LOGINUpdate ulit... Salamat sa mga nagbabasa pa rin.
FerlyKumakabog ang dibdib ko. Malakas. Nakakapanghina, pero nagpatuloy ako. Hinahawi ang mga taong humaharang sa daan ko hanggang malapit na ako sa kwarto ni Jyrone.“Ferly…” tawag ni Papa Daniel.Nasalubong nila ako. Agad ding lumapit sa akin ang mga bodyguard at binakuran ako, pinoprotektahan laban sa mga natatarantang tao.Sabay-sabay kaming bumalik sa kwarto ni Jyrone.Nang makapasok kami, agad akong napatingin kina Anessa at Bart. Magkayakap silang dalawa. Marahang hinahaplos ni Bart ang likod ni Anessa.Maayos sila Anessa. Walang nangyaring masama kay Jyrone.Lumapit ako sa kama ni Jyrone, pero ang tingin ko ay kay Papa Daniel.“Pa? Ano po ba ang nangyayari?” Sumulyap din ako sa mga bodyguard.Pareho silang naka-alerto. Ang isa pumwesto sa may bintana, sumisilip sa labas. Ang isa naman ay nanatili sa may pinto, nakabantay. Paminsan-minsang sumisilip.“May nagtangkang pumasok sa kwarto ni Jyrone. Nagpanggap na doktor at nang harangin daw nila, naglabas ng baril.”Napatakip ako ng
FERLY“Jyrone… nag-abot na naman sina Papa Daniel at Tita Jena kanina. Hindi pa rin sila bati. Hindi pa rin sila nag-uusap, pero never silang nagbabangayan,” sabi ko habang pinupunasan ko siya.Tatlong araw na mula nang maaksidente si Jyrone. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising.Dagdag hirap sa akin, bukod sa madalas mag-abot sina Papa Daniel, Tita Jena, at Tito Leon dito sa private room niya, minsan dumadating din si Mama at Lola.Sa tuwing nangyayari iyon, kinakapos ako sa hininga ko. Para akong nakasalang sa apoy. Ang init ng pakiramdam. Hindi ako mapakali. At wala akong choice kundi magkunwari na walang tensyong namamagitan sa kanila.“Ang daya mo, Jyrone. Sabi mo noon, sabay natin silang haharapin. Heto na nga, nagkaharap-harap na kaming lahat, pero ikaw, tulog ka pa rin.”Napatingala ako. Pinigilan kong pumatak ang luha ko, saka mahina akong tumawa. Dahan-dahan kong idinampi ang basang bimpo sa pisngi, leeg, at dibdib niya.Ang lungkot ko. Nakapanghina ang sitwasyon
FERLY“Wala akong choice.” Bulong niya.“Kung hindi ako aalis, madadamay kayo… ayokong mapahamak kayo.”Natahimik ang buong kwarto. Lahat kami ay napalingon sa kanya.Pero ni isa sa amin ay walang nagsalita. Walang nagtanong. Hinihintay lang ang susunod niyang sasabihin.Hinagod niya ang buhok niya. Bahagyang lumapit sa dulo ng kama.“May kinalaman ako sa isang sindikato.”Natiim ko ang labi ko. Pero hindi pa rin ako makapagsalita. Paulit-ulit kong naririnig ang salitang sindikato.Si Tita Jena, nanatiling nakatingin sa kanya. Walang kurap. Pero kitang-kita sa mga mata niya ang pagkalito.Parang hindi makapaniwala sa narinig. Pero hindi rin makapagsalita. Napahigpit lang ang hawak sa braso ni Tito Leon.“Hindi ko na matiis ang ginagawa namin,” tuloy niya. “May mga taong nasasaktan. Mga buhay na nasisira. Gusto kong umalis…”Humawak siya sa kama. Mahigpit. Sa puntong namuti ang bukong-bukong niya.“Kaya lang, walang makakaalis sa sindikatong ’yon nang buhay,” dugtong niya. “Pati kayo, d
FERLYParang may bumara sa lalamunan ko.Umabot ang bara sa dibdib ko. Ang hirap nang huminga. Hindi ko alam kung ano ang mas uunahin.Si Jyrone ba? O ang mag-explain. Pipiliting itago ang katotohanang unti-unti nang lumilitaw. Ano na ang mangyayari sa amin ni Jyrone ngayon?Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang monitor. Naranta ako sa tuloy-tuloy na ingay na nagpasikip sa dibdib ko. Lumapit ako kay Jyrone. “Jyrone…”Kasunod no’n, nagkagulo ang buong kwarto. “Code blue!”Sunod-sunod na pumasok ang mga doktor at nars. Mabilis ang kilos nila; parang bawat segundo may hinahabol. Hindi man lang ako nakalapit kay Jyrone. May humawak sa braso ko. Hinila ako palabas.Winaksi ko ang kamay niya. Nagpumilit akong manatili. Pero hinila pa rin ako.Napansin ko ring pinalabas din ang mga magulang ni Jyrone at si Papa Daniel. Pero wala akong pakialam sa kanila.“No… ayokong lumabas. Hindi ko iiwan si Jyrone—”“Ma’am, please… sa labas lang po kayo.” Isinara niya agad ang pinto.
