LOGIN
JYRONE
Kalalabas ko lang sa meeting room, ginagampanan ang tungkulin ko bilang COO ng Policarpio Corp. At ngayon ay papunta naman ako sa isa pang meeting. Meeting namin ni Ferly Himenez, OB-GYN sa isa sa mga kilalang private hospital sa bansa. Kung kanina ay hindi ako makangiti kasama ang marketing at finance heads, ngayon ay hindi na mawala ang ngiti ko. Paanong hindi ako mapapangiti? Ngayon ang unang araw na susunduin ko si Ferly bilang girlfriend ko. Matapos ang tatlong buwang panliligaw, nakuha ko rin ang matamis niyang oo. Bitbit ang bouquet ng pulang rosas at isang matamis na ngiti, confident at cool akong naglalakad sa pasilyo patungo sa clinic ni Ferly. Kumatok ako ng isang beses bago pumasok. Mas napangiti pa ako nang makita siyang nanlalaki ang mga mata at napatigil sa ginagawa niya. “Hi,” sabi ko. “For you…” Inabot ko sa kanya ang bulaklak. “Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.” “You’re welcome, darling…” malambing kong sabi habang hinawakan ang kamay niya at marahang hinalikan ang likod noon. Ilang beses siyang napakurap, saka dahan-dahang binawi ang kamay at pasimpleng tinapik ang pisngi. Hindi ko mapigilan ang ngiti. Bumalik sa alaala ko ang panahong nasa kolehiyo pa kami. Ibang-iba siya sa mga nakarelasyon ko. Ayaw niyang pahalik, ayaw payakap, ni hawak sa kamay ay bawal. Patago rin ang aming relasyon. Sa tuwing mag-aaya akong mamasyal, tumatanggi siya. Kaya para akong batang gutom na naglalaway sa ulam na hindi pwedeng galawin. “Ready ka na ba, darling…” Lumapit ako sa kanya. Tumayo sa likuran niya at minasahe ang balikat niya. “Jyrone…” Tumingala siya, parang pinagbabawalan akong hawakan siya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tainga niya, saktong maramdaman niya ang hininga ko. “Relax… I’m just giving you a massage. I’m not going to eat you.” Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, at parang napigil pa nito ang paghinga. “Just breathe…” bulong ko ulit habang ang kamay ko ay patuloy na humihilot sa may leeg niya. Kita kong napapikit siya, nasasarapan sa kada pisil at haplos ko. Hindi ko naman napigilan ang mapakagat-labi. Ang lamig dito sa clinic niya, pero ang init ng pakiramdam ko. Kung noon, hindi ko nagagawa ito sa kanya. Hanggang tingin lang ako. Ngayon, hindi na puwede. Mas inilapit ko pa ang mukha ko. Labi ko, halos dumikit na sa pisngi niya. “Jyrone… that’s enough.” Hinahawakan niya ang kamay ko, pinipigil na bumaba sa may collarbone niya. “Why? Am I not doing it right? Doesn’t it feel good?” “It does…” Natiim niya sandali ang labi, halatang nahihiya. “But someone might walk in…” Tumingin siya sa may pinto. “Tapos na ang clinic hours mo, right? There’s no one coming in here,” seryoso kong sabi. “Oo, tapos na… kaya alis na tayo…” Tumayo siya nang muli kong inilapat ang palad ko sa balikat niya. “Let’s go…” Dinampot niya ang bag at bulaklak, saka naunang lumakad papunta sa pinto. Napapailing na lamang ako, natatawa rin. Sa edad niyang beinte-siyete, para pa rin siyang dalagita kung umasta. Parang noon lang, kahit mag-syota na kami, dumidistansya pa rin siya. “Jyrone, halika na…” tawag niya ulit nang mabuksan niya ang pinto. Patakbo naman akong lumapit. Akmang hahawakan siya, ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko sa baywang niya, nauna na siyang lumabas, iniwan ako. Napakamot na lang ako sa ulo. Ang