LOGIN-Hariette-
“Bilisan mo. Twenty minutes lang ibibigay namin sayo.” sabi ng pulis, at saka ibinaba sa ibabaw ng mesa ang telepono.
It was easy to reach the Avery office. Their contact information was displayed openly on the internet, almost as if they wanted the whole world to know who they were. Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Avery Group, lalo na’t pinagsanib-puwersa na nila ang Dela Paz Manufacturing. Ang dalawang malalaking pangalan sa industriya ay nagsanib para bumuo ng iisang imperyo.
Ngayon, sila na ang leading company, hindi lang sa buong bansa kundi sa iba’t ibang sulok ng Asya. They really conquered the Asian market, turning their competitors into partners, and rivals into followers. Wherever you go, the name Avery-Dela Paz stands for power, innovation, and influence.
Magaling magpatakbo ng negosyo ang mag-asawang Vaughn at Bianca Avery, na ngayon ay may tatlo nang anak na sina Justin, Kaden, at Celine. Kaya siguro nakalimutan na din nila ako dahil lumalaki na din ang pamilya nila, at hindi na nila kailangan pang magdagdag ng isa pang anak, lalo na kung ampon lang din naman na katulad ko.
Nakaapat na ring muna bago ako sinagot ng HR ng Avery Group ang tawag ko.
“Hi! Thank you for calling Avery Group. This is Alyssa. How may I help you?” masiglang sagot ng isang babae.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Good morning, pwede po bang makausap si daddy… ahm, si Mr. Vaughn Avery?”
Sandaling natahimik si Alyssa sa kabilang linya. “Who’s on the line please? And may I ask if you have an appointment with him?”
“Wala po.” mahinang sambit ko. “Pero kilala nya po ako. Sabihin nyo lang po ang pangalan ko, please. Miss Alyssa, nakikiusap ako. Importante lang po talaga na makausap ko siya.”
“I’m sorry, but it’s the company’s policy not to…”
“Hariette Avery ang pangalan ko!” I suddenly burst out. “Ako ang anak nila dati na umalis sa bahay nila.”
Noong inampon nila ako, pinalitan nila ang pangalan ko ng Hariette Avery, pero noong bumalik ako kina Tiya Gilda, muli kong ginamit ang tunay kong pangalan na Hariette Santos.
I have no choice. Kailangan ko nang sabihin ang totoo para makausap ko si Daddy Vaughn.
“What?” Pero parang mas lalong naguluhan si Alyssa sa mga sinabi ko. Mukhang hindi nya alam na may inampon sina daddy Vaughn dati, dahil matagal na nga naman itong nangyari. Five years ago, I was still with them, at baka bago lang si Alyssa sa company kaya hindi nya ako kilala. “What the hell are you talking about? Nagkakalat ka ng chismis, Miss. Tatlo lang ang alam kong anak nila, at walang Hariette sa kanila. Si Ma’am Celine lang ang babaeng anak nina Sir Vaughn.”
“Sige na po, parang awa nyo na.” mangiyak-ngiyak na ako habang nagsasalita, at hindi pinansin ang pagsusuplada niya. Gusto ko man siyang sagut-sagutin, hindi ito ang tamang oras para magtaray. “Kayo na lang po ang pag-asa ko. Alam kong kilala ang mga Avery dahil may mabubuti silang puso at tumutulong sila sa mga nangangailangan. Kaya please, tulungan mo naman ako, Miss.”
Malalim na napabuntong-hininga ang babae bago muling nagsalita. “Fine. Itatanong ko muna kay Sir Vaughn ang tungkol dito, tapos itatransfer kita sa kanya, okay?”
“Salamat, Miss Alyssa.” kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob. Naghintay ako ng ilang minuto, at maya-maya lang ay umalingawngaw na ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya.
“Hey, who’s this?” parang hindi naman boses ng may-edad na lalaki ang sumagot. Parang hindi si Daddy Vaughn.
Parang si…
“Hello. Is this dad… Mr. Vaughn Avery?” nag-aalinlangan at nauutal kong tanong, at sandaling natigilan ang nasa kabilang linya.
Shit! Baka nabosesan nya ako.
