LOGIN-Justin-
“No!” nang marinig ko ang sinabi ni daddy na hawakan ko daw ang kaso ni Hariette at tulungan siya, I immediately objected.
Bakit ko ipagtatanggol ang babaeng nagpaiyak sa mga magulang ko? Bakit ko ipagtatanggol ang babaeng iniwan kami pagkatapos namin siyang alagaan at mahalin? And worst of all, bakit ko ipagtatanggol ang isang kriminal?
“Justin, anak. She’s your sister! Kailangan niya ang tulong natin!” naluluhang sambit ni mommy at hinawakan pa ang mga kamay ko. "Hindi natin sya pwedeng pabayaan anak. Alam mo naman kung gaano namin sya kamahal ng daddy mo. You also love your sister, right?"
Sister, my ass!
I scoffed, pulling my hands away from her hold. “Wala akong kapatid na nang-iwan sa ere, mommy. Mahal nyo siya, pero siya, mahal nya ba tayo? Hindi, di ba? Ginamit nya lang tayo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa natin sa kanya, iniwan niya pa rin tayo. Tapos ngayon babalik siya because she needs us again? No fucking way!”
Mom’s eyes flickered with hurt, but I didn’t care.
“Huwag niyo na akong pilitin, pwede ba? Alam niyo naman ni daddy na pinipili ko lang ang mga kasong hinahawakan ko. And everyone in the industry knows the kind of reputation I have. I never defended a criminal!” I added as I gripped the wine glass tightly in my hand.
Nasa study room ako at nagbabasa ng libro habang sumisimsim ng alak nang pumasok sina mommy at daddy, at sabihin sa akin ang tungkol kay Hariette. I knew it was her the very first time I heard her voice after five years of leaving me. Of leaving us.
Sabi ko na nga ba’t siya iyon. Hindi ako maaaring magkamali. That was Hariette Santos. That sweet and melodic voice of hers, na kahit limang taon na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin makalimutan.
“Pero anak, napagbintangan lang ang kapatid mo. Sinabi nya sa akin ang totoo. Ang lahat-lahat!” dad didn’t really want to give up. Hanggang ngayon, mas pinapaboran pa rin niya ang anak ng dati niyang asawa kaysa sa akin. "Believe me, anak. Walang kasalanan ang kapatid mo."
“You still believe that bitch? Ang tagal niya tayong minanipula, daddy!”
“Justin, watch your words! Don't call her names! Hindi kita pinalaki na ganyang kabastos!” galit na sigaw sa akin ni mommy. “She’s still your sister!”
“I’m sorry, but I never treated her as one!” I exclaimed, slamming the glass on top of my desk, before I walked out of the study room.
I have my own house, pero tumawag si daddy kanina at gusto daw niya akong makausap. I waited for him in the study room at nagbasa-basa muna ng mga old books ko. Tapos ito lang pala ang pag-uusapan namin? They just wasted my time! Hindi na dapat ako nagpunta pa dito!
Si Hariette na iniwan kami pagkatapos ng lahat-lahat nang ibinigay at ginawa namin para sa kanya, ay basta-basta na lang babalik na parang walang nangyari? Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon!
“Justin, come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Huwag kang bastos! Justin Avery!” kahit pa anong pagsigaw ni daddy, hindi ko siya pinansin. Ibinalibag ko pa ang pinto pasara, at dire-diretsong umakyat sa taas.
“Kuya, what happened? Ginalit mo na naman sina mommy at daddy!” inis na inirapan ako ni Celine, ang kapatid kong sumunod sa akin.
“Whatever!” I walked past through her and went straight to my room.
Galit na ibinagsak ko ang katawan sa ibabaw ng aking malambot na kama, at saka napatingala sa kisame. Hariette, you know how much I hate you! Bakit bumalik ka pa? Hindi ka na dapat nagpakita pa sa pamilya ko! I fvcking hate you!
I couldn’t help but remember how I hated my parents when I was still young. They were nothing but liars!
