Share

Chapter 1

“Congratulations, Nathalia!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ko habang nagkakasiyahan kaming lahat sa nightclub ng isang hotel.

Inabutan nila ako ng alak at pina-shot ‘yon sa ‘kin. Dahil ayaw kong maging kill joy sa gabing iyon, tuloy-tuloy kong tinanggap ang walang tigil na pag-aabot nila ng alak.  

Inabot nina Esekia ang panibagong hard core drink. Nailayo ko ang glass sa aking bibig matapos i-straight shot ang alak na nagkatapon-tapon na sa gilid ng labi ko!

“Damn! What are you, guys?! A tequila machine?”

May mga nag-i-splash na ng alak sa paligid. My college batchmates and classmates are so wild. Marami akong kakilala na narito ngayon sa nightclub sa malaking hotel. Weekend kasi at ako na rin ang nagyaya ng party para mag-celebrate ng achievement kasama sila. Parte na ako ng isa sa pinakamalaking modeling agency sa bansa at ambassadress ng isang kilalang brand.

“More success to come, Nathalia Amaris! Cheers!”

Patuloy ang maingay na tawanan at kantyawan ng lahat habang nagsasayaw kami sa dance floor.

“Thank you! Thank you!” Ang saya-saya ko ngayon. Parang ayaw kong matapos ang gabi at ang tanging gusto ko lang ay sumayaw kasabay ng maingay na tugtugin ng club.

“Isang sexy dance naman diyan, oh!” kantyaw nila at tinulak ako sa pinakagitna. Tumawa ako at lasing na sumunod.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinaglandas ang aking kamay sa katawan sa saliw ng tugtugin. I ran my fingers through my hair and swayed my body.

Damang-dama ko ang kantang tinutugtog ng DJ. Maingay iyon. Wala na halos nagkakarinigan sa sobrang lakas at ingay ng nightclub.

“Woah, sexy!” Boys were cheering me. I felt the validation I thought I needed... it is toxic, it’s wrong, but what can I do? I don’t know anything other than working hard to please and satisfy other people.

Aamin ko, uhaw ako sa atensyon. I like being someone’s interest. It’s like an addiction... wanting to be seen, heard, and recognised.

My parents are always busy. Ang daddy ko ay walang pakialam sa akin. Lagi niya na lang nakikita ang kuya ko kahit pa hindi niya iyon tunay na anak.

Pakiramdam ko nga ay basura lahat ng achievements ko sa buhay dahil hindi naman iyon nagma-matter kay Dad. He doesn’t care about what I do.

Kapag gumawa ako ng kalokohan, baka sakaling mapansin niya ako sa wakas. Baka sakaling maintriga siya kung ano ang ginagawa ko sa buhay. Na baka maalala niyang may anak siya, totoong anak at hindi ang step son niyang si Kuya Cielo.

“Come on, Nathalia! Sumayaw pa tayo!”

“Ayaw ko na, Sek... hindi na ako makatayo!” naiiling kong sagot sa gitna ng dance floor. My legs are now tired. I want to throw myself in a soft bed and fall deeply asleep!

Hinahawi ko na ang mga nadaraanan sa crowd para marating lang ang couch at ang table na inookupa namin. Napahawak ako sa tapat ng aking bibig dahil nasusuka na ako.

I feel so sick! I feel like throwing up! Parang may humahalukay na sa tiyan ko at pumipikit na lang ako dahil pati ang ilaw ng club ay masakit sa mata.

Pagkahakbang na pagkahakbang ko pa lamang palayo sa mga nagsisiksikan sa dance floor ay halos saluhin na ako ng mga kaibigan ko. I was so drunk and I can barely stand.

Lasing kong itinuro ang dalawang tao sa couch na naglilingkisan. “Hey, that’s too much! Get a room, you two!”

“Inggit ka na naman, Nat! Kung gusto mo rin, halika at hahanapan ka namin!” akbay sa akin ng isang kaibigan.

“Hoy, hanapan n’yo nga ‘tong si Nathalia ng magpapainit sa kaniyang malamig na gabi!” lasing na sabi nito at hinila ako sa mga kasama namin.

“Nah, I’m fine alone.” Tinaas ko ang dalawang kamay para pigilan ang trip nila.

“You shouldn’t be alone tonight! Kami ang bahala sa ‘yo, come on!”

Sobrang ingay ng mga kasama ko sa table. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko at pati sila, pero isa ang sigurado ako... ang saya ngayong gabi.

“Nats, oh.”

May lalaki sa dinaraanan ko ang ngumiti at nag-abot ng drink bago muling nakihalubilo sa mga kasama.

“Thanks!” Wala sa sarili ko iyong kinuha nang biglang mahagip ng paningin ko ang grupo nina Matt, my latest crush, at ang kaniyang mga barkada sa Engineering. They’re two years ahead of us and graduating in college.

Natigilan ako nang makitang nakatingin sa akin ang crush kong si Matt, kabanda ni Eros Costalejo na pinsan naman ng kaibigan naming si Archie Costalejo. He’s tall, handsome, and someone who is good with instruments.

Kaya nga crush ko siya. Kasi ang galing niyang tumugtog at kumanta!

“Si Matt!” Nginuso ni Sekia sina Matteo kahit nakatingin na ako roon at saka binunggo ang aking balikat.

Umiling-iling ang crush ko habang nakatingin sa akin. Salubong ang kilay nito at madilim ang mga mata. Nakita niya yata ang paglapit ng lalaki at ang ginawa kong pagtanggap sa inumin. Inabot nito ang hawak na vodka sa kasama habang umiiling sa kaibigan bago tumalikod at naglakad paalis.

