Masuk-Hariette-
Hindi ako agad nakapagsalita. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan, at bigla na lamang akong napahagulgol ng malakas. “Daddy, I’m sorry. I’m so sorry. Please forgive me, daddy.”
Wala na akong ibang nasabi kung hindi I’m sorry. Pagkarinig sa boses niya na tinawag akong anak, bigla ko siyang namiss. Silang lahat. Ang mga yakap nila, ang mga paglalambing nila sa akin. Ang pagbabasa sa akin ni mommy at ni daddy ng bedtime stories bago ako matulog noong bata pa lamang ako.
Nakalimutan ko na ang totoong pakay ko, at umiyak na lang ako ng umiyak.
“Sshhh… baby. It’s okay. Wala kang kasalanan. Don’t ever ask forgiveness from me, okay? Where are you, anak? Pupuntahan kita, ngayon din. Umuwi ka na dito sa bahay, please. Miss na miss ka na namin.” sumisinghot na sabi ni daddy. “Please, tell me where you are. Ako mismo ang susundo sayo. Isasama ko ang mommy mo para makita ka din niya.”
“I… I’m here at Precinct 7 right now.” mahinang sambit ko, at hindi ko halos marinig ang sarili kong boses. “I’m sorry, daddy. Pero… nakakulong po ako.”
“What?” hindi makapaniwalang bulalas niya. “Anong nangyari sayo?” he asked, and I could feel the worry in his voice. “Sige, mamaya mo na ipaliwanag sa akin. Pupunta na ako diyan ngayon din. Wait for me, okay?”
“Okay, dad. Thank you.” at nawala na siya sa kabilang linya.
Dahan-dahan kong ibinaba ang telepono at saka pinunasan ang luha sa aking mga pisngi. Hindi pa rin talaga nagbabago ang daddy Vaughn. Palagi pa rin niyang pinapriority ang mga anak niya kahit may importante siyang ginagawa.
“Tapos ka na? Halika na. Ibabalik na kita sa selda mo.” kinuha ng pulis ang telepono at iniabot sa kasamahan nito na nasa labas, bago ako hinila patayo.
“Wait lang po. May darating pong mga tao na tutulong sa akin. Pwede po bang hintayin ko muna sila dito?” nakiusap ulit ako sa lady police, at umasang sana’y pagbigyan nya ulit ako.
“Naku hindi na pwede. Pagagalitan na kami ni Sarhento nito. Kanina ka pa nandito sa labas.” wala na akong nagawa nang alalayan nya ako palabas ng maliit na silid at ibalik sa kulungan, kasama ng iba pang mga babaeng nakakulong.
Wala pang hatol sa akin, pero habang nililitis ang kaso ko, dito na muna ako nakakulong. Parang hindi ko maimagine kung si Tiya Gilda ang makukulong dito sa napakasikip at napakabahong lugar na ito.
Idagdag pa ang mga babaeng nakakasalamuha ko na may iba’t ibang amoy at ugali. Okay na sana ang amoy eh, kaya ko pang tiisin. Pero ang ugali?
Napailing ako. Bigla akong nangilabot nang makita ang babaeng malaki ang katawan na masama ang tingin sa akin.
Napapalunok na isiniksik ko ang aking sarili sa dulong bahagi ng kulungan at niyakap ang mga tuhod ko. Ilang minuto pa lamang akong nakakaupo ay biglang kinalampag ng isang pulis ang selda. “Hariette Santos! May dalaw ka!” sigaw nito at saka binuksan ang bakal na selda.
“Teka, teka! Bakit panay ang labas ng isang iyan. Kapapasok lang nya ah!” sabi ng babaeng malaki ang katawan na nakatingin sa akin kanina.
“Tumahimik ka, Mendez!” dinuro sya ng pulis ng batuata nito. “Kanina, may hearing sya sa korte kaya sya pinalabas. Ngayon, may dalaw naman siya. Hindi na niya kasalanan kung may mga dumadalaw sa kanya, at sayo wala! Balik dun sa pwesto!”
Dali-dali akong lumabas, at agad namang inilock ng pulis ang selda.
Excited na naglakad ako pabalik sa maliit na silid kanina, at nang makita kong nakaupo sa silya si daddy, halos patakbo akong lumapit sa kanya.
“Daddy Vaughn!” masiglang bati ko, at nang lumingon sya sa akin, ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit.
“Hariette, anak. What happened?” Dad asked, his voice trembling with worry as he pulled me into his arms.
I felt his warmth, the familiar comfort of a father’s embrace, and for a moment, all the fear I’d been holding back began to crumble.
“Let’s sit for a while. Ikuwento mo lahat sa akin ang mga nangyari.” Hinalikan niya ako sa ulo at inalalayang maupo sa tabi niya.
Habang mahigpit na hawak ang aking isang kamay, ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Mula sa pagtatangka sa akin ni tiyo Arnulfo, hanggang sa pagbintangan akong pumatay sa kanya. "Umatras na po ang abogado ko dahil ayaw ko pong magsalita. Daddy, hindi pwedeng makulong si tiya Gilda."
