Share

Chapter 15

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2021-08-05 17:19:48

Hindi na siya kailanman nagsalita pa. Hindi na rin ako nangahas pang kausapin siya. Para saan pa?

Halos makaligtaan ko na naghihintay nga pala si Neal sa coffee shop. Natanggap ko ang text niya na naroon na raw siya. 

"D-D'yan lang ako sa coffee shop. May kikitain lang ako." Tinuro ko 'yon nang matanaw kong papalapit na kami roon. Nahagip ng tingin ko ang nakaparadang sasakyan ni Neal. 

Unti-unting humina ang patakbo niya sa sasakyan. Pumarada iyon sa harapan mismo ng coffee shop. Hinawi ko ang buhok ko at sinabit ang sling bag sa aking balikat. 

"May kikitain ka?" May diin niyang sinabi bago ko pa mabuksan ang pintuan sa gilid ko. 

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. 

"Oo. Bababa na ako. Salamat sa paghatid." 

"May kikitain ka pa gayong alam mong gabi na? It's fucking 9 in the evening," aniya na para bang kailangan kong malaman iyon. 

"Kaibigan ko ang kikitain ko. Ano bang pakialam mo? Lalabas na ako at umalis ka na rin." 

Ilang sandali niya akong tinitigan nang salubong ang kilay. Tila ba tinatantsa ako. 

"Why are you suddenly like that, Marwa?" malambing niyang binanggit ang aking pangalan. 

Halos tumalon ako palabas. Sukdulan na ang pangangatog ng buong sistema ko at hindi ko na talaga iyon nagugustuhan. 

"Bababa na 'ko..." halos binulong ko na lamang iyon. 

Marahan siyang umiling at bumagsak ang tingin sa hawak na manibela. 

"A-Are you annoyed with me?" he whispered softly.

Napakurap ako, hindi malaman ang sasabihin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Kinagat niya ang kaniyang labi at marahang umiling.

"Right. Gawin mo ang mga gusto mo. Bata ka pa nga," aniya. Salubong na ang kaniyang mga kilay. 

Bakit? Ilang taon na ba siya at bakit tila ang laki ng problema niya sa edad ko? Bata! Tingin niya sa akin ay bata? May kung anong gumapang na iritasyon sa akin. Ganoon ang tingin niya sa akin? 

"Hindi na ako bata at lalong wala kang pake sa mga gagawin ko." 

Nilingon niya ako at ngumiti ngunit kitang-kita ko ang iritasyon doon. Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo. 

"I should not care about whatever the fuck you do. Hell, I should not." 

Tila sinampal ang pagkatao ko. Napakurap ako at lumunok. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na tingin ko'y nawawalan ako ng hangin. 

"Pero gustung-gusto ko ito, Marwa. Iyong pinapakialaman ka. Tangina. Gustung-gusto ko." Lalong kumunot ang kaniyang noo. Umiwas siya ng tingin habang ako nama'y tulala.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Para akong kinikiliti ng mga milyung-milyong magugulong nasa tiyan ko. 

Nanginig ang kamay ko nang buksan ko ang pintuan at hindi na lumingon pa nang binagsak ko iyon sa aking likod. Ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko. Ni hindi ko na nagawang magsalita. Basta na lang akong lumabas

Nagbuga ako ng hangin at tulalang pumasok sa coffee shop. Ni hindi ko halos matignan nang mabuti ang paligid ko. Tila ba umiikot ang aking paningin. Pumikit ako nang mariin at pinilig ang ulo. 

Kakaunti na lang ang mga tao kaya naman hindi na ako nahirapan pang isuyod ang aking mga mata. Kaagad kong natanaw si Neal. 

Ngumiti siya at tumayo upang salubungin ako. Sumilay ang kaniyang dimple dahil sa kaniyang ngiti. Puting button down polo shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Mayroon siyang itim na ball cap. 

