Share

CHAPTER 07

Author: Rigel Star
last update Huling Na-update: 2025-06-03 23:59:08

PILIT NA PINAKAKALMA ni Maeve ang kanyang sarili ngunit mas nanaig ang emosyon sa kanyang dibdib. Wala ng ibang dapat na sisihin sa nangyari kung hindi siya lamang. Hindi siya matatapakan ng ganito kung hindi niya hahayaan ang kung sinuman na gawin iyon sa kanya.

Hindi mapigilan ng dalaga na maikuyom ang kanyang kamao. Ano bang akala ng mga Revera sa kanya? Isang bagay na kayang bayaran palagi ng pera?

Gusto niyang sagutin ang matanda ngunit hindi niya makakitaan ang sarili ng lakas ng loob na gawin iyon. 

“Are you done talking to my girlfriend?” 

Ganoon na lamang ang gulat ni Maeve kasabay ng paglingon kay Xavier. Nakasalikop ang kamay nito habang nakasandal sa pader at pinapanood sila.

“G-girlfriend?” gulat na tanong ni Gloria.

“A-ano po—”

“Hanggang ngayon number one pa ring mang-aagaw ang pamilya niyo, ano?” may pang-iinsultong tanong ng matanda sa binata. “Fiance siya ng apo ko! Hindi siya sa ‘yo!”

“Mawalang-galang lang po,” singit ni Maeve sa usapan bago pa lumaki ang hidwaan sa pagitan ng dalawa. “Hindi na ho ako fiance ng apo niyo. Natapos na iyon nang lokohin niya ako at ipahiya sa maraming tao.”

“At saan ka pupunta?” nanggigil na tanong ng matanda habang pisil ang kaliwang kamay niya. 

Dama ni Maeve ang pagbaon doon ng kuko nito ngunit hindi niya iyon ininda at pinili pa ring maging magalang sa matanda. Hindi niya nakakalimutan ang mga naitulong ng pamilya nito sa kanya noong kailangan niya ng pera dahil sa patong-patong niyang problema.

“Uulitin ko ho. Hindi ako pagmamay-ari ng kahit na sino, Donya Gloria. At para naman ho sa utang ng pamilya ko sa inyo…” ganoon na lamang ang malalim na paglunok ng dalaga. “Gagawin ko ho ang lahat mabayaran lang kayo. Salamat po at pasensya na sa abala.”

Dali-dali ang paglalakad ng dalaga. Parehong iniwan ang dalawa ayon sa akala niya ngunit ganoon na lamang ang kanyang gulat nang pigilan siya ni Xavier na sumunod pala sa kanya.

“Pinaglalaruan niyo ba ako?!” ramdam niya ang pinipigil na pagsabog ng emosyon mula pa kanina. “Ano bang palabas ito ng pamilya niyo? Bakit kailangang ako na lang parati ang taya?”

Umiigting ang panga ng binata habang madilim na nakatingin sa kanya. Kung kanina ay parang normal lang ang galit nito, ngunit nang mga sandaling iyon, makikita kung gaano kadilikado ang mga susunod niyang sasabihin na tila ba nakasalalay doon ang susunod niyang paghinga.

“Ano pa bang gusto ng pamilya niyo mula sa akin? Ubos na ubos na ako—”

“I said, I’m not part of that family!” 

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga nang marinig ang malakas na pagkabasag ng bote ng alak matapos na tabigin iyon ng binata.

Sila lamang ang nasa likod ng pagtitipon dahil doon niya balak dumaan para tumakas at makalayo sa lugar na ito kung hindi lamang siya sinundan ng binata. 

Napalunok nang malalim si Maeve. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng binata ngunit naunahan siya ng galit. Ngayon tuloy na iniwan na siya nito at naglakad papalayo, hindi matagpuan ng dalaga ang lakas ng loob para humingi ng tawad dito…

TAHIMIK NA PINAIIKOT ni Donya Gloria ang kupita na kanyang hawak. Pagkatapos na makausap si Maeve, marami siyang napagtanto. Hindi siya makapaniwala na babaeng inaakala niyang makokontrol nila ng mahabang panahon para sa mga plano sa kanyang mga apo ay unti-unti ng kumakawala sa kanyang palad.

Marami na ring panahon at pagbibigay atensyon ang naibigay niya rito kaya hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito susukuan. Wala na siyang ibang nakikita na magdadala ng pamilya na bubuuin ng kanyang apo kung hindi ang babae.

“Hindi siya mapupunta sa bastardong iyon,” may punto at siguradong sambit ni Gloria. “Napapasunod siya ni Drake. Wala na akong babaeng makita na galing sa lusak na magkakaroon pa ng malaking utang na loob sa pamilyang ito…”

Malaking asset ang mga katulad ni Maeve sa kanilang buhay. Dahil sa pagiging galing nito sa lusak ay alam nitong makipaglaro sa mapaghamong laro ng buhay. Kayang-kaya magtiis ng babae kahit ano pang hirap ang dumating dito. Higit sa lahat, malaking pakinabang sa kanilang kumpanya ang talino na mayroon ang dalaga. 

