Share

Chapter 9

“Where are we?” tanong ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Hindi ko na namalayan kung gaano ito kalayo mula sa mansyon o sa university na pinapasukan ko pero tantiya ko’y hindi naman ganoon kalayo. “Nasaan tayo? Is this even your house?”

Hindi niya pa rin ako sinasagot. Sa halip ay binuksan niya ang pinto sa driver’s seat at bumaba. Napaawang na lang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala. Agad akong bumaba para sumunod sa kaniya at pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa sementadong daan ay bumungad na ang malakas na hangin na sumabog sa buhok ko.

Malamig ang hangin dito, malakas, at malaya ang ikot. It is evident with the trees around. Ibig sabihin ay walang gaanong building sa paligid. Tahimik din kahit may mga bahay sa kalapit.

“Isles! Are you for real? B-Bahay mo ba talaga ito? Bakit mo ako dinala rito?” Sinundan ko siya nang lumapit siya sa gate at binuksan ‘yon.

“Yes. Yes again. And third, because you’ll live here from now on and your father gave his permission,” s
Tila Reav

Hello! Every other day po ang updates ng Breaking His Law. Pwede ninyo po akong i-follow rito for more updates and notes. Thank you! Hope you'll enjoy reading Isles and Nathalia :))

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status