Share

CHAPTER 05

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2025-04-05 12:40:28

NAKANGISI NA INIANGAT nito ang kanyang baba. Tila ba sa ganoong paraan ay mas malayang mapagmamasdan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang mukha.

“Why do you look so surprised, Mahal?”

Mas naramdaman ni Maeve ang pag-init ng kanyang pisngi at taynga dahil sa paraan ng pagtawag nito. Sigurado siya, kahit hindi niya na tingnan ang mukha sa salamin, pulang-pula na iyon ngayon. Sa kabila ng pagkapahiya rito, nakatingin lamang siya sa binata nang matagal.

Hindi niya rin inaasahan ang sunod nitong gagawin. Ganoon na lamang ang tila tambol na dumadagundong sa kanyang dibdib dahil sa pagyakap nito sa kanya. 

“Mahal, tell me something?” 

“M-mahal?” pag-uulit niya sa naging pagtawag nito sa kanya. “Baliw ka ba—”

Mabilis ang naging pagtakip nito sa kanyang bibig bago nangungusap na ngumiti.

“Remember me?”

“Y-yes…”

“It’s Xavier, Mahal…”

“H-ha?”

“Mamaya mag-uusap tayo…” sabi pa nito bago siya kindatan at harapin ang totoong pakay nito kaya kinuha ang atensyon ng lahat kanina. 

Nakatingin lamang siya sa binata, hinihintay ang susunod na hakbang nito habang palihim itong pinagmamasdan.

Kitang-kita ang peklat nito sa kanang bahagi ng kilay. Hindi naman iyon pangit tingnan dahil tila naging style lamang. Mukhang alagang-alaga din nito ang katawan. Tila inililok iyon ng naaayon na para lamang dito. Pansin niya rin na may tattoo ito. At kung hanggang saan iyon sa braso ay hindi niya alam.

“Calm down yourself, Woman. Sa ‘yo ako mamaya… huwag mo ako tingnan ng ganyan…” 

Sabi na naman nito na lalong ikinainit ng kanyang pisngi.

Ganoon na lamang ang paglunok ni Maeve dahil sa malalim nitong boses na nakapagpapagulo ng sistema niya lalo na’t hapit nito ang baywang niya na naging dahilan upang maamoy niya ang pabango ng binata.

“Totoo ako, Maeve. Huwag mo akong tingnan na parang panaginip lang ito…” heto na naman ang pagbulong nito na nakapagpapawala ng kanyang puso. “Do you want me to save you again?”

“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ni Drake upang kuhanin ang kanilang atensyon. “Nasa taas ka dapat at nag-eestima sa mga bisita mo. Kaya na naming resolbahin ang problemang ito. Wala kang kailangang isipin. Kapag humingi na ng tawad si Maeve, magiging maayos din ang lahat. Hindi mo na kailangang makialam—”

“This is my woman, paanong hindi ako makikialam?”

Umawang ang bibig niya sa sinabi nito. Siya ba ang tinutukoy ng binata? Nahihibang na nga itong tunay! 

“May CCTV ang lugar na ‘to. Pwede nating i-check para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo,” kaswal na sabi ni Xavier.

“Hindi na kailangan,” kahit sa pagsasalita lamang, mapansin na kinakabahan si Ethel. “I-I think, I’m fine already—”

“We need to find out the truth. You’re causing a scene to my night,” sagot pa rin ni Xavier nang hindi nito binabalingan ng tingin ang kausap. “At kapag lumabas ang totoo, alam niyo naman na siguro ang gagawin?”

“P-pero!” alma ni Drake.

Ngayon lamang nakita ni Maeve na kabahan ng ganito ang dating fiance. Makikita iyon sa mukha nito dahil na rin sa pamumuo ng pawis na makailang ulit ng pinunasan.

“Anong akala niyo sa akin, gumagawa ng kwento?” galit na tanong ni Ethel. “Bakit ako gagawa ng kwento kung ang babaeng iyan ang magiging dahilan ng pagkasira ng pangalan ko?”

Nakakaloko ang naging pagngisi ni Xavier. Mukhang natutuwa ito sa itinatakbo ng usapang iyon.

“Nahuhuli talaga ang isda sa sarili niyang bibig. Sa ‘yo nanggaling iyan, hindi sa akin.”

