Share

Breach Of Trust
Breach Of Trust
Author: cas_airen

Simula

"Are you really sure about this? You're just an 18-year-old, Aliyah!" I didn't pay attention to what my cousin Bella said.

18 years old? Yes, but I was 15 years old when my dad died because of his boss. Kung may kakayahan nga lang ako noong 15 ako ay siguradong noon ko pa ito ginawa.

I continue putting red lipstick on my lips to look more mature. I'm serious about my plan. I'll make sure to make him fall in love with me at kapag nasigurado ko na iyon ay iiwan ko siya.

Punong-puno ang galit ko sa kanya, kung pwede lang na manakit ng tao ay ginawa ko na, but I know, for now, heto lang kaya kung gawin. Tinignan ko sa salamin ang buong katawan ko. I am wearing a satin red dress; it's backless, and my upper boobs are showing. Maraming nag-aakala na nasa 20 na ako dahil sa mature kong pangangatawan.

I'm going to do this. I'm going to hurt him. Pagkatapos ko siyang pa-ibigan, hahanap ako ng paraan para masira ang kompanya niya. Mahirap gawin, pero dapat kong gawin. 

"Nakikinig ka ba? Aliyah, this is not a good idea. It's ridiculously planned! Wake up! You're just 18 years old, anong magagawa mo sa isang 26 years old na CEO ng isang malaking kompanya!" Pangaral pa niya.

Inayos ko ang buhok ko at nilagay sa kanang balikat ko lahat. I let my wavy hair hang over my shoulder and let my back expose. Narinig ko ang singhal niya dahil hindi ko siya pinansin. Napairap ako.

"Masaktan ko lang siya at makahanap ng paraan para masira ang kompanya niya ay ayos na ako, Bella. You know why I am doing this," mariin na sambit ko.

Suminghab ito. 

"And you think you can do it?" 

Doon ko na siya tinignan.

"I can do it, Bella. Dapat nga subra pa roon ang gagawin ko, but because I know my capability, heto lang muna ang gagawin ko," seryoso kong sambit.

She combed her own hair with her hand and stared at me from head to toe in frustration.

"How about Kael? Aliyah, you have a boyfriend," mariin na sambit na niya.

"We already broke up. He wants to have a long-distance relationship with me, but I can't give that to him. If he really loves me, hindi niya ako iiwan para sa pangarap niya."

I know that I am a bit selfish. Kael just wants to pursue his dream, but I'm afraid that while I'm not by his side, he'll find someone else, so I better just break up with him. He accepted that, so we are already broken up. Wala ng namamagitan sa'min.

"I can't believe you," mariin at medyo iritadong sambit na ni Bella nang nakatingin na sa'kin na papasok sa taxi.

We have car, pero alam kong kapag nalaman ng ilan pang mga pinsan ko na aalis ako at lalabas ako ngayong gabi ay siguradong pagbabawalan niya ako. Mama said that the CEO of Villaranze Infinite Cruise Line was the reason why Dad died, ito ang rason kaya galit na galit ako sa taong iyon.

I lost my father because of that man. I know that Bella was right when she said, anong magagawa ng 18 years old pa-ibigan ang isang 26 years old na isa sa bachelor sa bansa, But because I want revenge, I will do everything.

Nang mamatay ang ama ko, kasabay non ang pagkawala ko rin ng isang ina na gagabay sakin sa paglaki ko. Mama was there, pero pakiramdam ko ay tuluyan kong nawala ang mama ko. Sa unang taon na wala si papa ay palagi na lang tulala si mama, and that really made my young heart break.

This past few days, I spent my time stalking the CEO of VICL. Naging stalker ako ng ilang araw at gabi para lang malaman ang araw-araw na ginagawa ni Maddix Villaranza.

Maddix Villaranza—that is his name. He is 27 years old and love going to a bar at night; this is the reason why I dressed like this. I'm going to a bar that I know he's going to tonight.

