LOGINJYRONE
Kalalabas ko lang sa meeting room, ginagampanan ang tungkulin ko bilang COO ng Policarpio Corp. At ngayon ay papunta naman ako sa isa pang meeting. Meeting namin ni Ferly Himenez, OB-GYN sa isa sa mga kilalang private hospital sa bansa.
Kung kanina ay hindi ako makangiti kasama ang marketing at finance heads, ngayon ay hindi na mawala ang ngiti ko.
Paanong hindi ako mapapangiti? Ngayon ang unang araw na susunduin ko si Ferly bilang girlfriend ko.Matapos ang tatlong buwang panliligaw, nakuha ko rin ang matamis niyang oo.Bitbit ang bouquet ng pulang rosas at isang matamis na ngiti, confident at cool akong naglalakad sa pasilyo patungo sa clinic ni Ferly.
Kumatok ako ng isang beses bago pumasok. Mas napangiti pa ako nang makita siyang nanlalaki ang mga mata at napatigil sa ginagawa niya.
“Hi,” sabi ko. “For you…” Inabot ko sa kanya ang bulaklak.
“Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.”
“You’re welcome, darling…” malambing kong sabi habang hinawakan ang kamay niya at marahang hinalikan ang likod noon.
Ilang beses siyang napakurap, saka dahan-dahang binawi ang kamay at pasimpleng tinapik ang pisngi.
Hindi ko mapigilan ang ngiti. Bumalik sa alaala ko ang panahong nasa kolehiyo pa kami.
Ibang-iba siya sa mga nakarelasyon ko. Ayaw niyang pahalik, ayaw payakap, ni hawak sa kamay ay bawal.Patago rin ang aming relasyon. Sa tuwing mag-aaya akong mamasyal, tumatanggi siya. Kaya para akong batang gutom na naglalaway sa ulam na hindi pwedeng galawin.“Ready ka na ba, darling…” Lumapit ako sa kanya. Tumayo sa likuran niya at minasahe ang balikat niya.
“Jyrone…” Tumingala siya, parang pinagbabawalan akong hawakan siya.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tainga niya, saktong maramdaman niya ang hininga ko.
“Relax… I’m just giving you a massage. I’m not going to eat you.”Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, at parang napigil pa nito ang paghinga.
“Just breathe…” bulong ko ulit habang ang kamay ko ay patuloy na humihilot sa may leeg niya.Kita kong napapikit siya, nasasarapan sa kada pisil at haplos ko. Hindi ko naman napigilan ang mapakagat-labi. Ang lamig dito sa clinic niya, pero ang init ng pakiramdam ko.
Kung noon, hindi ko nagagawa ito sa kanya. Hanggang tingin lang ako. Ngayon, hindi na puwede.
Mas inilapit ko pa ang mukha ko. Labi ko, halos dumikit na sa pisngi niya.
“Jyrone… that’s enough,” bulong niya habang hinahawakan ang kamay ko, pinipigil na bumaba sa may collarbone niya.
“Why? Am I not doing it right? Doesn’t it feel good?”
“It does…” Natiim niya sandali ang labi, halatang nahihiya. “But someone might walk in…” Tumingin siya sa may pinto.
“Tapos na ang clinic hours mo, right? There’s no one coming in here,” seryoso kong sabi.
“Oo, tapos na… kaya alis na tayo…” Tumayo siya nang muli kong inilapat ang palad ko sa balikat niya.
“Let’s go…” Dinampot niya ang bag at bulaklak, saka naunang lumakad papunta sa pinto.
Napapailing na lamang ako, natatawa rin. Sa edad niyang beinte-siyete, para pa rin siyang dalagita kung umasta. Parang noon lang, kahit mag-syota na kami, dumidistansya pa rin siya.
“Jyrone, halika na…” tawag niya ulit nang mabuksan niya ang pinto.
Patakbo naman akong lumapit. Akmang hahawakan siya, ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko sa baywang niya, nauna na siyang lumabas, iniwan ako.