“No. This is Justin Avery. Who’s this?” pag-uulit nya sa kanyang tanong, at ako naman ang natigilan.
Justin. Sabi ko na nga ba eh!
Ramdam ko ang pag-iinit hindi lang ng aking mukha at leeg, pati na rin ng aking buong katawan na sa tingin ko ay pulang-pula na din nang muling marinig ang baritono niyang boses.
Ang batang kalaro ko noon sa bahay-ampunan. Ang batang may nanay na madre, at pinaniwalang iniwan lang sya ng nanay niya sa labas ng kumbento. Wala siyang kaalam-alam na ang madreng nag-aalaga pala sa kanya ay ang sarili na niyang ina.
Inampon siya ng isang matandang lalaki dahil nakita nitong kamukhang-kamukha siya ng kanyang anak noong bata pa lamang ito. Wala siyang kaide-ideya na ang anak niya ay ang nakabuntis pala sa madre, at ang inampon niyang bata ay tunay na pala niyang apo.
Si Justin Avery na naging kuya-kuyahan ko nang inampon ako ng mga magulang niya. Si Justin na nagturo sa akin kung paano ang humalik. Ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso, at ang lalaking mahal ko pa rin hanggang ngayon.
“Hey! Are you deaf? I’m asking you a question. Who are you?” nagulat ako sa biglang pagsigaw niya mula sa kabilang linya.
“I… ahm, gusto ko sanang makausap si… Mr. Vaughn Avery.” medyo pinaliit ko pa ang boses ko para hindi nya ako makilala.
“He’s in the conference room right now. What do you want?” masungit na tanong nya, at kahit hindi nya ako nakikita ay pinaikutan ko sya ng mga mata.
“May… May sasabihin lang sana ako.” nauutal na sambit ko.
“Ano nga? Bakit ba paulit-ulit tayo, ha?”
Bakit ba ang sungit ng lalaking ito ngayon? Kunsabagay, dati pa naman ay toyoin na talaga siya.
“Gusto ko po sanang humingi ng tulong.” kagat-labing sagot ko. Kailangan ko munang magpakumbaba at baka mahalata nya kung sino ako.
Mababait ang mga Avery. Marami silang charity at foundation na tinutulungan. Ang alam ko, may mga scholars din silang pinag-aaral sa iba’t ibang panig ng bansa.
“What kind of help?” medyo lumambot ang tinig ni Justin, at nabuhayan ako ng pag-asa. Pagdating talaga sa pagtulong, bukas lagi ang kanilang mga palad sa lahat.
“Nakakulong kasi ako ngayon. Gusto ko sanang…”
“No!” nang akmang ibababa na niya ang telepono, narinig ko ang boses ni daddy sa background.
“Justin, son. Who’s that?” tanong ni daddy Vaughn, at nakaramdam ulit ako ng pag-asa. Umusal ako ng tahimik na dalangin na sana ay kunin nya ang telepono mula kay Justin para kausapin ako.
“Someone’s asking for help, but she’s in prison. I told her no. We can’t get involved to criminals like her, dad!”
“Justin, kahit kailan, hindi tayo namili ng taong tutulungan! Give me the fucking phone!” narinig kong sambit ni daddy, at malalaki ang mga matang napangiti ako.
Thank you, Lord!
Isa sa mga natutunan ko sa kumbento ay ang palaging pagdadasal at pagpapasalamat kay Lord sa kaunting biyaya. Naging practice na din ito sa bahay ng mga Avery dahil kay mommy Bianca na dating madre.
“Dad! Bakit mo tutulungan ang isang kriminal?” napakagat-labi ako nang marinig muli ang boses ni Justin.
Napakajudgemental naman. Hindi lahat ng nakakulong ay kriminal! Tandaan mo yan!
“Are you even a lawyer? Why are you acting like that, huh?” galit na tanong ni daddy sa kanya. Ramdam kong hawak na niya ang receiver dahil malapit na ang boses nya sa akin.
“Dad, I only handle cases of victims! Hindi ako kailanman nagdefend ng kriminal!” Justin snapped at his dad. "They deserve to be punished, not to be defended!"
"That depends on the case! Pano kung napagbintangan lang siya? What if the criminal was only accused and innocent? Umayos ka Justin!"
"But dad!"
