Share

Chapter 11

Nauna akong pumasok sa lomihan. Bumungad sa pang-amoy ko ang nakakagutom na amoy ng ginisang bawang at sibuyas. Medyo malaki ang kainan at hindi sosobra sa sampu ang mga kwadradong plastic na lamesa. Bukod sa lomi ay mayroon din silang mga tinapay. Nilingon ko si Hayes na nakasunod sa akin. Sobrang out of place niya sa lugar. Mukha siyang naligaw sa maliit na lomihan na ito. Pakiramdam ko ay hindi bagay sakaniya ang kumain sa mga ganito. Ayos lang kaya sakaniya ang amoy ng ginigisa nila sa kung saan? 

"I'm gonna keep this. Okay lang ba iyon?" He suddenly asked. 

Natigilan ako. Naglakbay ang aking isipan. Itatago niya ang panyo ko? Hindi ko alam pero may parte sa aking nagbunyi. Bakit gusto ko ang ideya niyang iyon? Pakiramdam ko ay tama lang na hindi niya iyon ibalik. Sa mga ganitong simpleng bagay, hinahaplos ang puso ko. Hindi ko alam na posible pala iyon. Kahit ano pang kaba ko sa tuwing magkalapit kami, hindi ko maitatanggi ang pagdidiwang ng puso ko sa presensiya niya. 

Tipid ang naging pagtango ko. "Walang problema. Mura lang naman iyan." I laughed to hide my nervousness. 

Sumunod ang tingin ko sa panyong binulsa niya. 

"What do you want? Ako na ang o-order. Maupo ka na," aniya habang humuhugot ng monoblock chair sa malapit na mesa. 

Ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa sinabi niya. Sigurado ba siya? Buong akala ko ay hahayaan niya akong umorder at siya ang uupo dahil ako naman ang gustong kumain dito. Tinaasan niya ako ng kilay, tila ba nagtataka sa reaksiyon ko. Hinihintay niya akong maupo. Sumunod na lang ako sa gusto niyang mangyari. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. 

"Uhm, lomi sa akin."

Tumango siya at hinawi ang buhok. 

"Iyon lang ba?" He asked. 

"Iyon lang," tipid kong sagot. Hinugot ko ang isang daan sa bulsa ng aking blouse. 

"Dalhin mo itong one hundred. Kasya naman iyan panigurado."

He gave me an incredulous look. Tila ba nagtataka. 

"Keep it," tanging sinabi niya bago ako nilayasan. 

Naiwan ang kamay ko sa ere. Pinanood ko siyang magpunta sa kahera. Nagkibit-balikat ako at binalik na lang ang pera sa bulsa.

Kitang-kita ko ang mga mata ng mga bumibili na nakatingin sakaniya. Natanaw ko pa ang kalapit lamesa na may dalawang babaeng kumakain, tutok na tutok kay Hayes. 

Nang tumingin ang isang babae sa akin ay kinunotan ko siya ng noo. Para naman alam niyang hindi ako natutuwa sakanila. Makatitig, ah? Tusukin ko mata niyo, e.

Bumalik siya na dala ang isang tray. Dalawang mangkok ng lomi at bottled water ang naroon. Nilapag niya sa harap ko ang isa. 

Ngumuso ako habang pinapanood siyang ginagawa iyon. Napabaling ako sa kalapit na mesa. Nahuli ko ang mga mata ng naroon. Ang isa ay humihigop ng sabaw mula sa kutsara. Nakita ko ang pagdaing nito dahil sa init ng sabaw. Sa katititig ay hindi niya na hinihipan! 

"Madalas ka ba rito? Sinong kasama mong kumakain?" Untag niya habang pinipisil ang kalamansi sa mangkok ko gamit ang tinidor para hindi masama ang buto. Nahiya ako dahil doon at sinubukan siyang pigilan ngunit agad din niya iyon natapos kaya hinayaan ko na lang siya. Para bang normal lang sakaniya ang kumain sa ganito. 

"Madalas ang mga kaibigan ko. Sina Trixi." Nagbanggit pa ako ng pangalan na para bang kilala niya ang mga iyon. 

"Oh? Mukhang nakakaganang kumain sa mga ganito. Naaamoy ko ang ginigisa nila," puna niya bago damputin ang kutsara. 

"Oo naman. Hindi ka lang siguro pamilyar dahil hindi ka naman nagpupunta sa mga ganito, hindi ba?" Ngumiti ako. 

Hinigop ko ang mainit na sabaw at namangha sa linamnam nito na hindi nagbabago. 

"Tama ka. Pero tingin ko mapapadalas na ako sa mga ganito ngayon. Nakakasawa na rin ang mga pagkain sa mansiyon." He chuckled.

Hindi ko halos maubos ang lomi. Mas maraming oras pa yata ang nilaan ko sa kanonood sakaniyang kumain. Uminit ang pisngi ko nang maabutan niya akong nakatingin sakaniya. Umangat ang kilay niya at nagkunwari na lang akong kumakain ulit. 

Sa dalawang linggong lumipas, hindi ko siya nakita sa mansiyon noong nasa feeding program. Hindi ko alam kung hindi lang siya lumalabas o sadyang wala siya roon. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kasambahay dito. Hindi naman na dapat tinatanong pa iyon kaya bakit pa ako magtatanong. At kahit malabong mangyari, sa bawat paglabas ko ng eskwelahan ay umaasa akong bubungad siya sa akin tulad noong nangyari. 

Pumikit ako nang mariin. Hindi naman dapat ganito. Halos sabunutan ko ang sarili sa mga pumapasok sa utak ko. 

"Martheliwa Carmeli!" Nagulantang ako sa sigaw ng aming guro. Salubong ang kilay niya habang tinatanaw ako mula sakaniyang salamin. 