Balita ko rin ay hindi raw ito basta-basta nagtitiwala kaya paniguradong mahihirapan ako na kunin ang loob niya, pero kahit na ganoon ay gagawin ko ang lahat para makuha ang tiwala niya.

Halos mapapikit ako nang makapasok ako. Nakakahilo ang bawat ilaw na sumasayaw sa buong paligid. Kahit na ilang araw at gabi kong sinusundan si Maddix ay hindi ako kailanman nakapasok dito, tanging sa labas lang ako tuwing sunusundan siya, kaya hindi ko maiwasang mahilo sa ilaw na nagsasayaw sa paligid.

This is also my first time going to this kind of place at heto ang isa sa kinababahala ni Bella na baka mapakamak ako.

Nang magawa kong masanay sa nakakahilong ilaw sa paligid ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa loob. I saw some sofa formed in U shaped, at halos umawang ang labi ko nang makita ang ilang naghahalikan sa isang banda.

Abala ako sa pagtingin sa paligid kaya halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa likod ko. Mabilis ko iyong tinulak sa gulat at takot lalo na noong ilapit niya ang sarili sa'kin.

"Oh, I'm sorry. Nagulat ba kita?" Napansin ko ang mapanuyong tingin niya sa'kin. 

He looks like 25 years old or something.

"Ngayon lang kita nakita rito so I can't help to go here and ask for your name. I'm Wendell, by the way," tinaas nito ang kamay.

Napatitig ako roon at hindi alam kong tatanggapin ko ba iyon. Aalis na lang sana ako, pero namataan ko ang ilang mga lalakeng papasok at halos mataranta ako nang makita na isa roon ang taong sadya ko. 

Gusto kong batuhin ng kung anong pwede kong makuha ang pagmumukha niya nang makita ko ang ngiti niya nang may sabihin ang kasamahan nito. Mukhang napansin ng nagpakilalang Wendell ang pagsulyap ko sa mga papasok kaya sumulyap siya roon.

Napasulyap ako sa kanya at biglaang may na-isip. Nakataas pa ang kamay nito kaya mabilis kong tinanggap ang kamay niya. Nagulat ito at sumulyap sa'kin.

"I'm Liya. Bago lang kasi ako rito, but do you know them?" Tanong ko kay Wendell sabay baling sa mga papasok na paniguradong pare-parehong may ari ng malalaking kompanya 

"Of course, I know them. I am one of them," sambit nito na ikinaawang ng labi ko, sunod ay hindi ko na maiwasang mapangiti. 

Tumaas ang kilay niya at biglang natawa.

"Mukhang mali ang babaeng nilapitan ko ngayon. You like one of them?" Natatawang sambit nito.

Kinagat ko ang labi at hindi nakapagsalita. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa bewang. 

"Let's go. Ipapakilala kita," sambit nito rason kaya hinayaan ko ang hawak nito sa bewang ko.

Mabagal ang lakad namin papunta sa inupuan ng mga lalakeng pumasok kanina kasama si Maddix. Mas bumagal ang paglalakad namin nang may mga humarang kay Wendell para batiin siya.

Some also asked who I am, tanging pangalan ko lang ang sinabi ni Wendell sa mga ito.

Malapit na kami sa U shaped sofa na kinauupuan nila nang mapansin na ang pagtitig ng kasamahan ni Wendell at kasama na rito ang lalakeng kinamumuhian ko.

We both looked at each other, and I saw him adjust his sitting position. He raised an eyebrow at me before taking the glass in front of him and drinking from it. He is wearing an expensive watch that grabs attention. I don't know if I saw it right, but I saw his smile when he saw me staring at him, but it disappeared, and his eyes went down to Wendell's hand that was on my waist.

Kumunot ang noo ko at hindi maiwasang magtaka sa binigay nitong tingin. Okay? What was that?

"Ang tagal niyo," panimula ni Wendell kaya napasulyap ako kay Wendell. 

"Mukhang kailangan mong magpasalamat na matagal kami dahil sa katabi mo ngayon, Wendell," natatawang ani ng isa sa kanila.

