Share

Kabanata 3

Author: Miss Luxy
Agad na tumakbo si Thaleon patungo sa kinaroroonan nina Oscar at Agatha.

Ngayong gabi, ang lalaki ay mukhang napaka-karismatiko, kagalang-galang at tiyak na mas macho at seksi kaysa sa kanyang pang araw-araw na hitsura.

Tama ang sinabi ng salon attendant, si Thaleon ay mukhang isang malaking boss na parang mafia na mga napapanood sa tv. Ang kanyang matikas na mukha na may matalim na tingin ay lalong nagpapaganda sa hitsura ni Thaleon kaysa kay Oscar.

"Si Thaleon yan? Bakit nag iba yata ang mukha niya?" bulong ni Agatha na nagulat at namangha sa transportasyon ng binata.

Ang babae na sa simula ay hindi gaanong pinapansin ang mukha ng tagapaglingkod nila ay ngayo’y naguguluhan dahil hindi niya alam kung bakit hindi siya nagsasawa sa pagtingin sa mukha ni Thaleon.

Ngunit gayunpaman, ayaw ni Agatha na ipahiya ang sarili. Itinuturing pa rin niya si Thaleon bilang isang lalaking taga probinsya at isang katulong lamang. Isa pa, para kay Agatha ay si Oscar lamang ang pinakagwapo at walang makakapantay sa kanyang asawa.

Nakita ni Oscar ang pagdating ni Thaleon.

Ilang minuto pa, nang makarating si Thaleon sa harap nila ay inanyayahan na ni Oscar si Thaleon na pumasok sa hotel.

"Pasensya na po, Sir Oscar, Ma'am Agatha. Hindi ko po nakita kanina na dumating na po pala kayo rito" sabi ni Thaleon habang nakayuko ang ulo na parang isang katulong.

"Ayos lang yun, isa pa, kakadating lang rin namin ng asawa ko. Tara na, magre-register na ako at magche-check in ng room para sa inyong dalawa!" sagot ni Oscar habang inakay ang kanyang asawa papasok sa hotel.

Tumango si Thaleon at lumakad sa likod nila.

Samantala, si Agatha na naglalakad sa tabi ng kanyang asawa ay sandali lumingon sa likod kung saan naglalakad si Thaleon na sumusunod sa kanila.

Ngumiti si Thaleon habang tumatango nang lumingon si Agatha sa kanya. Agad namang nag iwas si Agatha ang kanyang mukha at tumingin sa harap.

"Urgh, bakit naman kasi ako lumingon!? So stupid!" bulong ni Agatha na ngayo’y nakasuot ng itim na gown, Isa itong A-line silhouette na may hiwa hanggang sa hita—na nagpapakita ng kanyang payat na katawan na maihahalintulad sa isang Spanish guitar. Ang kanyang mahabang buhok ay nakapusod, na nagpapakita ng kanyang mahaba, sexy at nakakaakit na leeg.

Nakita ni Thaleon ang napaka-kaakit akit na hitsura ng kanyang amo. Bilang isang normal na lalaki, lalo na isang biyudo tulad niya, natural na napalunok si Thaleon nang makita ang kagandahan at kaseksihan ng asawa ng kanyang amo.

"Ang isang mgandang babae na tulad ni Ma'am Agatha… hays, paano nagawa ni Sir Oscar na ibigay siya sa isang mahirap na katulog na tulad ko! Kawawa naman siya, dapat ay minamahal siya ng kanyang asawa at iniingatan ngunit ang kanyang asawa ay nagbayad ng ibang lalaki para buntisin siya. Pero kasi, kahit ako mismo ay hindi makatanggi… ang pangangailangan ng aking mga anak ang pinakamahalaga para sa akin. Patawarin ninyo ang inyong ama, mga anak ko, ginagawa ko ito para sa inyo. Isang napakadaling trabaho, ang gumawa ng panibagong kapatid para sa inyo. Ngunit, pag nangyari iyon ay kukunin nila sa inyo ang kapatid niyol na parang walang nangyari!" bulong ni Thaleon sa kanyang puso.

Pagdating sa reception desk, agad na nagparehistro si Oscar para mag-check in gamit ang kanyang sariling ID. Nag-book siya ng VVIP room para sa kanyang asawa at sa kanyang katulog na si Thaleon.

Pagkatapos niyang mag-book ng kwarto ay dinala ni Oscar si Thaleon at ang kanyang asawa sa kwarto.

Pagdating sa pinakamataas na floor ng hotel, ang numero 201 ay ang VVIP room na gagamitin nila bilang lugar para isagawa ang pagtatanim ng binhi ni Thaleon sa sinapupunan ni Agatha.

Binuksan ni Oscar ang pinto sa pamamagitan ng pag-swipe ng espesyal na card para sa pagbubukas ng pinto ng kwarto.

Bumukas ang pinto, ipinasok ni Oscar ang kanyang asawa at ang lalaking tagapaglingkod.

Isang malawak na kwarto na puno ng marangyang pasilidad. Nagulat si Thaleon nang makita ang karangyaan ng high-class na kwarto.

Ayon ito sa kahilingan ni Agatha, gusto ni Oscar na maging komportable ang kanyang asawa habang nakikipagtalik sa kanyang tagapaglingkod.

