Share

Chapter 12

Ilang sandali pang nanatili si Neal bago siya nagpasiyang umuwi. Kahit pilitin niyang maging masigla sa harap ko, hindi ko pa rin mapalampas ang salungat na sinasabi ng mga mata niya. Sobra akong nagui-guilty. Alam ko na naapektuhan siya sa ginawa ko. Ngunit mas lalo lamang akong hindi mapapayapa kung hindi ko sasabihin ang katotohanan. Alam ko na maiintindihan niya. Sana lang ay maintindihan niya... 

Ngunit mukhang malabo ang gusto kong mangyari. Isang numero ang tumawag sa akin, sa kalagitnaan ng hating gabi. Alas dos ng madaling araw sabi ng orasan. Ni hindi ko pa magawang buksan ang mga mata ko mula sa malalim na pagtulog. Bakit naman ganitong oras tumatawag ang kung sinuman ito? 

"Hello..." 

"Marwa! Thank God! You answered my call!" Kasunod niyon ang matinding hagulgol ng nasa kabilang linya. 

Nanlaki ang mga mata ko. 

"Hello? M-Mrs. Lucy? Kayo po ba iyan?" 

Tila nagising ang buong pagkatao ko ng dahil doon. Sigurado akong si Mrs. Lucy ang tumawag! At umiiyak siya. Binundol ng kaba ang dibdib ko. 

Napaupo ako sa kama at laglag ang panga ko habang nakikinig sakaniya. 

"Marwa, my son needs you. He's in the hospital! Naaksidente siya! Ikaw lang ang gusto niyang makita ngayon. He's so much in pain right now! Takot ako sa dugo! Oh my God! I don't know what to do! I can't even look at him! Naaawa ako sa anak ko. Puntahan mo siya. Ikaw lang ang hinahanap niya. Oh God..." Patuloy ang paghagulgol niya. 

Tumindig ang balahibo ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa sa gagawin. Mabilis akong tumayo at nag-ayos ng sarili. Dalawang minutong mabilisang paghihilamos ang ginawa ko. Tanging isang puting t-shirt at maong shorts ang sinuot ko. Nagpatong na lang ako ng itim na jacket upang panangga sa lamig sa labas.

Mabilis akong nagpunta sa silid na nabanggit ni Mrs. Lucy. Nalaglag ang panga ko nang maabutan si Neal na may benda sa ulo. Mahimbing na ang pagtulog niya. Si Mrs. Lucy ay nakaupo sa gilid ng kama at magang-magang ang mga mata nang tinignan ako. Ang kaniyang asawa ay nakatayo lamang sa gilid niya. Pareho silang nakapantulog pa. Marahil ay sa sobrang pag-aalala ay hindi na nakapag-ayos ng sarili. Nahagip ng tingin ko ang isang lalaking naka-uniporme ng isang fast food.

Tumayo ang ginang at sinalubong ako. Hinaplos ko ang kaniyang likod nang magsimula siyang umiyak. 

"Pagdating namin dito ay pangalan mo lang ang binabanggit niya. Hanggang sa mawalan siya ng malay.  Anong nangyari, Marwa? Nag-away ba kayo?" Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at tinitigan akong mabuti mula sa namumugtong mga mata. 

Nag-iwas ako ng tingin. Tinanaw ko si Neal. 

Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa nangyari kanina sa condo. Ang pagtanggi ko sakaniya. Hindi ko yata kakayanin kung dahil ito roon. 

Bumitaw ang ginang at hinayaan akong lapitan si Neal. 

Ilang sandali pa nang may dalawang unipormadong pulis ang pumasok sa silid. 

"Lasing na lasing po ang anak ninyo. Nasagi niya ang isang pampasaherong jeep bago sumalpok sa barrier. Iyon ang sabi ng ating saksi. Mabuti na lang dahil madaling araw, wala nang pasahero. Kung nagkataon, baka humantong pa sa mas malala ang nangyari. Minor injury lang naman po ang napala niyong driver ng jeep. Pumayag naman siyang makipag-areglo sainyo," wika ng pulis. 

"Pabalik po ako sa shop, nag-deliver ako ng in-order. Nagulat na lang po ako nang may dumaan sa gilid ko na sobrang bilis ng takbo. Akala ko nga po magigitgitan ako. Hanggang sa makita kong sumagi siya sa jeep at ayun na nga, ang lakas ng pagkakasalpok niya sa barrier," kwento ng saksi. 

Kunot ang noo ng ama ni Neal habang nakikinig.

