Mag-log inSa loob ng madilim na kwarto sa kabilang dulo ng mansyon, nakaupo si Vanessa sa harap ng kaniyang laptop. Ang liwanag mula sa screen ay nagbibigay ng nakakatakot na anino sa kaniyang mukha.Nakikita niya ang lahat. Ang anggulo ng hidden camera, na nakatago sa loob ng mata ng isang malaking teddy bear sa ibabaw ng estante, ay perpektong nahahagip sina Niorr at Charlotte.Mahigpit ang hawak ni Vanessa sa baso ng tubig, ang kaniyang mga buko sa daliri ay namumuti sa tindi ng panggigigil. Nakikita niya kung paano ikulong ni Niorr si Charlotte. Nakikita niya ang emosyon sa mata ng kaniyang asawa—isang emosyon na kailanman, kahit kailan, ay hindi nito ipinakita sa kaniya.Sa loob ng nursery, ang hangin ay halos hindi na gumagalaw.Inilapit ni Niorr ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mainit na hininga ay dumampi sa pisngi ni Charlotte. “You are driving yourself crazy trying to protect a woman who
Kinahapunan. Ang nursery room sa East Wing ay napuno ng mga nakasalansan na kahon ng mga mamahaling laruan, crib, at baby clothes na inorder ni Vanessa.Nakatayo si Charlotte sa gitna ng silid, pilit na inaayos ang mga gamit ngunit ang kaniyang isip ay lumilipad. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig habang nagbubukas ng isang kahon ng mga baby shoes. Bawat kaluskos sa labas ng pinto ay nagpapatigil sa kaniyang paghinga.Bakit pakiramdam niya ay may mali? Bakit pilit silang pinagsasama ni Vanessa? Sinasadya ba ito ng asawa ng bilyonaryo para subukan siya? O sadyang napaka-inosente lang talaga ng hiling nito para sa baby shower?Bago pa man niya matapos ang kaniyang iniisip, bumukas ang mabigat na pintuan ng nursery.Pumasok si Niorr. Suot nito ang kaniyang pamilyar na puting dress shirt, ang mga manggas ay nakatupi hanggang siko, at ang kaniyang necktie ay maluwag na nakasabit sa leeg. Ang malamig at madilim nitong presensya ay agad na sumakop sa buong silid.Awtomatikong napaatras si
Lumipas ang ilang araw at ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng mansyon ay tila unti-unting napapalitan ng isang nakakasakal at nakakapasong tensyon.Nakaupo si Vanessa sa harap ng malaking salamin sa kaniyang walk-in closet, dahan-dahang hinahaplos ang kaniyang tiyan na bahagya nang umuumbok.Sa labas, siya ang perpektong asawa ng bilyonaryong si Niorr Figarlan. Ngunit sa likod ng nakasarang pinto, unti-unti siyang kinakain ng sarili niyang mga plano.Kailangan na niyang pabilisin ang lahat. Ang pagiging asawa sa papel ay hindi na sapat, lalo na nang makita niya kung paano tumingin ang kaniyang asawa sa babaeng itinuturing niyang hawak sa leeg.“Charlotte,” tawag ni Vanessa, ang boses ay matinis at nag-uutos.Mabilis na pumasok si Charlotte mula sa kabilang silid, may hawak na mga bagong tupi na damit. “Bakit, Vanessa? May kailangan ka ba?”Humarap si Vanessa, isang pilit at matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. “Gusto ko ng baby shower. Isang malaki at bonggang baby
Sa paglipas ng mga araw, mas lalong naging malupit si Vanessa.Nababagalan siya. Naiinip.Unti-unti nitong nararamdaman na hindi umuubra ang kaniyang plano. At ang mas nakakainis pa, mas napapansin ni Vanessa ang pagbabago sa aura ng kaniyang asawa kapag nakatingin ito kay Charlotte.“Tanga ka ba?!” matinis na sigaw ni Vanessa, inihagis ang isang mamahaling kwintas sa mukha ni Charlotte.Tumama ang matigas na metal sa pisngi ng dalaga, nag-iwan ng isang mapulang marka. Napayuko si Charlotte, hindi lumalaban, habang ang kaniyang mga luha ay nagbabadyang tumulo.“Sinabi ko sa 'yong linisin mo 'yan nang maayos! Ano bang ginagawa mo sa mansyong 'to, ha?!” patuloy na bulyaw ni Vanessa, ang kaniyang mukha ay namumula sa matinding galit at paninibugho na pilit niyang itinatago sa likod ng kaniyang pagiging mapagmataas.Ang bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa sa puso ni Charlotte. Sa loob ng mahabang panahon, tinanggap niya ang lahat ng pang-aabuso dahil naniniwala siyang utang niya an