Ewan ko ba, tila ang selos ay wala na sa diksyunaryo ng buhay ni Oscar. Sa halip, nagbigay pa ito ng marangyang kwarto habang ang kanyang asawa at ang katulong nila sa bahay ay gagawa ng nakakabaliw na aktibidad na karaniwang ginagawa lamang ng mga mag-asawa.

"Naku, Sir. Ang laki naman ng kwarto. Mas malaki pa tong kwarto na ito kaysa sa bahay ko sa probinsya!" sabi ni Thaleon na unang beses pa lang makapasok sa isang marangyang hotel room.

"Oo naman, kung magtagumpay ang deal natin at makakapag patayo ka rin ng bahay na mas malaki kaysa sa kwarto ng hotel nato, Thaleon. Tiyak na matutuwa ang mga anak mo, their father will be successful enough and can build a new house in their village!" dagdag na sabi ni Oscar.

Paminsan-minsan ay tinitingnan ng lalaki ang kanyang relo. Nang araw na iyon kasi ay mayroon din siyang appointment sa isa niyang kliyente para sa isang dinner meeting sa hotel na iyon.

Si Agatha naman ay hawak pa rin ang kamay ng kanyang asawa na para bang ayaw niyang iwanan siya ng kanyang asawa. Sobrang hindi komportable para sa babae ang sitwasyong nasa iisang silid siya kasama ang ibang lalaki at wala ang kanyang asawa.

Sa totoo lang, takot na takot si Agatha sa gusto ng asawa.

"Alright, sige na. Aalis na ako. Naghihintay na ang ating kliyente sa restaurant sa lobby. Honey, aalis muna ako sandali ah, pagkatapos naming kumain ng hapunan ni Mr. Lorenzo, uuwi na tayo kaagad. At syempre, dapat ay tapos ka na rin kay Thaleon!" pagpapaalala ni Oscar bago tuluyang umalis ang lalaki.

"Pero, honey! Natatakot ako!" sagot ni Agatha na mukhang kinakabahan.

"Huwag kang matakot! Just pretend that you're making love with me, hmm, honey? Isipin mo lang ang mukha ko, kung kailangan eh patayin mo ang ilaw, just pretend!" sabi ni Oscar upang kumbinsihin ang kanyang asawa.

Si Thaleon naman ay humahanga pa rin sa disenyo ng marangyang silid ng hotel. Bilang isang taga probinsya, siyempre, hindi pa niya nakita ang marangyang disenyo na ganito sa paligid ng kanyang tirahan.

Sa wakas, matapos ni Oscar na kumbinsihin ang kanyang asawa ay tuluyan ng lumabas si Oscar ng silid.

Iniwan ang kanyang asawa na mag-isa kasama ang katulong nila.

"I'm leaving na, see you later. Tandaan mo ang sinabi ko, love! Isipin mo ang mukha ko at patayin mo ang ilaw para matapos mo ito" Ito ang huling mga katagang binitawan ng asawa bago tuluyang isara ni Oscar ang pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 90

    Nang may lakas at katatagan, sinagot ni Thaleon ang tanong ni Irina. "Oo, katulong nga ako ni Ma'am Agatha, ako nga iyon, bakit naman kung binabantayan ko si Ma'am Agatha? Amo ko siya!""What's? Ibig sabihin, ang lalaki noong gabing iyon ay totoo ngang ikaw! Diyos ko por santo...!" hindi na itinuloy

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 89

    "Manahimik ka nga!" gulat ni Thaleon kay Tasyong na kasalukuyang humahagikhik sa kabilang linya. Agad na pinatulan ni Thaleon ang telepono. Sandali siyang napatawa nang bahagya nang maalala ang mga salita ng kanyang katulong."Sadyang may saltik si Tasyong! Eh, aling damo ba ang ipinagugupit ni Agat

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 88

    May katotohanan naman ang mga sinabi ni Tasyong. Maaari ngang pabagsakin ni Thaleon si Arnold Loriano sa pamamagitan ni Agatha. Subalít hindi, nangako na siya sa sarili na hindi isasama si Agatha sa problemang ito. Hindi dahil sa katunayang mayroon silang napakalalim na ugnayan ni Agatha…"Ah, tama

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 87

    Matapos iyon, mabilis na bumaba si Thaleon mula sa kama ng kanyang amo. Ayaw niya rin kasing abalahin ang pagpapahinga ni Agatha."Sige na, aalis na muna ako, magpahinga ka nang mabuti!" ani Thaleon bago lumabas ng silid ni Agatha. Pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas ng silid, na iniwan si A

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 86

    Humigit-kumulang labinlimang minuto, nakarating na sina Thaleon at Agatha sa bahay. Mabilis na binuksan ng lalaki ang pinto ng sasakyan para sa kanyang amo. Bakas kay Thaleon ang pag-aalala at patuloy niyang binabantayan ang kalagayan ni Agatha na tila ba lalong nanghihina."Okay ka lang ba talaga?"

  • Bounded by Contract, Addicted to my Servant   Kabanata 85

    "Ahm, okay, I'm always ready for you!" sagot ni Maureen habang mapaglarong pinipisil ang mahalagang pag-aari ni Oscar.Nagkulay berde na ang ilaw, nagsimula nang umandar ang kanilang sasakyan patungo sa parehong direksyon. Sino ang mag-aakala na si Agatha na noong una ay nakapikit ang mga mata, ay b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status