"Tsaka sino po ba iyong Marwa? Girlfriend niya po ba? Iyon lang sinasabi niya noong nilapitan ko. Tapos nakita ko iyong cellphone niya sa sahig ng kotse niya. Pinakialaman ko na lang at tumingin sa mga tinawagan niya. Iyong naka-save na Marwa ang unang nasa dial niya kaya iyon na lang din ang tinawagan ko gamit ang telepono niya bago ako tumawag ng pulis."

"Ikaw siguro si Marwa, 'no?" Lumipad ang tingin nito sa akin. Malapad siyang ngumiti. Tumango lamang ako. 

"Nag-away siguro kayo? Kaya naglasing. Naku! Huwag mong hahayaang umalis siya kapag masama ang loob niyo sa isa't isa. Tiyak na may hindi magandang mangyayari," aniya na ikinagulat ko.

Naramdaman ko ang titig ni Mrs. Lucy. 

Nag-iwas ako ng tingin. Pakiramdam ko tuloy, mayroon akong pananagutan sa nangyari.

Tinuon ko na lamang ang atensiyon ko kay Neal. 

"Hindi ka pa ba hinahanap sa trabaho? Sapat na iyong mga sinabi mo. Pwede ka nang mauna," ang pulis. 

Naging tahimik ang silid nang kaming tatlo na lamang ang natira. Nagbalik sa tabing kama si Mrs. Lucy at hinaplos ang anak. Ang asawa naman nito ay lumabas upang may kausapin sa telepono. Nasa kabilang banda ako ng kama. Ilang sandali pa nang pumasok ang isang lalaking doktor. Kasunod niyon ang pagpasok ni Mr. Montevilla. 

"Nagkaroon siya ng concussion. It is a mild traumatic brain injury," sabi ng doktor. 

Kumunot ang noo ng ginang ngunit litaw pa rin ang pag-aalala. Maging ako man ay hindi maiwasang kabahan. Kahit pa na sinabi ng doktor na mild lang daw ang nabanggit. 

"It is usually not life-threatening but it can cause serious symptoms that require medical treatment. Most concussions don't require surgery. Ganoon din ang sa anak ninyo." 

"Kung ganoon, ano ang mga dapat naming gawin for him to be able to be completely okay?" Si Mr. Marus. 

"I suggest if he's into sports or any strenuous activities, mas makabubuti kung iwasan niya muna iyon. Maaari siyang magkaroon ng second impact syndrome which can increase the chances of severe brain swelling kung nagkataon. It's important to take time to rest. At... lasing ba siya kaya naaksidente?" Lumingon ito sa akin. Tumango ako, hindi malaman ang sasabihin. 

"And about that, iwasan muna niya ang pag-inom ng alcohol."

Iyon ang naging bilin ng doktor bago kami iwan. Gising na gising ako. Hindi ko namalayan na umabot kami ng alas sais sa paghihintay na magising si Neal. Sinabi ng doktor na anumang oras na ito ay maaari siyang magising. Ang mag-asawa ay nagpaalam lumabas upang bumili ng makakain. May pasok pa ako. Ngunit mas importante na dumito muna ako upang bantayan si Neal. 

Hawak ko ang kamay niya nang maramdaman kong gumalaw ito kasunod niyon ang unti-unti niyang paggising. 

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at napatayo upang mas masilayan siya. 

Gising na nga siya! 

"Neal!" Hindi ko mapigilan ang sariling yumakap sakaniya kahit sandali lang. Mabilis din akong lumayo sa takot na baka kung mapaano siya. 

Humigpit ang kaniyang hawak sa aking kamay. 

"I'm so happy to see you here." Nanghihina pa ang kaniyang boses. Ngumiwi siya nang sinubukan niyang gumalaw. 

"Huwag kang malikot. Nasa labas ang parents mo, may binili lang." Umupo ulit ako. 

Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. Siguro ay masakit pa ang kaniyang pakiramdam. Mayroon siyang malaking pasa sakaniyang pisngi at ilang mga galos. 

"Ikaw lang talaga ang gusto kong makita ngayon, Marwa. Did I make you worried? I'm sorry..."

Huminga ako nang malalim. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Napapikit siya ng dahil doon. 

"Sobra kaming nag-alala, Neal. Dapat ay hindi ka na nagmaneho gayong alam mong lasing ka." 

Dinala niya ang kamay ko sakaniyang mga labi. Marahan niyang hinalikan iyon. 

