Suminghap ako at umiling.
Hinampas ang puso ko sa narinig. Hindi ko ito gusto... hirap na hirap akong labanan ang sarili ko at ganito pa siya. Hinang-hina na ang puso ko.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita mahal! Si Tyrell ang mahal ko at pakakasalan ko siya! Now, leave! Parang awa mo na, Hayes." nanginig ang boses ko at alam ko na hindi ko na mapipigilan ang sarili kong manghina sakaniyang harapan.
"No..." bulong niya at sinubukan akong hawakan ngunit mabilis akong lumayo. "Baby, please... don't say that. I don't wanna hear it." pumungay ang kaniyang mga mata.
"Then leave! Pagod na ako, Hayes. Huwag mo nang pahirapan pa ang mga sarili natin. Nakakapagod na..."
"How could you say that?" punung-puno ng hinanakit ang kaniyang tono. Nag-iwas ako ng tingin nang makita kung paano niya ako tignan. Pagkadismaya, poot, panghihina... hindi ko kayang tignan ang mga iyon
Marahang katok ang nagmula sa pintuan ng aking kwarto kasabay ng boses ni Tyrell."Marwa, let's have dinner now." aniya sa likod ng pintuan.Binaba ko ang baby magazine at nilapag iyon sa tabing kama bago lumabas."Are you okay?" untag ni Tyrell paglabas ko.Tipid akong ngumiti at tumango. Hindi na ako nagsalita hanggang sa pagbaba namin sa kusina. Ganoon din naman siya. Mukhang tinatansa niya ang mood ko."Andiyan na si buntis! Kakain na si baby!" masiglang bungad ni manang Monet pagpasok namin sa kusina.Kaya lang, ang ngiti ko sakaniya ay mabilis na naglaho nang makaamoy nanaman ng hindi kanais-nais."Ano iyon? Mabaho nanaman!" hindi ko mapigilang komento. Mabilis kong tinakpan ang aking ilong. Si Tyrell ay mabilis na sinenyasan si manang Monet."Cover the chicken cur
Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lamang akong umiyak sakaniyang dibdib. Ramdam ko ang paghugot niya ng malalim na hininga."I can't be mad at you. I just can't. Kahit may dahilan pa. Hindi ko talaga kayang magalit. Natatakot ako... sobra. Nadala na ako sa mga nangyari. Hindi ko na kakayaning wala ka, Marwa. I can't bear to lose you again." he said huskily. Hinaplos niya ang likod. "Stop crying. Our baby won't be happy about it." malambing niyang bulong."Then stop talking like that." nanginginig kong sinabi at hinampas ang kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang mahigpit at mainit niyang yakap sa akin."And this is... not your baby." marahan kong sinabi matapos ng ilang sandali. Nanatili ako sakaniyang dibdib. Pumikit na lamang ako habang hinihintay ang kaniyang sasabihin. Damang-dama ko ang paghihirap niya nang magbuga ng hangin."Your baby is also my baby." he whispered.
Linggo ng umaga, sinamahan ako ni Tyrell na mag-jog sa malawak na parke sa loob lamang ng subdivision. Ayon sa doktor ko, safe naman ang pagjo-jog kaya walang dapat na ikabahala. Jogging won't hurt the baby. She also said that the babyis pretty isolated and protectedduring pregnancy. Naitanong ko rin kung safe rin ba ang paglangoy at ayon sakaniya, walang problema iyon. She mentioned that the exercises that I should be avoided during pregnancy are contact sports like volleyball or basketball, football at softball. Hindi ko naman tipo ang mga iyon kaya wala rin akong balak gawin. Maging ang horseback riding ay kailangan ko rin daw iwasan. May balak pa naman kaming gawin ni Asher ang activity na iyon sa susunod na buwan sa Tagaytay. Nabanggit ko na sakaniya na hindi na namin pwedeng gawin iyon at naintindihan naman niya.Inabot sa akin ni Tyrell ang aking tumbler. Tinanggap ko iyon at uminom."Isang ikot pa? Kaya pa ba ni bab
"It's not what you think, Hayes. Dito siya pinapatulog ni tito Wesley para lang mapadali kung may kailangan ako. We're not sleeping on the same bed. Sa sofa siya!"Ngunit mukhang walang saysay ang paliwanag kong iyon dahil mas lalo lamang nag-umapaw ang galit sa mga mata niya. Umigting ang kaniyang panga."You could have refused him! We're having a baby, Marwa for God's sake!""Bakit ba pinapalaki mo ang issue ng pagtulog niya rito? Sana hindi ka nalang nagtanong! Sana hindi nalang ako sumagot." umirap ako at tumalikod nalang ngunit may pahabol pa siya!"Sige! Kapag narinig iyan ng anak natin... na may kasama kang ibang lalaki sa kwarto bukod sa daddy niya. She will really be disappointed with you." aniya sa matabang na tono.Kumunot ang noo ko at muli siyang hinarap. "We still don't know the gender of the baby, Hayes. Paano kung lalaki ito?"
