Share

Kabanata 2

Author: Miss Luxy
Kinakamot ni Thaleon ang kanyang ulo. Bilang isang biyudo, kailangan niyang panatilihin ang kanyang reputasyon bilang isang mabuting asawa at maging mabuting ehemplo sa mga anak. Pumunta siya sa bahay nina Agatha at ng kanyang asawa dahil sa kahilingan mismo ni Oscar bilang pasasalamat kay Thaleon noong iniligtas niya si Oscar mula sa pag-atake ng mga magnanakaw.

"Oo, alam ko ang aking lugar, Sir. Isa lang akong katulong sa bahay na ito. Ang trabaho ko lang ay maglinis at panatilihing ligtas ang inyong bahay. Kaya, kakaiba lang ang nais nyong ipagawa sa akin lalo na’t involved roon si Ma'am Agatha. Hindi ba mandidiri si Ma'am Agatha sa akin? Hindi ako gaya nyo Sir Oscar na gwapo at malinis, tapos bigla kailangan niyang gumawa nang baby kasama ako na mukhang paniki lang sa tabi nyo. Baka tumakbo pa si Ma'am Agatha bago pa man mangyari ang lahat!" sabi ng lalaki.

Tumawa nang malakas si Oscar nang marinig ang nakakatawang sinabi ni Thaleon. Samantala, si Agatha ay mukhang walang emosyon at nakasimangot pa rin.

May punto ang sinabi ni Thaleon, paano siya masisiyahan sa kailangan nilang gawin kung ang kanyang kasama ay tulad ni Thaleon.

"Thaleon, Thaleon, kung anu-ano ang naiisip mo, ikaw talaga. Hayaan mo na, huwag kang mag-isip ng ganyan. Pumayag naman na ang asawa ko at target ko sana sa susunod na buwan ay kailangan mo na siyang mabuntis. Ngayon ay nasa fertile period na siya. Kung papayag ka na, ngayon ay magbu-book na ako ng hotel room. Sabay sabay tayong pupunta sa hotel, pagdating sa kwarto ay maaaring gawin niyo na dapat gawin doon. Pero, bibigyan lang kita ng two hours, Thaleon. Pagkatapos ng oras ay kailangan tapos na rin kayo at lumabas na ang asawa ko sa kwartong iyon, naiintindihan mo ba?" alok ni Oscar na tila hindi makatwiran.

Para lang sa trabaho, reputasyon at karera, nagawa ng lalaki na ipahawak ang kanyang sariling asawa sa ibang lalaki.

"Sa hotel, ngayon na po agad?" nanlaki ang mga mata ni Thaleon.

"Bakit? Hindi mo kaya?" dagdag ni Oscar habang pinagsasama ang kanyang kilay.

"Bakit sa hotel pa sir? Pwede naman po dito na lang sa bahay?" sagot ni Thaleon na nagbigay ng mas madaling opsyon.

"Oo, pwede rin naman, pero kasi makikipagkita rin ako sa isang kliyente ngayong araw kaya hihintayin ko nalang kayo sa lobby ng hotel na ibobook ko. Pagkatapos ng two hours na binigay ko, kailangan niyo ng matapos at uuwi tayo na parang walang nangyari!" sagot ni Oscar.

"Kailangan ngayong gabi na agad, Sir? Naku, hindi po ba masyadong mabilis pag ganon? May bukas pa at sa susunod na araw!" tanong ulit ni Thaleon para makasiguro.

"Hindi ba mas maaga at mabilis mas mabuti? Okay na ngayon, habang nasa fertile period pa ang asawa ko," dagdag ni Oscar.

"Ah, sige po, Sir. Pero ang problema eh kung papayag si Ma'am Agatha. Kasi kung ako, ay nako bahala na, susunod lang ako sa gusto nyo!" sagot ni Thaleon nang masunurin.

Pagkatapos nang tinuran ni Thaleon, lumingon si Oscar sa kanyang asawa.

"Kumusta, honey. Okay ba sayo? Handa ka na ba ngayong gabi?" tanong ni Oscar habang nakangiti upang kumbinsihin ang kanyang asawa.

"Hayst, ewan ko, honey. Nalilito ako! Kailangan ba talaga si Thaleon? Hindi ba pwedeng si Lee Min Ho o Dingdong Dantes? Para mas ganado kung gagawa kami ng baby. Ang genes rin nila ay magaganda. Having sex with that servant, ay nako baka mamaya eh ang maging anak natin ay maitim at panget!" sagot ni Agatha habang iniisip kung paano siya hahawakan ni Thaleon.

Sinasadya niyang aliwin ang sarili dahil ngayong gabi, si Thaleon, ang lalaking taga-probinsya, ang hahawak sa kanya ngayong gabi.

Magbibigay ng binhi na lalago sa kanyang sinapupunan at bibigyan sila ng anak ni Oscar.