"It's not my fault. It's yours. You broke my heart... again," aniya sa kamay ko. 

Natigilan ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano. Pagod lang siyang ngumiti at ibinaba ang mga kamay namin sa gilid niya. 

Napakurap ako at pasimpleng binawi ang aking kamay. 

Kung totoo man iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Maguilty? May parte sa akin ngunit hindi ko ginustong humantong sa ganito ang pag-uusap naming iyon. 

"Neal, magpahinga ka na muna. Hintayin natin ang parents mo. Ipapaalam natin sa doktor ang paggising mo," marahan kong sinabi habang inaayos ang kaniyang kumot. 

"Don't leave me, Marwa," nanginig ang boses niya. 

Tinitigan ko ang kaniyang mukha. He looked so tired. Iniwas ko ang tingin sakaniya dahil sa naramdamang guilt. 

"I won't. Dito lang ako. Hindi ako papasok. Babantayan kita. Pero kailangan kong bumalik sa condo para magpalit. Babalik ako kaagad." 

"Mamaya na iyon. Dito ka muna. Please..."

Marahan kong pinakawalan ang hangin.

"Oo. Mamaya." 

Agad na dinaluhan ni Mrs. Lucy si Neal nang makita itong gising na. Nakasunod sakaniya si Mr. Marus na may dalang mga brown paper bag mula sa isang restaurant.

"Sweetheart, are you okay? How do you feel? Do you want anything? Masakit ba ang mga sugat mo? Bakit ka kasi nagmamaneho nang nakainom? Mommy was so worried, anak..." 

Nakaupo na ngayon si Neal sakaniyang kama. Tumayo ako at humalukipkip. 

Mabilis akong nilingon ni Neal nang makita ang pagtayo ko.

"Marus, call the doctor!" Saad ng ginang. 

"Marwa, umupo ka rito. Ano? Aalis ka na ba? 'Di ba sabi ko, rito ka lang? Naaksidente na nga ako't lahat, hindi mo pa rin ako mapagbigyan?" Hindi nakatakas sa akin ang pait doon.

Napalunok ako lalo pa nang makita ang titig ni Mrs. Lucy. 

"Mamaya ako aalis, Neal," bulong ko dahil sa nararamdaman. Ngumiti ako. 

Tahimik lamang ako habang kinakamusta ni Mrs. Lucy ang anak. Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala niya. Pinagmasdan ko ang pagiging tulala ni Neal ilang sandali. Tila ba maraming iniisip. 

Inasikaso siya ng isang pumasok na nurse. Naghintay kaming matapos iyon at tsaka ako sumubok na magpaalam upang bumalik sa condo. 

"Marwa, kumain ka na muna, hija. Magkape ka. I'm sure you're sleepy right now," ani Mrs. Lucy at lumapit sa akin upang iabot ang kape.

Si Mr. Marus ay nakaupo at humihigop sakaniyang kape. Tahimik siyang nakikinig sa amin.

Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Si Neal ay nakasandal sa headboard ng kaniyang kama at nakapikit. Tingin ko'y hindi naman siya natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya at mabilis siyang dumilat dahil doon. 

"Babalik muna ako sa condo. Hindi ako magtatagal," wika ko. 

Ilang sandali siyang hindi sumagot. Tinitigan niya lamang ako. 

Kinagat ko ang labi ko.

"Ikaw ang bahala," malamig niyang tugon at nag-iwas ng tingin.

Pagdating sa condo ay ang pagluluto ng almusal ang pinagkaabalahan ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Alas nuebe na ng umaga at unti-unti kong naramdaman ang pagdalaw ng mapanuksong antok habang nagpri-prito ng nuggets. 

Nakita ko ang text ni Sania na nagtatanong kung papasok ba ako. Alas otso ang klase namin. Paniguradong nasa kalagitnaan na siya ng klase ngayon kaya hindi na ako pwedeng tumawag. Nagtipa na lamang ako ng mensahe.

– Hindi ako papasok ngayon. Naaksidente si Neal. Pero maayos na ang lagay niya. Babantayan ko siya sa ospital. Pakisabi na lang sa mga teacher natin. 

Pasado alas dose na nang makabalik ako sa ospital. Isang white strapless top at high waisted jeans ang suot ko. Binalot ko ang suot gamit ang isang itim na cardigan. Medyo natagalan ako dahil sinubukan ko munang umidlip kahit isang oras lang.

Kumatok ako sa silid ng ospital bago pumasok. Halos umatras ako pabalik nang makita kung sino ang naroon. 