“Mama, you look so stressed!” bati sa kanya ng anak na si Divina na kadarating lamang.

“Kailangan nating higpitan ang pagkakatali ng leeg ni Maeve,” walang paligoy-ligoy na sagot niya sa anak. “She’s the best prospect para kay Drake.”

“But I like Ethel—”

“Hindi ka ba nag-iisip?” galit na tanong ng ginang. “Marami ng alam si Maeve sa pamilya natin. Kapag nagkamali tayo ng galaw, pwede niyang ikwento ang lahat ng baho ng pamilyang ito.”

“What about Drake? Hindi siya gusto ng anak ko, Mama—”

“If you want to run for the highest position in the next election, you should think like a politician, Divina!” may diing sambit ng matanda. “Si Maeve? Isang malaking charity ng pamilyang ito. Sa oras na malathala sa mga balita kung sino ang babaeng mapapangasawa ng anak mo, mas magiging mabango ka sa publiko.”

“Pero, Mama…” bakas pa rin ang pagtutol ni Divina sa plano nito para sa kanyang anak.

“Sa oras na mawala ang kapanyarihan natin sa syundad na ito, mas mahihirapan tayong makakilos sa mas malalaki pa nating plano, Divina. That brat?” patukoy nito kay Xavier. “Hindi niya pwedeng makuha ang lahat ng sa atin. Naiintindihan mo?”

Makikita ang labis na kalituhan kay Divina. Naroon pa rin sa ekspresyon nito ang pag-aalala sa anak ngunit sa huli, nagawa rin nitong tumango at sumang-ayon sa ina.

“Kailangan nating magsakrepisyo para manatili tayo sa itaas, Anak. Isang araw, kapag nasa tuktok na tayo, wala ng magtatangkang kumalaban pa sa atin…”

“What’s your plan, Mama?” tanong ni Divina na kumuha na rin ng kupita. 

“Do you really want to be part of that plan?” tanong ng matanda.

“If it gives me more power, why not? I will do everything for my son, Mama…”

Hindi na maitago ang pagkakangisi ni Divina. Ipinagpatuloy niya ang pagpapaikot ng kopita habang naroon ang pagkakangisi. 

Bibigyan niya ng surpresa si Maeve. Sisiguraduhin niyang hindi nito iyon matatanggihan hanggang sa mapagtanto ng dalaga na maling-mali na pinili nitong talikuran ang kanilang pamilya. Kapag nangyari iyon, gagapang pabalik sa kanila ang dalaga…

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 16

    “SIGURADO NA PO na isang buwan lang,” sagot ni Maeve sa bagong bahay na kanyang uupahan. Dahil kailangan niya munang lumayo ay naghanap siya ng bahay na malayo nang bahagya sa syudad. Pinili niya rin ang lugar na walang nakakakilala sa kanya maliban sa isang taong hiningian niya ng tulong upang mas makagalaw siya nang malaya.“Magiging serbidora ka naman diyan sa baba bakit hindi mo pa habaan ang buwan ng pag-upa?” usoserang tanong sa kanya ng landlady.Katulad kanina, ngiti lamang ang unang naging sagot ng dalaga. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magbigay ng kahit na anong impormasyon na magiging dahilan upang malaman kung sino siya.Malaking bagay din na nakatagpo siya kaagad ng trabaho. Serbidora iyon sa kantina sa ibaba na pinapaupahan din ng landlady. “Swerte ko ho na nakakuha kaagad ako ng bahay na malapit sa trabaho,” ulit niya pa sa landlady upang kunin ang loob nito.Heto na naman ang malapad nitong pagkakangiti na tila kinikilig sa kanyang sinabi.“Salamat na talaga at baba

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 15

    UMUWI SI DRAKE ng bahay na lasing na lasing. Kinailangan din siyang sundin ng driver para lang magawa iyon. “Ingat ho kayo, Sir,” paalala pa ng driver nang muntik na naman siyang matumba.“Salamat, Kuya. Atin-atin na lang ‘to,” paalala niya pang muli.“Opo. Pasok na ho kayo. Tulog na ho ang lola ninyo.Tumango lamang siya sa driver habang susuray-suray na siya nang makapasok sa pinto ng kanilang mansyon. Dahil madaling-araw na rin ay patay na ang ibang ilaw sa parte ng kanilang bahay maliban sa kwarto ng kanyang ina. Hindi pa ito natutulog. Maaaring hinihintay na naman ang pagdating niya. Nakangising umakyat ng hagdan ang binata patungo sa kanyang kwarto. Muntik-muntik pa ang pagkatumba niya dahil sa kalangisan. Kalaunan ay nagtagumpay din naman siyang makaakyat nang hindi nakakakuha ng atensyon.Ngunit, hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay sermon na ng ina ang bumungad sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay at nag-abang lang na makapasok sa kwarto upang hindi sila makapa