FERLYSunod kong narinig ang boses ng bantay. May tinatanong siya… kung ano ang nangyari, kung saang ospital.Parang akong robot na hinayaan siyang igiya ako papunta sa kotse.Saka lang ako bahagyang nahimasmasan. Pero buong katawan ko, nanginginig pa rin.Hindi ko nga magawang itanong kung ano ang nangyari o kung sino ang nasa ospital.Wala akong lakas ng loob na alamin.Halos hindi ko na maramdaman ang bawat lubak na dinadaanan namin. Para akong lutang.Takip-takip ko ang palad sa bibig ko. Pilit kong pinipigilan ang hikbi, pero hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha.Ilang beses akong bumuga ng hangin. Pumikit. Nagdasal.Ayaw kong mag-isip ng masama.Ayaw kong isipin na may nangyari kay Jyrone o kay Papa.Habang papalapit kami sa ospital, pakiramdam ko, lalo akong hinihigop ng kaba.Paulit-ulit kong pinupunasan ang luha kong pinapalabo ang paningin ko.Paghinto pa lang ng sasakyan, agad akong bumaba.Hindi na ako naghintay o lumingon.Diretso akong tumakbo papasok.“Ma’am!”Nari
FERLY“Alam mo’ng ama ako ni Jyrone?”Hindi ako nakasagot.Napatitig lang ako sa kawalan habang nakadikit pa rin ang phone sa tainga ko.Para akong nawalan ng boses.Kahit anong pilit kong magsalita, walang lumalabas.“Ferly…”Mas bumigat ang boses ni Papa. Pero bakas ang kaba. May takot. Ramdam na ramdam ko ‘yon. Kahit hindi ko siya kaharap, parang nakikita ko siya.Napakagat ako sa labi ko. Nawawalan ng lakas ang kamay ko. Nanginginig na parang ang bigat nitong cell phone na hawak ko.“Paano mo nalaman?”Ayon na naman ang tanong niya na hindi ko pa rin masagot.Bumuga ako ng hangin.Ano ba ang tama? Dapat ko bang itanggi o aminin na lang?“Pa…”Pilit kong hinugot ang boses ko, pero mahina. Garalgal. Halatang nag-aalangan magsalita.Mahabang katahimikan ang sumunod. Alam kong naghihintay siya.“Ferly, sagutin mo ako.”Mas mariin na ang boses niya. Mas bumakas din ang kaba. Rinig na rinig ko ang marahas niyang paghinga.Huminga ako nang malalim. Napatingala.“Pa, alam—”Napakunot ang n
JyroneSabay kaming nagising sa tunog ng cellphone. Sabay gumalaw ang mga kamay namin. Nag-unat siya, pikit-mata, at inabot ang phone sa bedside table.Halatang antok at napipilitan pang gumalaw.Umupo ako at sinandal ang likod sa headboard. Siya rin, umupo at isinandal ang ulo sa balikat ko.Hinali
Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napa
FerlyAng tunog ng alon ang unang sumalubong sa akin.Hindi palakpakan. Hindi papuri at bulungan. Walang engrandeng musika. Ang hampas ng tubig sa buhangin lang ang tanging maririnig.Huminga ako nang malalim bago ako humakbang.Mahaba ang lakad ko papasok sa seaside pavilion. Tanging puting tela la
JYRONEMasigla akong pumasok sa opisina kahit halos wala akong tulog. Buong gabi kasing si Ferly ang laman ng isip ko. Ang nangyari sa amin. Ang kasal namin.Ang naging paghaharap namin ni Daniel ay hindi nakasira sa gabi ko. Oo, sandaling uminit ang dugo ko, pero nanaig pa rin ang saya na nararamda