Pinaniwala ako ni mommy na anak ako ng iba, when in fact, she was my mother all along. Isa siyang madre dati kaya inilihim niya ang pagbubuntis niya. Inalagaan nya ako sa loob ng bahay-ampunan, at noong inampon ako ng lolo ko, hinabol-habol niya ako.
Dad also lied to me about grandpa’s death. Ang sabi nya, nagpunta lang sa ibang bansa si lolo dahil sa isang business. Pero narinig ko sila na nag-uusap. My loving grandfather was already dead!
Naiinis na pinahid ko ang luha sa aking mga mata. “Lolo Von, I've missed you so much. Sana buhay ka pa para may nakakakita ng mga achievements ko. I am now a prestigious lawyer, lolo. I know wherever you are right now, you’re very proud of me.”
Niluwagan ko ang necktie na nakapaikot sa aking leeg, at saka ipinikit ang aking mga mata. The weight of the day slowly drifted away as I sank into deep slumber.
And then, somewhere between exhaustion and sleep, I dreamed of myself as a child again.
-Hariette-“You may now kiss the bride.” anunsiyo ng pari at naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat.Tinupad ni mommy ang pangako niyang bigyan kami ng engrandeng kasal. Matagal din ang naging preparasyon namin dahil ipinagamot pa namin si Raprap sa ibang bansa.After five months, ito na nga at ikinasal na ulit kami ni Justin,Dahan-dahang itinaas ng asawa ko ang veil na nakatakip sa mukha ko at saka ako hinal!kan sa mga labi. When I k!ssed him back, I could feel our tears blending together.“I love you so much, Mrs. Hariette Avery…” bulong niya habang magkadikit ang mga noo namin at pinupunasan niya ang luha sa aking pisngi.“I love you more, Attorney Justin Avery.” I whispered back, flinging my arms around his neck.“Finally, masosolo na din kita.” muli niya akong hinal!kan at walang babalang binuhat.“Daddy, put nanay down!” sigaw ni Raprap na gustong lumapit sa amin, pero pigil-pigil siya sa kamay ni Celine.Tawa naman ng tawa ang mga taong saksi sa muli naming pag-iisang dibd!b ng
-Hariette-Ipinakita lang ni Lolo Gary ang footage sa hospital kung saan humiling si Scarlet ng huling yakap kay Raprap na minahal niya na parang tunay na anak. Dito ay napanood din ng lahat kung paano siya humingi ng tawad sa aming mag-asawa sa lahat ng kanyang mga ginawang kasalanan.“And my last witness…” muling nagsalita si Justin. “Mr. Harold Vergara.” nanlaki ang mga mata ko nang makita si Harold na nakaposas at nakasuot ng orange na t-sirt na may tatak na P sa likod habang naglalakad papunta sa witness stand.Wala na ang kanyang angas at nanlalalim pa ang kanyang mga mata. Sa hinuha ko ay hindi siya sanay sa loob ng kulungan, pero sa itsura niya ay para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, na tila ba may malaking dagok ang tumama sa kanya. Halos hindi ko na rin siya makilala dahil sa medyo kumakapal na balbas na tumubo sa kanyang baba.Anong nangyari? Bakit siya tatayong witness ni Justin ngayon? Malaki ang kasalanan sa amin ng mga Vergara. Pero ano ito?“Justin, anak! Anong
-Hariette-Lumapit si Justin sa harap ng korte, at maingat ang bawat hakbang niya habang nakatingin sa kanyang saksi.“Mrs. Cruz,” kalmado niyang saad. “maaari mo bang sabihin sa korte kung may dala kang ebidensiya na may kaugnayan sa insidenteng ito?”Tumango ang asawa ni Sergeant Cruz, pero kita ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay habang hawak ang kanyang bag. “Opo.”“Your Honor,” dagdag ni Justin na humarap sa judge. “With the court’s permission, I would like the witness to present the evidence in her possession.”Tumango si Judge Policarpio. “Proceed.”Dahan-dahang inilabas ni Mrs. Cruz ang kanyang phone at iniabot ito sa court officer. Agad itong kinuha at ipinasa sa hukom bago ipinakita sa magkabilang panig.“Mrs. Cruz,” muling tawag ni Justin, “maaari mo bang ipaliwanag sa korte kung ano ang nilalaman ng ebidensiyang iyan at paano mo ito nakuha?”Huminga nang malalim ang babae bago nagsalita, habang tahimik na nakikinig ang buong silid. Magkasalikop naman ang mga