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 14

    MALAKI ANG KINAHAHARAP na problema ni Maeve. Ilang araw na naman siyang hindi nilulubayan ng mga pinagkakautangan ng kanyang pamilya. Dahil siya ang may trabaho sa mga ito at may pinakamalaking sinasahod kaya siya ang naging human collateral ng mga ito. Ginawa niya ang lahat para magkaroon ng low profile. Umalis din siya sa kanilang lugar at tinanggap ang bahay na ipinahiram sa kanya ng mga Revera para lamang makalayo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka kung paano nakuha ng mga ito ang kanyang numero matapos niyang makapagpalit.Kinailangan niyang patayin ang kanyang cellphone dahil sa pag-aalala. Hindi niya na rin maalala kung kailan siya huling beses na sumaya dahil sa matinding pangamba na baka singilin siyang muli isang araw dahil sa atrasong wala siyang ginagawa.“They were the loan shark…” mahina niyang sambit na hindi siya maaaring magkamali. Sila lamang ang maaring magbanta ng ganito sa kanya. “Kailangan kong makalipat ng tirahan. Hindi pwedeng madamay si

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 13

    HINDI ALAM NI Drake kung paano kauusapin ang kasintahang si Ethel. Alam niya na labis itong masasaktan kapag nalaman ang plano niyang pakikipaghiwalay dito. Mahal na mahal niya ito. Sigurado siya doon ngunit hindi niya pwedeng suwayin ang kagustuhan ng kanyang Mamita. Ang mga katulad ng lola Gloria niya ang uri ng tao na hindi niya pepwedeng tuulan. Ang bawat salitang sasabihin nito ay ang batas na hindi niya maaaring baliin. Kalabananin niya na ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya huwag lamang ang matanda.“She will understand, Son,” mariing pagsasabi pa rin ng kanyang mommy. “I hope she will understand…”“And if she wouldn’t?” tanong niya rito nang may pag-aalala. “Ayaw kong saktan si Ethel, Mama. Mahal na mahal ko siya…”May bahid ng kalungkutan sa boses ni Drake nang sabihin iyon sa mama niya. Matagal na panahon ang hinintay niya. Ginawa niya ang lahat upang maipaglaban niya ang relasyon nila ni Ethel. Nagpalakas siya sa kumpanya hanggang sa magkaroon ng posisyon doon. Sini

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 12

    SUNOD-SUNOD ANG PAGKABASAG ng mga mamahaling pigurin sa bahay ni Ethel. Hindi siya nagdalawang-isip na pagbabasagin iyon dahil sa matinding pagkainis. “Pagkatapos ng lahat ng ibinigay ko, iiwan mo ako sa ere?” galit na galit niyang turan sa kawalan. “Mga walang kwenta!” sigaw niyang muli kasabay ng pagkabasag ng iba pang mamahaling mwebles.“Ma’am, baka masugatan ho kayo! Magagalit ang mommy—”“Like the hell do I care, Manang!” galit niyang sigaw sa katulong. “Get out you bitches!” tila mapatid ang ugat niya sa leeg dahil sa mas malakas pang sigaw.Hindi pwedeng matupad ang gusto ng mga Revera. Hindi siya pwedeng iwan ni Drake! Ibinigay niya ang lahat sa lalaki at matagal na nagtiis para lamang bitawan nito sa huli.“Ma’am, nandyan na po ang mommy—”“Subukan niyong pumasok, magpapakam@tay ako!” pagbabanta niya na ikinatakot naman ng mga ito. “Magsilayas kayo!”“Anak, ang mom ito. What happened?”Nang marinig niya ang tinig ng ina na nag-aalala, mas bumuhos ang luha niya. Ayaw niyang

  • Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle    CHAPTER 11

    KATULAD NG MGA routine ni Xavier bago umuwi sa kanyang penthouse ay naliligo muna siya sa loob ng arena. Kinakausap niya rin ang mga ibang dapat kausapin lalo na kung may susunod na laban na kailangan niyang paghandaan. Kung maluwag sa schedule niya ay si Chase naman ang nagpipinalisa ng lahat sa kanya. “Boss, may gustong kumausap sa ‘yo,” imporma ng isang sekyu na naghihintay sa paglabas niya sa banyo. Gano’n na lamang ang labis na pagtataka ng binata. Bakit kung makikipag-usap ay hindi sa lugar na ginaganap parati ang meeting? Nagtataka man, pinili pa rin tumuloy ni Xavier. Salubong ang kilay niya nang bumungad sa kanya ang matinding kadiliman. Alam niya na ang susunod na mangyayari sa oras na magpatuloy siya. Isa siyang tupa ngayon sa pugad ng mga leon na naghihintay sa kanyang pagdating. “Alam mo ba ang ginawa mo?” galit na tanong sa kanya ng nakalaban niya kanina. Imbes na sumagot pagngisi ang unang ginawa ng binata habang inilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status