Wala ako sa sarili nang lumapit sakaniya. May gumugulo sa akin. Patuloy na tumatakbo sa utak ko ang nangyari. Sinuyod ko ng tingin ang salamin na nagsisilbing haligi ng coffee shop. Hindi ko na matanaw ang sasakyan niya. Panigurado ay umalis na iyon. 

Naramdaman ko ang kamay ni Neal sa baywang ko at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Parang hangin lang iyon sa akin. Ni hindi ko naramdaman dahil kung saan-saan napadpad ang utak ko. 

Napalingon ako sakaniya at hilaw akong ngumiti. 

"Gusto mo ba ng milktea bago tayo lumabas?" Aniya. 

Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. 

"Hindi na. May dala kang pagkain, 'di ba? Pwede na iyon." 

Nakita ko ang pagtango niya. Hindi na kami nagtagal pa roon at nagtungo na kami sa condo. 

Hinayaan ko siyang ihanda ang mga pagkain at ako naman ay naligo at nagpalit ng ternong pantulog. Ang mga dala niyang pagkain ay sobra-sobra para sa aming dalawa. Lahat ng iyon ay galing sa isang kilalang pizza parlor. Isang nakakatawang pelikula ang napili naming panoorin. Sa sala kami nanood at parehong tutok ang mga mata namin sa screen. 

Ngunit sa kalagitnaan ng panonood ko ay naglakbay sa malayo ang aking isipan. Ano kayang pakiramdam kung ganito kaming dalawa? Kung siya ang kasama kong manood ng pelikulang ito? Iyong marinig ang mga tawa niya dahil sa mga nakakatawang eksena? Iyong hihilig ako sakaniya at makakatulog doon nang hindi namamalayan.

Bakit ba may parte sa akin na gustong maranasan ang simpleng bagay na iyon? 

Lumunok ako at napakurap. Nilingon ko sa gilid ng aking mga mata ang humahalakhak na si Neal. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa pinapanood habang ako ay hindi ko na makuha kung ano na bang nangyayari sa pelikula.

Iba ang kasama ko... 

Ngunit bakit ginugulo niya ang utak ko? Bakit ko ito hinahayaang mangyari? Ang taong kasama ko ngayon ay walang ibang ginawa kundi ang iparamdam na mahal niya ako. Ramdam ko naman iyon. Ramdam na ramdam ko. Ilang beses ko man siyang tanggihan, nananatili pa rin siya. Ilang beses ko man siyang saktan, nagpapatuloy pa rin siya. Ngunit bakit ang hirap pa rin sa akin? Hindi naman mahirap mahalin si Neal sa totoo lang. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kilalang-kilala ko na siya at ganoon din siya sa akin. Alam niya ang kwento ng buong buhay ko. Ngunit bakit hindi ko siya magawang magustuhan? Gustung-gusto kong turuan ang puso ko sa parteng iyan ngunit bakit hindi ko magawa? Bakit tila ang tabang sa pakiramdam ko tuwing magkasama kami? Walang dating. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba ang hinahanap ko. May kulang...

"Oh god, Marwa. Are you really staring at me?" Natatawa niyang sinabi. 

Umawang ang mga labi ko at nag-iwas ng tingin. Pinilit kong ngumiti at kinuha ang aking inumin sa gilid. 

"Are you finally inlove with me?" May bahid pa rin ng tawa ang kaniyang boses. 

Natigilan ako at nilingon siya. Nakangiti siya at titig na titig sa aking mukha.

Kahit mukhang nagbibiro siya ay hindi ko man lang magawang ngumiti. 

"Sira..." tanging nasabi ko at tumunganga na lang sa screen. 

Nang mga sumunod na araw ay naging matumal ang pangungumusta sa akin ni Mr. Albarenzo. Ilang araw na siyang hindi tumatawag sa akin. Maging si Denver ay ganoon din. Tingin ko ay masyado lang silang abala sa kanilang mga trabaho. Hindi ko naman iyon ininda pa nang husto at hindi ko na rin inisip. 

Hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipad ng oras habang nasa klase. Kulay kahel na ang kalangitan nang matapos iyon. Nag-text sa akin si Neal na hindi niya ako masusundo. Wala naman kaso sa akin iyon. Kaya ko naman magcommute. 