“Oh my God!” kahit kita na ang mga puti sa buhok ni daddy, hindi pa rin maikakaila ang bakas ng kaguwapuhan niya noong kabataan. Hanggang ngayon nga ay guwapo pa rin sya at parang hindi tumatanda. “So, patay na ngayon ang tiyuhin mo? At nag-iisa na lang ang tiya Gilda mo sa bahay nila?”
Tumango ako, at muling naglandas ang luha sa aking mga pisngi. Naalala ko ang tiya ko. Mag-isa na lang siya ngayon sa bahay. Paano na lang ang mga gamot nya? Ang pagkain nya?
Sana man lang ay dalawin siya nina Aling Iska, kahit paminsan-minsan. Mabait naman si Tiya Gilda sa kanila noon, lalo na noong malakas pa ang negosyo namin. Ilang ulit ba silang lumapit para mangutang ng bigas, ng pera, o kahit kaunting tulong, at ni minsan ay hindi sila tinanggihan ng tiyahin ko.
“Don’t worry, ipapakuha ko ang tiyahin mo at tutulungan siya para maipagamot.” sabi ni daddy, pero umiling ako.
“Tatlong buwan na lang po ang ibinigay na taning sa kanya ng doktor, dad.” medyo nagulat sya sa sinabi ko. "I don't think magagamot pa siya. Stage four na ang cancer nya."
Umiling na lamang si daddy bago huminga ng malalim. “Regardless, I'll still help her, at tutulungan din kitang mailabas dito, anak. Hindi ako makakapayag na makulong ka dito dahil wala ka namang kasalanan. Kakausapin ko si Justin na hawakan ang kaso mo. Magaling ang kuya mo. Wala pa siyang naipapatalong kaso. Siguradong hindi ka nya papabayaang makulong.”
Natigilan ako sa sinabi nya. Bakit hindi ko kaagad naisip na si Justin ang tatayong abogado ko? Pero paano? Ang sabi nya, hindi sya humahawak ng kaso ng isang kriminal. Tapos malalaman nyang ako ang tutulungan nya, baka hindi yun pumayag.
“Dad, baka ayaw hawakan ni kuya ang kaso ko. Di ba hindi naman siya nagtatanggol ng mga kriminal?” kagat ang pang-ibabang labing sambit ko. “At saka, baka galit pa sya sa akin dahil sa paglalayas ko limang taon na ang nakakaraan. Hindi pa ako handang harapin siya, daddy.”
“No, anak. Hindi ka naman kriminal. Hindi ikaw ang pumatay sa tiyuhin mo.” Dad reassured me as he squeezed my hand tightly. “At hindi kailanman nagalit sayo ang mga kapatid mo. Alam kong tutulungan ka ni Justin. Papakiusapan ko siya na kunin ang kaso mo at tulungan ka. You don't have to worry about him. Ako ang bahala.”
“Thank you, daddy.” muli akong yumakap sa kanya, at bigla na namang namuo ang kaba sa dibdib ko nang marealize na magkikita ulit kami ni Justin.
Pano ko siya ulit haharapin sa sitwasyon kong ito? Papayag kaya sya na hawakan ang kaso ko, gayong alam kong masama ang loob nya sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kanila noon?
-Hariette-“Severe anemia ang sakit ng bata. Kawawa naman. Sana makaligtas.” dagdag pa ni Nanay Jane na napa-sign of the cross. “Mabait pa namang bata. Ang nanay lang ang hindi.”“Pupunta po ako sa hospital. Dito muna po kayo.” at nagmamadali na akong lumabas ng bahay.“Magpahatid ka na lang kay Pilo, iha.” pahabol nito na narinig naman ni Mang Pilo na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay.“Saan po ang punta nyo ma’am?” tanong niya nang makitang nagmamadali ako.“Sa hospital po kung saan dinala ang anak ni Scarlet.” sagot ko sa kanya bago ako sumakay sa kotse.Agad namang sumakay si Mang Pilo at pinaandar ang sasakyan patungo sa hospital. Habang biyahe, hindi ako mapakali. Galit sa akin si Justin bago siya umalis ng Coron. Sana kapag nagpakita ako sa kanya, mawala na ang galit niya sa akin. Sana mapatawad niya ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya.“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Mang Pilo sa akin anng huminto ito sa intersection dahil sa red light. Napansin niyang nangingi
-Hariette-“Hindi pa agad-agad maisasakatuparan ang mga plano natin, but we have to be patient. Once Vaughn signs the project contract, all of you can finally drop your act.” Hector chimed in.I froze from where I stood.My chest tightened and my breath hitching as his words sank in. Act? What act? Hindi ba totoo itong mga ipinapakita nila sa akin, lalong-lalo na si Harold? Scripted lang pala ang lahat? Was this really all about the project? Totoo ba talagang tatay ko si Paul? “And I also heard that Julio Santos’ company is now thriving again because of Mr. Velkov. Mukhang ibabalik niya ang company kay Julio. Hariette is the Santos’ only heir. Patay na si Beatrice, at nakakulong na lahat ng anak ni Julio. So, ikaw pa rin ang makikinabang dito kapag nalaman nila na ikaw ang tatay ni Hariette.” dagdag pa ni Hector na lalo kong ikinagulat. Mabilis akong umakyat pabalik sa kuwarto ko. Mukhang tama nga ang hinala ni Justin. Baka hindi ko talaga totoong tatay si Paul at ginagamit lang
