Compartir

Chapter 45—The Call

Autor: sweetjelly
last update Fecha de publicación: 2026-02-16 20:28:00
Napangiwi si Mine na tumitig muna sa kanya bago tinanggap ang kamay ni Leandro.

Akmang hahalikan pa ni Leandro ang likod ng kamay niya, pero hinablot ni Mine.

Nasapo ni Jyrone ang noo niya. Sabay pa kaming napailing.

“Ganyan ka rin ba niligawan ng kapatid niya?” tanong sa akin ni Mine na mas ikinatawa ko.

Umiling ako at muling umupo. Pinaghila naman ni Leandro ng upuan si Mine, na umupo rin agad at nagpasalamat.

“Pagpasensyahan mo na ‘yang kapatid ko,” sabi ni Jyrone kay Mine. “He looks scary, b
sweetjelly

Thank you po, sa mga nagbabasa pa rin nito...May bago rin pala akong story; baka bet n'yo rin basahin. Title: Hired to Serve, Never to Love.

| 3
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! ano nanaman ang nangyari bakit umiiyak ang ina ni Ferly
goodnovel comment avatar
Cheryl Albano
thanks miss a sa update More pa plssssss
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 60 — His Secret

    JyroneTuluyang pumasok si Daniel sa loob ng presinto nang hindi man lang lumilingon. Diretso lang ang lakad niya, parang may hinahabol. Parang natatakot na maunahan siya.“Sir…” mahinahong tawag ng imbestigador sa tabi ko. “Papasok pa po ba kayo, o susundin na lang po natin siya?”Hindi agad ako sumagot. Sa halip, napatingin ako kay Ferly.Nakatutok pa rin ang tingin niya sa pintong pinasukan ni Daniel.Hindi ko man mahulaan ang nasa isip niya, malinaw sa mukha niya ang pagtataka.“Hey…” Marahan kong hinaplos ang likod niya.Saka lang siya tumingin sa akin. May lungkot sa mga mata niya. Matamlay, parang kinakabahan.“Are we going in?” tanong ko, mahinahon ang boses.Tumango siya at siya ang unang naglakad. Hindi na niya kami nilingon.Sinundan ko ang mabagal niyang paglalakad.Kada hakbang niya, parang pinipiga ang puso ko.Ang gusto ko lang naman noon ay mahalin si Ferly at maging masaya kami kahit kumplikado ang sitwasyon.But shit.Para kaming pinaparusahan.Puro na lang problema

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 59 — Demand

    JyroneHindi ako mapakali buong araw.Kaharap ko nga ang telebisyon, parang nag-e-enjoy sa pinapanood, pero ang totoo, wala roon ang isip ko. Hindi ko nga alam kung ilang beses ko nang tinapik ang dibdib ko; ilang beses na rin akong uminom ng tubig. Sandali lang gumagaan ang pakiramdam ko, pero wala rin.Hindi pa rin naaalis ang bigat. Ang sikip pa rin ng dibdib ko. Ang hirap huminga.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang boses ni Papa. Ang paraan ng pagsabi niya, hindi galit, pero mas mabigat. Mas bumaon sa puso ko.Find the courage.Napapapikit ako. Kasunod kasi niyon ang imahe ni Mama. Kung paano siya ngumiti kanina, kung paano niya ako niyakap, na parang wala siyang kahit anong duda sa akin.Parang walang mali.“Jyrone…”Napamulat ako at napatingin kay Ferly na nasa tabi ko lang, pero hindi ko ramdam kanina.Tahimik lang siya, pero halata sa mga mata niya na matagal na niya akong pinagmamasdan.“Are you okay?”Mabilis akong tumango kahit hindi naman totoo. “Yeah. I’m fine.”Hind

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 58 — Not Yet

    JyroneParang huminto ang oras pagkatapos magsalita si Ferly.Napatingin kaming lahat sa kanya.Umawang pa ang labi ko.Si Tita Felicia ang unang nakabawi. Pumihit ang katawan niya sa direksyon namin.“Ano?” Naguguluhan ang boses niya. Nanliit ang mga mata. “Bakit naman, Anak?”Bahagya siyang napasandal sa upuan habang nakatingin kay Ferly, tila hindi agad naproseso ang sinabi nito.“Hindi ba ito naman ang gusto ninyo? Nagmamadali nga kayo…” dagdag niya.Hindi agad sumagot si Ferly.“Desidido na kayong magpakasal agad. Ngayon na pumapayag na kami, ikaw naman ang umaayaw,” puno ng dismaya ang boses ni Lola Paz.Nakagat ni Ferly ang ibabang labi niya. Ako naman ay pinisil ang kamay niya.Huminga siya nang malalim bago tumingin sa mama niya.“Hindi po sa ayaw ko,” sabi niya.Mahina ang boses niya, pero malinaw.“Mali po kasi ang timing.”Napakunot ang noo ni Tita Felicia.“Anong ibig mong sabihin?”“May problema pa tayo, Ma.” Tumingin siya kay Lola, matapos sa mga magulang ko. “Hindi pa