ilap pa rin talaga niya. Pero ayos lang. In time, mapaamo ko rin siya. At saka, iyong pagiging mailap niya, iyon naman ang nagustuhan ko sa kanya. Ako nga na maparaan pagdating sa mga babae, hindi umubra sa kanya—ang iba pa kaya. “Darling, wait for me…” Napalingon siya nang binawi ko ang bag niya at hinawakan ko ang kamay niya. “Jyrone…” Akmang babawiin niya. Umiling ako. Huminto sa paglalakad at pinihit siya paharap sa akin. Matiim ko siyang tinitigan sa mata. “I love you, Ferly. So please… hayaan mo akong iparamdam sa’yo… Don’t push me away.” I don’t care if I sound too much. She needs to know… I won’t let her slip away again. Not this time. Not ever. If she tries to pull back, I’ll pull her closer… because losing her isn’t something I’ll allow a second time…“Jyrone…”Saglit akong lumingon kay Ferly nang tawagin niya ako, pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko sa kalsada.Pabalik na kami sa Manila. At kanina ko pa napapansin na panay ang sulyap niya sa akin.Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Daniel. Hindi na ako makatingin nang diretso sa kanya. Pinipilit ko namang maging normal pa rin ang kilos ko, pero ang galit na naipon dito sa dibdib ko, hindi ko maalis.Nakikita ko pa rin ang mukha niya. Ang mga titig niya habang sinasabi niyang layuan ko si Ferly.Damn it.Sobrang kapal ng mukha niya.Hindi ko maintindihan… anong klaseng laro ng tadhana ito?Bakit ang hayop na lalaking iyon pa ang naging stepfather ni Ferly?Okay na ang buhay ko. Masaya na ako, kasi may isang taong itinuturing akong anak kahit hindi ko kadugo.Napahigpit ang hawak ko sa manibela.“Anong sinabi ni Papa?” tanong ni Ferly.Muli akong sumulyap sa kanya at pilit na ngumiti.“Jyrone, tell me…” bakas ang kaba sa boses niya. “May ginawa ba siya? May masakit ba siyang s
Tumiim ang panga niya. Mas tumalim ang tingin sa akin. Pero hindi nagawang sumagot.Umangat ang sulok ng labi ko.“Cat got your tongue?”“Jyrone… just leave.”“Why?” tanong ko. Malamig ang boses ko, pero buong katawan ko nag-iinit. Ramdam ko ang kada pintig ng ugat sa sintido ko.“You know why,” sagot niya.“Wala akong alam… hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo…”Gaya ng ginawa ko kanina, lumapit siya nang isang hakbang.“Don’t make things complicated. Don’t make this situation harder—”“Harder?” Putol ko sa sinabi niya. “Ano ba ang ginawa ko? Kung mayro’n mang nagpapahirap at ginawang komplikado ang sitwasyon, ikaw ’yon!” Diniin ko ang daliri ko sa dibdib niya.Hinayaan niya lang. Pero sa titig niya sa akin, parang gusto na niya akong itapon palabas.“Stepfather ka lang, pero kung umasta ka, parang tunay na ama!”Kita ko ang pagtiim ng panga niya. Kumuyom ang kamao, na parang isang maling salita ko pa, lilipad na ang kamao niya sa mukha ko.“Yes, I’m just a stepfather, but I’m s
Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking mabagal ang lakad papunta sa mesa. Habang papalapit sila, parang may humihigpit na lubid sa dibdib ko.Kahit parang ang bigat ng katawan ko, tumayo ako, at agad kumapit si Ferly sa braso ko.“Jyrone, this is my stepdad, Papa Daniel,” sabi ni Ferly.Naglahad si Daniel ng kamay. Napatingin ako sa kamay niya, hindi ko alam kung hahawakan ko o hindi.“Jyrone…” Hinaplos ni Ferly ang braso ko.Ngumiti ako. Nakipagkamay sa kanya, sinusubukang maging normal ang pakikitungo ko.“Good morning po…” bati ko, pero agad akong umiwas ng tingin. Ibinalik ko ang tingin kay Ferly na napapatingin sa Mama at Lola niya.“Sit down…” Sumenyas ni Daniel.Inalalayan ko si Ferly na umupo, at umupo na rin ako. Pero palihim kong pinahid ang palad ko sa pants ko.Gusto kong maalis ang kahit anong bakas ng kamay ni Daniel sa palad ko.Tumikhim siya. Napaangat ako ng ulo at napalingon sa kanya. Pero napalingon kay Ferly nang tumunog ang phone niya. “Excuse me, po… sasagutin k