Hindi ako makapaniwalang isa nang ganap na abogado si Justin sa murang edad nya. I think he was only twenty-six or twenty-seven years old. Parang ilang months lang yata ang pagitan namin, kaya naman hindi ko siya matawag na kuya, at iyon din naman ang deal namin.
Pero kapag kaharap namin sina mommy at daddy, no choice ako kung hindi tawagin siyang kuya.
Pero kapag nagkita ulit kami, ang itatawag ko na sa kanya ay Attorney Justin Avery. Ang ubod na sungit na abogado.
Hays! Mabuti pa siya successful na. Samantalang ako, hindi pa din nakakatapos ng college hanggang ngayon dahil sa hirap ng buhay. Siguro, kung hindi ako umalis sa kanila, baka maganda na rin ang buhay ko ngayon. Baka nga nagtatrabaho na rin ako sa Avery Group at may magandang posisyon.
“Umuwi ka muna sa bahay, Justin! Doon tayo mag-usap mamaya!” pinal na pahayag ni daddy, bago siya sumagot sa telepono. “Hello. I’m sorry about what you’ve just heard. It was just a misunderstanding between me and my son. Anyway, who’s this, please?”
Hindi ako kaagad na nakasagot. Bigla na lamang namuo ang luha sa mga mata ko. Bigla kong namiss ang daddy ko.
“Daddy Vaughn…” nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya, at dinig na dinig ko ang kanyang pagsinghap.
“Hariette…?” may pag-aalinlangan ang gumagaralgal na boses na tanong niya. Kahit umiiyak, napangiti ako dahil naalala hindi nya nakalimutan ang boses ko. “Hariette anak, is that really you?”
-Hariette-“Severe anemia ang sakit ng bata. Kawawa naman. Sana makaligtas.” dagdag pa ni Nanay Jane na napa-sign of the cross. “Mabait pa namang bata. Ang nanay lang ang hindi.”“Pupunta po ako sa hospital. Dito muna po kayo.” at nagmamadali na akong lumabas ng bahay.“Magpahatid ka na lang kay Pilo, iha.” pahabol nito na narinig naman ni Mang Pilo na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay.“Saan po ang punta nyo ma’am?” tanong niya nang makitang nagmamadali ako.“Sa hospital po kung saan dinala ang anak ni Scarlet.” sagot ko sa kanya bago ako sumakay sa kotse.Agad namang sumakay si Mang Pilo at pinaandar ang sasakyan patungo sa hospital. Habang biyahe, hindi ako mapakali. Galit sa akin si Justin bago siya umalis ng Coron. Sana kapag nagpakita ako sa kanya, mawala na ang galit niya sa akin. Sana mapatawad niya ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya.“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Mang Pilo sa akin anng huminto ito sa intersection dahil sa red light. Napansin niyang nangingi
-Hariette-“Hindi pa agad-agad maisasakatuparan ang mga plano natin, but we have to be patient. Once Vaughn signs the project contract, all of you can finally drop your act.” Hector chimed in.I froze from where I stood.My chest tightened and my breath hitching as his words sank in. Act? What act? Hindi ba totoo itong mga ipinapakita nila sa akin, lalong-lalo na si Harold? Scripted lang pala ang lahat? Was this really all about the project? Totoo ba talagang tatay ko si Paul? “And I also heard that Julio Santos’ company is now thriving again because of Mr. Velkov. Mukhang ibabalik niya ang company kay Julio. Hariette is the Santos’ only heir. Patay na si Beatrice, at nakakulong na lahat ng anak ni Julio. So, ikaw pa rin ang makikinabang dito kapag nalaman nila na ikaw ang tatay ni Hariette.” dagdag pa ni Hector na lalo kong ikinagulat. Mabilis akong umakyat pabalik sa kuwarto ko. Mukhang tama nga ang hinala ni Justin. Baka hindi ko talaga totoong tatay si Paul at ginagamit lang