"Hayaan mo na, honey. Ayos lang yan, isa pa hindi naman ganun kasama si Thaleon tulad ng iniisip mo. Pumikit ka na lang o kaya eh huwag mong tingnan ang mukha niya. Just focus sa original goal natin na magkaroon ng anak, hmm, honey?" sabi ni Oscar na patuloy na nang-aakit sa kanyang asawa upang pumayag na pumunta sa hotel.

"Sige na nga, bahala ka. Pero may kondisyon ako, ayusan niyo muna si Thaleon para naman hindi siya mukhang taga-probinsya. Kahit papaano eh medyo may mabago naman sa kanya. Just thinking na pupunta siya sa hotel na ganyan ang suot suot na damit niya, ay jusko. It's making my head hurt!" pakiusap ni Agatha na kabisado na ang itsura ni Thaleon araw-araw.

Pagkatapos marinig ang kahilingan ng kanyang asawa, tiningnan ni Oscar ang itsura ni Thaleon mula ulo hanggang paa. Talagang napakasimple nga nito para sa isang lalaking kasing edad niya. Outdated pa ang mga suot at porma nito.

"Okay, ayos lang iyan, gagawin namin ang hiling mo, honey. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan! Bago tayo umalis, ipapamake over ko muna si Thaleon ayon sa type mo, basta ang mahalaga ay komportable ka, honey!" sabi ni Oscar.

Inabot ni Oscar ang kasunduan ng kanilang deal kay Thaleon na may pirma na niya sa ibabaw ng selyo. Ang nilalaman ng kasunduan ay binubuo ng mahahalagang impormasyon at kondisyon sa kanilang cooperation.

Tulad ng pagkatapos na ideklarang buntis si Agatha ay hindi na maaaring makipag-ugnayan si Thaleon kay Agatha sa anumang dahilan.

Pangalawa, ang anak na dinadala ni Agatha mula sa binhi ni Thaleon ay magiging biyolohikal na anak ni Oscar ayon sa batas.

At ang pinakamahalaga ay, hindi maaaring kunin ni Thaleon ang kustodiya o angkinin ang bata bilang biyolohikal na ama ng magiging anak ni Agatha kapag ito ay lumaki na.

Direktang ibibigay ni Oscar ang paunang bayad sa harap ni Thaleon at ang natitira ay babayaran kapag kumpirmadong buntis na si Agatha. At obligado si Thaleon na itago ang kasunduan na iyon hanggang hukay niya.

Matapos basahin ang ilang mga kondisyon. Pumayag si Thaleon at pumirma sa ibabaw ng selyo.

Kung ang isa sa mga kondisyon ay nilabag, ipoproseso ito ni Oscar ayon sa batas o bibigyan ng leksyon si Thaleon at ang kanyang pamilya kasama ang kanyang tatlong anak.

Ang pagpirma ni Thaleon sa papel ay nagsilbing pagseselyo sa kasunduan nilang dalawa ni Oscar at Agatha.

Kahit na kasal ang mga amo niya, hiniling ni Oscar kay Thaleon na buntisin nito ang kanyang asawa.

"Deal!"

Sa wakas, nagawa na ang kasunduan ng mga ito.

Pagkatapos magka pirmahan, ayon sa kahilingan ni Agatha, dinala ni Oscar si Thaleon sa isang salon upang baguhin ang hitsura ng lalaki.

Sa kabilang banda, naghanda rin si Agatha para umalis. Para sa kanyang asawa, handa siyang gawin ang lahat upang manatiling buo ang kanilang pamilya dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

Umalis si Agatha kasama ang kanyang asawa, habang si Thaleon ay sasalubungin ang pagdating nila Oscar at Agatha sa hotel. Dahil maagang pumunta sa salon ang binata at maagang natapos doon kaya naman ay dumiretso si Thaleon sa napagkasunduan na hotel.

"Finally, Tapos na! Wow naman, ikaw ba talaga ang katulong ni Sir Oscar? Naku, gwapo ka rin pala, boy eh! Macho pa!" sabi ng empleyado ng salon na namangha sa pagbabago ni Thaleon matapos ayusan.

Mukhang mas cool at macho ang lalaking nakaupo sa salon ngayon dahil sa itim na pantalon at maroon na kamisetang suot suot nito.

Lumabas ang aura ng balat ng lalaki. Mukha siyang mas bata ngayon dahil sa makeover.

Si Thaleon na karaniwang abala sa paglilinis ng bahay ng kanyang amo, ngayon ay mukhang isang malaking boss ng korporasyon dahil lamang sa estilo ng ayos ng buhok niya.

Ang kanyang tindig ay naka suporta rin sa kanyang angas. Ang maikling manggas ng maroon na kamiseta niya ay nakatiklop pataas na nagpapakita ng kanyang matipunong braso. Hindi pa kasama ang kanyang perpektong malapad na dibdib. Aling babae ang awtomatikong lilingon kay Thaleon dahil sa kanyang gwapong mode ngayon.