-Hariette-Dumating na ang araw ng hearing ng asawa ko. Nandoon ang ang mga kaibigan niya na sina Fred at James para suportahan siya. Hindi naman nakarating si Hillary dahil kapapanganak lang nito.Pagpasok ni Justin sa loob ng korte, napasinghap ako at napaluha dahil miss na miss ko na siya. Nakasuot siya ng itim na three-piece suit. Even with the shadows in his eyes hinting at the weight he carried, he looked effortlessly handsome. Every movement was measured and confident, as if the world were subtly bending to his presence.Hindi maiwasang mapansin siya ng lahat. Alam ng mga taong nandito na siya ang abogadong wala pang naipapatalong kaso, ngunit nagulat ang iba nang malaman na isa na siyang akusado ngayon na idedepensa ang kanyang sarili.Even from a distance, his confidence radiated, drawing eyes and silencing whispers. Bago siya maupo sa harap, tumingin muna siya sa likod at inilibot ang paningin. Nang magtama ang mga paningin namin, nakita ko sa kanyang mga mata ang pananabik.
-Hariette-“Ruby dela Cruz, you are under arrest for attempted murder, kidnapping, and serious physical injuries!” nagulat kami sa biglang pagsipa ng pinto ng dalawang pulis. Sa likod ng mga ito ay ang lalaking kaniig ni Celeste sa video. “May karapatan kang manahimik. Anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa’yo sa korte. May karapatan kang magkaroon ng abogado. Kung wala kang abogado, bibigyan ka ng pamahalaan. Sumama ka na sa amin.” pagpapatuloy pa ng pulis, at awang ang mga labing napatingin ako kay daddy at sa lalake, habang pinapanood sila na tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata.“Anong ibig sabihin nito?” malalaki ang mga matang tanong ni Celeste. “Wala akong kasalanan! Anong pinagsasabi nyo?” Nang hawakan siya ng mga pulis sa kamay at posasan, bigla siyang nagwala. “Ano ba?! Bitawan nyo ako! Wala akong ginagawang masama! Anong kidnapping? Anong attempted murder?!”“Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag, ma’am.” hinila na siya palabas ng mga ito habang sumisig
-Hariette-“At dumating na nga ang pagkakataon na nagkita tayong muli.” napangiting muli si Celeste. “At hindi lang nagkita. May nangyari pa sa atin. Oh, di ba? Kapag tadhana na ang gumalaw, wala nang makakapigil pa sa kagustuhan nating dalawa!”Naramdaman ko ang pagdiin ni Celeste ng baril sa ulo ko. “Kapag nakabuo tayo, gusto kong iwanan mo ang asawa mo, Vaughn Avery.” pagpapatuloy ni Celeste. “Gusto ko, ang anak ko lang ang magmamana ng lahat ng kayamanan ninyo. Matatanda na ang mga anak mo. Kayang-kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila, hindi ba?”Natawa naman si daddy sa sinabi niya. “In your dreams, Celeste.” kalmadong sagot nito. “Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa isang baliw na katulad mo! At lalong hindi ko iiwanan ang mga anak ko para lang sa anak mo!”“Anong sinabi mo?” galit na sigaw niya. Napatili ako nang bigla niyang ikasa ang baril at itinutok ito sa ilalim ng baba ko. “Gusto mong mamatay ito ngayon sa harap mo?”“I… I’m sorry.” nanginginig ang kamay na sinubuk