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang mga kahon ng regalo bago ko inutusan ang mga kasambahay na ihatid ang mga iyon sa kotse.Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa na sa wakas makikilala ko na ang pamilya ni Ferly, o dapat ba akong kabahan dahil sobrang strikto raw ng pamilya niya.Noong gabing nag-propose ako, buo na ang plano kong kilalanin agad ang pamilya niya at diretsong sabihin na gusto kong hingin ang kamay niya. Pero hindi pumayag si Ferly. Ayaw niyang gulatin ang pamilya niya. Masyado raw mabilis, parang hindi totoo; baka isipin nilang buntis siya, at imbes na pumayag sila, paghihiwalayin pa kami.Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.At ngayon, matapos ang isang buwang paghihintay, heto na. Ang araw ng paghaharap.Napatingin ako sa relo, saka dinukot ang phone para tawagan siya.“Ready ka na ba?” tanong ko nang sagutin niya.“Yes…” mahinang sagot niya.“Okay. Hintayin mo ako.” Kahit hindi ko siya nakikita, rinig ko sa boses niya ang ng
Hindi siya sumagot. Tumitig lang, at sa klase ng tingin na iyon, parang bumaba ang guard niya.At ewan ko ba, para akong hinihila papalapit. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanya.Gumanti siya. Saglit lang, but damn… parang may sumabog na fireworks sa dibdib.Hinapit ko ang baywang niya.“Jyrone…” Umatras siya, namula, saka tumikhim.“Let’s go. I’m hungry.”Narinig ko ang sinabi niya, pero para akong nabingi. Hinawakan ko ang labi ko na parang nahalikan ako ng diwata.“Darling…” Lumapit ako sa kanya, hindi mapigilan ang ngiti. “You kissed me back, right?”Hindi siya sumagot. Nagkibit-balikat lang.“Halika na,” sabi niya, tapos hinila niya ang braso ko.At nagpaubaya ako. Siyempre. Mahal ko, eh. Kahit saan niya ako dalhin, automatic na susunod ako.Habang naglalakad kami palabas, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.Siya naman, pasimpleng susulyap sa akin, tapos iiwas bigla kapag nahuli ko. Parang nakatikim ng bawal na masarap.Sa sobrang lutang k
JYRONEKalalabas ko lang sa meeting room, ginagampanan ang tungkulin ko bilang COO ng Policarpio Corp. At ngayon ay papunta naman ako sa isa pang meeting. Meeting namin ni Ferly Himenez, OB-GYN sa isa sa mga kilalang private hospital sa bansa.Kung kanina ay hindi ako makangiti kasama ang marketing at finance heads, ngayon ay hindi na mawala ang ngiti ko.Paanong hindi ako mapapangiti? Ngayon ang unang araw na susunduin ko si Ferly bilang girlfriend ko.Matapos ang tatlong buwang panliligaw, nakuha ko rin ang matamis niyang oo.Bitbit ang bouquet ng pulang rosas at isang matamis na ngiti, confident at cool akong naglalakad sa pasilyo patungo sa clinic ni Ferly.Kumatok ako ng isang beses bago pumasok. Mas napangiti pa ako nang makita siyang nanlalaki ang mga mata at napatigil sa ginagawa niya.“Hi,” sabi ko. “For you…” Inabot ko sa kanya ang bulaklak.“Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.”