Napakamot na lang ako sa ulo. Ang ilap pa rin talaga niya. Pero ayos lang. In time, mapaamo ko rin siya. At saka, iyong pagiging mailap niya, iyon naman ang nagustuhan ko sa kanya.
Ako nga na maparaan pagdating sa mga babae, hindi umubra sa kanya—ang iba pa kaya.“Darling, wait for me…”
Napalingon siya nang binawi ko ang bag niya at hinawakan ko ang kamay niya.
“Jyrone…” Akmang babawiin niya.
Umiling ako. Huminto sa paglalakad at pinihit siya paharap sa akin. Matiim ko siyang tinitigan sa mata.
“I love you, Ferly. So please… hayaan mo akong iparamdam sa’yo… Don’t push me away.”
I don’t care if I sound too much.
She needs to know… I won’t let her slip away again.Not this time.Not ever.If she tries to pull back, I’ll pull her closer… because losing her isn’t something I’ll allow a second time…Dumeritso kami sa outpatient department. Maraming tao sa paligid, at amoy antiseptic ang hangin. Hindi ko alam kung bakit parang na-te-tense ako, gayong kanina ay ang yabang kong sabihing okay lang ako.Pero ngayong nandito na kami, napapadasal naman ako na sana nga wala akong malubhang pinsala sa katawan.Hawak ko ang kamay ni Ferly nang pumasok kami. Agad siyang binati ng nurse na kilala niya at tinanong kung ano ang nangyari sa amin.“Naaksidente po,” sagot ni Ferly.Habang si Calvin, tahimik lang na pinagmamasdan kami.Pinaupo kami sa magkahiwalay na exam beds na may manipis na kurtinang nagsilbing harang. Habang inaabot ng nurse ang mga form, ramdam ko ang sakit sa balikat ko sa bawat galaw. Pero pinilit kong huwag ipahalata ang discomfort. Matalas ang mga mata ni Ferly. Lahat napapansin.Ilang sandali pa, pumasok ang doctor. Kalbo, may suot na salamin, at may bitbit na chart. Isinabit niya ang stethoscope sa leeg at inilapag ang reflex hammer sa maliit na tray.“Neck pain?” tan
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Ferly.Masakit pa rin, ang sikip ng dibdib ko dahil sa titig niya kay Calvin. Tapos bigla siyang kumilos. Lumapit siya sa akin. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Ang lamig ng mga kamay niyang kumapit sa braso ko, pero wala pa rin sa akin ang tingin niya.“Calvin…” paos, nanginginig ang boses niya. “Nasaan sina Mama at Papa? Anong nangyari sa kanila?”Sunod-sunod ang patak ng luha niya, kasabay ng tanong niya.Napakurap-kurap si Calvin. Umawang ang labi, akmang magsasalita, pero hindi na natuloy dahil sa boses ni Ferly na parang sinisisi siya.Maging ako ay nagulat, at napatitig sa kanya.“Sinundo mo sila,” dugtong ni Ferly, basag na ang boses. “Ikaw ang nagpresenta na sunduin sila sa apartment. Sabi mo dadalhin mo sila sa hospital. Ligtas ba sila? Please sabihin mo sa akin na ligtas sila.”Doon ko na-realize.Hindi siya kay Calvin nag-aalala. Ang concern na titig na ginawa niya kanina aypara sa mga magulang niya.Kasabay ng p
Biglang pumutok ang airbags, malakas ang hampas noon sa mukha at katawan ko.Napasinghap ako, parang naubos ang hangin sa dibdib ko habang nalalanghap ang alikabok at ang amoy ng goma at kemikal mula sa airbag.“Sh*t,” narinig kong mura ni Leandro.Agad akong napalingon sa kanya. Hawak niya ang leeg niya, nakapikit, bahagyang nanginginig ang mga daliri. Mabagal ang galaw niya, pero rinig ko ang mabigat niyang paghinga na parang pilit niyang tinitiis ang sakit.“Are you okay?” tanong ko, paos ang boses.Tumango siya pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa leeg. “My neck… damn.”Masakit din ang batok ko. May kirot na gumagapang mula balikat pababa sa likod ko. Pero hindi ko maalis ang tingin sa kapatid ko. Kalalabas lang niya ng ospital, tapos heto at na-aksidente naman.Mabuti na lang at mabagal na ang takbo ko. Paliko na kasi kami, at ilang metro na lang ang layo sa Policarpio Corp. Kung nagkataong mabilis, hindi lang ganito ang inabot namin.Maya maya ay nagawa ko ring gumalaw. Binuks
Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang, parang natutuwa sa gulong kinasangkutan ko.“Bro…”Agad akong napalingon sa kapatid ko.Ang lungkot ng boses niya, bagsak ang balikat, halatang nanghihina, parang sisiw na basa.Pinisil ko ang balikat niya at nginitian siya ng tipid. Gumanti siya ng ngiti. “Salamat,” pero ang tamlay ng boses niya. “Kung hindi ka sumama, siguro nasa dilim pa rin ako. Siguro naloko na ako. Walang ka-alam-alam na pinaglalaruan lang pala ako.”Kumuyom ang kamao niya, pero wala na sa akin ang tingin. Nasa mga paa niya, mabagal ang kada hakbang.Kitang-kita ko ring tumiim ang panga niya, sabay mabilis na pahid ng luha sa gilid ng mata.Umakbay ako sa kanya. Hinila ko siya palapit sa akin, parang niyayakap niya ako pabalik, may kasamang gigil.“Wala ’yon. Masaya ako. Sa wakas, nabuksan na ang isip mo.” Tinapik-tapik ko ang likod niya. “Alam kong masakit, pero magiging okay ka rin.”Huminga siya nang malalim. “Oo. Masakit… wala e. Kasalanan ko. Nagbulag-bulagan ako.”Sa
Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napakamot ako sa ulo. Naalala ko ang pangako kong ako mismo ang susundo sa kanya sa araw ng discharge niya, pero nawala sa isip ko dahil sa kasal namin ni Ferly.Umupo ako sa tabi, pero seryosong titig ang sagot niya.“Sorry, bro… nawala sa isip ko…” Mahina ko siyang binangga sa braso. “‘Wag ka na magtampo, oh…”Tingin pa rin ang sagot niya, pero sa leeg ko nakatutok ang mata niya, at bigla niyang hinawi ang kuwelyo ko.Agad kong tinakpan. Sumenyas pa akong tumahimik siya sabay lingon sa likuran ko.“Kaya nakalimutan mo ako dahil—” Tinakpan ko ang bibig niya.“Sinabing tumahimik ka…”Inalis niya ang kamay ko at tumayo. “Why? Alam naman nila Mama at Papa ang tungkol sa inyo ni Ferly.”Naduro ko s
JyroneSabay kaming nagising sa tunog ng cellphone. Sabay gumalaw ang mga kamay namin. Nag-unat siya, pikit-mata, at inabot ang phone sa bedside table.Halatang antok at napipilitan pang gumalaw.Umupo ako at sinandal ang likod sa headboard. Siya rin, umupo at isinandal ang ulo sa balikat ko.Hinalikan ko ang noo niya. Ngiti ang sagot niya, kasabay ng senyas na tumahimik ako. Ipinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag.“Mama?” paos niyang sabi.Inalis ko sa tainga niya ang phone at pinindot ang loudspeaker.Gusto kong marinig ang usapan nila. Baka gagawa na naman sila ng paraan para mailayo sa akin si Ferly.“Napatawag ka po?” tanong ni Ferly.Hinawakan ko ang isang kamay niya, pinisil, saka hinalikan ang likod ng palad niya.“Gusto ko lang ipaalam sa’yo na nandito kami sa hospital.”“Huh? Bakit po?” tumaas ang boses ni Ferly. “Ano po ang nangyari?” Napaupo siya nang maayos. Hindi na mapakali. Halatang nag-aalala.Hinaplos ko ang kamay niya, sinubukang pakalmahin siya.“Walang nang



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