Muling bumaba ang tingin ko kay Maddix. I bit my lower lips when he remained staring at me, like he didn't care if I saw him staring at me.

Lahat kami ay napasulyap sa kanya nang tumayo siya at nagpamulsa. Pagod itong sumulyap sa'kin at sunod ay kay Wendell.

"Planning to get your own girl, Dix?" It's Wendell.

"Hindi ko na kailangang lumapit sa babae kasi sila ang lalapit sa'kin," hambog na sambit nito.

Napasinghab ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Ang yabang! Ang mga kasama siya ay natawa lang at wala man lang sumaway sa sinabi niya.

Muli ay sumulyap si Maddix sa kamay ni Wendell sa bewang ko at halos mamula ako sa iritasyon sa sunod na sinabi niya.

"Ibalik mo na yan. Mukhang bata pa, marami pang kailangang matutunan. You need a woman who can serve you tonight, hindi batang kailangan alagaan ngayong gabi," he seriously said bago kami lagpasan.

Napasinghab akong ulit. Napamura ang ilang nandoon kasama na si Wendell. Sa irita at galit na naramdaman ko tinanggal ko ang kamay ni Wendell sa bewang ko at hinarap ang lalakeng iyon.

"Liya!" Tawag ni Wendell, pero naiinis ako sa lalakeng 'to. 

Anong akala niya sa'kin? Walang alam? Purket bata walang alam? Anong sabi niya? Batang kailangang alagaan ngayong gabi?

Mabilis ko siyang hinarangan. Tinaasana niya ulit ako ng kilay, then he give me a bored look.

"I'm not a kid!" Inis na sambit ko.

"Oh? Okay?" Mas lalo akong nairita sa naging tugon niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako batang kailangang alangaan ngayong gabi!" Galit na bulyaw ko sa kanya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at biglang sumeryoso.

"Bata ka pa. Wendell is 28 years old. Babaeng gaya ng nasa paligid mo ang kailangan niya, Bata. YouDo you think you can do what those women are doing? Hmmm I don't think so." Natawa ito at tinuro pa ang isang babaeng malapit samin at nakikipaghalikan.

"Umuwi ka na. Hindi ito playground," mariin na sambit pa niya at lalagpasan na sana ako, pero muli ay hinarangan ko siya.

Ramdam ko ang panonood ng mga kasama niya sa'kin, pero hindi ko iyon alintana.

"And what makes you think na hindi ko kaya?" Mariin na ring sambit.

Sumeryoso ang expression niya at umigting ang panga niya. "Why? Are you going to kiss Wendell?"

"Of course not! Bakit pa ako lalayo kung pwede mo namang maranasang mahalikan ng sinasabi mong bata?" Natatawa ngunit may galit pa ring sambit ko.

"Leav--"

Pinulupot ko ang kamay ko sa batok niya bago idampi ang labi ko sa labi niya. This is not my first kiss kaya walang pagdadalawang isip ko iyong ginawa. I should just give him a smack, pero naimulat ko ang mata ko sa gulat nang hawakan niya ang likod ko at hinila para mas mahalikan ako.

Kung hindi niya lang ako hawak ay paniguradong napahiga na ako sa sahig. Nanlalambot ang mga tuhod ko at hindi ko maiwasang mabigla sa paraan ng halik niya, walang panama sa halik ni Kael. 

Shit!

Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang ungol ko nang ipasok nito ang dila sa labi ko at marahas na hinalikan na animo'y uhaw na uhaw. 

Gulat at halos tulala ako nang lumayo siya. Nagawa pa niyang iguhit sa likod ko ang hugis bilog gamit ang daliri niya rason kaya nakaramdam ako ng kuryenteng animo'y dumaloy sa buong katawan ko.

"See? You're just a kid. Umuwi ka na at huwag kang maglaro sa mga lugar na ganito," sambit nito bago ako bitawan at iwan roon. 

Nagpasalamat ako nang lapitan ako ni Wendell. Humawak ako sa kanya para alalayan ang sarili. Damn! What was that?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status