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 57 — The Same Name

    JyroneHindi ko alam kung ilang minuto na akong hindi humihinga habang naghihintay na may sumagot sa tanong ni Mama.“Daniel…?” Ulit niya.Mas mahina ang boses niya, pero malinaw kong naririnig.Para akong natuod. Ni kaunting galaw, hindi ko na magawa. Pero ang mata ko, diretso ang tingin kay Mama at Papa na tahimik lang sa tabi ni Papa. Ang mata, blangko na parang malalim ang iniisip.Isang buntong-hininga ang nagpapihit sa ulo ko. Si Tita Felicia. Nakapatong ang mga kamay sa kandungan niya. May bahid ng pagtataka ang mga mata habang nakatingin kay Mama at Papa.Si Lola Paz naman ay rin hindi gumagalaw sa kinuupuan niya. Nakapatong pa rin ang mga kamay niya sa tungkod habang diretso rin ang tingin kina Mama at Papa.Ramdam ko ang marahang paghila ni Ferly sa laylayan ng T-shirt ko.Sobrang mahina pero sunod-sunod.Huminga ako nang mabagal. Pinilit kong ngumiti sa kanya, kahit ang totoo, ang sakit na ng ulo ko. Parang puputok na ang ugat sa sintido ko.Kaunti na lang, malalagutan na

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 56 — That Name

    JyroneHuminga ako nang dahan-dahan. Pinilit kong paluwagin ang dibdib ko na kanina parang may nakadagan.Tama si Ferly, hindi dapat ako pahalata. Kung magpapadala ako sa tensyon, baka ako rin mismo ang maging dahilan na mabuking kami.Nagpakawala ako ng pigil na buntong-hininga bago ulit humakbang.Sandaling napako ang tingin ni Mama sa akin.Hindi ko alam kung napansin niya ang panginginig ko kanina.Pero ngumiti siya.Nagpatuloy ako sa paglalakad.Maingat na inilapag ni Ferly ang tray ng sandwich.Nilapag ko rin ang bitbit ko at kumuha ng dalawang baso ng juice. Iniabot ko kay Mama at Papa.“Here, Ma, palamig muna kayo.”Sumulyap din ako kay Papa na alam kong inobserbahan ako.“Thank you,” sabi nila habang tinatanggap iyon.Nag-abot din si Ferly ng juice sa mama at lola niya.Sabay pa silang uminom ng kaunti at ngumiti.Pero ang tingin ni Mama ay nakatuon na kay Fernan na tahimik lang na nanonood ng telebisyon kasama si Daniela.“May maliit pa pala kayo… ilang taon na siya?” Nabalin

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 55 — That One Question

    JyroneHindi na ako nakatulog pagkatapos ng tawag ni Leandro.Kanina pa akong nakahiga, pero hindi ko maalala kung ilang beses akong pumikit at dumilat. Bawat sandali, iisang bagay lang ang umiikot sa isip ko.Si Mama.Ang posibleng pagkikita nila ni Daniel.Ipinatong ko ang braso sa noo ko. Hindi ko ma-imagine ang sandaling magkita sila. Alam ko, para silang mga tren na magbabanggaan kapag nagkataong nagkrus ang landas nila.Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa kisame.Madilim pa ang paligid; kita sa siwang ng bintana, pero alam kong malapit nang mag-umaga.Tahimik ang buong bahay. Wala akong marinig kundi ang mahinang tik-tak ng orasan at ang paghinga ni Fernan sa kabilang bahagi ng kama.Napalingon ako sa kanya.Mahimbing ang tulog niya; nakatagilid at nakasimangot pa rin kahit tulog.Babantayan niya raw ako, pero para namang mantika siya kung matulog.Napailing ako at muling napatingin sa kisame.Kung darating sina Mama at Papa dito at magkita sila ni Daniel, sigurado akong s

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 18—Old Place, Old Memories

    “Bakit ka pumayag?” tanong ni Ferly.Seryoso ang boses niya. Hindi mataas, hindi rin pasigaw, pero sakto ang diin para malaman kong naiinis siya.Asar din ako. Hindi dahil sa inaakto ni Ferly, kundi sa padalos-dalos kong pagpayag sa imbitasyon ni Calvin.Ang yabang niya e. Alam niyang may boyfriend

    last updateÚltima actualización : 2026-03-21
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 16: Old Friend

    “Papasok na…” agad kong sabi. Sinara ko ang pinto, pero napahawak naman ako sa dibdib kong nagtambol.Kapag kasama ko si Jyrone, feeling ko magkakasala ako. Hindi lang kasi puso ko ang pinapainit niya. Katawan ko rin, kahit ayoko, pero hindi ko mapigil.Napaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. Nasa loo

    last updateÚltima actualización : 2026-03-21
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 13—Leandro Policarpio

    “Jyrone…” tawag sa akin ni Ferly, pero ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya habang hinihila ko siya papasok sa kwarto ng kapatid ko.“What’s up, bro…” masiglang bati ni Leandro nang pumasok kami, pero wala sa akin ang tingin niya. Na kay Ferly. And damn, ayoko sa klase ng tingin niya. Parang tagos

    last updateÚltima actualización : 2026-03-20
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 15—Walking on Broken Glass

    FERLY“Anak…” Masiglang boses ang agad sumalubong sa amin ni Jyrone pagpasok namin sa bahay. Hindi gaya kagabi na puno ng katahimikan.“Magandang gabi po, Tita Jena,” bati ko sa mama ni Jyrone na agad lumapit sa akin at niyakap ako.“Hali na kayo, kanina pa nakahanda ang pagkain…” Masayang-masaya an

    last updateÚltima actualización : 2026-03-20
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status