Isang linggo matapos ang gabi sa library at ang insidente sa study room, isang hindi nakikitang pagbabago ang naganap sa loob ng mansyon.Alas-sais ng gabi. Maagang natapos ni Niorr ang kaniyang mga meeting para sa araw na iyon. Isang himala para sa mga empleyado ng Figarlan Empire na makitang nag-ayos ng gamit ang kanilang CEO bago sumapit ang alas-otso.Pagdating ni Niorr sa mansyon, dumiretso siya sa kaniyang opisina, ngunit ang kaniyang isip ay wala sa mga dokumento. Napatingin siya sa nakabukas na pinto nang marinig niya ang pamilyar na yabag.Dumaan si Charlotte sa pasilyo, may bitbit na dalawang malalaking kahon ng mamahaling sapatos na bagong order ni Vanessa.Halatang mabigat ang mga ito, at bakas sa mukha ng dalaga ang pagod sa buong araw na pagsunod sa walang katapusang utos ng nag-aastang reyna ng mansyon.Naglakad palabas ng study room si Niorr at humalukipkip sa hamba ng pinto.“Are you running a marathon inside my house, Charlotte?” kaswal na tanong ng lalaki, ang boses
Kinabukasan.Ang European merger na pinoprotektahan ni Niorr gamit ang kaniyang pekeng kasal kay Vanessa ay biglang nagkaroon ng kumplikasyon.Mula pa kaninang umaga, walang ibang maririnig sa West Wing kundi ang malamig at nagngangalit na boses ng bilyonaryo habang sinisigawan nito ang kaniyang mga ehekutibo sa telepono.Pati ang mga kasambahay ay natatakot na lumapit sa study room ni Niorr. Kahit si Vanessa ay umiwas at nagkulong sa kaniyang sariling suite, ayaw humarap sa asawang tila isang halimaw na nagwawala sa galit.Nakatayo si Charlotte sa malaking kusina ng mansyon, pinagmamasdan ang mga nanginginig na staff na hindi alam kung sino ang magdadala ng tanghalian sa bilyonaryo. Dalawang tray na ng pagkain ang ipinabalik ni Niorr nang hindi man lang ginagalaw.“Charlotte, ikaw na lang po ang magdala, please?” pagmamakaawa ng head chef, ang mga kamay ay pinagpapawisan. “Baka kapag kami ang pumasok, masante kami lahat.”Tinitigan ni Charlotte ang mamahaling steak na inihanda nila,
Niro Figarlan’s Point of ViewThe morning sun hit my face, but it didn’t bring the usual warmth. Paggising ko, ang tanging naramdaman ko ay ang matinding bigat sa aking sentido— dahil siguro sa tama ng alak nang nakaraang gabi nang hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong magpakalasing.I was ba
Sylviea’s Point of View“M-marcus…” halos pabulong kong saad.Isang matinding bugso ng sakit ang gumapang sa buong katawan ko. Nahirapan akong huminga at napaluhod sa damuhan. Pero ang sakit sa sikmura ay nahigitan ng isang kakaibang kirot mula sa loob ng aking sinapupunan. Isang mainit na likido an
“How is she? My baby... is my baby okay?”The doctor took a deep breath and averted his gaze. In that moment, I feel like my whole world collapse. Wala pang salita, his silence alone crushed down my entire soul.“Mr. Figarlan, we did everything we could to stabilize Miss De Guzman,” panimula niya.“
Sylviea’s Point Of ViewNapatitig ako sa kaniyang mga mata. Ang lalim. Ang seryoso. Pero sa likod ng mga titig na iyon ay ang init na tila unti-unting tumutunaw sa lahat ng pader na pilit kong itinatayo sa pagitan naming dalawa, harang para hindi ako ako tulyang mahulog sa taong kailangan kong sakta