Natigilan ako. Lalapitan ko pa sana siya kung hindi lang ako nahilo at napilitang bumalik sa couch. Pinigilan din ako nina Esekia.

“We have a better plan! Halata naman na crush ka rin ni Matt! Ang kupad! Gusto pa yatang siya ang ligawan!” tudyo nila.

“Alam ko na! How about we set you up with Matt tonight? You know!” Sinundan iyon ng kanilang hagikgik.

Tila intriga ‘yon sa mga kaklase. Nagtinginan sila’t hindi nagtagal ay nagsisang-ayon sa planong laro... at ako ang taya ngayong gabi.

“Stop it, Sek... you know I don’t do one night stands, at hindi ko pa iyan nagagawa. Nako, tigilan ninyo nga muna ako at sobrang sakit sa ulo!” naiiling na sambit ko sa kanila at hindi ko namalayang nainom ko ang bigay na drink ng lalaki kanina.

“Edi, ito na nga ang pagkakataon! Come on, Nathalia! It’ll be fun! Si Matteo na ‘yan, oh!”

Umiling ulit ako. Damn, sana pala hindi na lang ako nagpatuloy ng party gayong hindi sina Jade ang kasama ko kundi mga blockmate ko.

One night stand isn’t my thing. Kahit lagi kaming puma-party at nagliliwaliw sa mga ganitong lugar, I’ve never done it with anyone yet. Ni wala akong boyfriend.

Paulit-ulit ko silang sinasaway kahit nananakit na ang ulo ko. Hilong-hilo na ako sa alak. Hindi ko ba alam kung bakit tila nag-iinit ang pakiramdam ko. Para bang may nainom akong hindi ko maintindihan sa pakiramdam...

“Minsan lang, Nathalia! Just for fun and experience! Don’t worry, hindi naman makakarating sa parents mo o sa iba nating classmates. Atin-atin lang,” sabi ni Charri at humalakhak.

“Stop it, Sek... senior natin ang mga ‘yon, eh,” sabi ni Charri, hindi gusto ang ideya.

“Eh, ‘di mas lalong ima-mine. Halika!” Hinila ni Sekia si Charri para isagawa ang kanilang planong laro.

“Tonight, Matteo’s going to be yours! Ibalita mo sa amin kung totoo ba ang balita na magaling siya sa kama!” Iyon lang ang tumatak sa intoxicated kong sistema nang sandaling ‘yon.

Hindi ko na alam kung anong nangyari at kung paanong napunta ako sa tapat ng pinto ng isang room ng hotel kung nasaan kami. I was so drunk and I couldn’t even walk straight anymore.

Lutang akong napatingin sa maliit na foil na nasa aking kamay.

I brushed my fingers through my hair. Sinubukan kong maglakad sa hallway kaya lang pagewang-gewang ang lakad ko at hindi pa nakatulong ang init na lumulukob sa aking sistema. What the hell’s happening to me?

Panay ang hatak ko sa neckline ng aking damit. Pakiramdam ko nagliliyab ang paligid sa init. There’s an intense sensation that I don’t know how to relieve.

Napaangat ako ng tingin sa mga kwarto. Kakatok pa lamang ako sa isang pinto ay bumukas na iyon. Nawalan na ako ng balanse dahil balak ko ring sumandal doon para sana’y maibsan ang nananakit kong ulo. Natumba ako sa isang matangkad na lalaki.

Kahit nanlalabo ang mga mata ay nag-angat ako ng tingin. Ang gwapo at ang tangkad.

Teka, bakit parang mas tumangkad si Matt?

“H-Hi, Matt!”

Nangunot ang noo nito habang hawak ang lower back ko. Napatingin ako sa mapungay nitong mga mata. Namumula na rin siya at parehas kaming amoy alak.

“Matt? Who’s that?”

Malalim ang boses nito. Pati tingin niya malalim din. Para nga akong nananaginip. Grabe, he’s so handsome!

Pati ako ay nagtaka sa kaniyang tanong pero masiyado na akong hilo para punain pa iyon. Nagkibit-balikat ako at siniil na lamang ito ng halik. Tama sina Sekia... I should just have fun tonight.

I was so drunk and I couldn’t think of anything anymore. Sa malambot niyang mga labi ay nalasahan ko ang tamis.

Nagulat siya sa ginawa ko. Ni hindi niya sinuklian ang halik. Siguro’y mali lamang sina Sekia sa sinabi nilang gusto ako ni Matt!

Lalayo na sana ako ngunit humigpit ang kamay nitong nakahawak sa bewang ko. Hinapit niya ako palapit at tinagilid ang ulo para palalimin lalo ang halik, his other hand traveling north to reach my jaw.

Halos panindigan ako ng balahibo sa paraan ng paghaplos niya paangat sa aking baba. Mahinag nagmura ang lalaki. Mas dumiin at pumusok ang bawat halik namin.

Hindi ko na namalayan ang tuluyan naming pagpasok sa hotel room na iyon. Isinandal niya ako sa pinto habang walang nagpapaawat sa amin. Para kaming nagtatagisan sa paligsahan kung sinong mas magaling... and unfortunately, his damn ass is competitive!

“Hmm, you’re good,” mahina at napapaos ang boses na bulong niya. “Damn! My friends really told you to come here? Kung alam ko lang na ganito ka kagaling humalik, sana sinama na kita rito kanina pa.”  

He chuckled playfully, at kasunod na lamang niyon ay naramdaman ko ang pagsasara ng pinto ng hotel room na iyon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status