon sa Ethel! Nagsumbong kay Mayora na umiiyak dahil pinagtulungan daw. Ayon, winarla si pogi…”

“Ang gaga, hindi naman kase sinabi kung bakit umabot sa gano’ng point ‘no!”

“True naman kase ang chicka na nagsisinungaling siya! Model siya ano? Hindi author!”

“Attention seeker pa rin talaga ang atake ng Ethel, Teh! Ganyan na ‘yan dati!” 

Kumunot ang noo ni Maeve dahil sa naging usapan na iyon ng press na hindi niya akalaing maririnig.

“Can I talk to you, Hija?” biglaang sulpot ni Donya Gloria. Ang lola ni Drake. 

“S-sige po…”

Iginaya siya ng matanda sa mas tahimik na lugar. Sa may balkonahe kung saan matatanaw nito ang ganda ng gabing iyon. Matagal na ganoon lamang ang matanda at walang sinasabi na kahit ano sa kanya. Sa kabila ng lahat, pinili niyang maghintay. 

“Bumalik ka na sa pamilya namin, Hija. Walang nararapat na kahit na sino sa ‘yo maliban sa aking apo,” walang paligoy-ligoy na sambit nito.

“Pasensya na po pero hindi ho ako gusto ng apo niyo. Pareho lang naming pahihirapan ang isa’t isa.”

“Natuturuan ang puso, Hija.”

“Bakit ho ba ako?” naguguluhan niyang tanong. “Alam kong hindi lang ito dahil sa kasunduan niyo ng lola ko—”

“Simple lang. Dahil wala kang kahit na ano,” walang paligoy-ligoy na sagot ng matanda sabay na tumingin sa kanya.

“P-po?” gulat niyang tanong sa matanda. Dama niya ang kababaan dahil sa pang-iinsulto nito.

“Wala kaming magiging problema sa ‘yo hangga’t may pera kami. Bibigyan ka lang namin tapos na ang problema. Huwag na tayong magpakahipokrita rito, Hija. Kailangan mo ng pera para sa nanay mo at mga utang niyo ‘di ba? Pwede kong tapusin ang problema mo sa isang tawag ko lang…” 

Hawak na ng matanda ang cellphone nito. Hinihintay lamang ang magiging sagot niya. Tila nabagsakan siya ng malaking tipak ng bato nang mga sandaling iyon. Bakit hinayaan niya ang sarili na magpakababa para sa pera ng mga Revera?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 16

    “SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 15

    UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 14

    MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 13

    HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 12

    SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 11

    KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status