Si Minerva na nakapulang maxi dress ay kausap si Mrs. Lucy. Agad lumipad ang tingin niya sa akin at awtomatikong nabura ang ngiti sa kung anuman ang pinag-uusapan kanina. Umasim kaagad ang mukha nito. Inilibot ko ang tingin sa silid, nagbabakasakaling kasama niya si Mr. Albarenzo ngunit hindi ko siya mahagilap. Tingin ko ay si Minerva lang ang nagpunta. 

Nanigas ang katawan ko sa pintuan. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong tumuloy sa naabutan. Naroon din ang kapatid ni Neal.

Ngumiti siya nang matanaw ako. I awkwardly smiled at her. 

"She's here!" Ngiti ni Neal nang namataan ako. 

Mayroong mga prutas at pagkain sa mesa na tingin ko'y dala ng mga panauhin. 

Kitang-kita ko ang pag-ismid ni Minerva ngunit nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Mrs. Lucy. 

Sinara ko ang pintuan sa aking likod at mabibigat ang mga hakbang lumapit sa kama ni Neal. Ngayong narito ang buo niyang pamilya ay hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko rito. 

Inilahad sa akin ni Prezila ang upuan sa gilid ng kama. 

"Umupo ka, Marwa. Thank you for visiting my brother. I heard they immediately contacted you as soon as my brother got here in the hospital. Pasensiya ka na." Kitang-kita ko ang sinseridad doon. Para bang nahihiya pa siya sa akin dahil sa nangyari. 

"Naku. Hindi iyon problema sa akin, P-Prezila," wika ko. 

"Ewan ko ba rito kay Neal. Pinipilit uminom ng marami, hindi naman pala kaya. Act your age naman, Neal! Be responsible! Hindi lang ikaw ang nasa daan! Dapat iniisip mong may ibang pwedeng madamay kung magmamaneho ka nang lasing!" Umirap si Prezila sakaniyang kapatid. 

Ngumiwi lamang si Neal at binaling sa akin ang atensiyon.

"Have you eaten your lunch? Sasamahan kita sa labas," aniya na ikinagulat ko. 

Maging si Prezila rin ay hindi naitago ang gulat sa narinig. 

"Hindi ka pa pwedeng kumilos, Neal. Look at yourself!" Singhal ni Prezila. 

"I'm fine. Itong benda lang sa ulo ko ang dahilan kaya mukha akong baldado sa'yo but I'm not. Wala ng masakit sa akin," medyo iritado ang tono ni Neal. 

"Neal, hindi dahil pakiramdam mo ayos ka, maayos ka nga. Hintayin natin ang sasabihin ng doktor. Tsaka kaya kong bumili ng pagkain nang mag-isa. Huwag mo nang alalahanin pa iyon," marahan kong wika.

"Katawan ko ito. Alam ko kung may masakit o wala. Normal na ang pakiramdam ko, Marwa. Mom, hindi pa ba ako pwedeng i-discharge? I hate this place!"

"Hijo, hindi naman ako papayag na lumabas ka sa araw na ito mismo. I want you to be perfectly fine bago ka namin iuwi," pinal ang tono ni Mrs. Lucy. 

Ngayon ay nakatingin na sila sa banda namin. Kitang-kita ko ang pag-irap ni Minerva nang magtama ang tingin namin. Humalukipkip siya at sinuyod ng tingin ang buong pagkatao ko. 

Hinintay ko ang mga posiblen niyang hirit ngunit walang dumating. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa payapang pagbisita niya kahit naroon ako. Tanging mga irap at ismid lang ang mga ibinibigay niya. 

Kahapon lang na-discharge si Neal mula sa ospital. Nanatili pa siya ng dalawang araw doon dahil iyon ang bilin ng doktor. Kaya sa loob ng dalawang araw din na iyon ay lumiban ako sa klase. Ngayong araw akong muling pumasok. 

Sumalungat na ang direksiyon namin nina Sania nang makalabas ng eskwelahan. Binabalot na ng dilim ang buong paligid. Isang pamilyar na itim na SUV ang natanaw ko pagkatapos ng ilang mga hakbang. Para akong lumulutang nang mamataan ang lalaking nakahilig sa pintuan niyon. Sapat na ang mga ilaw sa paligid ng kalsadang ito upang masiguro kung sino ang lalaking iyon. Binubunbol na ng kaba ang dibdib ko habang papalapit. Diretso ang malamig na tingin niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status