Ganoon na lamang ang pagkakagulo ng nasa pagtitipon na iyon nang mag-play ang video sa itaas ng hagdan kung saan nagsimula ang pag-uusap nila ni Ethel. Makikitang hindi na maganda ang itinatakbo ng usapan nila dahil sa parehas nilang ekspresyon. Sa pagtalikod niya, sinadya ni Ethel ang magpatihulog sa hagdan nang kalkulado ang pagbagsak upang hindi masyadong masaktan.

Malinaw sa kuha ng CCTV, plinano nito na gumawa ng eksena para ma-set up siya katulad ng ginawa nitong pagbato sa kwintas niya at paggawa ng bagong istorya.

“Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong pumili ng babae.” Umiiling na sabi ni Xavier kay Drake. 

“U-uncle, that’s not what happened!” 

“You framed Maeve for what cause?” dumagundong ang boses nito sa bulwagan na parang isang lion. Makikita ang matinding galit hindi lamang sa boses ni Xavier kung hindi maging sa paraan kung paano nito tingnan ang kausap.

Ngayon niya lamang nakita ng ganoon si Drake. Tila isa itong maamong tupa dahil nakatapat ito ng mas nakatataas dito.

Nakatingin lamang nang matagal si Maeve kay Xavier. 

Makikita sa mga mata ng dalaga ang hindi lamang paghanga kung ‘di pasasalamat dahil sa mga napagtanto niya ngayong araw. Nabatid niyang walang masama kung magsasalita siya para sa sarili lalo na kung alam niyang nasa tama siya. Ang mahalaga ay alam niyang respetuhin ang kanyang sarili upang hindi maliitin ng kung sino.

“Saan kayo pupunta?” heto na naman ang awtoridad sa boses ni Xavier nang tumalikod ang dalawa matapos na mag-play ang footage.

“Ngayon ko lang naalala, pangalawa ang pangalan niya sa top billionaire sa bansa, hindi ba?” boses iyon ng isa sa mga kasali sa pagtitipon nang gabing iyon. “Parte rin siya ng delikadong organisasyon. Hindi natin pwedeng banggain ang mga katulad niya.”

“Narito si Sir Drake para sa isang business deal ‘di ba? Kailan pa siya nakauwi sa bansa?”

“Kung ganoon siya nga ang bilyonaryo na wala ang pangalan sa listahan dahil matagal siyang hindi lumabas sa publiko!”

Lalong naging malalim ang naging paglunok ni Drake dahil sa mga narinig na usapan. Alam ni Maeve kung gaano kahalaga ang deal na iyon na kailangan nitong maisara dahil ang seguridad ng kumpanya ang nakasalalay doon.

Ngunit hindi iyon ang gustong malaman ng dalaga. Maraming bakit ang tumatakbo sa isipan niya. Gusto niyang alamin kung bakit siya pinagtutuunan ngayon ng atensyon ni Xavier. Hindi siya ganoon kahalaga para sa atensyon nito!

“I’m sorry!” boses iyon ni Ethel. Bakas ang pangangatal doon na patunay na kahit ito ay naapektuhan sa presensya ni Xavier. “I’m really sorry, Maeve…” iyon ang sabi nito bago magmadali sa pagpanhik sa ikalawang palapag para makalayo sa kanilang lahat matapos mapahiya.

“Kailangan nating mag-usap, Maeve,” ngayon niya na lang muling narinig ang malambing na boses ni Drake nang siya ang kausap nito. “Makikinig ka naman sa akin ‘di ba—”

Hindi nito naituloy ang sasabihin nang surpresang hapitin siya ni Xavier nang mas malapit na naging dahilan upang tingalain niya itong muli. 

Maling-mali na ganoon ang naging reaksyon niya! Dahil heto ngayon at ilang pulgada na lang ang layo niya sa binata na magiging dahilan para mahalikan niya. Hindi rin nakatulong ang utak ng dalaga dahil mas sinusupil siya ng puso niya para manghina ng ganito ang tuhod niya.

Nakangiting tumingin si Xavier kay Drake. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi ordinaryo. Kahit na sino’y maaaring pananayuan ng balahibo.

“I don’t like to share what’s mine, My Dear Nephew. Alam mo ang mangyayari sa ‘yo kapag pinilit mo ang gusto mo…”

Nephew? Dinadaya ba siya ng pandinig niya? Pamangkin ni Xavier si Drake? 

“Uncle—”

“That’s enough! You’ve ruined my night already.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
next please thank you.
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
more updates please Ms. author thanks
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 16

    “SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 15

    UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 14

    MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 13

    HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 12

    SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 11

    KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status