-Hariette-Pagdating sa living room, nakita ko kaagad ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa na nakasuot ng business suit, pero pagkakita sa akin ay agad silang tumayo at nilapitan ako. Nakilala ko kaagad si Hector Vergara, ang tatay ni Harold. Ang isa naman na kamukha ni Hector, ay hinala kong kapatid niya, si Paul, ang tatay ko. “Hariette…” maluha-luhang lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. “Anak, ako ang tatay mo. Ang tunay mong ama.” Pagkarinig sa salitang anak, hindi ko alam kung bakit ang mukha nina Mommy Bianca at Daddy Vaughn ang nakita ko habang nakapikit ako at gumaganti ng yakap sa nagpakilalang tatay ko. Maingat akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. “Kumusta po kayo?” tanong ko nang may matipid na ngiti. “Call me Dad from now on, anak.” sabi ni Paul na marahang hinawakan ang kamay ko. “Nakilala mo na si Hector, di ba? Siya ang kuya ko at ang anak niyang si Harold na pinsan mo. At masaya ako dahil nakikita kong clos
-Hariette- Binuksan ni Harold ang pinto at tumambad sa harap niya si Justin na madilim ang mukha. “Hariette, here’s your suitcase. I already checket out of the room.” sabi niya na nakatingin sa akin nang tumayo ako at akmang hahakbang palapit sa kanya. And just like that, he turned around and left. Natigilan ako sa paglapit sana sa kanya. Nanghina ang tuhod ko at bigla na lamang akong napaupo. Tulalang pinanood si Harold na hinihila papasok sa loob ng kuwarto ang maleta ko at ang bag ko, bago niya itinulak pasara ang pinto. “Mukhang ipinagkatiwala ka na talaga sa akin ng asawa mo ah.” Sinubukang magbiro ni Harold, pero hindi ako nagreact. Uuwi siya sa Maynila nang hindi ako kasama. Of course, mas importante naman ang mag-inang iyon kaysa sa akin. At ako, uunahin ko muna ang sarili kong pamilya. “Hayaan mo siya. Pupuntahan niya kasi ang anak niyang may sakit kaya kailangan na talaga niyang umuwi.” Binuksan ko ang maleta ko at kumuha ng damit dito pamalit. “Pwede bang makiligo dit
-Hariette-“Justin, ano ba!” sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya, pero sobrang higpit nito, at halos mapangiwi na ako sa sakit. “Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!”“No! Uuwi na tayo sa Maynila.” hinila niya ako papasok sa elevator. Nang makita kong sumusunod si Harold, iniharang ko ang paa ko sa elevator at nang muli itong bumukas, mabilis akong tumakbo palabas.“Harold!” sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. “Sa’yo ako sasama. Gusto kong makilala ang tatay ko.”Nakangiti namang gumanti ng yakap sa akin si Harold. “Of course, Hariette. Ipapakilala kita sa tunay mong ama. Kay Tito Paul.”Paglingon ko kay Justin, nandoon siya at nananatiling nakatayo habang pinapanood kami. Kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha, pero hindi ko siya pinansin. Naglakad na kami palayo ni Harold.“Hariette…” tinawag niya ako.Huminto ako at nilingon siya. “What?”“Do you really want to go with him?” tanong niya sa gumagaralgal na boses. Walang pag-aalinlangang tumango ako.“
-Hariette-“Sinabi ko na iyan kay Harold kagabi.” mahinang pahayag ni Tito Josh. “I told him he should tell this to Justin dahil siya ang mas may karapatan. Pero umayaw siya.”“Po? Bakit daw po?” I asked in disbelief. May galit ba si Harold kay Justin? May alitan ba sila na hindi ko alam?“Nakita si Justin sa security footage ng Vergara Group noong isang araw. Nagpunta siya sa building ng mga Vergara, at hindi nila alam kung ano ang pakay niya. Ang sabi daw niya sa guard, magkaibigan daw sila ni Harold, which isn’t true.”Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Bakit nasabi iyon ni Justin? At ano ang ginagawa niya sa building ng mga Vergara?“Noong makita nila kung saan siya nagpunta, nagkahinala sila na narinig niya ang usapan nila Harold kasama ang Tito Paul niya at ang tatay niyang si Hector. And it was about you. So ibig sabihin, matagal nang alam ni Justin na isa kang Vergara.” dagdag pa ni tito.“What?” napailing ako. Pero bakit naman ililihim sa akin ni Justin ang tunay na p