Umayos ako ng upo at binaba ang aking ballpen. 

Uminit ang pisngi ko sa nangyari. Narinig ko ang munting hagikgik ni Sania sa tabi ko. 

"Bakit ka tulala? Would you mind  sharing your thoughts with us?" May diin niyang sinabi. 

"Uhm, sorry po," sabi ko na lang at binagsak ang tingin sa notebook. 

Pumatak ang alas singko ng hapon, hudyat ng katapusan ng klase para sa araw na iyon. Natanaw ko si Neal na nakahilig sakaniyang SUV. Mabilis siyang lumapit nang makita ako.

"Una na kami, Neal! Marwa! Bye! Ingat kayo!" Paalam nina Julia.

Ngumiti ako at hinayaan silang lumisan. 

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, tila may hinahanap. Ngunit tanging mga dumadaang estudyante at ilang sasakyan lang ang dumadaan. Wala roon ang gusto kong makita. 

Umaasa ka na naman na pupunta iyon dito, Marwa? Unang beses at paniguradong iyon na ang huli. Hindi naman siguro iyon palaging dumadaan dito, 'no! Napadaan lang talaga siya noong araw na iyon.

Ngumuso ako at binalik ang tingin kay Neal. 

"I'm sorry, minsan na lang kita naihahatid. Sobrang abala sa school. Gusto ko ng bumilis ang panahon, Marwa. Nang ma-handle ko na ang kompanya namin. Ikaw ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Para maging proud kana sa akin." He smiled. 

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero na-guilty ako sa sinabi niya. May kung ano sa utak ko na hindi ko maintindihan. Ako ang inspirasyon niya, samantalang ni hindi siya parte sa mga plano ko sa buhay. I suddenly felt so bad about myself. Bakit ko ito nagagawa sa isang taong walang iba ginawa kundi ang maging mabuti sa akin? 

"Do you want to eat somewhere bago kita ihatid?" Untag niya nang mapansing hindi ako sumagot. 

"Hindi na. Sa condo na lang ako kakain." 

Sa loob ng sasakyan ni Neal, marami siyang baong kwento. Sinisikap ko ang sarili kong maging responsive sakaniya kahit pa na ang totoo ay wala na ako sa mood. Hindi ko alam. Siguro ay dahil sa pagod. 

"Pwede bang pumasok? Maaga pa naman," aniya nang nasa tapat na kami ng condo. 

Nagdalawang isip pa ako sa isasagot ngunit tumango na lang din. 

Agad akong nagbihis at pagkatapos ay dumiretso sa kusina kung nasaan si Neal. Isang puting t-shirt at pajama ang sinuot ko. Mamaya na lang ako maliligo pagkaalis ni Neal. Hinanda niya na sa mesa ang dala niyang pagkain mula sa isang fast food. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain. 

"What are your plans for college?" Aniya habang kinukuha ang balat ng kaniyang manok.

Naalala ko ang nangyari sa dinner kasama ang pamilya ni Mr. Albarenzo. Nabanggit niya roon na sa Germany niya ako balak dalhin kapag college. Hindi ko pa iyon napag-iisipan. At hindi ko alam kung nakikita ko ba ang sarili kong sasang-ayunan ang kagustuhan niyang iyon.

"Magta-take ng interior designing," tipid kong sagot bago isubo ang manok at kanin. 

"Iyon na talaga ang gusto mo? Sabagay. Ayaw mong... ayaw mong magdoktor o business management? Hindi ba't may ospital si Tito Richard? Hindi malayo na magkaroon ka ng parte roon." 

"Hindi ako interesado sa medical field," I said matter of factly. Dumampot ako ng fries. 

Hinayaan ko ang katahimikan sa pagitan namin pagkatapos noon. 

Nilingon ko siya nang may nilabas siya mula sakaniyang bulsa. It was a pink box with black ribbon around it. Tila napigtas ang paghinga ko roon. 

Nalaglag ang panga ko nang makita ang isang makinang na diamond ring sa loob! 

"Neal..." Tinambol ang puso ko. Hindi ko gusto ang nangyayari. 

"Marwa, chill." He chuckled. 

Kumunot ang noo ko. 

"This is just a promise ring. A promise that I will marry you... when the right time comes. Sa oras na mahal mo na rin ako," he said slowly.

Nag-angat ako ng sakaniya. Gumanti siya ng tingin. And then it hit me. Someone would make you feel the strangest feelings in this ridiculous world which you will never feel towards anyone. 

At hindi siya 'yon.

Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Neal, wala akong ibang naramdaman kundi pagiging kumportable tuwing magkasama kami. Masaya ako tuwing nariyan siya. He's my best friend. Kahit pa na hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdaman niya para sa akin, hindi kailanman nagbago ang tingin ko sakaniya. I feel like it's just normal to be with him. I've never been worried about his feelings for me. Siguro nga ay ganoon talaga. May mga taong mananatiling kaibigan... at hanggang doon lang. 

Kinuha niya ang kamay ko ngunit agad ko iyon iniwas. I saw fear in his eyes as I tried to juggle my thoughts. 

"Neal..." Umiling ako. 

Mabigat ang pinakawalan niyang paghinga. Tumitig siya sa box. Kinagat ko ang labi ko at nainis sa sarili. I hate seeing him like this. Ayaw ko nang nakikita siyang nasasaktan. He's my bestfriend. He deserves all the happiness.

"This is not the right time. Maybe..." Hirap na hirap akong hagilapin ang mga tamang salita. Pumikit ako nang mariin. "Someday, matutunan kitang mahalin. Balang araw, Neal."

Ni hindi ako sigurado sa sinabi. Gusto ko lang ay maging maayos siya. Hindi iyong ganitong nakikita ko siyang bigong-bigo sa harapan ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status