Alas sais y medya ng gabi, dumating na si Thaleon sa hotel, hinihintay niya ang pagdating ng kanyang amo na darating na rin maya-maya sa lobby ng hotel.

Sino ang mag-aakalang ang presensya ni Thaleon sa hotel ay magiging sentro ng atensyon ng mga babaeng nakakakita sa kanya. Hindi nakakagulat na sila ay bumabati at humihingi ng litrato sa binata na parang bang isang artista si Thaleon.

Hindi nagtagal, dumating na sina Oscar at Agatha sa hotel na na-book nila para sa gabi nato kung saan isasabuhay ni Thaleon ang kanilang napagkasunduan upang mabuntis ang asawa niya, pisikal silang magdidikit para maipasa ng direkta ni Thaleon ang sperm niya sa sinapupunan ni Agatha.

Ang mag-asawa ay tila nagulat nang makita ang ilang mga babae na nagkukumpulan sa lobby ng hotel.

"Ano kaya nangyayari doon, honey?" takang tanong ni Agatha na nagtataka.

"Ewan ko, baka may artistang dumating, karaniwan na yan rito!" sagot ni Oscar na nanghuhula.

"Nasaan na ba si Thaleon, bakit hindi pa rin siya dumating? Sabing 6 ang call time." dagdag ni Oscar habang tinatawagan ang numero ni Thaleon.

Sa kasamaang palad, ang tawag ay direktang nakakonekta sa cellphone ni Thaleon na pinagkakaguluhan ng maraming babae sa mga oras na ito.

Agad na tinanggap ni Thaleon ang tawag mula sa kanyang amo.

"Excuse me, excuse me, sasagutin ko lang ang tawag na to!" paalam ni Thaleon matapos ay lumabas mula sa kumpulan ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

"Hello, Sir. Nasaan po kayo?" hinanap ni Thaleon ang kinaroroonan ng kanyang amo na hindi pa niya alam kung nasaan.

"Nasa harap ako ng lobby ng hotel, nasaan ka?" sagot ni Oscar habang tumitingin sa labas kung saan may kumpulan ng mga babae. Tinitiyak ang kinaroroonan ni Thaleon.

"Naku, nakakainis. Parang naghihintay lang ng artista!" bulong ni Agatha na sa totoo lang ay wala siyang gana at gusto ng umalis.

Sino ang mag-aakala sa kanilang madidiskubre.

Nakita ni Oscar ang isang lalaki na kumakaway sa kanya.

"Sirrr! Nandito ako!!" Agad na napalingon sina Oscar at Agatha sa boses ni Thaleon.

"Si Thaleon ba iyon??”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 90

    Nang may lakas at katatagan, sinagot ni Thaleon ang tanong ni Irina. "Oo, katulong nga ako ni Ma'am Agatha, ako nga iyon, bakit naman kung binabantayan ko si Ma'am Agatha? Amo ko siya!""What's? Ibig sabihin, ang lalaki noong gabing iyon ay totoo ngang ikaw! Diyos ko por santo...!" hindi na itinuloy

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 89

    "Manahimik ka nga!" gulat ni Thaleon kay Tasyong na kasalukuyang humahagikhik sa kabilang linya. Agad na pinatulan ni Thaleon ang telepono. Sandali siyang napatawa nang bahagya nang maalala ang mga salita ng kanyang katulong."Sadyang may saltik si Tasyong! Eh, aling damo ba ang ipinagugupit ni Agat

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 88

    May katotohanan naman ang mga sinabi ni Tasyong. Maaari ngang pabagsakin ni Thaleon si Arnold Loriano sa pamamagitan ni Agatha. Subalít hindi, nangako na siya sa sarili na hindi isasama si Agatha sa problemang ito. Hindi dahil sa katunayang mayroon silang napakalalim na ugnayan ni Agatha…"Ah, tama

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 87

    Matapos iyon, mabilis na bumaba si Thaleon mula sa kama ng kanyang amo. Ayaw niya rin kasing abalahin ang pagpapahinga ni Agatha."Sige na, aalis na muna ako, magpahinga ka nang mabuti!" ani Thaleon bago lumabas ng silid ni Agatha. Pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas ng silid, na iniwan si A

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 86

    Humigit-kumulang labinlimang minuto, nakarating na sina Thaleon at Agatha sa bahay. Mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto ng sasakyan para sa kanyang amo. Bakas kay Thaleon ang pag-aalala at patuloy niyang binabantayan ang kalagayan ni Agatha na tila ba lalong nanghihina."Okay ka lang ba talaga?"

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 85

    "Ahm, okay, I'm always ready for you!" sagot ni Maureen habang mapaglarong pinipisil ang mahalagang pag-aari ni Oscar.Nagkulay berde na ang ilaw, nagsimula nang umandar ang kanilang sasakyan patungo sa parehong direksyon. Sino ang mag-aakala na si Agatha na noong una ay nakapikit ang mga mata, ay b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status