Pagpasok na pagpasok namin sa library, hinarap ko na si Tyrell. I was stunned for a moment when I saw how despairing and forlorn his eyes were. Nahirapan akong lumunok dahil sa nasaksihan."Tyrell–""Alam ko na iyan." may tabang sakaniyang tono. "Siya pa rin ba, Marwa? Akala ko ba... akala ko ba maayos na? Akala ko ba lalayuan mo na siya? Paano ang kasal natin? Patapos na iyong preperasyon, Marwa." punung-puno ng hinanakit ang kaniyang himig at mas lalo akong nadurog."Hindi ko alam..." bulong ko at napapikit. It's true. I don't know what to do anymore.Napadilat ako nang maramdaman ang hawak niya sa aking magkabilang balikat. Tinitigan ko na lamang ang mga mata niyang kumikislap dahil sa matinding lumbay."Sumama ka sa akin, Marwa. Ako ang mag-aalala sainyo. Magpapagaling ka at magsasama tayo." he said desperately. Nalaglag ang panga ko dahil kitang-kita ko na hindi
"What? Stop sulking, Hayes." umirap ako at tinalikuran siya.Naramdaman ko kaagad ang kaniyang pagsunod ngunit hindi ko na siya pinansin."I'm not sulking. Tss." dinig ko pang sinabi niya habang nakasunod sa akin.Nagtungo ako sa kusina. Sumunod siya hanggang doon. Naabutan ko si manang Monet na umiinom ng tubig. Mabilis niyang nilapag ang baso sa sink nang makita ang nakasunod sa akin at nilisan ang kusina nang walang sinasabi."What do you want to eat?" supladong untag ni Hayes. Nilingon ko siya at pinanliitan ng mga mata."Iinom lang ako ng tubig." tugon ko ngunit inirapan niya lamang ako at supladong nag-iwas ng tingin."Then sit. I'll get you a glass of water." aniya at nagtungo sa fridge. Bumuntong hininga ako at hinayaan siya.Pinanood ko siyang kunot ang noong binubuhos ang tubig sa baso.
Bago pa ako makasagot ay naputol na ang linya. Naiwan akong nakakunot ang noo. Nilapag ko ang telepono kahit naguguluhan. Hinaplos ko ang buhok ko. What was that?Bumalik ako sa pagkain. I just focused on my food, not minding Hayes who was watching me intently. Hindi ko alam kung nawiwili ba siyang panoorin ang bawat pagnguya ko."Bakit hindi ka kumakain? Tapos ka na ba?" kunot noo kong untag sakaniya. Ngumuso siya at umiling."Kumain ka lang. Don't mind me. Watching you is more enjoyable than eating." kinuha niya ang pineapple juice at uminom doon."Bahala ka." nagkibit ako ng balikat bago sinubo ang pork cutlet."I won't go to work today. Isang buwan akong magli-leave. If you don't want to come with me yet, then I'm staying here. I've already talked about this with your tito Wesley. He doesn't have any problem with it at all." aniya na ikinagulat ko.&n
Napakapit ako sakaniyang braso at umiling. Hindi ko kayang marinig iyon. Unti-unting sinasaksak ang puso ko sa mabagal at malalim na paraan. This is too much. Why would He let this happen? Why would He let me suffer through this so much pain... Hindi pa ba sapat ang parusang binigay Niya sa akin? Bakit kailangang humantong sa ganito? This pain is the most intense I have ever felt. I will never be able to tolerate it and survive or be able to feel that life has meaning again... wala nang halaga pa ang buhay ko ngayon. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ko iyon nilingon at nanatili lamang sa d****b ni Hayes. Siya lang ang kailangan ko ngayon. Maramdaman ko lang siya, alam kong kakayanin ko. Mahirap din para sakaniya ito. At hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. I'm a failure... My little bean must be mad at me r