-Hariette-Pagdating sa living room, nakita ko kaagad ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa na nakasuot ng business suit, pero pagkakita sa akin ay agad silang tumayo at nilapitan ako. Nakilala ko kaagad si Hector Vergara, ang tatay ni Harold. Ang isa naman na kamukha ni Hector, ay hinala kong kapatid niya, si Paul, ang tatay ko. “Hariette…” maluha-luhang lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. “Anak, ako ang tatay mo. Ang tunay mong ama.” Pagkarinig sa salitang anak, hindi ko alam kung bakit ang mukha nina Mommy Bianca at Daddy Vaughn ang nakita ko habang nakapikit ako at gumaganti ng yakap sa nagpakilalang tatay ko. Maingat akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. “Kumusta po kayo?” tanong ko nang may matipid na ngiti. “Call me Dad from now on, anak.” sabi ni Paul na marahang hinawakan ang kamay ko. “Nakilala mo na si Hector, di ba? Siya ang kuya ko at ang anak niyang si Harold na pinsan mo. At masaya ako dahil nakikita kong clos
-Hariette- Binuksan ni Harold ang pinto at tumambad sa harap niya si Justin na madilim ang mukha. “Hariette, here’s your suitcase. I already checket out of the room.” sabi niya na nakatingin sa akin nang tumayo ako at akmang hahakbang palapit sa kanya. And just like that, he turned around and left. Natigilan ako sa paglapit sana sa kanya. Nanghina ang tuhod ko at bigla na lamang akong napaupo. Tulalang pinanood si Harold na hinihila papasok sa loob ng kuwarto ang maleta ko at ang bag ko, bago niya itinulak pasara ang pinto. “Mukhang ipinagkatiwala ka na talaga sa akin ng asawa mo ah.” Sinubukang magbiro ni Harold, pero hindi ako nagreact. Uuwi siya sa Maynila nang hindi ako kasama. Of course, mas importante naman ang mag-inang iyon kaysa sa akin. At ako, uunahin ko muna ang sarili kong pamilya. “Hayaan mo siya. Pupuntahan niya kasi ang anak niyang may sakit kaya kailangan na talaga niyang umuwi.” Binuksan ko ang maleta ko at kumuha ng damit dito pamalit. “Pwede bang makiligo dit
-Hariette-“Justin, ano ba!” sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya, pero sobrang higpit nito, at halos mapangiwi na ako sa sakit. “Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!”“No! Uuwi na tayo sa Maynila.” hinila niya ako papasok sa elevator. Nang makita kong sumusunod si Harold, iniharang ko ang paa ko sa elevator at nang muli itong bumukas, mabilis akong tumakbo palabas.“Harold!” sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. “Sa’yo ako sasama. Gusto kong makilala ang tatay ko.”Nakangiti namang gumanti ng yakap sa akin si Harold. “Of course, Hariette. Ipapakilala kita sa tunay mong ama. Kay Tito Paul.”Paglingon ko kay Justin, nandoon siya at nananatiling nakatayo habang pinapanood kami. Kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha, pero hindi ko siya pinansin. Naglakad na kami palayo ni Harold.“Hariette…” tinawag niya ako.Huminto ako at nilingon siya. “What?”“Do you really want to go with him?” tanong niya sa gumagaralgal na boses. Walang pag-aalinlangang tumango ako.“
-Hariette-“Sinabi ko na iyan kay Harold kagabi.” mahinang pahayag ni Tito Josh. “I told him he should tell this to Justin dahil siya ang mas may karapatan. Pero umayaw siya.”“Po? Bakit daw po?” I asked in disbelief. May galit ba si Harold kay Justin? May alitan ba sila na hindi ko alam?“Nakita si Justin sa security footage ng Vergara Group noong isang araw. Nagpunta siya sa building ng mga Vergara, at hindi nila alam kung ano ang pakay niya. Ang sabi daw niya sa guard, magkaibigan daw sila ni Harold, which isn’t true.”Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Bakit nasabi iyon ni Justin? At ano ang ginagawa niya sa building ng mga Vergara?“Noong makita nila kung saan siya nagpunta, nagkahinala sila na narinig niya ang usapan nila Harold kasama ang Tito Paul niya at ang tatay niyang si Hector. And it was about you. So ibig sabihin, matagal nang alam ni Justin na isa kang Vergara.” dagdag pa ni tito.“What?” napailing ako. Pero bakit naman ililihim sa akin ni Justin ang tunay na p







