Share

Chapter 32

Nang maglaho sa paningin ko ang sasakyan ni Hayes ay nagpasya na akong pumasok sa bahay. Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang isa naming kapitbahay. 

"Boypren mo iyon, Marwa? Ang gwapo at mukhang mayaman, ah. May sasakyan!" aniya. Ang dalawang kasama niya ay tumango-tango na para bang sumasang-ayon. 

"Uhm, hindi po." Tipid akong ngumiti. Kahit pa na alam kong nakikitsismis lang sila sa buhay ko ay nanatili akong nakatayo sa labas upang pagbigyan ang mga tanong nila. 

"Asus! Tinatanggi mo pa, eh naka-jackpot ka nga. Dapat proud ka! Sa wakas ay makakabayad na ng utang iyang tiyahin mo." 

Kumunot ang noo ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng iritasyon sa kaniyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Ganiyan ba talaga? Kapag mayaman ang boyfriend o ang asawa mo at ikaw ay dukha lang, ganiyan ang iniisip ng iba? Tanginang mindset iyan! Hindi i-set ng maayos! 

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status