Pagdating sa condo ay wala na akong magawa. Nakakainip talaga kapag mag-isa ka lang. Naiisip ko tuloy ang tiyahin ko. Ni hindi ko alam kung naiisip ba ako niyon.

Naligo ako at nagpalit ng isang malaking asul na t-shirt at shorts. Tumayo ako nang magsawa sa kanonood ng isang reality show. Nagpunta ako ng kusina upang maghanap ng pwedeng hapunan. Wala na halos laman ang ref. Itlog at ilang processed food na lang ang naroon.

Habang nagpri-prito ako ng itlog ay narinig ko ang katok mula sa pintuan. Kumunot ang noo ko at mabilis na tinapos lutuin ang isang itlog bago pagbuksan ang kung sinuman iyon. Nalaglag ang panga ko sa hindi inaasahang panauhin. Ang naka puting longsleeves at pencil skirt na si Zanila ang bumungad sa akin sa pintuan. Naka-ponytail ang buhok at agaw pansin ang malalim na kwelyo ng kaniyang suot kaya naman kitang-kita ang naroon.

Seryoso lamang siya nang harapin ako.

"Well, you won't even invite me to come inside?" Ngumiti siya habang sinusuri ako.

Kumunot ang noo ko at napakurap.

"Uhm, p-pasensiya na. Pasok ka. Halika sa loob," wika ko, nagtataka pa rin.

Hindi ko alam kung anong ipinunta niya rito. Ni hindi sumagi sa akin na bibisitahin niya ako. Tahimik lamang siyang sumunod sa akin. Nilingon ko siya at naabutan kong nakahalukipkip niyang sinusuyod ng tingin ang paligid ng condo. Ngumuso siya nang bumaling sa akin.

"Napakaganda ng condo mo." Malamig niyang sinabi.

Hilaw ang ngiti ko sakaniya. Ano bang pwede kong sabihin? Napaka-awkward para sa akin na nandito siya.

Inilahad ko ang sofa sakaniyang tabi. 

"Uhm, maupo ka. Gusto mo ng juice? O kahit na anong maiinom."

Umangat ang kilay niya at ngumiti sa akin.

"No, I'm fine. I just came here to tell you something. Hindi ako magtatagal," aniya at sumeryoso bigla.

Tumitig ako sa mukha niya. Hindi ko maikakailang magkamukha sila ng kaniyang ina na si Minerva. Lutang na lutang ang pagiging morena niya. 

"K-Kung ganoon, anong sasabihin mo?" Nag-aalangan kong untag. 

Pagod siyang kumurap at humugot ng malalim na buntong-hininga. 

"My dad is in the hospital right now. He was diagnosed with lymphoma cancer. Tatlong linggo na siyang naroon and... he wants to see you. But my mom doesn't like the idea of you visiting him. Alam mo naman na sukdulan ang galit niya sa'yo." 

Nalaglag ang panga ko. 

Nasa ospital si Mr. Albarenzo? Tinambol ang dibdib ko sa nalaman. Kaya pala nitong nakaraan ay hindi siya nakakatawag sa akin upang kumustahin ako. 

"M-Maayos ba ang lagay niya? Bakit ngayon niyo lang ipinaalam?" Kunot-noo kong tanong at hindi naitago ang hinanakit sa tono ko. 

Tamad niya akong inirapan. "Because mom would be furious if we tell you. Hindi ko lang talaga matiis si Dad kaya nagpunta na ako rito para sabihin sa'yo. Kahit si Denver ay pinagbawalan ni Mom na kausapin ka tungkol dito. Kaya ako na mismo ang narito para malaman mo. Inaasahan ko ang pagbisita mo sakaniya. Don't worry, Mom will never know about this. Ako na ang bahala," aniya bago ako iniwan nang walang paalam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 11

    "Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 10

    "Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 9

    Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 8

    "Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 7

    A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A

  • Breathing the Last Love   Extra Chapter 6

    I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status